Friday, January 9, 2009

The Spirit

Cast: Gabriel Macht, Samuel Jackson, Scarlett Johansson, Jaime King, Sarah Paulson, Eva Mendes; Director: Frank Miller; Producers: Deborah Del Prete, Gigi Pritzker, Michael E. Uslan; Screenwriters: Frank Miller, Will Eisner(comic book series); Music: David Newman; Editor: Gregory Nussbaum; Genre: Action/ Comics; Cinematography: Bill Pope; Distributor: Lionsgate; Location: New Mexico, USA; Running Time: 102 min.;

Technical Assessment: 3
Moral Assessment: 2
CINEMA Rating: For viewers 14 and above

Denny Colt (Gabriel Macht) is a slain policeman who mysteriously resurrects as The Spirit hero with super powers to fight crimes and work with local police commissioner Dolan (Dan Lauria). He is constantly being helped by Dolan's physician daughter, Ellen (Sara Paulson) whenever he gets wounded in a fight although he recovers unusually fast. The Spirit's ultimate enemy is a drug lord named Octopus (Samuel Jackson). As The Spirit attempts to destroy the equally immortal Octopus, Denny's childhood sweetheart Sand Saref (Eva Mendez)--from whom he parted after a bitter quarrel--comes back to town and enters the picture as a seductive jewel thief.

Based on a graphic novel by Will Eisner, the movie passes off artistically as far as visuals are concerned. The stylized violence surely appeals to the fanatics of the genre. But for a regular film audience who looks for story substance, The Spirit utterly fails to convey neither a substantial plot nor a compelling narrative. The plot, although apparently inconsequential, fails to develop its characters who all eventually appear as emotionless and indifferent. Even the The Spirit's enemy, Octopus, does not create an impact, given his melodramatic flamboyance. Ultimately, The Spirit is just a graphic spectacle with a usual superhero non-narrative with a twist of few wits and satirical anecdotes. It does not go beyond that and to look for substance might be a bit too much expectation.

Unlike other superhero movies, The Spirit is devoid of apparent moral of story. Apart from the given that hero protects the neighborhood at night, his character is far from ideal – a womanizer who treats women as mere objects of desire. There is senseless violence all over the place where two immortals try to outdo and kill each other knowing the fact that they both can get away with it. This might even send a confusing message to the audience: one's immortality can make one get away with murder. It may be true that sometimes vigilantism is the only way to fight evil but still, violence only leads to further violence. In any case, violence is no solution after all. There are also some scenes of nudity and a certain degree of profanity in the movie which may not be appropriate for viewers below 14 years old.

Bedtime Stories

Cast: Adam Sandler, Keri Russell, Guy Pearce, Russell Brand, Richard Griffiths, Teresa Palmer, Courtney Cox, Jonathan Morgan Hert, Laura Ann Kesling, Jonathan Pryce; Director: Adam Shankman; Producers: Jack Giarraputo, Andrew Gunn, Adam Sandler; Screenwriters: Matt Lopez, Tim Herlihy; Music: Rupert Gregson-Williams; Editors: Tom Costain, Michael Tronick; Genre: Comedy/ Fantasy; Cinematography: Michael Barrett; Distributor: Columbia Pictures; Location: USA; Running Time: 99min.;

Technical Assessment: 3
Moral Assessment: 3
CINEMA Rating: For viewers of all ages

Skeeter Bronson (Adam Sandler), a hotel handyman grew up in a homey hotel owned by his father (Jonathan Pryce). Later, it was bought by a hotel magnate Nottingham (Richard Griffiths) on which site, a grander bigger hotel was built and in which Skeeter is now employed. At night, Skeeter babysits the 2 kids of his sister Wendy (Courtney Cox), who’s looking for a job in Arizona. Since the 2 charges wish to hear bedtime stories, Skeeter concocts fantastic tales. With the kids cooperative inputs, theses stories have a strange way of becoming true to life. In other hours, the kids are with Jill (Keri Russell), a teacher who runs an ecology friendly school due for demolition as the hotel tycoon plans to build another hotel on its site. Skeeter does not see eye to eye with the hotel’s manager Kendall (Guy Pearce) because both men are interested in Nottingham’s daughter (Teresa Palmer). Skeeter always seems to be a loser but he realizes that by slanting the bedtime fantasies he invents, he can make things happens in his favor. Can his dream of becoming a hotel manager come true? Can he win the heart of Nottingham’s daughter? Can he help Jill save her school?

