Sunday, January 7, 2018

Bethlehem without borders

By Teresa R. Tunay, OCDS  On my last birthday, I was struck by the cruel truth that I will this year be celebrating my 73rd Christmas.  Seventy-three, OmG, it’s like ice water thrown at my face.
I usually dedicate my birth month to examining my life and meditating on mortality—and it helps that it’s the month of all Saints and all souls.  Last November turned out to be nostalgic—which confronted me with the fact of aging, because nostalgia is a right most deserved by those coming closer and closer to the grave.  Thinking, “God, how many more Christmases will You give me before You finally call me back?”, I reviewed my Christmases as far back as memory could take me, and asked myself which of those brought me closest to the baby Jesus.  It’s a no-brainer: the Christmas that did this was that which etched itself earliest in my memory—with the help of the creche in my Uncle Jose Fermin’s house, painstakingly put together by his wife, Tita Chol.
This “belen” was the highlight of my childhood Christmases—a huge table by the Christmas tree (live pine) covered with sand to contain a miniature Bethlehem, not only Mary, Joseph and the baby in a manger, but also the Three Kings, a caravan of camels, shepherds and sheep, goats, cattle, a rooster (!), and an angel floating over the manger and holding a ribbon that said “Gloria in Excelsis Deo”.  These plaster figurines fascinated me endlessly, introduced me to Bethlehem, and fuelled my imagination as I fondled them, in the same way that maybe a little boy today would play war games in his mind with plastic soldiers or “Star Wars” figurines.
The “belen” would since then accompany me through life.  When I was a young girl, Christmas decorating was a family affair where everybody had an assignment; I was expected to help make the “parol”.   When I reached my teens, I was put in charge of the “belen”, but my creations were nowhere near Tita Chol’s elaborate tableau—just a few cardboard cut-outs of the most important characters propped up on a bed of “hay” on top of the television cabinet, or a ready-made “scayola” set placed beneath the seven-foot Christmas tree, among the gift-wrapped empty boxes.
 However, there was one Christmas I was too busy to keep up with the “belen” tradition—being in the thick of preparations for a wedding.  In fact, on Christmas night, my fiancé and I were in Quiapo, ordering flowers for our wedding the next morning.  
The time came to bring Bethlehem to our own cozy home through a “belen” for our little son.  It was fun to craft my own nativity scene from cardboard cones and crepe paper, at times supplementing the catechesis with an assortment of pretty nativity-themed Christmas cards collected through the years.
It was exhausting for me in my 20s to braid together career and homemaking (I was wife, mother, tutor, nurse, yaya, diplomat, psychologist, etc.) so that there were Christmases without any manger scene at all in our house—just a white Christmas tree fashioned from tissue paper and shiny balls, or worse, a foldaway meter-tall plastic evergreen, a mere ghost of the fresh pine Christmas tree of my childhood.  (By then it was already a crime of sorts to cut down Baguio pine trees).   But what we didn’t have in the house we enjoyed outside of it; we would drive around to gawk at life-size crèches in town plazas and churches, and the motorized Christmas tableau that was then the pride of COD Department Store in Cubao, and years later, Greenhills.
One day we received a Balikbayan box from the United States; inside was—Wow!—a 19-piece ceramic nativity set my mother-in-law Flor de Liz had painted at an arts-and-crafts class for senior citizens!  How sweet of her!  With lights, décor, and props added, it was to become a conversation piece for many many years in our modest home, so gorgeous even Tita Chol would have loved it!  But now… what’s left of the set is stashed away in a storeroom; I don’t think I’ll ever want to put it up again.
I had lent the whole set to a retreat house, putting it up myself.  I was happy to share my joy to so many retreatants and guests, but when it came back to me, the Baby Jesus was missing, and a lamb, and a camel, too!  Were they broken?  Pocketed by some child who couldn’t resist their cuteness?  None of the staff could tell—as though the trio merely vanished into thin air.  It saddened me a bit, for what’s a crèche without Baby Jesus?  Never mind the sheep and the camel. 
Now that I’m recalling its glory days, and about to savor my 73rd Christmas, I find that the nativity’s magic can still transport me back to the age of innocence, imagining that the Baby Jesus (after years of being displayed in our living room) had grown tall enough to mount a camel and look for the lost lamb.  “That’s why they disappeared,” I tell myself and muse, “for all I know I was the lost lamb, with one leg caught in quick sand, slowly being sucked into a system that served many gods but had no time for the One True God.”  Irony of ironies, in reality I’d gotten lost while looking frantically for God, unaware that in my meandering He was looking for me.
Do I now have a nativity scene at home?  No, I don’t.  Tell me if it’s due to old age.  In the Holy Land where over several years I have escorted pilgrims five times, I have strolled in the Shepherds’ field in Bethlehem, venerated the place of His birth, walked down Via Dolorosa bearing a token cross, done the whole pilgrim route over and over again it’s like the classic “been there, done that”.  It matters little to me now whether or not I have a crèche in my “hermitage”, but I do seriously wonder how Jesus would feel about the state of Bethlehem today, in the light of the Israeli-Palestinian conflict, this endless fight over borders.  A carol rings between my ears: “O little town of Bethlehem, how still we see thee lie…”  I cannot say Bethlehem today lies still.  Peace is elusive in the place where the Prince of Peace was born.  Were Jesus to revisit Bethlehem today as man, would he weep over it as he did over Jerusalem before he was crucified?  And would he be welcome there?
We can outgrow Santa Claus, but we should never outgrow Bethlehem.  In spite of all that Bethlehem has been through, we continue to celebrate the fact that our Savior was born there, and pray that one day we can say to the Lord Himself, “I am Bethlehem; come, be born in me.”  The carol reverberates inside my head: “O Holy Child of Bethlehem, descend to us, we pray.  Cast out our sin and enter in, be born to us today…”  As I write this, I pray that each of us may become a Bethlehem without borders, witnessing to the love of God for all mankind.  And that's the truth.






