Thursday, January 9, 2014

Kimmy Dora: ang kiyemeng prequel


Running Time: 100 minutes;  CAST: Eugene Domingo, Angel Aquino, Sam Milby; Direction: Chris Martinez  Screenplay: Chris Martinez; Editing: Claire Villareal; Producer: Erickson Raymundo; Music: Vincent de Jesus; Location: Metro Manila; Genre: Comedy; Distributor: Spring Films

Technical assessment:  2.5
Moral assessment:  3
MTRCB rating:  PG13
CINEMA rating:  V14

Ang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel ay naganap sa panahong bago pa sa ang unang pelikula Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme.  Ipinakilala ang matalinong sina Kimmy na katatapos lamang ng tatlong kurso sa ibang bansa at nakatamo ng pinakamatataas na karangalan at si Dora (Domingo) na isang mahusay na artista sa teatro subalit may kahinaan ang ulo.  Patuturuan sila ng kanilang amang si Luisito Go Dong Hae (Ariel Ureta) na patakbuhin ang kanilang negosyo sa pangunguna nina Bridget (Aquino) at Rodin (Milby).  Samantala isang misteryosong terorista ang mananakot at sisita sa kanilang negosyo.  Matutuklasan nina Kimmy ang tunay na katauhan ng terorista at malalagay sa panganib ang buhay ni Luisito; magsasanib ng pwersa ang kambal sa tulong ni Bogart (Torre) at ng teknolohiyang magpapatalino pansamantala kay Dora.

Ang dapat sanang yugto na magbibigay paliwanag at kaliwanagan sa buong serye ay tilaisang nakakaasiwang kirot ng ngipin—gusto mong kalimutan pero ayaw mawala. Sayang ang ipinuhunang talino at bagong atake ni Martinez sa kauna-unahang Kimmy Dora dahil nahanay bigla ang buong serye sa mababaw na katatawan at walang katuturang pag-usad ng kwento. Mahusay na mga artista ang gumanap pero gaano nga ba ang magagawa nila kung hungkag naman ang mga eksenang ipinagagawa sa kanila. Maayos naman sana ang buod ng istorya pero dahil medyo pilit na ang ikatlong yugto, maraming eksena na inilagay na lamang para pampahaba at pampatawa. Maliban sa kwento at atake sa komedya, maayos naman ang larangan teknikal ng pelikula. Hindi nga lamang siya sulit panuorin at mas mabuti pang abangan na lamang ang libreng pagpapalabas nito sa telebisyon.

Ang paggalang at pagpapahalaga sa bawat tao, matalino man o mahina ang pag-iisip, ay hindi dapat kalimutan. Sa katunayan, ilan ang may kapansanan na nadaig ang kakayahan pisikal, intelektuwal at pangsining na kakayahan ng mga taong normal ang kakayahan. Hati ang pananaw ng Kimmy Dora sa mga taong mahihina ang ulo, dahil sabay nitong pinapahalagahan at pinagtatawanan ang kahinaan nito.  Alin ang mas naging matimbang? Depende sa eksena at kung ano ang mas kwela sa manunood. Hinapyawan din ng pelikula ang halaga ng pamilya at kung paanong ang matibay na relasyon sa isa't isa ay sandigan sa oras ng kagipitan at pagsubok. Problema din ng Kimmy Dora ang karaniwang problema ng pelikulang Pinoy, ang anumang mensaheng mapipiga ay tinatabunan ng mga eksenang binuo para sa mababaw na kasiyahan ng manunuod at hindi sa ikauunlad ng kwento.

