Thursday, January 31, 2019

The Kid Who Would be King



DIRECTOR:  JOE CORNISH
LEAD CAST:  LOUIS ASHBORN SERKIS, DEAN CHOUMOO, REBECCA FERGUSON,
PATRICK STEWART, TOM TAYLOR, RHIANNA DORIS, ANGUS IMRIE;  SCREENWRITER: JOE CORNISH;  PRODUCER:  NIRA PARK, TIM BEVAN, ERIC FELLINER;  EDITOR:  JONATHAN AMOS, PAUL MACHLISS;  MUSICAL DIRECTOR:   ELECTRIC WAVE BUREAU;  GENRE: FANTASY ADVENTURE;  CINEMATOGRAPHER: BILL POPE;  DISTRIBUTOR:  20TH CENTURY FOX;  LOCATION:  UNITED KINGDOM;  RUNNING TIME:    120 minutes
Technical assessment:  3
Moral assessment:  4
CINEMA rating:  V13
Twelve-year-old Alex (Louis Ashbourne Serkis) and his best friend Bedders (Dean Chaumoo) are picked on everyday by school bullies.  One day as the two boys are pursued in an abandoned building, they fall over an open space and land near a rock where an ancient-looking sword is… well, planted.  They can’t believe the sword is what it seems, but it is—King Arthur’s legendary sword, the Excalibur.  And so Alex draws the sword out of the stone, thereby unleashing Morgana (Rebecca Ferguson), the evil sorceress of the Arthurian era, who now wants to destroy the world.  But Merlin (Patrick Stewart) soon enters the picture in the new-kid-in-school form, and the plot thickens.
Opening the film is a colorful animation of something that happened “Once upon a time”—about a king called Arthur, who united his kingdom with his Knights of the Round Table and whose famous sword, Excalibur, was caught in a vast rock.  The sword could be drawn out solely by an authentic descendant of Arthur.  Who would have thought that the celebrated sword would wind up in 21st Century US of A?  That the underdogs in The Kid Who Would be King would turn out to be the chosen ones in this sword-centered contemporary adventure fantasy clearly says this movie is made for boys their age.  And maybe subteen girls who wish to find superhero boyfriends.
The appreciation of The Kid Who Would Be King depends on the maturity of one watching it.  The story has more layers than an onion and is heavy with symbolism.  To the very young it is obviously a good-vs-evil thing and we know very well which should win.  But to the more experienced, the battle is not simply between Team A and Team B.  The message is that one triumphs over evil when one succeeds in battling the dark forces within oneself, the demons of fear, self-doubt, insecurity.  When one remains in sin—in darkness, not in light—evil inevitably wins.  (Morgana waits for darkness to strike).  However young people may view it, the film is empowering in that it gives hope—lest we throw in a spoiler, just watch what happens to the bullies.—TRT