Friday, January 5, 2018

Ang Panday

DIRECTOR: Rodel Nacianceno  LEAD CAST: Coco Martin, Jake Cuenca, Gloria Romero  SCREENWRITER:  Joey Mercado, Rodel Nacianceno  PRODUCER: Coco Martin  CINEMATOGRAPHER: Odie Flores  DISTRIBUTOR: Star Cinema, Viva Films  GENRE: Action/Fantasy  LOCATION: Manila, Philippines  RUNNING TIME: 128 minutes
Technical assessment: 3
Moral assessment: 3
MTRCB Rating: G
CINEMA Rating: V13 (Ages 13 and below with parental guidance)
Si Flavio ang Panday sa ikatlong henerasyon. Matapos mapatay ang kanyang mga magulang ng mga aswang na kampon ni Lizardo, inilayo si Flavio sa lugar na iyon ng kumadronang si Rosa Batungbakal (Jaclyn Jose) na nagpaluwal sa kanya, inako at inangkin bilang tunay na apo.  Lumaki si Flavio sa Tondo na isang tindero ng mga itak at kutsilyo—kasama ang ilan pang mga batang inampon ng kanyang “lola Rosa” (Gloria Romero)—at bagama’t mabuti sa pamilya ay palagi naming nasasangkot sa kaguluhan at basag-ulo.  Samantala si Lizardo (Jake Cuenca) ay magpapakawala ng mga alagang asuwang upang mambiktima ng mga tao at dumami sila hanggang sa masakop nila ang mundo.  Sa pagsalakay ng mga asuwang at nalalapit na kabilugan ng buwan ay maaring magtagumpay si Lizardo na sakupin ang mundo kaya darating ang isang matandang ermitanyo at sa tulong na kanyang Itim na Aklat ay papayuhan si Flavio na magsanay na upang makuha nito ang mahiwagang balaraw na tanging siya lamang ang  makakagamit, at tuluyang pigilan ang balak ni Lizardo.
Sanga-sanga ang kuwento ng pinakahuling hain ng orihinal na epic sa komiks ni Carlo J. Caparas na Ang Panday. Parang pinilit lang ang konseptong tagapagligtas ng mundo sa karakter ng sangganong si Flavio lalo na ang bigyan siya ng partner na tila isa lamang dekorasyon sa pelikula.  Gayunpaman makikitaan ng pagsisikap ang direktor at manunulat na bigyan ng bagong trato ang epiko tulad ng rap music, motorsiklo para kay Flavio, pinaghalong aksyon-komedya, at makabagong visual effects na nakadagdag  ng aliw sa pelikula.  Pamilyar ang mukha ng mga gumanap sa pelikula na pawang mga kasama ni Martin sa kanyang palabas sa telebisyon.  Nakalito naman ang casting sa komadronang si Rosa pagkat sobrang layo ng hitsura ng batang Rosa (Jaclyn Jose) sa matandang Rosa (Gloria Romero).  (Bakit kaya hindi na lang pinatanda ng makeup si Jose para gumanap sa matandang Rosa?)  Magaling ang direktor dahil sa kabila ng mahinang istorya at predictable na wakas ay naging kasabik-sabik ang mga eksenang may aksiyon at visual effects (maaaring makatakot sa malilit na bata ang mga aswang), gayundin ang mga sinasambit na linya.  Maayos ang kuha ng kamera sa pagpapakita ng  kapaligiran sa Tondo na kinalakhan ni Flavio at ang mga aerial shots na ginamit sa pagpapalit ng mga eksena.  Samantala tila hindi nabigyan ng pansin ang mga tunog at sound bites na inilapat—maingay masyado ang pelikula lalo na ang mga eksena sa kalsada, halos hindi maintindihan ang mga diyalogo. Sa kabuuan ay nakaaliw naman panoorin ang Ang Panday kahit maraming katanungan sa istorya na walang kasagutan.  
Ang kasamaan ay nilalabanan at di dapat hayaang manaig sa lipunan. Ito ang misyon ni Flavio na mapagtagumpayan gamit ang isang mahiwagang espada na kinailangan nyang maglakbay hanggang sa mundo ng mga engkanto upang mapasakamay niya ito at magamit. Nahasa sa gulo at pakikilaban si Flavio kaya madali niyang inako ang misyon na labanan ang naghahasik ng kasamaan at iligtas sa panganib ang mga tao. Determinado naman sa misyon si Flavio lalo na ng bigyan siya ng pangalawang buhay. Subalit higit sa mahiwagang espada, ipinaunawa kay Flavio na ang dalisay na puso at hangarin ang pinakamagaling na panggupo sa kasamaan.

Ilang puna mula sa CINEMA. 