Wednesday, January 8, 2014

Girl, Boy, Bakla, Tomboy

DIRECTOR: Wenn Deramas  LEAD CAST:  Vice Ganda, Maricel Soriano, Joey Marquez, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes WRITER: Mel del Rosario PRODUCERS and DISTRIBUTOR:  Star Cinema and Viva Films  GENRE: Comedy  LOCATION: Philippines  RUNNING TIME:  105 minutes

Technical assessment:  3
Moral assessment:  3.5
CINEMA rating: PG 13

“Quadruplets” sila Girlie (Girl), Peter (Boy), Mark (Bakla) at Panying (Tomboy)—lahat ay gagampanan ni Vice Ganda.  Magkakahiwalay sila mula sa pagkabata: si Girlie at si Peter ay makakasama ng kanilang amang si Pete Jackstone (Joey Marquez) sa Amerika samantalang si Mark at si Panying ay mapupunta sa kanilang inang si Pia Jackstone (Maricel Soriano), sa Pilipinas.  Magkakasalubong muli ang kanilang mga landas nang hindi inaasahan.  Magkikita kita sila at ilalahad na ng mga magulang nila ang katotohanan kung bakit sila nagkahiwa-hiwalay.  Dadaan sila sa pagsubok pagdating ng panahong mangangailangan ang isa sa quadruplets ng liver transplant, at isa sa tatlo pang magkakapatid ang maaaring maging donor nito.

Ano naman kayang lahi at nakaraan ang pinanggalingan ni Pete at ni Pia at di lamang sila nagkaanak ng quadruplets kundi pati ang dalawang kasarian nito’y nagsanga-sanga pa.  It’s complicated, ika nga.  Pero sa kabila ng medyo gumaralgal na istorya, maayos ding lumabas ang pelikula; malaking bahagi ang naiambag ng galing ng pagganap at characterization ni Ganda.  Sabi nga ng mga tagahanga, “kering-keri niya”.  At siyempre pa, patok din ang arte ni Soriano bilang ina ng quadruplets.  Sa panig na teknikal, wala namang kamangha-manghang elemento ang makikita sa pelikula; inihahain lang nito ang inaasahang makita ng manonood.

Maraming magagandang halimbawa ang dulot ng pelikula.  Nangunguna na rito ay ang pagiging mabuting ina ni Pia.  Kahit iba-iba pa ang mga gawi at pag-uugali ng kanyang mga anak, pantay-pantay ang tingin siya sa mga ito, at tunay din niyang minamahal ang apat.  Hindi rin siya nagtatanim ng galit sa asawang nahiwalay; matimtiman niyang tinitiis ang bigat ng loob, at bagama’t siya ang tunay na asawa ay hindi siya magmamatigas sa kanyang pananaw.  Buo rin ang pananalig niya na ang kanyang mga anak ay higit pang magiging mabubuting tao.  Ayon din sa pelikula, hindi lahat ng bakla ay ugat ng iskandalo o kahihiyan.  Kung mahusay ang pagpapalaki sa kanila, isang maaliwalas na kinabukasan ang mapapasakanila.


10,000 hours

--> Running Time: 107 minutes;  Cast: Robin Padilla, Michael de Mesa, Pen Medina, Mylene Dizon, Bela Padilla; Direction: Joyce Bernal;  Screenplay: Ryllah Epifania Berico, Keiko Aquino;; Editing: Marya Ignacio’; Producer: Philippine Film Studios; Music: Teresa Barrozo; Location: Philippines, Amsterdam; Genre: Drama/Thriller; Distributor: MMFF

Technical Assessment: 3.5
Moral Assessment: 2.5
MTRCB Rating: R13
CINEMA Rating: V14

Habang naghahandang magbigay ng kanyang talumpati si Senator Gabriel Alcaraz (Padilla) para ibunyag ang mga katiwalian sa pamahalaan ay pinagpaplanuhan naman ng Pangulo ng Pilipinas, kasabwat ang ilang matataas na opisyal, ang pagdakip sa nauna. Iuutos ng Pangulo sa matalik na kaibigan at Police Director Cristobal (de Mesa) ang paghuli kay Alcaraz. Matutunugan ni Alcaraz ang panganib sa buhay niya at sa tulong ng mga alyado ng isa pang kaibigan at NBI Director San Juan ay makakatakas siya ng Pilipinas a magtatago sa Amsterdam upang hanapin ang isang testigo (Medina) para malinis ang kanyang pangalan at lumabas ang katotohanan. Samantala, si Maya Limchauco (Bela Padilla), isang reporter sa Pilipinas, ang tutulong kina Alcaraz at kanyang pamilya para sa isang lihim na paghihiganti. At pagkatapos ng 10 libong oras ay muling babalik si Alcaraz sa Pilipinas upang ibunyag ang katotohanan.

