Saturday, January 2, 2010

Wapakman

Cast: Manny Pacquiao, Krista Ranillo, Rufa Mae Quinto, Bianca King; Director: Topel Lee; Producers: Wilson Tieng; Music: Von de Guzman; Genre: Action/ Drama/ Sci-Fi; Distributor: Solar Entertainment Corporation; Location: Philippines;

Technical Assessment: 3
Moral Assessment: 3.5
CINEMA Rating: For viewers 14 and above

Ulirang ama si Magno Meneses (Manny Pacquiao) sa kanyang apat na anak at isang ampon, nagtatrabaho naman sa Italya bilang isang DH ang kanyang maybahay na si Magda (Ruffa Mae Quinto) sa internet lamang nila ito nakakausap. Sa kanyang debosyon at sipag na itaguyod ang mga bata, anupa’t siya’y ama’t ina na rin ng mga ito, datapwa’t hindi alam ng mga ito ang kanyang hanapbuhay sa kompanya ng poso negro. Sa isang hindi inaasahang pangyayari, malalanghap ni Magno ang isang imbensiyong kemikal na ipinapanakaw ni Dr. Rex (Jojo Alejar), isang mad scientist, mula sa imbentor nito. Nakapagbibigay ng kakaibang lakas ang kemikal na ito. Darating ang pagkakataong kakailanganin ang pagtulong ni Magno sa isang kahip[itan, at doon niya matutuklasan ang kanyang di pangkaraniwang lakas, hanggang sa siya’y taguriang “Wapakman”

Kapuna-punang pinakamahina sa takilya ang Wapakman noong Manila Film Festival. Nag-iisa po sa sinehan ang CINEMA reviewer noong siya ay manood, at ayon din sa mga takilyera, pinaka-kaunti daw ang benta nito. Marahil, higit na gusto ng madla na panoorin ang tunay na lakas ni Manny Pacquiao bilang boksingero kaysa sa pantasya niyang lakas bilang isang superhero. Kung tutuusin, hindi naman magpapahuli ang Wapakman sa iba pang mga pelikulang tampok sa Manila Film Festival. May pagka-spoof pa nga ito, pinaghalong komedya at drama, at nasa lugar naman ang anumang matatawag nitong “toilet humor” pagkat ang trabaho mismo ng karakter ni Pacquiao ay, sa kanyang sariling salita, “Taga-sep-sep ng ebak.” Kapuri-puri pa nga na sa kabila ng ganitong trabaho, ay hindi kinapital ito ng direktor upang gawing totoong “toilet humor” ang mga patawa dito. Sana lamang ay hindi masaktan ang mga Bisaya sapagkat ang kanilang kakatwang pananalita ang isa sa mga lumutang na puhunan upang mapatawa ang nanonood. Mahusay ang interpretasyon ni Alejar bilang mad scientist; sa kabilang dako, gasgas na plaka na ang arte at pananalita ni Quinto bilang isang sexpot. Mayroon ding nagsasabing tuyot ang pagganap ni Pacquiao, subalit totoo man yon, akma naman sa pagkatao ng papel niya na kimi, siryoso sa buhay, at pasensyosong lalaking na-“torotot” ng kanyang seksing maybahay.

Mapapatawa na marahil ng madla ang ilang teknikal na kakulangan ng Wapakman, sapagkat sadyang hitik naman ito sa mga values na dapat ay itaguyod natin sa mga panahong ito—tulad ng pagmamahal sa gawain gaano mang kahamak ito sa mata ng tao; ng pagiging tapat sa asawa at ulirang ama sa kabila ng kataksilan ng babae; ng paggamit ng kapangyarihan tungo sa ikabubuti ng balana; ng pagiging mapagkumbaba sa kabila ng katanyagan; ng takot sa Diyos at pagiging tapat sa sarili, at iba pa. Ito’y mga aral na mapapakinabangan ng mga “marunong bumasa” sa ating lipunan. Maraming mapapag-usapan ang mga guro at kabataan, ang mga anak at mga magulang, sa pelikulang Wapakman—mga katanungang humihingi ng kasagutang hindi pagtuunan ng pansin ng mga “bingi” sa ating mga tagapamuno. Kailangan ba natin talagang magtrabaho sa labas ng bansa sa kabila ng mga panganib na dulot nito sa pamilya? Ang mga nakatapos lamang ba ng kolehiyo at nagtatrabaho sa malilinis na opisina ang may karapatang ipagmalaki ang kanilang trabaho? Hindi ba sapat nang maging tapat, marangal at malinis ang puso ng ating mga magulang upang sila ay ating ikaligaya at ipagmalaki? May hanggahan bang kinikilala ang pagpapatawad sa nagkasala? Bagama’t may masamang ipinakikita ang pelikula (ang hantarang pagtataksil ni Magda), sa dulo’y mamamasid naman ang tagumpay ng kabutihan sa pagbabagong-loob ng kanyang panganay na anak. Sayang at hindi gasinong pinapansin ng mga manonood ang Wapakman. Lata man ang kuwento nito, tanso man ang pagkakaganap, tunay na ginto ang mensahe ng pelikula. Higit pa sa sulit sa halaga ng tiket.