Tungkol sa kapangyarihan.  Malinaw at mahusay na naipakita ng pelikula na ang anumang bagay (materyal man o itinuturing na agimat ng sinuman) ay walang halaga at taglay na kapangyarihan kundi ang pananampalatayang taglay ng taong naniniwala pa rin sa kapangyarihan ng Lumikha.  Nang halos ay papatayin na ni Lizardo, si Flavio—na nabitiwan ang mahiwagang espada at nakahandusay na sa lupa—ay nanalangin at buong pananalig na ipinasa-Diyos na ang lahat.

Tungkol sa pagiging isang bakla.  Ipinakita ng pelikula ang isang mukha ng isyu ng mga LGBT sa lipunan. Bagamat hindi gaanong pinalawak ang usapin tungkol dito, pinilit nitong isama sa tema ang usapin ng “pagtanggap” sa kanila ng pamilya at lipunan.  Pilit na isiningit ng pelikula ang perspektibong “walang masama sa maging bakla, ang masama ay ang magsinungaling… ang mahalaga ay maging mabuti kang tao”—at ginawa pang isang bayani ang batang bakla na nag-alay ng buhay upang iligtas ang kanyang mga kapwa-ampon mula sa mga aswang.  Malabo ang magiging epekto nito sa pananaw ng manunood; makadagdag lamang ang sinambit na ito sa kalituhan ng tao tungkol sa pinagtatalunan.  Ang isyu ay hindi ang pagiging bakla mismo, kungdi ano ang ginagawa mo sa pagiging bakla mo, at ano ang ibinubunga nito sa iyong katauhan, sa pamilya, at sa lipunan. 

Tungkol sinematograpiya ng Maynila.  Napakahusay na naipakita at nai-showcase ng pelikula ang kakaibang kagandahan ng Maynila (bukod sa maduming Divisoria at slum area ng Tondo), tulad ng mga magagandang tulay (Mabini at Jones Bridge ), ang tore ng Manila City Hall, ang Luneta at Luneta grandstand, ang Roxas Blvd. at tabing pasyalan sa Manila Bay.

Thursday, January 4, 2018

Deadma Walking

DIRECTOR:  Julius Alfonso  LEAD CAST:  Joross Gamboa, Edgar Allan Guzman, Dimples Romana, Candy Pangilinan, Nico Antonio SCREENWRITER:  Eric Cabahug  PRODUCERS:  Eric Cabahug, Vanessa de Leon  EDITOR:  Vanessa de Leon  MUSICAL DIRECTOR:  Von de Guzman  GENRE:  Comedy, Drama  CINEMATOGRAPHER:  Lee Briones  DISTRIBUTOR:  T-Rex Entertainment Productions  LOCATION:  Manila  RUNNING TIME:  109 minutes
Technical assessment: 3
Moral assessment: 2
CINEMA rating:  V14
Napag-alaman ni John (Joross Gamboa) na gawa ng cancer niya ay nalalapit na ang kanyang kamatayan.  Ang huling hiling niya sa matalik niyang kaibigang isa ring bakla, si Mark (Edgar Allan Guzman) ay ang magkunwari silang namatay na siya para habang buhay pa siya ay marinig na niya ang mga eulogy at sasabihin tungkol sa kanya ng mga tao sa burol niya.  Bagama’t sa simula ay asiwa si Mark sa gustong mangyari ni John, papayag na rin siya bilang pagbibigay sa kaibigang malapit nang pumanaw.  Bibili sila ng isang bangkay na siyang isisilid sa ataol at paglalamayan nang limang gab.  Tataba ang puso ni John sa mga maririnig mula sa mga naglalamay ka kakilala’t kaibigan, pero may mangyayaring hindi niya inaasahan.
Ano ito, kabaklaan na naman?  Maaaring iyan ang itanong ng manonood na nagsasawa na sa palasak nang presensiya ng mga bading sa pinalakang tabing.  Pero, ang Deadma Walking—na inakala ng iba sa simula ay isang zombie movie gawa ng pamagat nito—ay hindi lamang daw isang ordinaryong “gay movie” na nagpapatawa sa pag-iingay at kalaswaan, ayon sa mga gumawa nito.  Sa isang banda, tama ito, pagkat ang pelikula ay tumatalakay sa mga damdaming dinaranas ng lahat nang tao, maging lalaki, babae, bakla, o tomboy man siya—ang tapat na pagkakaibigan, halimbawa—na buong husay namang naitawid nila Guzman at Gamboa.  May isang elemento lamang na nakakadiskaril sa Deadma Walking, ang mga eksenang mapantasiya ni Eugene Domingo, na bagama’t amusing ay wala namang gasinong naiambag sa takbo o lalim ng kuwento, maliban sa… iyon na nga, ang hindi maiwasang dampi ng kabaklaan.
Bakit maiisipan ng isang taong pekein ang sariling kamatayan marinig lamang ang mga sasabihin ng iba tungkol sa kanya?  Sa pelikula, ipinapakitang ito ay dahil sa matinding pangungulila.  Si John, sa kabila ng kanyang kayamanan, ay may terminal cancer, ulila sa magulang, nangungulila sa kapatid na hindi man lamang dumalaw sa burol ng kanilang ina, at higit sa lahat, mamamatay siyang walang love life.  Gusto niyang malaman kung ano ang tingin ng tao sa kanya—ano ba ang pagkukulang niya at siya ay hindi maging masaya.  Ubod marahil siya ng lungkot kaya’t nagawa tuloy niya ang isang pagtataksil sa taong nagmamahal sa kanya nang dalisay.  Sa dulo ng pelikula ay ang mga katanungang: Ano ang ibinunga ng kanyang pekeng burol?  May maituturo ba sa kanya o sa manunuod ang pait na naidulot nito sa kanya? Tatalikuran na ba niya ang kabanidosahan niya at matutunang kilalanin ang tunay niyang sarili at ang halaga ng tunay na pagkakaibigan?
Tanong din ng CINEMA: makatarungan bang gamitin ang mga labi ng isang tao—ang pagbili ng isang bangkay—para lamang sundin ang luho ng isang nabubuhay?  Ang kalungkutan at pangungulila ng isang tao ay nag-uugat sa kakulangan ng Diyos sa kanyang buhay; hindi ito mapapawi ng anumang solusyon ng tao hangga’t hindi kinikilala ang ugat nito.  Iyan po ay isang katotohanang kayang unawain ng kahit sinong tao—girl, boy, bakla, o tomboy—ngunit kailangan ang katapatan upang lubos na magkahalaga ito sa pagbabago ng iyong buhay.