Matalino ang pagkakahabi ng mga eksena at tamang tama ang timpla ng drama, aksyon at mga pasaring sa diyalogo. Kaya nga lamang ay natatabunan si Padilla ng mga kasamahang artista. Kung may mapipiga pa sana sa kanya si Bernal para tumapat man lamang kahit konti sa kalidad ng pagganap nina de Mesa at Medina o kahit ng bagitang si Bella Padilla ay mas magkakaroon ng lalim ang katauhan ni Senador Alcaraz. Tama ang puna ng ilang manunulat na tatapat sa mga banyagang produksyon ang istilo ng aksyon ni Bernal. Magaling ang mga kuha at nabigyang katarungan ng mahigpit at buhay na pagkakadugtong-dugtong ng mga eksena. Ang kwento, dahil hango sa mga naganap kay Senador Ping Lacson, ay maaring pagdudahan bilang propaganda, pero kung titingnan ito bilang kathang isip ay sadyang malinaw at matibay ang konsepto at mga tema.  Sulit ang panunuod ng 10,000 Hours.

Hindi lingid sa kaalaman ng madla na sangkot ang ilang matataas na tao sa pamahalaan sa kabi-kabilang krimen at kurapsyon sa bansa. Alam din ng natin na madalas, ang mga nagbubunyag ng katotohanan o naninindigan para sa bayan ay nababalewala o napapatay. Gayunpaman, ang makita ang temang ito sa pelikula ay sadyang nakababagabag dahil tila ba walang pinagkaiba ang maging tapat o maging taksil sa tungkulin sa bayan. Sa kabilang dako, kahanga-hanga na may mga taong katulad nina Alcaraz na patuloy na naniniwalang dapat panindigan at ipaglaban ang katotohanan at katapatan sa paglilingkod sa bayan.  Isang maningning na simbolismo ng pag-asa at dangal ang pagtataya ng mga matitinong tauhan sa pelikula sa kabila ng mga malalakas na puwersa ng katiwalian.  Sa panahon ngayon na kaliwat kanan ang nagsusulputang usapin ng korupsyon, mainam sanang makita ng mga ordinaryong Pinoy na ang paninindigan sa tama at totoo ay may saysay pa rin. Sayang nga lamang at ang huling eksena ng 10,000 Hours ay ang pagpatay sa mga testigo at ang matagumpay na pagtatakip ng mga nasa kapangyarihan sa katotohanan.

MAHALAGANG PAALALA:  May pahabol ang CINEMA tungkol sa 10,000 Hours at mga pelikulang tulad nito na base sa tunay na buhay at kinasasangkutan ng mga taong nasa matataas na posisyon ng paglilingkod sa bayan.  Payo ng CINEMA: ingat lamang sa panonood.

Batid natin na ang pelikula ay isang makapangyarihang medium o daan na maaaring gamitin tungo sa katotohanan o sa kasinungalingan man.  Ang imaheng gumagalaw, na higit pang malaki kaysa tunay na buhay, ay napakahusay na panghubog ng kaisipan ng tao.  Saan mang bansa na gumagawa ng pelikulang kauri ng 10,000 Hoursmayaman man o mahirap, kilala man o hindi, ano mang lahi o relihiyonmay mga pamilyang nagdurusa o nawawasak ang kinabukasan bunga ng ganitong paglalahad; at mayroon din namang mga taong nailuluklok bilang mga bayani hindi man karapat-dapat.  Anupat kay raming mga artistang naihahalal bilang mga lingkod-bayan, senador,  gobernador, representante, o pangulo ng bansa dahil lamang sa kanilang pagiging mga popular at kilalang mukha!  Hindi maikakaila na sa dalas nilang lumabas sa pelikula bilang mga kampeyon ng mga maralita ay nakikita na sila ng masa bilang mga bida sa tunay na buhay, at inaasahan bilang mga bayaning hahango sa kanila sa kahirapan.  Sa karaniwang Pilipino, tila hindi na mapaghihiwalay ang buhay sa pelikula at tunay na buhay.  