Mano Po 6; A Mother's Love

Cast: Sharon Cuneta, Zsa Zsa Padilla, Heart Evangelista, Ciara Sotto, Christopher de Leon, Kris Aquino, Boots Anson-Roa; Director: Joel Lamangan; Screenwriter: Roy Iglesias; Genre: Drama; Distributor: Regal Films; Location: Manila; Running Time: 120 mins;

Technical Assessment: 2.5
Moral Assessment: 3
CINEMA Rating: For viewers age 13 and below with parental guidance

Si Melinda (Sharon Cuneta) ay bunga ng pagmamahalan ng dalawang lahi. Ang kanyang ina (Boots Anson-Roa) ay isang purong Tsino habang ang kanyang ama naman ay isang Pilipino. Ito ang dahilan kung bakit itinakwil sila Melinda ng pamilya ng kanyang asawang purong Tsino (Christopher de Leon). Malas daw ang kanilang pagsasama dahil hindi puro ang pagka-Tsino ni Melinda. Magkakaron sila ng apat na anak pero ang pangalawa sa panganay na si Stephanie (Heart Evangelista) ay mapapalapit ng husto sa pamilya ng asawa ni Melinda, at dahil hindi gusto ng mga ito si Melinda ay sisiran siya ng mga ito sa kanyang anak. Nangunguna sa paninira kay Melinda ang kanyang hipag na si Olive (Zsa Zsa Padilla). Tuluyang mapapalayo si Stephanie sa kanyang ina nang mamatay ang kanyang ama at palabasin nila Olive na si Melinda ang dahilan. Aangkinin nina Olive ang mga anak ni Melinda at maiiwan lamang sa kanya ang kanyang panganay na si Carol (Ciara Sotto). Gagawin lahat ni Melinda ang paraan upang mabawi ang kanyang mga anak ngunit sadyang makapangyarihan at maimpluwensiya ang pamilya ni Olive. Nang mamatay ang ina ni Melinda, pansamantala niyang ititigil ang pakikipaglaban para makuha ang mga anak. Magsusumikap siyang umangat sa buhay upang maging mayaman at makapangyarihan nang sa gayon ay magkaron siya ng lakas na mabawi ang mga anak. Magawa pa kaya niya ito gayong tuluyan nang lumayo ang loob sa kanya ng kanyang mga anak lalo na si Stephanie?

Muling ipinakita ng Mano Po 6 ang pagsasanib ng kulturang Tsino at Pilipino. Naging epektibo ito sa ilang aspeto ngunit hindi pa rin matagumpay sa kabuuan. Sa dami ng tauhan, madalas malihis ang kuwento sa kung sino-sino at kung anu-ano. Masyadong abala ang kuwento sa maraming bagay at nalilimutan nitong pagtuunan ng higit na pansin ang nararapat na daloy ng damdamin. Naging karikatura lahat ng tauhan sa kuwento. Walang totoong tao sa kanila. Maliban sa mga tunay na Tsinong nagsiganap, hindi kapani-paniwala ang pagiging Tsino ng marami sa tauhan. Walang gaanong maramdaman sa mga eksena dahil hindi binusisi ang pag-arte maging ang kabuuang kwento. Sayang ang ilang magagandang kuha ng kamera at malinis na musika at tunog. Ang mada-drama sanang eksena ay nagiging komedya dahil sa maling pag-trato ng direktor. Sa halip na magbigay ng makabago at angkop na larawan ng mga Tsino sa Pilipinas, pinaigting pa ng Mano Po 6 ang anumang masamang imahe meron ang mga Tsino sa Pilipinas.

Pinaka-sentro ng kuwento ng Mano Po 6 ang dalisay at walang maliw na pagmamahal ng isang ina sa anak. Maliwanag itong naipakita sa dalawang henerasyon ng ina sa pelikula na ipinaglaban ang kani-kanilang mahal sa kabila ng pagtutol ng ilan. Kahanga-hanga ang ipinamalas na pagmamahal ni Melinda sa kanyang mga anak. Yun nga lang, may ilan pa ring pag-abuso sa kapangyarihan na ipinakitang katanggap-tanggap sa pelikula katulad ng pakikipag-sabwatan sa pulis upang idiin sa maling krimen ang isang tao. Hindi man ito ang pangunahing kuwento, nakaapekto pa rin ito sa dapat sana’y dalisay na katauhan ni Melinda. Nabahiran na rin siya kahit papaano ng kaunting kasamaan dahil sa kanyang pag-angat sa buhay nang gawin niya ito. Naging malabis naman ang pagrerebelde ng anak sa magulang sa pelikula. Ipinakita pang isa itong paraan upang mapansin ng magulang. Nariyan din ang pagtatalik sa labas ng kasal. Ngunit sa kabuuan ay lumutang naman ang magagandang mensahe ng pelikula ukol sa pagpapahalagang moral, pagmamahalan at pagpapatawad. Sa bandang huli’y nagwawagi pa rin ang mga inaapi at ang masasamang-loob ay napaparusahan kundi man ng batas ng tao ay ng batas ng Diyos. Pinahalagahan din ng pelikula ang pagtitiyaga at pagtitiis bilang mahalagang parte ng kabuuan ng isang pagkatao. Nariyan din ang aral ng pelikula ukol sa mga pamihiin ng suwete o malas. Na ang tao ang gumagawa ng kanyang kapalaran at hindi ang ano pa mang kaugalian o maling paniniwala. At sa Diyos nanggagaling ang anumang biyaya. Higit sa lahat, binigyang halaga ng Mano Po 6 ang kahalagahan ng pamilya sa lipunan, anumang lahi ang pinagmulan.