All of You

DIRECTOR: Dan Villegas  LEAD CAST: Jennylyn Mercado, Derek Ramsay, Yayo Aguila, Kean Cipriano, Nico Antonio, Sam Milby, Rafael Rosell, Solenn Heussaff  GENRE:  Romantic Comedy, Chick Flick PRODUCTION COMPANY: Quantum Film, MJM Productions DISTRIBUTOR: Quantum Film, MJM Productions COUNTRY:  Philippines
LANGUAGE: Filipino  RUNNING TIME: 102 minutes 
Technical assessment: 3
Moral assessment: 2
CINEMA rating: V18
MTRCB rating: R13
Magsisimula ang pelikula sa pag-aaway sa tila maliit na bagay ng magkasintahang Gabby (Jennylyn Mercado) at Gino (Rafael Rossel) na mauuwi sa agarang pakikipagkalas kahit pa sila’y engaged na pala. Makalipas ang dalawang taon, habang nasa Taiwan, mababalitaan ni Gabby na engaged na ulit si Gino sa ibang babae. Upang tuluyang maka-move-on, susubukan niya sa unang pagkakataon na gumamit ng isang “dating app”, at dito ay agaran niyang makikilala si Gab (Derek Ramsay) na nagkataon na naroon din sa lugar kung nasaan siya. Sa unang pagkakataon ay makikipag-date si Gabby sa isang estranghero at sa unang pagkakataon din na yun ay mangyayari sa kanila. Masusundan ang kanilang pagkikita sa Maynila—hanggang sa tuluyan nang maging “sila na”. Mabilis at tila masaya ang mga pangyayari hanggang ayain na ni Gab si Gabby na makipag-live-in. Sa pagkakataong ito pa lamang nila makikilala ang isa’t-isa at dito pa lang unti-unting lulutang ang masasakit na katotohanan sa kanilang relasyon.
Payak at simple lamang ang pagkakalahad ng kuwento ng All of You. Wala itong anumang special effects, matinding pasabog, o nakakagulantang na twist.  Isa lamang itong maliit na kuwento ng dalawang taong nagmula sa magkaibang mundo na nagsubok maging masaya sa gitna ng matinding pagkakaiba nila. Hindi na ito bago pero dama naman ang sinseridad ng pelikula sa paglalahad kung paanong ang maliliit na pagkakaiba ng dalawang tao ay nagiging malaki kung relasyon na ang pag-uusapan. Nagiging malaki ito sapagkat lumalalim ang araw-araw na dadalhin. Sa madaling salita, naiipon kung kaya’t bumibigat. Mahusay ang pagkakaganap ng mga tauhan—lalo na si Mercado na nagpakita rin ng galling sa pag-arte sa pelikulang Rosario.  Nagkulang naman ang pagkakalahad ng karakterisasyon ni Gab—nasayang ang husay ni Ramsey. Nagawa pa sanang palalimin ng pelikula ang kwento nito kung nagkaron ng malinaw na paglalahad kung paanong ang mga tauhan ay nagbago, sa mabuti man o masama. Mas pinalalim pang sana ang mga linyahan, o ang mga sitwasyon na magtutulak sa kanilang mga desisyon. Nagkulang din sa bigat ang punto de bista—na pawang naka-kiling kay Gabby—hindi maliwanag ang kanyang motibasyon at tayo sa maraming bagay. Kung parte man ito ng komplikasyon ng kanyang karakter, sana’y naging malinaw pa rin ang gulo na ito.  Resulta tuloy ay malamlam ang pagtanggap at pagtaya sa kanya ng manonood. Sa kabuuan, mapapaisip ang manonood sa pelikula ngunit pawang walang magiging sagot ang maraming katanungan.
Naka-sentro halos ang All of You sa isang debate at diyalogo ukol sa pakikipag-live-in laban sa pagpapakasal. Isang matagal nang usapin sa makabagong lipunang pilit na binibigyang katwiran ang mga desisyon at gawaing taliwas sa nakagisnang asal at moralidad.  Pero ano nga ba sa kabuuan ang nais sabihin ng All of You? Sang-ayon ba ito sa pakikipag-live-in o mas sang-ayon ito sa pagsasamang may basbas ng kasal? Hindi nito tahasang sinabi pero nagsusumigaw ang pelikula sa pagsasabing parating nasa kamay ng babae ang kanyang desisyon—at sa bandang huli’y laging babae ang natatalo sa live-in relationships. Babae ang nawawasak sa proseso, babae rin ang mas nagsasakripisyo. Ang ganitong klase ng pagsasama, sinasabi ng pelikula, ay papasukin lamang ng mga lalaking hindi handa sa responsibilidad—mga lalaking hindi handang pakawalan ang kanilang pagiging isip at asal bata. Mga lalaking hindi handang magbigay, bagkus ay napapako sa pagiging makasarili.  Dito pumapasok ang mahalagang tungkulin ng babae sa pagpili at pagdedesisyon—yun nga lang, kitang mas madalas manaig sa babae ang emosyon—at ito ang nakita sa pelikula na bagama’t sa bandang huli’y tila hindi malinaw. Parte marahil ng debate, bukas sa dayalogo. Pero mas higit na nakakabahala kung paanong ipinalabas ng pelikula na kaswal na lamang sa panahon na ito ang pakikipagtalik sa estranghero—sa labas ng kasal at walang pagmamahal. Sapat na bang dahilan ang bugso ng damdamin? O dahilan rin ba ang pagiging wala na sa uso? Malaking bahagi ng pelikula ang pagsasalarawan dito bilang katanggap-tanggap at labis itong nakababahala.  Bagama’t walang lantarang pagbibilad ng laman sa pelikula, ito’y maliwanag na inilalahad.  Kung kaya’t sa ganang CINEMA, ang pelikula ay nararapat lamang sa mga manonood na nasa wastong gulang na ipinagpapalagay nating 18-anyos pataas.