Gawin nating halimbawa ang 10,000 Hours.  Kung tatanungin natin ang mga lumalabas sa sinehan, ilan sa kanila ang magsasabing Ah, kathang isip lang ang kuwentong iyan! at ilang ang magwiwikang Ah, ganoon pala ang totoong nangyari kay Ping Lacson!  Kaya mapapag-isipang propaganda ang 10,000 Hours ay dahil binabanggit pa nito ang pangalan ng senador.  Sanay hindi na lang ipinangalandakan na itoy halaw sa tunay na buhay upang sabihin lamang, sa katapusan ng pelikula, na itoy fiction lamang.  Madaling tanggapin iyon kung ang tema ng kuwentoy karaniwan lamang at hindi isang kontrobersiyal na kasong nagsasaad ng patayan at korupsyon.  Sa husay ng pagkakagawa, kapani-paniwala naman ang pelikula, kayang tumayo sa sariling paabakit kailangan pa nitong sumakay sa pangalan at kaso ni Lacson?  Nanggagaling na mismo sa 10,000 Hours ang dahilan upang pag-alinlanganan ang katapatan nito bilang isang dalisay na obra.  Sayang.

Ano man ang katotohanan sa likod ng mga balita, ang pagsusulong nito ng mga nagtatagisang kampo ay nakapaghahati sa bayan, at lalo lamang bumubulag sa madla sa katotohanang wala sa pulitika ang ipagbabago at ikauunlad ng ating bayan.  Wala rin tayong dapat hiranging bayani (lalo nat nabubuhay pa o kamamatay lamang) pagkat ang ating buhay at kaligtasan bilang isang bansa ay nakasalalay sa ating pagkakaisa, malinis na pamumuhay, matapat na pagtupad ng ating mga tungkulin, at mapagmahal na pakikitungo sa kapwa bilang mga taong may takot sa Diyos.

Pedro Calungsod: Batang Martir

--> RUNNING TIME:  147 minutes  LEAD CAST: Rocco Nacino, Christian Vasquez, Robert Correa, Ryan Eigenmann, Jestoni Alarcon, Jao Mapa,  Isadora Vilasquez, Marc Justine Alvarez,  Johnron Tañada, Mercedes Cabral  DIRECTOR: Francis Villacorta  SCREENWRITER:  Francis Villacorta  PRODUCER:  HPI Synergy Group  EDITOR:  Tara Illenberger  MUSICAL DIRECTOR:  Noel Espenida / Emlyn Olfindo Santos  CINEMATOGRAPHER:  Dexter Dela Pena / Steven Flor / Randy Cura GENRE: Drama/Documentary  DISTRIBUTOR: HPI Synergy Group  LOCATION:  Batangas, Philippines

Technical assessment:  2.5
Moral assessment:  3.5
MTRCB RATING: PG 13
CINEMA RATING: V 14

Pedro Calungsod: Batang Martir is a biographical picture of the second Filipino saint, who is put to death for his faith. Pedro Calungsod (Rocco Nacino), a young catechist, leaves his Visayan native soil to join Spanish Jesuit priest Fr. Diego de San Vitores (Christian Vasquez) for a mission to the Marianas Islands (Guam) in 1668. Trained as a catechist, Pedro assists Fr. Diego de San Vitores in baptizing the Chamorros, preaching the Good News of salvation amid doubts, paganism and disbelief. Together with other catechists and priests, the missionaries face the challenges and dangers of life in the missions, particularly the antagonism of the natives. Undaunted by setbacks and the death of their companions, Pedro and Fr. Diego continue their missionary work throughout the islands. In the end, both of them give up their lives for the sake of the Gospel.

Pedro Calungsod: Batang Martir is a very courageous attempt in bringing the life of Saint Pedro Calungsod to the wide screen. It boasts of picturesque shots of pristine beaches, azure waters and lush vegetation, magnificent sunsets, peaceful, bucolic scenes – a visual feast of the Philippines (and Guam) as both locations were shot in Batangas. But while the nature scenes are impressive, others fall flat and monotonous. Establishing shots proved insufficient for the viewer to enter the scene or story. There is inadequate exposition of the Chamorros, their culture, beliefs, practices, etc., what makes them a people. This is exacerbated by a weak screenplay which assumes too much of its viewers. In an attempt to be faithful to scant resources, the storytelling suffers so that the viewers have to put the story together from disjointed scenes that are dull and stagey.