Thursday, January 24, 2019

One Great Love


DIRECTOR:  Enrico S. Quizon
LEAD CAST: Dennis Trillo, Kim Chiu, JC de Vera, Eric Quizon
STORY and SCREENWRITER:  Gina Marisa Tagasa
PRODUCER:  Lily Monteverde
CINEMATOGRAPHY: Mo Zee
MUSIC:  Miguel Mendoza
EDITING: Chrisel Galeno-Desuasido
GENRE:  Drama, Romance
DISTRIBUTOR: Regal Films
LOCATION:  Manila
RUNNING TIME:   115 minutes
Technical assessment: 3                                                
Moral assessment: 2.5
CINEMA rating: A14
MTRCB rating: PG13
Bibigyan ni Zyra Paez (Kim Chiu) ng pagkakataon ang sarili na tanggapin muli ang dating kasintahan na si Carl Mauricio (J.C. De Vera). Aakalain ni Zyra na malulubos ang kaligayahan sa pasya niyang ito subalit masusumpungang puno siya ng pag-aalinlangan sa kanyang mga desisyon.  Sa gitna ng pagkagulumihanan ay magiging confidante ni Zyra ang matalik na kaibigang doktor na si Ian Arcano (Dennis Trillo). Kay Ian siya magsasabi ng kanyang mga alinlangan at damdamin. Samantala higit pa sa pagkakaibigan ang nararamdaman  ni Ian para kay Zyra.
Bagamat simple ay kapani-paniwala ang daloy ng kwento ng One Great Love na nakasentro sa karakter ni Zyra. Maayos itong nagampanan ni Chiu dahil may mga kinilig, natuwa, naawa at nainis sa karakter nya. Subalit ang lalong epektibo sa naging pagganap ay si Trillo; sadyang nararapat siyang tanghaling Best Actor sa MFF 2018 dahil sa kanyang pagganap dito. Mahusay niyang naihatid ang karakter ni Ian bilang nabigong asawa, maunawaing kaibigan, at mapagparayang nagmamahal.  Magaling ang pagkakadirehe ni Quizon at mainam na naipabatid ang mensahe ng pelikula sa kabila ng kapayakan ng kuwento.  Nakapaghatid din ilang makabuluhang linya na posibleng tumatak sa mga manonood bilang mga hugot tungkol sa kahulugan ng “one great love”. Tama lamang ang mga kuha ng kamera at nakakagiliw panoorin ang ilang detalye ng food and organic gardening business nina Zyra. Samantala walang ng lumutang na iba pang aspetong teknikal ng pelikula.
Ano nga ba talaga ang tanging dakilang pag-ibig o one great love, at meron ba talaga nito? Sinagot naman ito ng pelikula sa pamamagitan ng karakter na buong husay na ginampanan ni Trillo. Ang Dakilang Pag-ibig ay tunay na pagmamahal dahil nagpaparaya, nagpapaubaya, nagsasakripisyo, umaako sa lahat ng kasalanan, nananatiling tapat, nagpapalaya, nagpapatawad at patuloy na tumatanggap sa minamahal.  Pinakita din ng pelikula ang dakilang pagmamahalan sa pamilya kung saan may pagmamalasakit, pagpapatawad, pagtanggap, pagtutulungan, kahandaang magsakripisyo at paglalaan ng panahon kung kinakailangan. Ito ay sa pagitan ng magulang at anak, stepmother at stepchildren, sa magkapatid, at kahit sa magkaibigan. Ang pagkakaroon ng matapat at mabuting kaibigan katulad ng pamilya ay kaloob ng Diyos na maaring gawing sandigan sa panahon ng pagkalito at pasakit. Ang isang tunay na kaibigan ay naglalaan ng oras para makinig nang walang paghuhusga sa halip ay hahangarin ang kabutihan para sa kaibigan. Sa kabuuan ay simple man ang kwento ng One Great Love ay may malalim itong mensahe tungkol sa pagmamahal at pakikipagrelasyon.  Gayunpaman, tumalakay din ito ng mga nakababahalang tema katulad ng casual pre-marital sex sa mga kabataan at ng pangangalunya ng taong may-asawa.  Samakatwiran mas akma ang panoorin ito sa mga taong may hinog na kaisipan.  Mapanganib panoorin ito ng mga kabataan nang walang gumagabay, pagkat maaaring tularan nila ang asawang nagtaksil sa paniniwalang patatawarin naman sila ng kanilang asawa. —IBD