Nobody, Nobody but Juan

Cast: Dolphy, Eric Quizon, Eddie Garcia, Pokwang, Heart Evangelista, Jeffrey Quizon, Eugene Domingo, Vandolf, G Tongie; Director: Eric Quizon; Producer: Rodolfo Quizon; Screenwriters: Eric Quizon and Bibeth Orteza; Music: ; Editor: ; Genre: Comedy/ Light Drama; Location: Philippines and US; Running Time: 100 mins;

Technical Assessment: 2.5
Moral Assessment: 3
CINEMA Rating: For viewers age 13 and below with parental guidance

Residente si Juan Dela Cruz (Dolphy/Jeffrey Quizon) sa isang "home for the elderly" sa America. Bagamat pag-aari ng sarili niyang anak na si Mario (Eric) at ng asawa nitong si Alana (G Tongie) ang institusyon ay hindi masaya si Juan sa pananatili niya dito dahil si siya sang-ayon sa pagbabawal sa kanilang mga matatanda na makapanood ng paborito nilang programa sa telebisyon na tangi nilang libangan. Naiibsan nito ang pangungulila ni Juan sa Pilipinas at mga alaala ng pagkakaibigan nila ng mga nakasama niya sa entablado noong panahon ng hapon na sina Toribio a.k.a Tu (Eddie Garcia/Vandolf), Lolay (Pokwang) at unang niyang pag-ibig na si Aida (Gloria Romero/Heart). Nang nagkaroon ng matinding alitan ang mag-asawang Mario at Alana ay lumipat muna si Juan sa isa niyang anak sa America na si John. Dito magkakaroon siya ng pagkakataon na mahawakan ang passport at makapag-withdraw ng pera sa bangko upang makabalik sa Pilipinas. Ano ang naghihintay kay Juan sa kanyang pagbabalik sa sariling bayan?

Sa kabila ng masalimuot na takbo ng istorya ay nai-sentro naman sa karakter na si Juan ang pelikula. Nakatulong dito ang pagtagni-tagni ng mga flashback scenes. Pero tila mas lumutang ang promosyon ng programang "Wowowie" at cable channel na TFC. Nakitaan din ang director ng pagsisikap na mailabas kahit papaano ang sentimyento ng mga matatanda subalit hilaw naman ang intensyon nito na makapagpatawa, mabuti na lamang at may mga likas na talento sa patawa ang mga nagsiganap. Maingay at parang nagtatalo ang tunog at linya ng mga artista. Akma lamang ang ilaw, make up at disenyo ng produksyon. Subalit tila limitado ang mga kuha ng background scenes sa mga light rail trains. At walang kaugnayan ang sikat na awiting "Nobody Nobody.." sa pelikula. Sa kabuan ay walang masyadong naihain ang teknikal na aspeto.

Isang maipagmamalaking kultura sa Pilipinas ang pagkalinga sa mga nakatatanda lalo na sa pamilya. Madalas ay nagiging susi ang mataas respeto sa kanila upang magkaisa ang pamilya o matapos ang anumang alitan. Subalit dahil sa kaibahan ng istilo ng pamumuhay sa banyagang bansa ng Amerika ay muntik ng mabalewala ang pagpapahalagang ito ng pamilya ni Juan Dela Cruz. Mabuti na lamang at hindi naging huli ang lahat at napagtanto na bawat isa ang kanilang mga pagkukulang, kahinaan at kalakasan upang muling magbuklod bilang pamilya at maging masaya ang matanda sa pamilya. Binigyan-diin din sa pelikula ang kahalagahan ng tapat na pagkakaibigan, pagsasakripisyo, pagtanggap at pagpapatawad. May aral ang pelikula subalit dahil sa mga eksena na nagpapakita ng magaspang na trato sa matatanda ay dapat gabayan ang mga batang manonood.

Saturday, December 26, 2009

Panday

Cast: Ramon Revilla Jr., Philip Salvador, Iza Calzado, Rhian Ramos, Robert Villar; Direction: Mac Alejandre; Director: Rico Gutierrez; Producers: Annette Gozon-Abrogar, Jose Mari Abacan, Ramon Revilla, Jr; Music: Von de Guzman; Editor: Augusto Salvador; Genre: Fantasy/ Adventure; Cinematography: Regiben Romana; Distributor: GMA Films; Location: Pulang Lupa;

Technical Assessment: 3.5
Moral Assessment: 3
CINEMA Rating: For viewers of all ages