Flashback is used to show tender moments of the young Pedro with his father but there is hardly any development of character. Nacino shows a certain depth in some scenes but his character is not defined and ends up like a caricature of a saint from beginning to end. It would have been good if we see the development of this young man’s faith so that he can, in the end, offer his life. And enough has been said about the wig.  Vasquez looks too soft as if to convey holiness—and isn’t his character supposedf to be a sick and aging priest?  Why, he looks just five years older than Calungod!  Alarcon is more convincing as the Spanish captain, while Correa as Hirao is believable but some of his lines are too long.  Eigenmann as Choco is supposed to have a significant role in the conflict but it does not come out clearly in the film.  Dialogue, even in the most profound scenes, is too long, convoluted or stilted. At some point it feels like reading a book or listening to the radio because it repeats the same point over and over.

The material is great! What can be more inspiring than the life of our very own saint who, in spite of his youth and inexperience, left Philippine shores to share the Good News abroad, and in doing so witness to the faith, not just by his words and deeds but by the offering of his life? Pedro’s faith in God did not waver even in the face of danger. He prays and devotedly clings to the crucifix entrusted to him. He also tries to creatively make the Gospel understandable to the children, and becomes a pillar of strength for his fellow catechists. The film also highlights Pedro’s deep bond with his father from whom he learned the faith and shaped his character. It shows that parents have a strong influence in the formation of their children.

As Padre Diego’s personal assistant, Pedro eventually becomes his eyes when the priest could no longer see clearly. Pedro proved his love and loyalty towards Padre Diego when he put himself in the line to shield him from stoning, and from the spear that would take his own life. “Whoever finds his life will lose it, and whoever loses his life for my sake will find it” (Matthew 10:39).  The film emphasizes the missionaries’ dedication to the mission despite the dangers, and the conviction that nothing is won through the sword but through peace and love. Mission work will always have its risks, and missionaries need to learn to respect the culture of the people they are trying to evangelize.  Violence, even in the name of evangelization, will always beget violence. The hostility of the natives is shown without a sufficient reason for it, so much so that the lengthy and multiple scenes of bloodshed come out gruesome and unnecessary.

CINEMA commends the producer and director for the effort in transporting the life of Pedro Calungsod to the movie screen. It is a shame that a compelling story of faith and courage is not told in a more potent and inspiring way. An average film instead of a powerful witness, Pedro Calungsod: Batang Martir feels like an uninspired sermon which lulls the churchgoer to sleep until the Sanctus, where the lead character is nothing but a sidekick to the main actor, Padre Diego.

But maybe that is the point of the movie. A simple catechist who does his job with love and dedication need not do anything great. Being at the right place at the right time and doing the right job with the right intention is enough. That in itself is daily, bloodless martyrdom. The grace to offer one’s life is a gift--one that is bestowed to a few privileged persons when the above conditions are present.

“Ganon lang ba kadaling maging santo?  Maging caregiver lang ng pare, santo na?” a Catholic moviegoer asks after seeing the movie.  We can’t blame him or the others who feel like him but are silent about it.  The impression is created by the lack of tension and intensity in the portrayal of the would-be martyrs, aggravated by a script that fails to delve deeply into the psyche of the characters.  Mission seemed like a mere question of baptizing as many people as possible, and sanctity appeared to be demanding nothing more than piety in a person. 

Portraying something as abstract as holiness and martyrdom is a challenge few directors and performers can convincingly hurdle.  Sanctity and the road to it is so hidden, and a person’s lifelong struggle to attain it would be extremely difficult to condense into two hours.  But for all its technical shortcomings, Pedro Calungsod: Batang Martir deserves commendation, if only for its enthusiasm, devotion and noble intentions.  At least here’s one festival movie that trains the viewer’s sights on things other than bad news, politics, and the commercialism of the season.  Not bad at all.