Ang Larawan

DIRECTOR :Loy Arcenas  LEAD CAST: Joanna Ampil, Rachel Alejandro, Paulo Avelino, Sandino Martin, Nonie Buencamino, Menchu Lauchengco-Yulo SCREENWRITER: Rolando Tinio (based on Portrait of a Filipino Artist by Nick Joanquin)  PRODUCER: Girlie Rodis, Celeste Legaspi EDITOR: Lawrence Fajardo MUSICAL DIRECTOR: Ryan Cayabyab GENRE: Drama, Musical CINEMATOGRAPHER: Boy Yniguez         
DISTRIBUTOR: Solar Entertainment Corporation  LOCATION: Intramuros, Manila; Taal, Batangas  RUNNING TIME: 120minutes 
Technical assessment: 4
Moral assessment: 3
CINEMA rating: V13
MTRCB rating: PG
Taong 1941 sa Intramuros, Manila, matatagpuan ang isang magarbong bahay na tila ba pinaglumaan na ng panahon.  Ito ay ang tirahan ng pamilya Marasigan. Ang naiwan na lamang dito ay ang magkapatid na Candida (Joanna Ampil) at Paula (Rachel Alejandro) na pawang mga tumandang-dalaga na sa pag-aalaga sa amang si Don Lorenzo Marasigan, isang sikat na pintor. Walang hanap-buhay ang magkapatid kung kaya’t tumanggap sila ng mangungupahan sa isang bakanteng kuwarto—si Tony Javier (Paulo Avelino), na kalaunan ay pilit silang kukumbinsihin na ibenta ang  isang natatanging obra na ipininta ng ama para sa magkapatid.  Kasabay nito’y ang banta na mapaalis na rin sa bahay sapagkat ibinebenta ito ng dalawa nilang kapatid.  Ang larawan at ang tahanan na lamang ang natitirang yaman ng magkapatid pati ng kanilang malubhang ama.  Ipagbibili ba nila ito sa gitna ng kanilang kahirapan at nagbabadyang digmaan?
Ang Larawan ay isang pagsasalin-pelikula ng dulang A Portrait of an Artist as a Filipino sa panulat ng Pambansang Alagad ng Sining na si Nick Joaquin. Isinalin ito sa Pilipino ng isa pang Pambansang Alagad ng Sining na si Rolando Tinio at Ang Larawan ay naging  isa sa di-malilimutang dulang musikal na nagkaroon na ng maraming pagtatanghal sa entablado. Naging matapat ang pelikula sa obra ng dalawang maestro ng sining. Kitang-kita at damang-dama ang malalim na pagmamahal at paggalang ng mga nasa likod ng pelikula sa orihinal na materyal. Mabuting bagay ito sa kabuuan sapagkat nagawang maging matapat ng pelikula sa orihinal na obra sa kabila ng tukso ng komersiyalismo. Pinagbuhusan ng henyo ang bawat aspeto ng pelikula mula sa disenyo ng produksiyon, libretto, musika,  mga aktor na nagsiganap—sa kanilang lahat wala kang itulak-kabigin sa pag-awit at pag-arte. Si Ampil ay isang matinding rebelasyon sa pelikula—bagama’t kinilala na ang kanyang galing sa entablado, masasabing bago pa rin siya sa paningin ng manonood ng pelikula, ngunit umangat pa rin siya ng lubos. Hindi naman nagpahuli ang mga beterano sa kanilang kamangha-mangha anumang pagganap, anumang liit ng kanilang papel. Sina Alejandro at Avelino ay kapwa rin mahuhusay na bida. Marahil mas napaigi pa ang pelikula kung nagsubok itong palawigin pa at palakihin ang materyal upang mas maramdaman pa ng manonood kung gaano kalaki at kalawak ang saklaw ng tema ng kuwento, ngunit marahil din, mas ninais nilang maging matapat sa makasining nitong pinagmulan upang panatiliin ang tunay nitong kaluluwa.
Malalim ang nais ipahiwatig ng Ang Larawan. May mahalaga itong mensahe patungkol sa kaibuturan ng bawat nating pagkatao—na ang bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang demonyo na habambuhay nating paglalabanan at mapalad na kung ito ay ating mapagtatagumpayan. Ang sining bilang sumasalamin sa lipunan ay parating nasasalang sa matinding pagsubok—ito nga ba’y isang biyaya o isang sumpa? Ang sining bilang konsyensiya ng lipunan ay madalas nababahiran ng samu’t-saring pambabatikos at pag-aalipusta; nariyang maging simbolo pa ito ng matinding agwat ng mayaman at mahirap, at dahilan ng paghahati ng manonood sa Pista ng Pelikulang Pilipino kung saan ang pelikulang Ang Larawan ay sinasabing pang-may kaya lamang, para sa elitista, at mga “may pinag-aralan”.  Subalit hindi ito kailanman ang dapat na naging papel ng sining. Ang sining ay para sa lahat—mahirap man o mayaman—at lahat ay dapat inaanyayahan upang maunawan ito, sapagkat ang pag-unawa sa sining ay pag-unawa sa ating pagkatao. Kahanga-hanga ang mga papel nina Candida at Paula na nanatiling dalisay sa kanilang hangarin na pangalagaan ang natitira nilang tunay na yaman kasabay ng matiyaga nilang pag-aalaga sa maysakit na magulang—bagay na dapat hangarin ng bawat tao bago ang kapangyarihan at salapi. Lubos na kahanga-hanga rin kung paanong isinalarawan ng pelikula ang isa sa mga ugat ng pananampalatayang Katoliko ng mga Pilipino—kung paanong naipaglaban ng magkapatid ang kanilang prinsipyo na pawang isang milagro katulad ng milagrosong Birhen ng La Naval. Sa kabuuan nama’y naghahatid ng pag-asa ang pelikula—sa sining man o sa lipunan, may mga mananatili pa ring dalisay—ang pagmamahal sa pamilya, at pananampalataya sa Diyos na may likha—mga bagay na hindi maaring maglaho sa digmaan man o kapayapaan, dumaan man ang maraming unos at lumipas man ang panahon.  (Ang Larawan ang nanalong "Best Picture" ng MetroManila Film Festival 2017)