Bedtime Stories is said to be a “harmless” comedy fit for family entertainment as it can appeal to everyone of any age. Though the subject matter is not the usual children’s fare, the kids will likely be entertained by the fantasy. But it is doubtful that most adults will much enjoy this picture that is predominantly silly and inane. Still, there are some parts that are laughable like when Skeeter’s tongue is bitten by a bee and he can only make incomprehensible sounds so his friend had to “translate” his words during a crucial “presentation”. The production design is lavish as every invented tale is interpreted or presented with impressive visuals and technical effects. There is variety in the imaginative concoctions which include, among others, a cowboy with a bright red horse, a zero-gravity battle in outer space, a gladiator in a chariot and of course, a medieval king. There are several layers to the film. The beginning and end are narrated by Skeeter’s father and within the story that he narrates about his son, the protagonist Skeeter narrates the fantasies that are now “smaller” stories within the “bigger story. So there is an alternation of fantasy and reality. Adam Sandler is his usual funny self and does adequate work here.

In Bedtime Stories, Skeeter is portrayed most of the time as a loser so that he resorts to fantasizing to make things happen for his benefit. But the movie ends positively and hopefully in that it shows that a person may lose most of the time, but by doing something right (not by imagining out-of-this-world schemes), he will eventually succeed. Sketter’s sister objected to Skeeter’s telling the children nothing ends happily in real life. She does not want her children to develop such unhealthy pessimism and think that beautiful happy things happen only in fairytales or such. One reason she says she wants her kids to be with Skeeter is so they can “catch” some of Skeeter’s usual light happy outlook. Skeeter’s story proves his sister right. Things can also end well in real life.

Monday, January 5, 2009

Shake, Rattle and Roll X

Cast: Marian Rivera, Roxanne Guinoo, JC Vera, Mylene Dizon Wendell Ramos, Kim Chiu, Jean Garcia, Diana Zubiri; Director: Topel Lee, Mike Tuviera; Producer: Roselle Monteverde-Teo; Genre: Horror/ Comedy; Distributor: Philippines; Location: Regal Films;

Technical Assessment: 3
Moral Assessment: 3
CINEMA Rating: For viewers age 13 and below with parental guidance

Tatlong maiigsing kwento ang tampok sa Shake Rattle and Roll X. Ang unang kwento na pinamagatang EMERGENCY ay tungkol sa paghihiganti ng mag-asawang aswang (Mylene Dizon at Wendell Ramos) matapos masagasaan ang babae at masawi ang dinadalang anak nito. Susugurin nila at ng kanilang mga kampon ang ospital na pinagdalhan sa babae habang pagsusumikapan nina Jay (JC de Vera) at Dra. Sarah (Roxanne Guinoo) na ipagtanggol ang mga pasyente at sugpuin ang mga aswang.

Sa CLASS PICTURE, sampung estudyante ang namalagi magdamag sa eskwelahan para maghanda sa pagbubukas ng kanilang exhibit. Subalit di sinasadyang mabubulabog nila ang kaluluwa ni Sr. Maria Belonia (Jean Garcia), isang mabagsik at malupit na guro noong 1898. Matatanggal dapat ang madre sa eskwelahan dahil sa pagkawala ng tatlo niyang estudyante. Upang hindi mapahiya, magpapakamatay ang madre at isusumpang ibabalik ang tatlong nawawalang estudyante upang makasama sa kanilang class picture. Nang mabulabog ang kanyang kaluluwa, isa-isa niyang papatayin ang mga taong naiwan sa eskwelahan at kukunin ang dalawang babae bilang kapalit ng kanyang mga nawawalang estudyante. Ang ikatlong dapat kunin ay si Joy (Kin Chui) ngunit maililigtas siya ng kaluluwa ng nawawalang estudyante na tatapos sa sumpa at magpapatahimik sa kaluluwa ni Sr. Belonia.

Ang ikatlong kwento ay isang komedya at pinamagatang NIEVES. Sa munting barrio, si Nieves (Marian Rivera) ang tanging tagapagtanggol ng taong-bayan laban sa mga mapaglarong engkanto. Nang mawala ang kanyang asawa at pinakamamahal na Adonis (Pekto), tatabangan na siyang maging “Engkanto Slayer” o tagagupo ng mga engkanto. Hanggang sunod-sunod ang pambulabog ng mga engkanto at pagkakawalaan ang mga taong-bayan. Sa simula’y tutulong si KC (Jennica Garcia), isang taga-Maynilang tinuruan ni Nieves na maging Engkanto Slayer subalit lalantad ang tunay na katauhan niya bilang Acacia (Diana Zubiri), ang reyna ng mga Engkanto na dumukot kay Adonis at nagpasimula ng gulo ng tao at engkanto.