Tuesday, January 7, 2014

My little bossings


-->RUNNING TIME:   1 hr 50 minutes  LEAD CAST: Vic Sotto, Kris Aquino, Ryzza Mae Dizon, James “Bimby” Aquino Yap  DIRECTOR: Marlon Rivera  SCREENWRITER: Bibeth Orteza  PRODUCER:  Octo Arts Film, M-Zet Productions, APT Entertainment, Kris Aquino Productions  DISTRIBUTOR: OctoArts Film

Technical assessment:  2.5
Moral assessment:  2.5
MTRCB:  G (for all ages) 
CINEMA rating: V 14

Si Torky (Vic Sotto), isang bookkeeper, ay empleyado ng milyonaryang si Baba (Kris Aquino), isang cash management specialist.  Malalagay sa panganib ang buhay ni Baba dahilan sa isang gusot sa kanyang trabaho na nahihirapan siyang ayusin. Para hindi madamay ang anak niyang si Justin (Bimby Aquino-Yap) sa kaguluhan, ilalagak niya ito kay Torky.  Iuuwi naman ni Torky si Justin sa bahay niya para makilala si Ice (Aiza Seguerra) at si Ching (Ryzza Mae Dizon), isang batang kalye na inampon ni Ice.  Pilyo, malikot, at anak-mayaman si Justin; paano tatakbo ang pagsasamahan nilang apat sa ilalim ng iisang bubong?

Maunawain ang CINEMA sa pelikulang Pilipino.  Batid naming bihira sa mga pelikulang Pinoy ang may malaking budget.  Tanto din namin na ang karamihan ng mga gumagawa ng pelikula ay hangad lamang magpasaya ng manunuod habang kumikita naman mula sa kanilang sining.  Kaya naman hindi kami nag-aatubiling magpikit-mata kung magkaminsa’y palpak ang editing, patay ang sinematograpiya, tagilid ang script, nakakabingi o hindi pantay-pantay ang tunog at musika, sablay ang costumes, props at sets, peke ang pag-arte, wa-class ang pagpapatawa at katawa-tawa naman ang pagpapaiyak.  Magkaroon man lamang sana ng malinaw na istorya o kapaki-pakinabang na mensahe ay okay na; puwede na naming ipasa at pagpasensyahan ang ilang kapintasan.  Pero kung naroon nang halos lahat ng kapintasan at gagatasan pa ang manunuod sa pamamagitan ng garapal na product placement, hindi ba’t maiisip mong gusto lamang gumawa ng pera ang pelikula habang nagsusulong ito ng isang hangaring personal? Ganoon ang tingin ng CINEMA sa My Little Bossings.

Isangdamakmak na media hype ang nanguna sa pelikula tungkol sa pagsisimula ng acting career ng pamangkin ng presidente ng Pilipinas.  May mga interview pa sa tv tungkol sa pagiging co-actor ng patok na patok na tv personality na si Ryzza Mae.  Kaya natural na gustuhin ng mga taong panoorin ang tambalang Ryzza-Bimby; nag-Number One diumano sa takilya noong Manila Film Festival.  Sa simula ng My Little Bossings ay mukhang may matinong tatahakin ang kuwento, pero di maglalaon, sa pagkakapatung –patong ng mga eksena, ay iisipin mo nang “Ano ba talaga ang gustong palabasin nito?”  May mga tagpong tulad ng sa bahay ampunan— ipapakita ang di-makatarungang pagtrato sa mga bata, pero sa halip na sundan ito ng matalinong pagpapalawig ng isyu, ay lulukso ang kuwento balik sa kababawan.  Ano’ng saysay ng eksenang iyon?  Taliwas din sa katuwiran ang ilang hakbangin sa istorya; halimbawa— kung ikaw ba’y isang milyonarya at gusto mong itago ang anak mo sa panganib, doon mo ba ipagkakatiwala sa isang taong nakatira sa magulong lugar?  Hindi ba’t ilalayo mo siguro, sa probinsiya, sa ibang bansa, at papaligiran ng mga bodyguards? 