Hango sa nobela ni Carlo Caparas, Jr at isang remake ng pelikula ni Fernando Poe, Jr. nuong 1981, muling masusundan ang pinagmulan at pakikipagsapalaran ni Flavio bilang tagapagligtas ng mundo. Nang sakupin ni Lizardo (Philip Salvador) at ng kanyang mga kampon ang mundo, kumapit na lamang ang mga tao sa pag-asang darating ang isang binata na magliligtas sa kanila at magpapabalik sa paghahari ng kabutihan. Sa Pulang Lupa, si Flavio (Bong Revilla) ay isang masigasig at matapat na panday na kasalukuyang nakatira kina Lolo Isko (Jonee Gamboa) at Bugoy (Robert Villar). Bagamat atubii, tinanggap ni Flavio na siya ng manlilgtas nang makita niyang nagiging espada ang punyal na gawa mula sa bumagsak na bulalakaw mula sa langit. Dali-dali niyang tinahak ang landas papunta sa kuta ni Lizardo upang mailagtas ang kanyang minamahal na si Maria (Iza Calzado). Lingid sa kanya ay sinundad siya nina Bugoy at Estelita (Rhian Ramos) na kapwa may maghanga at pagmamahal sa kanya. Samantala, ihinasik ni Lizardo ang kanyang mga kampon upang hadlangan ang pagdating ng panday at matuloy ang kasal niya kay Maria.

Sa larangang ng visual effects at CGIs, napakalaki ng ikinahusay ng pelikulang ito at talaga namang maipagmamalaki na ang kanilang pagsusumikap na pagandahin ang aspetong teknikal upang makipagsabayan sa mga gawang Hollywood. Buong buo ang konsepto ng mga disenyo ng kasuotan, ng make-up at ng set at props ng Ang Panday. Para kang dinala sa ibang dimension kung saan ang mga tao ay nasa gitna ng makaluma at mahikal na panahon at hindi mukhang palabas sa entablado o pipitsugin palabas sa telebisyon. Nadala ni Revilla ang katauhan ng isang maginoo, mabuti at matapang na mandirigmang mortal at nakakasulasok ang kasamaan ni Lizardo sa pagganap ni Salvador. Nagawa ni Calzado na paghaluin ang misteryo at bighani sa katauhan ni Maria at nakakahawa ang kulit ni Bugoy at ng nagdadalagang si Estelita. Maaliwalas at nakakaigaya ang mga panoramic at panning shots na nagpakita ng ganda ng mga tanawin. Dahil sa mga dahilang ito, tama nga na mabigyang gantimpala ang pelikula. Kaya nga lamang, may tatlong kakulangan ang produksyon. Unang-una na ang higpit ng pagsasalaysay ng kwento. Maraming eksena at tauhan ang tila ba isiningit lamang at hindi naipaliwanag mabuti. Dagdag pa ang editing na parang nagtagpi-tagpi lamang ng mga di magkakaugnay na eksena. Ikalawa ang kakatwang pagganap ni Salvador bilang Lizardo na magkahalong Joker ng The Dark Knight at Uncle Fester ng Addams Family. Sana ay gumawa na lamang siya ng sarili niyang tauhan sa halip na manggaya ng iba. Nakakatawa rin na pagkatapos ng bawat laban ay gagawin na ni Revilla ang “panday pose” ng ilang segundo. At ikatlo, sapagkat pinagbuhusan ng panahon at ginastusan ng malaki ang mga special effects, tiniyak ng direktor na makikitang mabuti ang mga ito. Ang resulta, mabagal na aksyon, nakasasawang eksena at mga indulgent special effects.

Isang aspeto ng pagkatao ang sinikap na talakayin subalit hindi maayos na nagawa. Ito ang eksena kung saan binigyan ng pangaral ng Diwata ang bulag na si Flavio. Aniya, ang paggawa ng kabutihan, paglilingkod sa kapwa at pakikipagtunggali sa kasamaan ay isang gawaing nangangailangan ng patuloy na pag-aalay ng sarili. Hindi batayan ang ilang tagumpay, bagkus kailangang paulit-ulit na makipaglaban, masaktan, mag-alay hanggang hindi naghahari ang kabutihan. Bilang manliligtas at Christ-figure, inaasahang maraming pagsubok at paghihirap at pagdaraanan. Ang kanyang pagsuko at pagkawala ng pag-asa ay tanda ng kahinaan ng loob at pananalig sa biyaya ng Diyos. Si Hesus ay nagdaan din sa katakut-takot na pagsubok at paghihirap subalit ni minsan ay hindi siya sumuko at nawalan ng pag-asa. Gayundin, isa itong paanyaya sa bawat isa sapagkat sa mga mumunting paraan, tayo ay nagiging mga “manliligtas” na susugpo sa mga maling gawain at magpapaibayo sa kabutihan. At sa tungkuling ito, kailangan ng palagian tatag ng loob at pananalig na may isang Diyos na magbubuhos ng biyaya at paggabay.

I Love You Goodbye

Cast: Angelica Panganiban, Gabby Concepcion, Kim Chiu, Derek Ramsay, Matet de Leon, Liza Lorena, Arlene Muhlach, Ketchup Eusebio ; Director: Laurice Guillen; Screenplay: Mark Meily; Producer/ Distributor: Star Cinema; Location: Manila; Genre: Drama; Running Time: 110 mins

Technical Assessment: 3.5
Moral Assessment: 2.5
CINEMA Rating: For viewers 18 and above