Monday, January 21, 2019

Alpha: The Right to Kill


Director: Brillante Ma. Mendoza  Lead Cast: Allen Dizon, Elijah Filamor  Screenwriter: Troy Espiritu  Producer: Carlo Valenzona  Editor: Diego Marx Dobles  Musical Director: Diwa de Leon  Cinematographer: Joshua A. Reyles  Genre: Drama, Crime  Distributor: Memento Films  Location: Philippines  Running Time: 1 hr 35 min
Technical assessment: 3.5
Moral assessment: 2
CINEMA rating: V18
MTRCB rating: R16
Sa paglusob ng pulisya sa hideout ng big time drug dealer na si Abel (Baron Geisler), dalawang magkaibang karakter ang ipapakita ni Direktor Brillante Mendoza: ang parang huwarang alagad ng batas na si Police Sgt. Espino (Allen Dizon) at ang kaduda-dudang katauhan ng kanyang informant na si Elijah (Elijah Filamor). Sila ang nagbigay ng lead para sa operasyon, na magiging isang madugong engkwentro sa pagitan ng pulisya at mga tauhan ni Abel. Pagkatapos ng mahabang habulan at putukan, patay si Abel at ang kanyang mga kasamahan. Pero bago magsidatingan ang mga imbestigador sa crime scene, ipupuslit ni Espino at Elijah ang backpack ni Abel na naglalaman ng maraming pera at droga. Talamak pala sa kapulisan ang drug dealing, hanggang sa kasuluk-sulukan at katas-taasang hanay. Maraming buhay ang mauutas, maraming pamilya ang mananaghoy.
Andun ang tatak na handheld shots ni Mendoza. Pati ang claustrophobic medium at extreme closeups na minsan ay nakakahilo dahil sa madalas ng paggalaw ng kamera. Pero makakatulong yon para ipakita ang kaguluhan ng mundo ng droga. Kahit sa mga low light shots, makikita na maayos at malinis ang teknikal na pagkakagawa. Kaya naman ang raid scene sa kuta ni Abel ay talagang magpapakabog ng dibdib, at magpapatunay ng kalibre at maturity ni Mendoza sa paggawa ng pelikula. Huling-huli na sana ang atensyon ng manonood, pero babagal ang takbo ng istorya sa paghahambing sa buhay ni Espino at Elijah na parang maliligaw na sa kalagitnaan, at pahahabain pa ng mga eksenang puede namang hindi na ipakita tulad ng isa-isang pagkuha ng fingerprint sa bawat daliri sa kamay ng mga akusado. Oo nga at may magagandang eksena na talaga namang aantig sa puso ng manonood: ang desperasyon sa buhay ng mga mahihirap sa lipunan na nabaon sa droga. Ang panaghoy ng mga asawang naiwan ng mga biktima ng EJK, pati ang tulalang ina sa burol kanyang anak sa kalye. Pero kapos ang pelikula. Kung sinadya man ito ni Mendoza, gusto nating malaman kung bakit
Magandang naipakita ang pagiging mapagmahal na ama ni Espino, at ang pagiging maasikaso ni Elijah sa kanyang anak at asawa. Kung may aral mang mapupulot sa pelikula, iyon ay ang realisasyon na may mabuting mukha pa rin ang taong inaakala nating masama. Ito rin ang dahilan kung bakit di kami kampante sa pagtalakay ng pelikula sa tema. Kasi’y parang walang tensyon o pag-aalinlangan sa kalooban ng mga karakter. Para bang ipinanganak silang likas na masama. Nawala ang dalawang nag-uumpugang pwersa sa bawat tao: ang kabutihan at ang kasamaan. Sa bawat sandali, may pagkakataon tayong mamili sa dalawang pwersang ‘yan. Paulit-ulit din ang pagsambit sa di daw maiiwasang pagkamatay ng mga tao, may sala man o wala, dahil sa laban sa droga. Parang sinasabing dahil sa laganap na talaga ang droga, humanda na tayo sa pagdanak ng dugo. Pero yan ay mga impresyon lamang namin, dahil walang malinaw na mensahe ang pelikula na dapat sana, bilang isang uri ng literatura at komunikasyong panlipunan, ay tumulong sa paghugis ng pananaw ng publiko. Responsibilidad ng may akda, ng direktor, manunulat, at lahat ng bumubuo ng produksyon, na bigyan ng sapat na batayan ang manunood para makabuo ng opiniyon tungkol sa isyung tinatalakay nito. Sa ganang amin, hindi nagawa ito ng Alpha: The Right to Kill. Ipinakita nito ang isang mukha ng kapulisan, ang corruption at pagkagahaman, pero di nito ipinakita kung bakit nabubuyo ang mga karakter na gawin ang kanilang mga ginagawa. Halimbawa, bakit nagtutulak ng droga si Elijah, dahil ba sa kahirapan? Si Allen, bakit sya corrupt, dahil sa pamilya? Walang ganun, walang pagpapalalim ng pang-unawa. Parang naging isang dokumentaryo ang pelikula na nangiming magbigay ng komentaryo.MOE