Pero ang tingin yata ng My Little Bossings sa mga nanonood ay wala silang karapatang mag-isip, kaya rin ganun-ganon na lang kung magsiksik ng advertisements.   Noodles man, soft drinks sabong panlaba, o fast food chain, basta na lang tatambad sa paningin mo ang produkto, at walang pakundangang ibebenta ito sa manonood.  Ano ba yan!?  Bakit babayad pa ang tao kung makikita din sa sinehan ang napapanood sa telebisyon?  Hindi ba ninanakawan niyan ang mga tao?  Akala siguro ng My Little Bossings ay sapat na ang naglalakihang mga bituin para pagtakpan ang butas-butas nitong produksyon.  Ang kawawa dito ay ang Pilipinong manunuod, ang mga tapat na tagahanga (lalo na ni Ryzza) na sa kapayakan ng pag-iisip ay bumabayad para makita ang paslit na artista, pero napagsasamantalahan ng isang produksyong hungkag at walang kalidad.  Maawa naman sana sila sa manunuod.  Maawa rin tayo sa mga batang artistang nagmumukh na ring mga produktong ibinebenta, pinagkikitaan sa murang gulang, at maaaring nagagamit sa paraang mapanira sa kanilang kinabukasan.

Friday, December 20, 2013

The Hobbit: the desolation of Smaug

-->
LEAD CAST:  Ian McKellen, Martin Freeman, Richard Armitage, Benedict Cumberbatch, Evangeline Lilly, Lee Pace, Luke Evans, Ken Stott, James Nesbitt, Orlando Bloom  DIRECTOR: Peter Jackson  SCREENWRITER:  Peter Jackson  PRODUCER:  Peter Jackson, Carolynne Cunningham, Zane Weiner, Fran Walsh   EDITOR:  Jabez Olssen   MUSICAL DIRECTOR:  Howard Shore  GENRE:  Action & Adventure, Science Fiction & Fantasy  CINEMATOGRAPHER: Andrew Lesnie   DISTRIBUTOR:  Warner Bors. Pictures  LOCATION:  New Zealand, United Kingdom, United States RUNNING TIME: 162 minutes

Technical assessment: 4
Moral assessment: 3
CINEMA rating:  V 14


The story opens with Gandalf the Grey (Ian McKellen) and dwarven king Thorin Oakenshield (Richard Armitage) clandestinely meeting at the Inn of the Prancing Pony.  Gandalf senses a dark force lurking in the world, and advises Thorin to vanquish the dragon Smaug who had originally usurped from them their mountain fortress, and to reclaim their domain Erebor.  A year later, the 13 dwarves, the hobbit Bilbo Baggins (Martin Freeman) and the wizard Gandalf trek up the treacherous mountain to its lone peak where the fire-breathing Smaug resides.

Although those who have read the book swear that it is far superior to the film version, most viewers will agree that one need not read Tolkien’s creation in order to enjoy the film.
The Hobbit: the desolation of Smaug’s appeal rests on the novelty of the otherworldly milieu it presents.  Never mind that it’s all fiction, and fraught with bloodletting and violence—as long as it engages the imagination and puts the viewer smack in the middle of the action.  The serial offers ever-new perker-uppers to keep viewers hanging on, but maybe two are outstanding: the dwarves’ bout with the giant Mirkwood spiders that see their captives as “fat and juicy” snacks, and their dicey escape riding in wine barrels bouncing along the rapids down the river, a Bilbo Baggins stroke of genius.  Indeed, the journey to Erebor to reclaim the dwarves’ lost kingdom is so perilous that towards the end the dragon Smaug seems no more menacing than a house lizard.

Is all that excitement—in a world populated by trolls, goblins, skinchangers, elves, wild and wooly orcs and monstrous talking spiders—meant as mere entertainment?  All that gore—impalements by arrows and spears, beheadings, stabbings, skull bashing, albeit decimating the number of the bad guys—could make the viewer wonder, “What for?”  Justice for the dwarves—in recovering a “stolen” kingdom?  Extraordinary power for the victors?  The message is clear: it’s the ageless fight between good and evil, and the victor emerges even clearer—noble heroism over greed and selfishness.  The possession of power may be used for good or bad, so what would you do if you were part of that quest?