Magka-live-in sina Lizelle (Angelica Panganiban) at Adrian (Gabby Concepcion) na malaki ang agwat ng edad at estado. Ang 25 anyos na si Lizelle ay isang ulilang lubos na nagta-trabaho bilang serbedora sa coffee shop nang makilala ni Adrian, mahigit 40 anyos at may mataas na katungkulan bilang doktor sa isang malaking ospital. Maraming tutol sa kanilang relasyon lalo na ang anak ni Adrian na si Ysa (Kim Chiu) na halos kasing-edad ni Lizelle. Magugulat sina Lizelle at Adrian sa pagpapakilala ng bagong manliligaw ni Ysa na si Gary (Derek Ramsay). Sa simula pa lang ay halata ang pagkadismaya ni Adrian kay Gary, habang si Lizelle naman ay hindi mapakali. Malalaman na ito palang si Gary ay dating kasintahan ni Lizelle na iniwan siya nang walang paalam dalawang taon na ang nakararaan upang magtrabaho sa barko. Si Adrian ang siyang sumalo sa kalungkutan ni Lizelle. Ngayon si Gary ay nagbabalik sa buhay ni Lizelle upang buhayin ang dati nilang pag-ibig at si Ysa ang kanyang gagamitin upang makalapit siya dito.

Maayos ang pagkakagawa ng pelikula. Mahusay ang pagkakadirehe ni Guillen na hindi matatawaran ang galing sa paghahagod ng tamang emosyon sa bawat eksena. Maging ang pinaka-simpleng eksena ay nagniningning dahil sa hitik at lalim nang pinaghuhugutang emosyon ng mga karakter. Hindi naging melodramatiko ang pelikula. Walang katakot-takot na sampalan, walang gaanong histerya. Sumunod lamang ito sa natural na daloy ng mga pangyayari at sa mga nararapat na reaksiyon ng mga tauhan. Naging mas makapangyarihan ang pelikula sa mga sandali ng katahimikan nito kung saan madarama ng manonood ang pinagdadaanang pighati ng mga tauhan. Pawang mahuhusay lahat ng nagsiganap at bumagay sa kanila ang kani-kaniyang papel. Lumutang nang husto ang galing ni Panganiban sa pag-arte sa pelikulang ito. Kuha niya ang nararapat na komplikasyon ng tauhan na kanyang ginampanan. May ilan nga lang problema sa editing ang pelikula dala siguro marahil ng pagmamadali, pero maari na rin itong palagpasin dahil di naman gaanong nakaapekto sa kabuuang daloy. Sayang nga lang dahil kung mas napagtuunan pa ito ng pansin at napaglaanan ng panahon, magiging mas maayos pa sana ang pelikula.

Tinalakay ng pelikula ang isang sensitibong paksa ng pakikiapid. Makikita sa pelikula ang hirap na pinagdadaanan ng isang taong nasa masalimuot na relasyon. Nariyang hindi siya tanggapin ng mga kaanak at harap-harapang kutyain dahil hindi siya tunay na kapamilya. Sinundan pa ito ng mas maraming komplikasyon nang magbalik ang dating pag-ibig. Nakaugat naman ang lahat sa lalim ng emosyon at hindi lang sa tawag ng laman kung kaya't hindi mahirap unawain ang pinagdaanan ng mga tauhan. Sadyang may mga sandali na hindi mapipigil ng tao ang bugso ng kanyang damdamin. Nakakabahala ang ipinakikitang pagtatalik sa labas ng kasal. Hindi man sinabi ng pelikula na ito'y tama, hindi pa rin ito magandang halimbawa. Marahil ang mga eksenang ganito ay kailangan upang ipakita ang lalim ng relasyon ng mga tauhan, ngunit ang ganitong dahilan ay mauunawan lamang ng mga manonood na may hinog na kaisipan at nasa wastong gulang. Hindi nararapat ang ng ito sa mga manonood na wala pang 18 taong gulang.

Ang Darling Kong Aswang


Cast: Vic Sotto, Christine Reyes, Jean Garcia, Richie D Horsey; Direction: Tony Reyes; Location: Metro Manila; Genre: Comedy; Distributor: MZet Productions

Technical Assessment : 2.5
Moral Assessment : 2.5
Rating : For viewers of all ages

Ang mag-inang sina Ida (Agot Isidro) at Eliza (Christine Reyes) ay mga aswang na mababait. Sa halip na tao ay mga hayop lamang ang kanilang pinapatay at kinakain. Subalit kinailangan nilang lumikas at lumipat ng tirahan nang makarating ito sa pinuno ng kanilang sektang si Barang (Jean Garcia). Nakituloy sila sa isang kamag-anak sa baranggay kung saan naninirahan din ang biyudong si Victor (Vic Sotto). Mabait at ulirang anak at ama si Victor. Handa siyang isakripisyo ang pag-ibig kung ito ang magiging kagustuhan ng kanyang dalawang anak. Mabuti na lamang at nakasundo ng kanyang mga anak si Eliza kaya’t natuloy ang kasal ni Victor sa dalaga. Ang tanong, matatagalan ba ni Victor ang pagbabagong-anyo ng kabiyak? Gaano katagal maitatago ni Eliza ang pagiging aswang sa bago niyang pamilya? At papaano na kapag natagpuan sila ng kampon ni Barang?