Bilang horror movie may tamang timpla ng panggulat, pangkaba at panakot ang dalawang kwento. Kaya nga lamang ay may kahinaan ang naratibo ng Emergency at di gaanong malinaw ang pagkakabuo ng kwento ng Class Picture. Maraming pa ring detalye at side stories na walang silbi kundi ang magpahaba lamang. Ang pinaka umangat ay ang Nieves dahil sa mahusay na pagkakaganap ni Marian Rivera, magandang naratibo at pagpapatawang dahil sa sitwasyon, dialogue o eksena at hindi tulad ng nakasanayang slapstick o toilet humor. Maganda ang paglalapat ng tugtog sa tatlong kwento. Bagamat hindi gaanong pulido ang mga special effects at disenyo ng produksyon ay kaiga-igaya na rin itong panoorin. Sa kabubuan, nakaaaliw panoorin ang pelikula at sulit na ang panahon at salaping igugugol dito.

Maaring pag-usapan ang dalawang magandang puntong naibahagi ng pelikula, bagamat pahapyaw at hindi intensyon ng produksyon. Una, ang pananalig sa Diyos sa gitna ng pagsubok. Sa EMERGENCY, ang malakas na pananampalataya at kapangyarihan ng Diyos lamang ang tanging nakasugpo sa mga halimaw. Sa panahon ngayon, kung minsan, akala ng tao ang sariling kakayahan, kayamanan o kapangyarihan ang magliligtas sa kanila sa hirap o panganib. Mainam na makita na hindi ang lakas o tapang, hindi ang pamahiin o paniniwala, hindi ang talino o swerte ang magliligtas sa tao kundi ang kabutihang loob at pananalig sa kapangyarihan ng Diyos.

Ikalawa, ang katapatan sa asawa. Sa Nieves, mahal na mahal ni Nieves ang kanyang asawang si Adonis, sa kabila ng itsura nito. Ni hindi siya nagdalawang isip na manatiling tapat kahit na may gusto sa kanya si Agtaya, matipuno, guwapo at prinsipe ng mga Engkanto. Bagkus ay pinagsumikapan niyang matutong maging Engkanto Slayer upang matiyak ang kanilang pagsasama ni Adonis. Sa kasalukuyan, maraming marupok na pagsasama gawa ng mga nagkalat na tukso sa paligid. Para bang ang pagtataksil ay madaling bigyan ng katwiran. Bagama’t sa isang nakakatawang sitwasyon, nabigyan diin ditto ang halaga ng katapatan sa asawa.

May ilang eksenanang nakasisindak at madugo na maaring katakutan ng mga bata. Mainam na patnubayan sa panunuod ng mga magulang ang kanilang batang anak.

Dayo

Cast (Voices): Nash Aguas, Katrina “Hopia” Legaspi, Michale V., Pokwang, Peque Gallaga, Johnny Delgado, Laurice Guillen, Nova Villa, Noel Trinidad ; Director: Robert Quilao; Producers: ; Screenwriters: Artemio Abad, Eric Cabahug; Music: Jesse Lasaten; Genre: Cartoon Movie/ Family; Running Time: 90 min,;

Technical Assessment: 3.5
Moral Assessment: 3
CINEMA Rating: For viewers of all ages

Eleven-year old, not yet in his teens, Bubuy (Nash Aguas) is the favorite target of the three teenage boys who find it fun in bullying him. He tries to avoid them, but they manage to get to him. This time they catch him and order that he build a fire for them. He does so but suddenly the flames grow and spread, making the living forest trees to go after the boy for having caused the fire and heat to intensify, putting their territory, the forest and life in peril. Bubuy manages to escape and get home safe. The empty house however, makes him feel that his grandparents (Nova Villa and Noel Trinidad) are gone missing, he does not know where they are. Some time after, he is surprised to spot a young, lively and smiling girl looking in at him from an open window. She is Anna (Katrina “Hopia” Legaspi) offering to help him find his “Lolo’ and “Lola” who had been kidnapped- according to her- for the scare he gave the forest dwellers. Anna says they have been taken to the land of Elementalia. She shows Bubuy that she is a “Manananggal”, a creature that could separate her upper body from the lower portion when needed. With his eager consent, in a sweep she has him held securely in her hands and flying on their way to his grandparents.

They enter into what for him is a strange place inhabited by enchanted creatures. On their arrival the first thing Anna does is to bring Bubuy to the kind and helpful Lolo Nano (Peque Gallaga) who could tell them what to do, and also concoct a potion that could free the grandparents from their captors. Right away, Anna and Bubuy set to work. Joining them is Narsi (Michael V.), a vain, funny but helpful “Tikbalang”- a half human and half horse creature- who volunteered taking them to the places they have to go.