Sunday, January 20, 2019

Mary Poppins Returns


DIRECTOR: Rob Marshall
CAST: Emily Blunt, Lin-Manuel Miranda, Ben Whishaw, Emily Mortimer, Colin Firth, Julie Walters, Meryl Streep, Angela Lansbury, Dick Van Dyke
STORY‎: David Magee‎; ‎Rob Marshall‎; John DeLuca
SCREENPLAY: David Magee
PRODUCERS: Rob Marshall, John DeLuca, Marc Platt
 GENRE: Musical Fantasy
MUSIC: Marc Shaiman
EDITING: Wyatt Smith
CINEMATOGRAPHY: Dion Beebe
PRODUCTION COMPANY: Walt Disney Pictures, Lucamar Productions, Marc Platt Productions
DISTRIBUTORS: Walt Disney Studios Motion Pictures
COUNTRY: United States   
LANGUAGE:  English     
RUNNING TIME: 2 hours 10 minutes
Technical assessment: 4
Moral assessment: 4
CINEMA rating:  VA (Viewers of All Ages)
Twenty five years after the enigmatic nanny Mary Poppins (Emily Blunt) left her wards, siblings Jane and Michael Banks, she returns, literally from out of the blue—kite in one hand, luggage in the other.  Jane and Michael (Emily Mortimer and Ben Whishaw), are now grown, and in danger of losing to foreclosure the family home where they reside with Michael’s children Annabelle, John and Georgie (Pixie Davies, Nathanel Saleh, and Joel Dawson) and their housekeeper Ellen (Julie Walters).  And now Mary Poppins must be their nanny—a heaven-sent fairy godmother doing the impossible with the cooperation of lamplighter Jack (Lin-Manuel Miranda).

Baby boomers who grew up singing “Supercalifragilisticexpialidotious” may be tempted to compare Mary Poppins 1964 to Mary Poppins 2019, but there is really no need to.  The latter could easily be a stand-alone story that’s both a fantastic treat for children and a cautionary tale for adults.  Chucking the use of excessive CGI, director Rob Marshall (Oscar Best Picture Chicago) cleverly combines live action with “old-fahioned” hand-drawn animation for some sequences, resulting in a nostalgic bit for parents and a “novelty” for the younger set.  Technical details are carefully attended to so that color, lighting, music, lyrics, action, and others work together to create moods and reveal meanings as the story unfolds.  Blunt has been known to be an actor of wide range, yet she still comes as a delightful surprise as a singing, dancing wonder of a nanny.  The child actors stand shoulder to shoulder with the cast, too, that includes big names like Meryl Streep, Colin Firth, etc.

Mary Poppins Returns makes it very easy for children—and all viewers—to see the difference between right and wrong by its simple story told clearly, and its elementary lesson taught unequivocally.  Even the lyrics (particularly of the songs Trip a Little Light Fantastic, The Cover is Not the Book, The Place Where Lost Things Go, and Nowhere to Go But Up) brimming over with optimism and childlike faith in the benevolence of life.  If you read between the lines you’ll spot references to the importance of clarity of one’s vision, of a naked belief that nothing is impossible, of being free and pure in heart always, of remaining a child at whatever age.  Even the villain—for all his greed and duplicity—is dealt with justly but not cruelly: his balloon won’t take off while others are having the time of their life going up, up, up.  (Is it telling him that bad boys don’t go to heaven?)   In the end, Mary Poppins returns to where she came from—umbrella in one hand, luggage in the other.  Definitely a most enjoyable family movie.TRT