Nakakaaliw ang pelikula at wala pa ring kupas si Vic Sotto sa pagbitaw ng linya. At nakakabilib din ang husay ng mga CGIs at special effects na ginamit dito. Malayo na ang ikinagaling nito kumpara sa mga naunang pelikula. Bukod rito, wala ka nang makikitang dahilan upang panuorin ito. Maraming elemento ang hindi malinaw dahil hindi man lamang ito pinagka-abalahang busisiin. Ang daloy ng kwento at ang mga eksenang ginamit para umusad ang pelikula ay para bang hindi na pinag-isipan. Bago umabot sa sentro ng kwento ay katakut-takot na mga pasakalye at walang saysay na eksena ang ipinakikita. Halos ikatlo ng palabas bago pa magkita at magkatuluyan sina Victor at Eliza. Ubod tuloy ng bagal ang pag-usad ng pelikula. Kulang din ang aspetong malikhain ang pelikula. Una, walang kabuhay-buhay gumanap si Reyes. Kulang ang alindog niya bilang kaakit-akit na dalaga at napakalamya naman niya bilang mabangis na aswang. Bukod pa rito, nakakailang na halatang-halata ang kapal ng make-up ni Reyes bilang isang probinsyanang aswang. Ni hindi man lamang pinag-aksayahan ng panahon turuan ang mga babaeng aswang ng tamang tindig at porma sa pakikipaglaban. Bagamat mahusay magpatawa, mababaw ang pagkakabuo sa katauhan ni Sotto. Siya pa rin ang Sottong napanuod sa Okay Ka Fairy Ko hanggang Iskul Bukol noong nakaraang taon. Sayang lamang ang busisi sa aspetong teknikal dahil napakababaw ng pagkakabuo sa pelikula.

Ang pinakamalaking problema ng pelikulang Pinoy ay ang pagkakatuon lamang nito sa kikitain. Basta’t may sikat na artistang bida at medyo ikakapit at pamagat o istilo ng kwento sa sikat na awitin o naunang palabas, pwede na. Hindi man lamang pagsumikapang tiyakin na malinis, hindi lamang ang teknikal na kalidad, kundi ang pinakamahalagang sangkap ng pelikula—ang takbo ng istorya at paghubog ng mga tauhan.

Sinikap ng Ang Darling Kong Aswang na sundan ang nakakikilig na dalisay na pag-iibigan sa Twilight at New Moon. Magkaibang lahing may iisang tibok ng puso. Sinuong lahat ng panganib at hadlang alang-alang sa pag-ibig. Mainam sana ang mensahe nito, kaya nga lamang, natabunan lamang ito ng mga eksenang patawa at tauhang pang comic relief. May aspetong ispiritwal din sana, kung saan ipinakitang mas mataas ang pananalig sa Diyos kaysa sa anu pa mang makalupang kapangyarihan o lakas. Kaya nga lamang, ewan kung maalala pa ito ng nanuod dahil tila ba paningit na lamang ito ng direktor sa dulong bahagi ng pelikula.

Bagamat maaring panuorin ang pelikula kahit ng mga bata, mas mabuting gabayan sila ng isang responsable at marunong na nakatatandang kasama sa panonood.

Friday, December 18, 2009

Avatar

Cast: Sam Worthington, Zoe Saldana, Stephen Lang, Michelle Rodriguez; Director: James Cameron; Producers: Cameron, Jon Landau; Screenwriter: James Cameron; Music: James Homer; Editor: James Cameron, John Refoua, Stephen E. Rivkin; Genre: Sci-Fi Adventure; Distributor: 20th Century Fox; Running Time: 123 mins;

Technical Assessment: 4
Moral Assessment: 2.5
CINEMA Rating: For viewers 14 and above

Pandora is one of the smaller planets some 4.3 light years from Earth. It is a luscious and unspoiled home to the 10 foot tall blue skinned Na’vi. The humans of the Earth has encroached deep into Pandora’s forest in search for valuable minerals but are held back by the planet’s atmosphere which is deadly to them. Meanwhile, Jake Sully (Sam Worthington), a former US Marine now paralyzed from waist down is selected to participate in the Avatar program, wherein genetically-bred human Na’vi hybrids are created to adapt to Pandora’s atmosphere. In exchange for the ability to move and walk again, Jake must serve as a scout for the human soldiers who follow him in Pandora’s jungles. However, when Jake learns of the Na’vi culture and falls in love with Princess Neytiri (Zoe Saldana), his loyalty becomes torn between his obligation as a spy and his new found love.

AVATAR is a visual feast that tells an entertainingly tight story. Director James Cameron manages to recreate a world so charming and dreamy with its sharp CGIs and brilliant attention to technical detail. The story’s development and screenplay falls a little short as it tries hard to be relevant. Over-all the creative lapses are overtaken by the superb visuals.

At the core of a person is his loyalty to what is right and what is good. At some point, a person might be influenced by power or authority or persuaded by debt of gratitude but almost always, there will be that small voice whispering to choose love, unity, peace and brotherhood. The film illustrates a person’s hierarchy of needs and desires. It seems that man wants most what he has lost or is incapable of. He thinks he will sell even his soul just to get back what he has lost. However, at the end of the day, what will truly make one happy and content is not merely fulfilling those needs and desires but following what is true and good as dictated by the soul and heart.

The movie contains several intense war-related violence, some profanity and crude language. The film is inappropriate for very young children. Parents are strongly advised to guide their children who would like to watch the film.