Dayo is a well laid out story that will interest and entertain not only young viewers, but also the adults. That it is a locally produced film about our own stories of fantasy and mystery could serve as an added reason for potential viewers to watch it. This has also been endorsed by DepEd (the Department of Education) which could lead to elders and parents accompany their young children to see a worthwhile and pleasing Filipino cartoon feature.

Instead of the usual presentation of Philippine folklore and fantasy characters and creatures as frightening, evil, revengeful and the like. Dayo has shown them to be, except for the rare few, naturally normal beings, friendly, ready to help and among others deeds, to go a long way for someone even a stranger like Bubuy and his grandparents. Another plus for this movie fantasy story is that the Filipino artists could come up with cartoons, GCIs and handle Digitals almost as well as their American counterpart.

Though still quite young, timid and reserved, Bubuy is shown as a kid, when confronted with the loss of his grandparents, being alone, hurt by bullies and not knowing what to do; but when given the opportunity to become appositive person, with the help of Anna, he quickly grows up. In place of helplessness, fear, a feeling of loss, he and his world turn positive. His grandparents are back with him and Bubuy is no longer the child, he has grown. He is shown as a prayerful boy.

Desperadas 2

Cast: Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, Marian Rivera, Ogie Alcasid; Director: Joel Lamangan; Producer: Lily Y. Monteverde; Screenwriter: Roy Iglesias; Music: Frederick John; Editor: Tara Illenberger; Genre: Drama/ Comedy ; Distributor: Regal Films; Location: Philippines; Running Time: 112 min.;

Technical Assessment: 2.5
Moral Assessment: 3
CINEMA Rating: For viewers age 13 and below with parental guidance

Masayang nagdiriwang ang pamilya ng magkakapatid na sina Isabella (Ruffa), Patricia (Rufa Mae), Stephanie (Iza), at Courtney (Marian) dahil sa international award sa larangan ng fashion na natanggap ng huli, nang atakihin ang kanilang ina at isinugod sa ospital. Kasabay ng paggaling ng ina ay ang paglalahad niya sa apat na anak tungkol sa ikalima nilang kapatid na si Lugaduga (Ogie) at ang nalalapit nilang pagkikita-kita. Di naman naglaon ay dumating si Ludaluga na kapansin-pansin ang kaibahan ng hitsura kumpara sa kanilang apat na pawang magaganda. Bagamat nabigla ang apat sa di inaasahang pagkakaroon ng ikalimang kapatid na malayo ang hitsura sa kanila ay nagsikap sila na maging magiliw kay Ludaluga. Ang totoo ay di sila masyado nagpaapekto sa pagdating ni Ludaluga sa dahilang may kani-kaniyang sitwasyon silang kinakaharap bilang mga desperadas. Si Isabela na takot magpakasal sa live-in partner, si Sofia na dumadaan sa post natal depression, si Patricia na bumabangon mula sa annulment ng kasal sa dating asawang bakla, at si Courtney na nagtatalo ang prioridad sa buhay sa pagitan ng gumagandang career at atensyon para sa mabait na asawa. Ano kaya ang magiging kaugnayan ni Ludaluga sa dinatnan niyang mga sitwasyon ng kanyang apat na kapatid?

Maayos ang daloy ng kuwento ng Desperadas 2. Bawat pangunahing tauhan ay nabigyan ng highlight at walang sablay na tinahi para mabuo ang istorya. Ang mga eksaheradang eksena katulad ng panliligaw ng congresista kay Patricia at pagbibigay-diin sa seksuwalidad ay tama lamang sa konteksto ng satiriko at patawa. Wala namang masyadong nailabas sa pag-arte ang mga pangunahing tauhan dahil marahin magaan ang kuwento at halos di kailangan ng effort sa parte ng mga actor, maliban kay Iza Calzado na mahusay at makabuluhang naipakita ang post natal depression sa kanyang pagganap bilang Sofia. Kapansin-pansin din ang bitaw ng linyang patawa ng mga batang nagsiganap. Samantala, limitado at hindi masyadong malikhain ang mga kuha ng kamera. Tama lamang ang make-up at payak ang disenyo ng produksyon.

Magaan panoorin ang pelikula dahil sa mensahe nitong suporta at pagmamahalan ng magkakapatid sa isa’t isa kahit may kani-kaniya na silang mga buhay. May hatid rin itong impormasyon tungkol sa mga hamon ng relasyon sa pamilya (mag-asawa, magulang at anak). Nagpatotoo rin ang pelikula sa kasabihan na di dapat humuhusga sa panlabas na anyo ng tao. Ano mang suliranin sa mundo ay may katapat na solusyon. Samantala, dahil sa pagtalakay ng pelikula sa mga maseselang tema tulad ng homosexuality, palasak na usaping sex, at isyung politikal ay kinakailangan gabayan ang mga batang manonood.