Monday, January 1, 2018

Gandarrappiddo: The Revenger Squad

DIRECTOR:  JOYCE BERNAL  LEAD CAST: VICE GANDA, DANIEL PADILLA, PIA WURTZBACH  SCREENWRITERS: ENRICO C. SANTOS, JUVY GALAMITON, DANNO KRISTOPER C. MARIQUIT, DAISY CAYANAN, JONATHAN ALBANO   PRODUCER:  VINCENT DEL ROSARIO III, VERONIQUE DEL ROSARIO-CORPUS  EDITOR:  NOAH TONGA, JOYCE BERNAL  MUSICAL DIRECTOR:   CARMINA R. CUYA  CINEMATOGRAPHER:  MACKIE GALVEZ  GENRE: COMEDY, FANTASY  DISTRIBUTOR: STAR CINEMA  LOCATION:  PHILIPPINES  RUNNING TIME: 110 MINUTES
Technical assessment:  2
Moral assessment:  3
CINEMA rating:  PG 13
Mapapatay ni Emy/Gandarra (Vice Ganda) ang imbing si Madman (RK Bagatsing), ngunit magkakaroon ito ng amnesia nang mabagsakan ng malaking tipak ng gumuguhong gusali sa labanan nila ni Madman. Kukupkupin ni Emy bilang tunay na kadugo ang anak ni Madman, si Chino/Rapiddo (Daniel Padilla), ni Gandarra kasama ng mga kaibigan niyang pawang may mga taglay ding “superpowers”—sila Luz Luz/Higopa, Bok Bok/Flawlessa, Bul Dog/Pospora, at Peppa/Barna.  Palalakihin nila si Chino isang mabuting tao para talikdan niya ang kapalaran niyang sumunod sa yapak ng amang si Madman.  Ilalayo nila ang bata upang hindi matagpuan ni Mino (Ejay Falcon) na kampon ng kasamaan na nakukulong sa isang salamin. Ililihim din nila kay Chino ang katotohanang mayroon siyang “superpowers”, ngunit pagdating ng ika-21 kaarawan nito ay hindi sinasadyang matutuklasan din niya ang lihim. Upang pigilan ang nagbabadyang pananaig ng kasamaan, iuumpog ng mga kaibigan ni Emy/Gandarra ang ulo nito sa pag-asang mababalik ang  kanyang memorya at manunumbalik ang kanyang nasang labanan ang kadiliman sa tulong ng bertud niyang mahiwagang lipistik.  Muling makikilala ni Emy/Gandarra ang kanyang mga superheroes na kaibigan, at magsasama silang kalabanin ang mga kontrabida, na kinabibilangan ng kapatid ni Emy/Gandarra na si Cassandra/Kweenie (Pia Wurtzbach).
Sadya kaya sa pelikula iyon o may diperensiya ang sinehan kung bakit ubod nang lakas ang tunog ng Gandarrappiddo: The Revenger Squad.  Kung kahit na magandang musika ay masisira sa lakas ng tunog, di lalo na kung pulos talakan, tarayan at tilian ang maririnig mo!  Sabi nga ng isang bading sa upuan sa likuran namin, “Kaloka naman ang ingay!”  Tinarget ng pelikula na pasayahin ang mga manonood, lalo na ang mga bata, kung kaya’t sinadya ni Ganda na gawing super-makulay ang lahat, mula sa kanyang costume bilang Gandarra. Pero kakatwang wala kaming nakitang bata sa sinehan noong araw na manood kami.  Noon lang kaya iyon o palagi?  Whatever, buti na rin sigurong hindi mapanood ng mga musmos ito dahil hitik naman sa kakornihan ang dialogue at sa kabaduyan ang costumes (maliban lang kay Pia na isang kulay lamang, ginto, pero passable na din ang dating).  Hindi rin makinis ang CGI, kahit ikokompara ito sa ibang Pilipino movies na magamit din ng CGI.