Thursday, January 10, 2019

JackEmPopoy: The Puliscredibles

DIRECTOR:  Michael Tuviera
LEAD CAST:  Vic Sotto, Coco Martin, Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola
SCREENWRITER: Coco Martin
PRODUCERS: Rommel David, Jojo Oconer, Michael Tuviera
EDITORS: Renewin Alno, Tara Illenbeger
MUSICAL DIRECTOR:  Jessie Lasaten
CINEMATOGRAPHER: Odysset Flores
GENRE: Comedy/Action/Romance
DISTRIBUTOR: APT Entertainment
Location: Philippines
RUNNING TIME: 114 mins
Technical assessment: 3
Moral assessment: 3
CINEMA rating: V14
Magkakasama sa serbisyo bilang mga pulis sina Popoy Fernandez (Vic Sotto), Jack Halimuyac (Coco Martin), and Emily Fernandez  a.k.a. Em (Maine Mendoza). Una nang magkasama sa isang misyon na tugisin ang isang sindikato ng droga sina Popoy at Jack subalit tinanggal sila dito dahil sa koneksyon ng sindikato sa mga pulis.  Sa kabila ng pagkakatanggal ng dalawa sa kaso ay palihim pa rin nilang itutuloy ang paglutas nito at sasama si Emily sa kanila. Ampon ni Popoy si Em na anak ng kaibigan at kapwa nya pulis na nabaril at namagtay sa isa nilang operasyon.  Magkasundo at masaya ang tatlo sa trabaho. Magiging daan din ang lihim na misyon upang magkalapit at magkagustuhan sina Jack at Ems sa isa’t isa. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana sapagkat matutuklasan ni Jack na si Popoy pala ang tunay niyang ama na pinaniniwalaan niyang pinabayaan sila ng kanyang ina hanggang sa maulila siya nito nuong bata pa. Subalit mariing itinatanggi ito ni Popoy dahil naging biktima lamang siya ng maling hustisya kaya siya nakulong at nawalay sa kanilang mag-ina. Hind madali para kay Jack na matanggap at mapatawad ang ama. Samantala habang nasa punto ng hinanakit ay nagkataon din na mapapasabak sa enkwentro sa sindikato ng droga at mababaril si Popoy.  Paano na ang pagpapatawad na marapat na igawad ni Jack bilang anak sa nawalay na ama?
Sa kabila ng predictable na kwento ay naging kaabang-abang pa din ang mga eksena at lubhang nakaaliw panoorin ang  Jack Em Popoy: The Puliscredibles.  Malaking bentahe ng pelikula ang power casting nina Sotto, Mendoza at Martin. Maganda ang chemistry nilang tatlo. Akma ang kani-kanilang mga character na pinaigting ng mga natural nilang pagganap.. Magaling ang naging trato ng direktor sa pinaghalong pormula ng aksyon, konting drama, patawa at romcom. Huling-huli ni Tuviera kung paano mapapanatili ang interes ng manonood. Katulad ng pagpasok ng mga pamilyar na linya sa sikat na palabas ni Martin gayundin ang mga nakagiliwang mga linya ng patawa ng dabarkads sa noontime show.  Tama lamang ang iba pang teknikal na aspeto ng pelikula katulad ng disenyo ng produksyon, cinematography,  pag-iilaw at mga inilapat na tunog at musika. Naisalba nito ang ilang di kapani-paniwala sa salaysay ng kwento.  Sa kabuuan ay nakitaan ng saysay ang pelikula sa paghahatid ng kasiyahan sa madlang manonood.
Sa anumang relasyon ay  pangunahin na may pagmamahal, malasakit, pagtanggap at pagpapaawa upang mapabuti ang bawat isa. Gayundin naman sa pagseserbisyo bilang lingkod ng bayan ay mahalaga ang katapatan at kahandaan sa sakripisyo upang maging marangal sa gawain. Ito ang mga positibong mensahe ng pelikulang JackEmPopoy: The Puliscredibles.  Sa gitna ng pangungulila sa nawalay na anak ay walang pag-aalinlangan na tinangkilik at inako ni Popoy ang pagpapalaki at pangangalaga sa anak ng yumaong kaibigan at di naman siya nabigo dahil naging maayos ang buhay ng kanyang inampon na si Emily.  Nairaos nya ito sa tulong ng mga kaibigang mapagmalasakit.   Bilang mga pulis ay matatapat sa tungkulin at nanatili sa kampo ng katotohan. Batid nila ang nakaakibat na sakripisyo sa pagtupad nila ng kanilang tungkulin para sa bayan. Bida ang mga pulis sa pelikulang ito. Bagamat may mga tiwali ay mas naitampok ang positibong karakter nina Popoy, Jack at Emily.  Samantala maselan ang mga isyu ng droga na  nilabanan ng mga pangunahing tauhan bilang mga pulis, gayundin ang korupsyon sa kanilang hanay  at pamahalaan.  