Magkaibigan

Cast: Christopher de Leon, Jinggoy Estrada, Dawn Zulueta, Maricel Laxa; Director: Jose Javier Reyes; Screenwriter: Jose Javier Reyes; Genre: Drama; Distributor: Maverick Films; Location: Philippibn;

Technical Assessment: 2.5
Moral Assessment: 3
CINEMA Rating: For viewers 14 and above

Magkababata sila, at sa kanilang pagkakagulang, magiging matalik na magkaibigan sina Atoy (Christopher Leon) at Ben (Jinggoy Estrada). Makikita nating ang bawat isa sa kanila ay tanggap na tanggap ng kani-kaniyang pamilya; sa katunayan, higit pa silang malapit sa isa’t isa kaysa sa kanilang mga kamag-anak. Magkakaalaman sila ng kanilang mga problemang pampamilya, at magdadamayan sa oras ng pangangailangan, tulad ng tunay na magkapatid. Sa pagkawala ng trabaho ni Ben, tutulong nang palihim si Atoy, pagka’t tnato niyang hindi matatanggap ng “pride” ni Ben ang hantarang pagtulong. Sa pagkakasakit naman ni Atoy ng cancer—kung saan siya’y tataningan ng buhay—naroon naman si Ben upang buhayin ang kanyang loob na manatiling buhay at labanan ang sakit.

Walang masasabing katangian o “outstanding technical elements” ang Magkaibigan. Sa kabila ng pagkakahirang kay Christopher de Leon bilang Best Actor ng Metro Manila film Festival (MMFF) 2008, wala pa ring sapat na dahilan upang maka-antig ng damdamin o makakurot ng isip ang pelikula. Marahil dahil ito’y namuhunan sa isang mababaw na pinanggalingan. Hinugot ang screenplay ng Magkaibigan mula sa tunay na buhay na pagkakasakit at pagkamatay ng artistang si Rudy Fernandez. Higit na makabubuti pa marahil kung hindi ito ipinangalandakan ng pelikula upang sa gayon ay hindi “makulayan” ang panonood nito. Maaari namang gumawa ng ganong uri ng pelikula nang hindi “sumasakay” sa popularidad ng isang yumaong action star. Ang nangyari tuloy ngayon ay, habang nanonood ka, hindi mo mapigilang isipin na ang pinanonood mo ay ang siyang tunay na pangyayari sa buhay ng artistang si Rudy Fernandez.

Kung gayon nga, ay bakit ka pa babayad ng mahigit 150 piso para panoorin ang isang kabanata sa buhay ng isang artista na narinig mo na noon pa mula sa mga balita sa diyaryo, tabloid, radyo, telebisyon, internet at sa tindahan sa kanto? Hindi naman nakapagbibigay ng inspirasyon o pag-asa sa iyo ang pelikula, kahit siguro may sakit ka mang tulad ng sa kanya at ang mga araw mo ay bilang na rin. Higit ka pa marahil mabubuhayan ng pag-asa kung ang napapanood mo ay angpagkakasakit ng isang di kilalang taong talagang tunay na naghihikahos, walang iiwanang yaman sa pamilya, walang iiyak na mga tagahanga sa kanyang libing, at walang pambili ng gamot subalit napapanatili pa ring buhay ang loob ng pananampalatay ng kanyang mga kaibigan.

Baler

Cast: Anne Curtis, Jericho Rosales, Philip Salvador, ; Director: Mark Meiley; Producers: Veronique Del Rosario-Corpus, Vicente G. Del Rosario III; Screenwriter: Roy C. Iglesias; Music: Vincent de Jesus; Editor: Danny Anonuevo; Genre: Drama/ Romance/ War; Cinematography: Lee Meily; Distributor: Viva Films; Location: Baler, Aurora, Philippines; Running Time: 110 min.;

Technical Assessment: 3.5
Moral Assessment: 3
CINEMA Rating: For viewers 14 and above