Friday, December 11, 2009

Walang Hanggang Paalam

Cast: Lovi Poe, Joem Bascon, Jacky Woo, Jake Roxas, Ricardo Cepeda; Director: Ramos and Paulo Villaluna; Producers: Forward Group and Feminine Annex; Screenwriters: Ellen Ramos, Paulo Villaluna, Caloy Santos, Patricia Evangelista, Raymond Amonoy; Genre: Drama; Location: Baguio City; Running Time: 90 min.;

Technical Assessment: 2.5
Moral Assessment: 1.5
CINEMA Rating: For mature viewers 18 and above

Maglalayas ang 16-taong-gulang na si Maria (Lovi Poe) sa poder ng kanyang amain (Ricardo Cepeda) upang sumama sa kanyang kasintahang si Ryan. Sa Baguio sila tutuloy na dalawa at dito ay makikilala nila sa magkahiwalay na pagkakataon si Yoshi (Jacky Woo) isang Hapon na nagbalik sa Pilipinas upang hanapin ang dating pag-ibig bago man lamang siya bawian ng buhay dahil sa sakit na cancer. Habang si Ryan ay nagnanais na makasiping sa wakas si Maria, ang huli nama’y nais na maglibang sa labas ng kuwarto. Sa labis na pagkainip ay aalis mag-isa si Maria at dito ay makakasama niya at makikilala ng mas malalim si Yoshi. Mapapalagay ang loob ni Maria dito. Samantala, ang amain naman niya ay umupa ng imbestigador (Jake Roxas) upang ipahanap siya. Hawak nito ang susi sa isang pinakatatagong sikreto na magbabago sa buhay nilang lahat na nagsasanga-sanga ang mga kuwento sa maliit na siyudad ng Baguio.

Sa umpisa’y pawang may lalim na nais ipahatid ang kuwento ng Walang Hanggang Paalam. Pinaiisip nito ang manonood sa kung paanong magkakaron ng koneksyon ang iba’t-ibang tauhan na may kani-kaniyang pinanggalingan. Nababalot ng katahimikan at lungkot ang kabuuan ng pelikula. Karamihan sa mga nais nitong sabihin ay maririnig sa nakabibinging mga katahimikan. Pero ang katahimikan ding ito ang siyang dahilan kung bakit sa bandang huli’y walang malinaw na nasabi ang pelikula. Sayang sapagkat mahusay sana ang mga nagsiganap. Natali lamang sila sa limitadong materyal na hindi nagsubok payabungin ng maayos ang daloy ng emosyon. Kulang sa tamang hagod ang mga eksena at magtatalo ang lohika at emosyon sa karamihan ng mga pangyayari. May ilang koneksyon din na sadyang nakasanga sa kabuang kuwento anumang pilit gawin na ito ay ikonekta. Kung susumahin, mayroon naman talaga sanang kuwento na nais itong iparating. Yun nga lang, hindi naging gaanong epektibo dahil sa maaga at pilit na pagbunyag ng ilang sikreto na dapat sana’y kalaunan pa lamang malalaman ng manonood.

Ninais marahil ng mga may-akda ng Walang Hanggang Paalam na maglahad ng naiibang kuwento na tumatalakay sa pre-marital sex, insesto at homoseksualidad bagama’t hindi na naman na talagang bago ang mga ito. Wala ring bagong mapapala sa pelikula kung aral ang pag-uusapan. Nagsimula ang kuwento sa pagrerebelde sa magulang. Matapos ay sumama sa kasintahang ang nais naman ay makuha ang pagkakababae ng nobya. Mahihirapan ang nobyo ngunit kataka-takang maagang bibigay ang babae sa isang estranghero. Hindi rin malinaw kung bakit kinailangang ilagay pa sa kuwento ang ilang eksena na patungkol sa homosekwalidad. Pati ang insesto ay hindi na rin naharap at natalakay ng husto. Pawang pinalabas lamang na ang mga ito ay nangyayari at ginagawa ng walang anumang malinaw na dahilan at sadyang wasak na ang batayang moral ng mga kabataan pati na ng mga nakakatanda sa lipunan. Labis na nakakabahala ang pelikulang ito at nararapat lamang sa mga manonood na may hinog na pag-iisip. Bagama’t walang hubaran sa pelikula, ang kabuuang konsepto nito ay masyadong sensitibo kung hindi man eskandaloso para sa mga manonood.

Inglourious Basterds

Cast: Brad Pitt, Melanie Laurent, Christoph Waltz, Eli Roth, Michael Fassbender, Diance Kruger; Director: Quentin Tarantino; Producer: Lawrence Bender; Screenwriter: Quentin Tarantino; Editor: Sally Menke; Genre: Drama/ War; Cinematography: Robert Richardson; Distributor: Universal Pictures; Location: France; Running Time: 153 min.;

Technical Assessment: 4
Moral Assessment: 2
CINEMA Rating: For mature viewers 18 and above

During the 1941 World War, Shosanna (Melanie Laurent) becomes the lone survivor after Col. Hans Landa (Christoph Waltz) has her entire family murdered because they are Jews. Meanwhile, 1st Lieutenant Aldo Raine (Brad Pitt) recruits several Jewish American soldiers to parachute into France and savagely kill as many German soldiers as they can to cause panic and chaos amongst their army. “The Basterds”, as they are to be known, make sure to leave one survivor with the swastika carved on his forehead so that he may forever remember the atrocities he has done. Four years after, Soshana, under a new identity, operates a small theatre in Paris. When Frederick Zoller, a celebrity German soldier whose life story has been turned into a propaganda film, convinces the Nazi propaganda minister to premiere his movie in her theatre, she decides to avenge the death of her family and burn down her movie house with all the Nazi high ranking officials inside. Simultaneously, the British learn about the premier night and send Lieutenant Archie Hicox, (Michael Fassbender) under the guise of a film critic, to team up with the Basterds for a surprise attack on the theatre. Unfortunately, Landa remains quick-witted and tries to unfold the assassination plan. Who gets whom first will be revealed when the lights turn low and the opening credits start rolling.