Sa kabila ng ingay, gulo, at kabalbalan sa pelikula, napaglimi ng CINEMA na may magandang mensahe ang Gandarrappiddo: The Revenger Squad, at iyon ay—hindi “namamana” ang kasamaan.  Maaaring taglay ng isang anak ang dugo ng kasuklam-suklam na magulang, ngunit hindi nangangahulugang automatic na rin siyang magiging kasuklam-suklam.  Malaki ang nagagawa ng suporta ng pamilya, ng kapiligiran, at lalo’t higit ng pagmamahal tungo sa ikabubuti ng isang tao.  Tandaan nating tayong lahat ay pawang mga "anak ng Diyos" at Kanyang minamahal.  Bagama’t maliwanag na ipanaghiwalay ang kasamaan at kabutihan sa pelikula, kailangan pa ring gabayan ang mga batang manunuod para maayos nilang maunawaan kung ano ang totoo at ano ang pantasya dito.  Turuan silang maging mapagtanong sa mga pinapanood, at huwag lunok na lang nang lunok sa mga naririnig o nakikita nila sa kanilang mga “lodi”.

Siargao

DIRECTOR: Paul Soriano STORY AND SCREENPLAY: Angeli Pessumal LEAD CAST: Jericho Rosales, Erich Gonzales, Jasmine Curtis-Smith, Suzette Ranillo, Enchong Dee MUSIC: Robbie Factoran Rixardo Jugo, CINEMATOGRAPHY: Odyssey Flores, EDITING: Mark Victor PRODUCER: Mark Victor, Paul Soriano LOCATION: Siargao GENRE: Romance - Drama DISTRIBUTOR: Solar Pictures  RUNNING TIME: 1 hour and 44 minutes
Technical assessment: 4
Moral assessment: 3
MTRCB rating: PG 13
CINEMA rating: V14
Uuwi sa bayan niyang Siargao si Diego Punzalan (Jericho Rosales), isang nagkakaidad nang musikero at rock star na umiiwas sa iskandalo.  Makakasabay niya sa eroplano si Laura (Erich Gonzales), isang travel blogger na sawi sa pag-ibig at gustong makatagpo ng paghihilom matapos makipagkalas ang boyfriend niya (Enchong Dee) sa kanya. Si Abi (Curtis-Smith) ay kababata at dating kasintahan ni Diego, at magkukrus muli ang kanilang landas. Habang lumalaon ay makikita natin ang pinagdaraanang pagsubok ng mga tauhan. Si Diego ay kulong sa di katiyakan ng bukas at mga di maiwang isyu ng nakaraan samantalang si Laura ay naghahanap ng mga bagong pakikipagsalaparan kaya’t tinanggihan ang alok na kasal ng kanyang nobyo. Sa gitna ng mapanimdim na kapaligiran ng Siargao ay magkakaroon ng pagsasara ang kanilang mga kwento.
Isa sa tagumpay ng Siargao ay ang husay ng pagganap ng lahat ng tauhan. Kahit napakasimple ng kwento at halos kaya mo nang hulaan ang katapusan ay imposibleng hindi ka madamay sa bawat pinagdaraanan at pakikibaka nina Diego, Laura, Abi, at iba pang mga tauhan.  Nakadagdag sa magaling na characterization ang dialogue ha higit na malalim kaysa karaniwang maririnig sa kwentong pag-ibig sa mga pelikulang Pilipino.   Napakahusay din ng mga kuha—hindi lamang dahil sadya nang maganda na ang Siargao, kundi nagawa ng mahusay na cinematography na maging higit pang kaakit-akit ang kapaligiran, ang karagatan, at ang halos bawat sulok ng lalawigan. Malaking tulong din na may pagsalit sa katutubong Bisaya ang musika at usapan dahil lalo itong naging natural.

Kung minsan, ang pinakamahirap hanapin ay ang sarili. Naroon ang tabing ng nakaraan at takot sa kinabukasan, naroon ang pagtatanggi at pagpapanggap, naroon ang pangarap na ang alternatibong katotohanan sana ang mangyari. Pero sa huli, ang pagtanggap sa totoo at kasalukuyan ay nagiging madali kung naroroon ang respeto at pagmamahal. Damang dama mo sa Siargao ang pagmamahalan—ng ina sa anak, ng anak sa magulang, ng kasintahan sa kasintahan, kaibigan sa kapwa-kaibigan.  Kaya naman, anumang sakit ang pinagdaraanan ng isa ay nagkakaroon ng paghihilom. Wala mang bago sa tema at pagkwekwento ng pelikula ay malinaw pa rin naiparating ang mensahe nito. Simple at ordinaryo pero hindi matatawaran ang halaga. Dahil nagaganap ang kwento sa surfing capital ng bansa, asahan ang paglalantad ng katawan at medyo suhestibong pananamit. Pero hindi naman ito ginawang malaswa kaya kung bibigyang tuon na lamang ang usapan at takbo ng naratibo ay kapupulutan pa rin ng aral ang Siargao.