Taong 1898, panahon ng pananakop ng mga Kastila, nang sumibol ang pag-iibigan sa Baler ng dalagang si Feliza Reyes (Anne Curtis) at ng binatang si Celso Resurreccion (Jericho Rosales), isang mestisong sundalo sa pwersa ng mga Kastila. Pilit nilang ililihim ang kanilang pagmamahalan at pagniniig sapagka’t ang ama ni Feliza, si Nanding (Philip Salvador), ay kabilang sa mga armadong Pilipinong nag-aalsa laban sa mga Kastila. Matindi ang galit ni Nanding sa mga Kastila dahil sa karahasang ginawa ng mga ito sa kanyang ama at kapatid na babae, kung kaya’t tutol ito kahit sa nasang pagpapari ng kanyang anak na malapit sa mga prayle, si Gabriel. Darating ang pagkakataong mananaig ang lakas ng mga rebolusyonaryong Pilipino, tutugisin nila nang biglaan ang mga sundalong Kastila hanggang masukol ang mga ito at wala nang matatakbuhan kundi sa simbahan. Papaligiran ng mga sundalong Pilipino ang mga simbahan ngunit hindi susuko ang 57 Kastilang naroon bagama’t ang kanilang pagkain ay husto lamang sa loob ng tatlong buwan. Titiisin nila ang gutom, malaria, at ang kamatayan ng marami nilang kasamahan, habang naghihintay sila ng tulong mula sa hukbo nila sa Maynila. Lalakad ang mga buwan, tatanggapin na ng Espanya ang kanilang pagkatalo, ngunit hindi pa rin maniniwala dito ang mga sundalong Kastila na mistula’y nakakulong na sa simbahan. Kabilang sa mga sundalo sa loob ng simbahan si Celso, at nang hindi na ito makatiis, magkakasundo sila ng ilan sa kanilang mga kasamahan upang tumakas.

Maganda at maayos ang daloy ng istorya ng Baler, at sa maraming mga aspeto’y makatotohanan ang paglalahad nito ng mga pangyayari noong panahon ng paglaya ng mga Pilipino mula sa mga Kastila. Maganda rin ang sinematograpiya, Kahanga-hanga rin ang katapatan ng pagganap ng mga pangunahing artista, at dapat ding purihin ang direktor sa husay ng kabuuan ng pelikula. Dalawang bagay lamang ang nagiging batik sa magandang mukha ng Baler: ang magaralgal na pagsasalita ng wikang Kastila, at ang kakulangan sa tumpak na make-up. Kulang sa “dulas” ng dila ang mga nagsasalita ng Kastila—halatang hindi iyon ang inang-wika nila. Ang make-up naman: ang mga sundalong halos isang taon nang nagugutom, napupuyat, napapagod, nawawalan ng pag-asa at masuka-suka nang nakukulong kapiling ng mga nagkakasakit at yumayao ay mukha pa ring makikinis, busog at malulusog kahit na gutay-gutay na ang mga unipormeng suot. Bakit mula simula hanggang sa katapusan, makisig pa rin si Jericho Rosales? Di ba dapat ay humpak na ang kanilang mga pisngi, nanglalalim ang mga mata at bumabagsak na ang mga katawan sa ganoong mga kalagayan, na ultimo daga at ang alagang tuta ay kinakain na rin dahil sa matinding gutom?

Pinaghalong “fact” at “fiction” ang pelikula, base sa kasaysayang naturingnang “Siege of Baler” sa lalawigan ng Quezon kung saan nasukol ang 57 sundalong Kastila sa loob ng 337 na araw. Ang digmaang ito diumano ay kilalang-kilala sa Europa at sa katunaya’y ginawa pa itong isang pelikula noong taong 1945, at pinamagatang “Los Ultimos de Filipinas”, na tumutukoy sa mga sundalong Kastilang lumaban sa Baler noong rebolusyon at digmaan laban sa mga Amerikano. Kung ipipikit na lamang ninyo ang inyong mga mata sa mga nabanggit naming pagkukulang ng Baler, malulugod din kayo at pinanood ninyo ito, sapagkat kahit ito mabigat sa damdamin, maaaninag pa rin ninyo ang liwanag sa likuran ng ulap. Maaaring sabihin inyong kulang sa lupit ang mga magkaka-away, ngunit hindi ninyo rin maikakaila na nakabubuti sa lahat ang ipinapakitang pakikipag-kapwa tao ng mga Pilipino kahit na sa mga kaaway nila. Malugod na bumabati ang CINEMA sa karangalang nakamit ng Baler bilang “Best Festival Picture” sa 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF), kasama ng siyam na iba pang gantimpala. Sadyang karapat-dapat sa Baler ang karangalang nakamit nito. Nawa’y makatulong ito sa pagtataas ng antas ng mga pelikulang Pilipino.