Inglourious Basterds, title deliberately misspelled by Tarantino, is a clever war film loosely based on the 1978 films like Dirty Dozen and Inglorious Bastards. He emphasizes, however, that his story is strictly his. Although it is obvious that the movie thrives on a fantasy world during the war and none of the characters or scenes are possible, Tarantino still delivers a powerfully entertaining movie beyond rationalization. The performances of the three main characters are outstanding; particularly Waltz, who deserves his Cannes award for his portrayal of a sleazy cold blooded sadist. The production values are surreal but penetrate the subconscious and leave a lasting memory long after the scene has passed. Technically, the movie is as Tarantino as Tarantino has been. You can only appreciate the visual poetry if you are attuned to the filmmaker’s way of interpreting reality.

Violence begets violence. When one’s measure of justice is in the form of revenge, you can be sure that both the aggrieved and the aggressor will have neither peace nor satisfaction. To think that violence is the solution to everything is a twisted view of life. The movie (as most Tarantino movies are) is laden with visual and psychological brutality with very little regard to its moral consequences. It emphasizes revenge and aggression as a way of life and a form of rectification.

The movie is not suitable for the very young or sensitive audiences.

Friday, December 4, 2009

Ninja Assassin

Cast: Rain, Sung Kang, Randall Duk Kim, Jonathan Chan-Pensley, Yuki Iwamoto, III-Young Kim, Ben Miles, Naomie Harris; Director: James McTeigue; Producers: Grant Hill, Joel Silver, Andy Wachowski, Larry Wachowski; Screenwriters: Matthew Sand, J. Michael Straczynski; Music: Ilan Eshkeri; Editor: Gian Ganziano, Joseph Jett Sally; Genre: Action/ Crime/ Drama/ Thriller; Cinematography: Karl Walter Lindenlaub; Distributor: Warner Bros. Pictures; Location: Berlin, Germany; Running Time: 99 min.;

Technical Assessment: 3.5
Moral Assessment: 2
CINEMA Rating: For viewers 14 and above

Lord Ozunu (Sho Kosugi) is master of a secret society that abducts children, adopts orphans and then raises them to become ninja assassins. One of the orphans trained from childhood is Raizo (Rain), groomed by Lord Ozunu (Sho Kosugi) to become his successor, and favored over his own son Takeshi (Rick Yune). Raizo manages to escape the isolated training camp when his sweetheart, a fellow trainee, is ordered killed by Lord Ozunu as she is caught one rainy night while attempting to escape. Soon a fugitive in Europe, Raizo crosses paths in Berlin with Mika Coretti (Naomi Harris), a Europol agent who traces a link between the Ozunu and recent political assassinations. In hot pursuit of Raizo, the Ninja assassins move West, marking for assassination Mika and everyone else involved in the Europol investigation. Raizo manages to escape the Ninja assassins while protecting Mika from the same, but the long and bloody trail of dead bodies finally leads to a confrontation between Raizo and Ozunu and Takeshi.

Ninja fans would perhaps go for the action here, finely choreographed combat scenes that spill blood at every twist, kick, chop and turn. The story is of revenge, flimsy and implausible, and certainly possesses no motive that would ever justify the body count—that is, if the viewer can even keep track. If you are sensitive, you might wince at certain scenes, as when a very young boy is whipped mercilessly with nary a whimper allowed to express his pain. Beastly! You might also tend to duck in your seat when those double-edged, four-point star-shaped blades virtually whiz past you to decapitate or mutilate human beings. The fight scenes, though, are rather dark—to minimize the revolting visual violence?—but what the eyes cannot see, the ears can hear in the superbly engineered sound design: guns bursting, chains, swords and other deadly metal gadgets clashing, immersing the audience in all in the name of revenge.

99 minutes of unadulterated murder and bloodletting can weary even the most insensitive viewer. Telling ourselves the fight scenes are only dance steps—and the blood only ketchup—we endured it to the finish in order to give it Ninja Assassins fair judgment. But we also found ourselves wondering if people that inhuman could really exist—kidnapping or adopting orphans and raising them into ogres. It reminded us of photographs circulating in the net of 8-year old boys armed with assault rifles and programmed to hate humanity and kill half of it. One thing we have learned from CINEMA’s nine-year existence is: if some movies are not to your liking—like slapstick, stupid horror flicks and this bloody thing—you can still get your money’s worth if you let them lead you into closely examining the human condition. All movies—from corn to porn—reflect reality somehow, reality outside or inside our minds, and being aware of the sickness in reality could provide us with the impetus to work for its healing. Meanwhile, be warned: the carnage in Ninja Assassins is enough to make burgers to feed America for a day. Pass the ketchup, please.