Saturday, December 30, 2017

Haunted Forest

HAUNTED FOREST 



DIRECTOR: Ian Loreños CAST: Raymart Santiago, Joey Marquez, Jane Oineza, Maris Racal, Jameson Blake, Jon Lucas, Beverly Saviejo  STORY AND SCREENPLAY: Jeps Gallon 
MUSIC: Francis Concio CINEMATOGRAPHY: Rommel Sales, EDITING: Tara Illenberger, PRODUCTION DESIGN Ericson Navarro PRODUCER: Pamela Baldevieso, Lea Calmerin, Lily Monteverde LOCATION: Province in the Philippines  GENRE: Horror   DISTRIBUTOR: Regal Films 
Technical assessment: 2
Moral assessment: 3  
MTRCB rating: PG 13 
Cinema rating: V14
Sunod-sunod ang pinapatay na dalaga sa isang matandang puno sa gitna ng kagubatan. Walang maituring na salarin maliban sa isang baliw na nakitang kasama ng huling biktima. Isasama ni Nardo (Marquez) sa pag-iimbistaga si Aris (Santiago), na lumipat sa probinsiya kasama ng kanyang anak na si Nica (Oineza) matapos mabiyuda. Nang sumama si Nica sa kanyang pinsang si Mitch (Racal) at dalawang kaibigang lalaking sina RJ (Blake) at Andre (Lucas) sa gubat ay titipuhan siya ng sitsit, ang halimaw na nakatira sa matandang puno at siyang pumapatay sa mga kadalagahan. Paglalaruan ang isip ni Nica hanggang unti-unti siyang manghina at mawala sa sarili at mabihag ng halimaw. Hahamunin ng sitsit si Aris na kumuha ng ibang dalaga kapalit ng kanyang anak ngunit hindi nito magagawang magpahamak ng inosenteng babae. Mapapatay siya ng sitsit at makakatakas si Nica, Tuturuan ng isang matanda si Nica kung papaanong magagapi ang halimaw. 
Labing-limang minuto lamang ang kailangan para maikwento ang mga eksenang nabanggit. Ang natitirang halos dalawang oras na ginugol para sa iba´t ibang eksena ay maari nang tanggalin nang hindi naaapektuhan ang kwento. Ito ang malaking problema ng Haunted Forest.  Napakaraming gustong sabihin, napakaraming maliliit na kwento, wala namang isang malinaw na tuon. Naging magulo tuloy ang daloy sa kabi-kabilang mga tauhang ipinakilala at mga pagtatangkang bigyan ng lalim at istruktura. Hindi marunong magkwento ang direktor nito kung ipagpapalagay na maayos ang pagkakasulat ng naratibo. Sablay din ang pagganap ng mga tauhan. Mula kay Santiago na iisa lamang ata ang saklaw na emosyon ng mukha, ang matamlay at malabnaw na pagganap nina Oineza at Racal at ang katawa-tawa sa pagbuo sa tauhan nina Blake at Lucas. Ang editing ay patalon-talon. Kung ang intensyon nito ay gawing parang palaisipan ang kwento, naging matagumpay naman dahil talagang pag-iisipan mo kung ano na ang nangyayari. Marami ring hindi makatwirang eksena: bakit walang babala sa pagpunta sa gubat gayong napakarami nang mapapatay? Bakit nag-hintay hanggang sa huling 15 minuto ng pelikula ang matanda bago niya sabihin kung papaanong magagapi ang sitsit? Nagdrodroga ba si Aris kaya marami siyang masasamang guni-guni? Bakit hindi umubo man lamang ang apat gayon nasa tapat sila ng nasusunog na puno at makapal na usok? Saang probinsiya nasa tabi ng gubat ang sentro ng pista? Maayos ang disenyo ng produksyon pero hindi naman ito naging angkop. Ang tanging napapahalagahan ay ang tunog, musika, at ang sinematograpiya. Pero kahit ang mga ito ay hindi na rin naging sapat para pagandahin ang pelikula. 

Parang may dalawang gustong mensahe ang Haunted Forest.  Una, ang halaga ng pag-uusap, pagpapatawad, at pagkakasundo ng magulang at anak. Malaki ang puwang sa ugnayan ng mag-amang Aris at Nica pero dahil sinikap nila na magkausap ay muli silang nagkalapit at naunawaan ang halaga ng isa´t isa. Ang ikalawa ay ang tungkuling itaguyod ang tama at mabuti kahit pa ang kapalit nito ay matinding sakripisyo. Dalawang ama ang pinapili ng sitsit na kumuha ng ibang dalaga bilang kapalit ng sariling anak. Ang unang ama ay nilagpasan ang konsensya at handang ibuwis ang inosenteng buhay para sa anak. Si Aris ay inihanda ang sarili na labanan ang sitsit o mawalan ng anak kaysa sa ipahamak ang isang inosenteng babae. Maganda sana kung marunong lamang magkwento o pumili ng bibigyang tuon si Loreños. Pero dahil sa gulo ng pagkakabuo ay hindi nabigyang hustisya ang potensyal ng mensahe.