Monday, December 29, 2008

Ang Tanging Ina Nyong Lahat

Cast: Ai-Ai Delas Alas, Eugene Domingo, Carlo Aquino, Cherry Pie Picache, Shaina Magdayao, Jiro Manio, Alwyn Uytingco, Gloria Diaz; Director: Wenn Deramas; Screenplay: Mel Mendoza-del Rosario; Distributor: Star Cinema; Genre: Comedy; Location: Philippines; Running Time: 110 mins;

Technical Assessment: 3.5
Moral Assessment: 3
Rating: For viewers 14 years old and above

Makalipas ang mahigit 30 taon ng pagiging ulirang ina sa isang dosenang anak, makakaramdam si Ina (Ai-Ai Delas Alas) ng pagkabalisa at hahanapin niyang muli ang kanyang sarili at kung paano muli siyang maipagmamalaki ng kanyang mga anak.. Susubukan niyang magbalik-eskuwela habang nagtatrabaho, ngunit hindi pa rin ito magiging sapat. Magbabago ang takbo ng kanyang buhay nang mamasukan siya sa Malacanan bilang chamber maid. Mapapalapit siya sa pangulo ng Pilipinas (Gloria Diaz) at isang hindi inaasahang pagkakataon ay mauulinigan niya ang isang masamang balak na pagpaslang dito. Hindi niya mapipigilan ang pagpapaslang sa pangulo ngunit magiging susi siya upang malutas ang kaso. Dahil dito ay hahamunin siya ng mga kalaban na tumakbo sa pagka-Pangulo ng bansa. Matapos ang masusing pag-iisip ay tatanggapin niya ito ay siya ay mananalo. Kayanin kaya ni Ina ang pagiging ina ng buong bayan habang ginagampanan ang pagiging tunay na ina sa mga anak?

Isang mahusay na komedya ang pelikula. Tulad sa inaasahan, hitik sa katatawanan ang buong kuwento na bagama’t hindi lohikal ay nagawang papaniwalain ang mga manonood na ito ay posible. Tama ang timpla ng komedya at drama na talaga namang malaman din ang mga mensahe. Kahanga-hanga ang lahat ng tauhan lalo na ang actor na si Eugene Domingo na hindi matatawaran ang galing sa pagpapatawa. Si Domingo ang halos nagdala ng aliw sa pelikula mula simula hanggang wakas. Mas mahusay naman sa pagda-drama si Delas Alas kaysa sa pagpapatawa. Ngunit kung susumahin ay epektibo rin naman siya. Napanindigan nang husto ng Ang Tanging Ina Niyong Lahat ang pagpapatawa na hindi lumaylay at laging may mga bagong patawa at pasabog bawat eksena.

Hanggang saan nga ba nasusukat ang kadakilaan ng isang ina? Nariyang pasukin ang lahat ng trabaho, maitaguyod lamang ang mga anak tulad ng karakter ni Ina sa pelikula. Pero kadalasa’y hindi pa rin ito nagiging sapat. Marahil, sadyang walang hangganan ang sukatan ng pagiging ulirang ina. Ipinakikita sa pelikula ang lahat ng maaaring gawin ng isang ina para sa kanyang anak. Sinasabi ring iba talaga ang pagmamahal ng isang ina at maaari itong maging lakas ng sinumang nagnanais ng magpatakbo ng isang bayan. Sa pelikula’y naging labis na suwail ang mga anak ni Ina ngunit nagsisi naman ang mga ito sa bandang huli. Bagay na kapupulutan ng aral ng mga manonood. May ilang mga eksena lamang na patungkol sa sekswalidad at ilang maselang isyu na maaaring hindi angkop sa mga batang manonood.

Iskul Bukol; 20 Years After

Cast: Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Oyo Sotto, Gian Sotto, Keempee de Leon, Benjie Paras, Jose; Director: Tony Reyes ; Screenplay: Bibeth Orteza;: Northern Philippines; Genre: Comedy; Distributor: Octo-Arts, Mzet Film

Technical Assessment: 2
Moral Assessment: 2.5
Cinema Rating : For viewers age 13 and below with parental guidance

Makalipas ang 20 taon, si Vic Ungasis (Sotto) ay isa nang sikat at matagumpay na archeologist. Pilit niyang tinutuklas ang isang gamit ni Humabon at ang kampilan ni Lapu-Lapu upang maibigay sa museo. Samantala, isang Hapon naman ang makamit ang serbisyo ng kapwa archeologist at kaibigan ni Vic (Benjie Paras) upang makuha ang peseta na nakakabit sa kampilan ni Lapu-Lapu. Sinasabing ang sinumang may hawak ng peseta ay magkakaroon ng panangga sa kamatayan. Sa kabilang dako, masasangkot ang magkapatid na Tito (Sotto) at Joey (de Leon) Escalera dahil sa kanilang katusuhan at pagbebenta ng pekeng peseta sa mga Hapon. Sa kwentong ito nakapaloob ang pagplaplano ng isang class reunion ni Miss Tapia upang magkasama-sama ang mga dating tauhan ng sikat na palabas noong dekada 70 hanggang 80.

Katulad nang malimit gawin sa industriya ng pelikulang Pilipino, ginamit lamang ang pagka-sikat ng Iskul Bukol bilang panghatak sa mga manunuod. Walang kinalaman ang pamagat sa daloy ng kwento; bagkus ginawa lamang itong dahilan upang ilabas ang mga dating tauhan mula kina Miss Tapia (Mely Tagasa) hanggang kina Richie d’ Horsey. Napakababaw ng komedya ng palabas na nakasalalay lamang sa slapstick at patawang seksuwal. Ang pelikula ay hindi pinauusad ng istorya kundi ng mga tagpi-tagping eksena lamang na kung minsan ay wala namang koneksyon sa isa’t isa o hindi naman kailangan ng kuwento. Tuloy, naging mabagal ang pagusad ng pelikula at tila napakahaba ang paghihintay na matapos na ito. Maging ang mga CGI’s at special effects ay hindi pulido at halatang-halatang peke.

Mabuti laban sa masama … at ang mabuti ang nagwagi. Ito marahil ang tanging magandang aral ng pelikula. Ang kabutihang loob ni Ungasis ang nagtagumpay laban sa ganid ng mga Hapon, sa traydor na kaibigan at mapagsamantalang mga kasama. Bilang isang komedya, nakalulungkot isipin na sa kabila ng makabagong teknolohiya, malikhain at mahuhusay na manunulat at malaking salaping ipinupuhunan, madalas mababang uri pa rin ang kinalalabasan ng ating mga pelikula dahil kulang sa pagsusumikap na iahon mula sa slapstick, toilet humor at sex jokes ang pagpapatawa, puliduhin ang produksyon at laliman ang pagbuo sa mga tauhan. Bagamat hindi ganoong kalaswa at violent ang palabas, hindi rin naman kaiga-igaya ang ilang eksena at pag-uusap para sa mga kabataan. Bagkus, maaaring akalain pang tama at gayahin pa ang ilang pag-uugali at pagsasalita dahil hindi naman masasabing ganap na “objectionable” ito.

Friday, December 19, 2008

Quarantine

Cast: Jennifer Carpenter, Steve Harris, Jay Hernandez, Johnathon Schaech ; Director: John Erick Dowdle; Screenplay: John Erick Dowdle, Drew Dowdle; Producer: Julio Fernández, Roy Lee, Carlos Fernández, Sergio Aguero, Clint Culpepper, Doug Davison ; Genre: Horror; Location:US; Running Time: 89 mins

Technical Assessment: 3
Moral Assessment: 2.5
Cinema Rating: For mature viewers 18 and above

Television reporter Angela Vidal (Jennifer Carpenter) and her camareman (Steve Harris) are assigned to do a story about Los Angeles firefighters. As they are doing a video documentary, they are to spend one night shift with the firemen on duty covering all aspects of their job which include paramedics and responding to almost any kind of emergency. On that night, the fire company receives a call for an emergency at an apartment building. Angela and her cameraman follow the firemen routine. When they get there, they end up as witness to a horrifying disease that has infected most of the apartment building's residents. To their surprise, the entire building will be put on quarantine upon the order of the local government. They will all be trapped inside and as they find their way out, they discover an even more shocking truth: the infected people have gone totally insane and they attack and kill the living.

A remake of the Spanish thriller [REC] as in record, Quarantine is fresh shocker that tells the entire story on the point-of-view of an actual viewfinder of a camera from start to finish. This idea is not entirely new for those who have seen The Blair Witch Project which uses the same approach. The shaky camera shot and seem inadequate lighting are all part of the film's style. This has made the audience believe they really are watching an actual documentary of a real event making the shock and thrill seem very real. The actors are effective and Carpenter is convincing as the reporter documenting an actual horror experience. But then, at the end of the movie, the audience are left with nothing to ponder on because the entire film lacks depth and it does not go beyond its shocking value.

How far should a news reporter go to cover an interesting story? Is it moral to sacrifice innocent lives for the sake of preventing the spread of a pandemic? These are some of the questions worth asking while watching the film. The mass media itself loves sensationalized stories and the darker and riskier the story is, the more premium for the reporter. With this kind of mindset, the mass media persons end up to be go getters of any opportunity to which they sometimes end up as sacrificial lambs. This is the fate of Angela in the movie. But then, her character exemplifies loyalty to one's job and this can be a good point. However, limits should be set so as not to jeopardize their lives in the line of duty. The audience's hearts go for the innocent victims of government's recklessness in implementing measures of preventing a pandemic from spreading. This is left for a much wider debate on bio-terrorism and quarantines. However, the right to life of a person, especially the innocent, should always be an utmost consideration. The gore, violence and emotional stress in the movie may cause nightmares and trauma for very young audiences so CINEMA deems the movie fit for mature viewers only.