Monday, January 7, 2019

Aurora


DIRECTOR: Yam Laranas 
LEAD CAST: Anne Curtis, Phoebe Villamor, Allan Paule, Marc  Gumabao, Mercedes Cabral & Ricardo Cepeda
SCREENWRITER: Yam Laranas & Gin de Mesa
PRODUCER: Vic del Rosario, Vincent Paolo Fernandez and co..
EDITOR: Yam Laranas & Rico Testa
MUSICAL DIRECTOR: Oscar FolgelstrÖm
GENRE: Horror Thriller
CINEMATOGRAPHER: Yam Laranas
DISTRIBUTOR: Viva Films
LOCATION: Batanes, Philippines
RUNNING TIME: 108 mins.
Technical assessment: 3.5
Moral assessment: 3
CINEMA rating: V14
MTRCB rating: PG
Nasa gitna ng emosyonal na kaguluhan si Leana (Anne Curtis). Kailangan niyang itaguyod ang kanyang nakababatang kapatid na si Rita (Villamor) subalit hindi na niya maasahan ang kaniyang paupahang inn sa tabing dagat matapos  lumubog ang barkong "Aurora" na ikinamatay ng lahat nitong pasahero liban lang sa isa. Nakukunsensya siya sa pananamantala sa mga nasawi sa lumubog na barko pero kailangan niyang kumita ng pera. Papaano niya pagtutugmain ang mga kasalungatang ito?
Ang layunin ng “horror” ay manakot. Iba’t iba ang istilong pwedeng gamitin—gulat, kilabot, pagdanak ng dugo, misteryo, at iba pa. Minsan nga ay pormula na ang ritmo nito na kaya mo nang hulaan ang mangyayari. Pero sa kabila ng mga pamamaraan, dapat pa ring mangibabaw ang kwento at pagkukwento. Genre lamang ang horror. Ang malaking problema ng Aurora ay naipit ito sa pagdiriin sa tatak ng horror kaysa sa kwento nito. Napakaganda sana ng umpisa ng pelikula. Aakalain mong gawang banyaga dahil sa husay ng kuha at pagkakakulay nito. Dagdag pa ang nakadadalang musical score ni Oscar Fogelstrom. Pero habang tumatagal at dapat sana'y lumalalim ang kwento, ay nagiging malabnaw ang katauhan ni Leana at naipit na lang sa panggugulat at pagdagsa ng mga multo ang kwento. Maganda ang mga kuhang panorama subalit kapag sa malapitan ay nawawalan na ito ng pagka-makatotohanan pagkat halatang  ito ay mga CGI lamanghalimbawa, sobrang malinis at walang sira ang barko, parang laruan lamang na napasadsad sa batuhan. Sa sobrang abala sa itsura at pakiramdam, dalawang bagay ang nagkulang sa Aurora—ang maayos na pagkukwento at ang maging isang talagang nakakatakot na horror movie.  (Mas naging akma pa marahil kung tinawag na lang itong Drama, Mystery, Supense at Thriller). \
"Kapit sa patalim." Ito ang bukang bibig ng mga taong gipit o nasa bingit ng trahedya. Para bang kayang pagtakpan ang anumang desisyon—mabuti, masama, moral man o hindi—basta’t mailigtas lamang ang sarili. Sa isang banda, ito ay likas sa tao—ang iligtas ang sarili. May mas magandang tawag sa wikang Ingles na walang tuwirang katumbas sa Filipino—“human”.  Hindi lamang tayo basta “tao” (people)… tayo ay “human beings”— mga nilalang na may pagpapakatao. Kaya’t ang bawat desisyon ay hindi lamang para sa sariling kapakanan kundi naayon din sa mga moral na kalalabasan nito. Ipinakita sa pelikula na kapag nangibabaw ang pagkamakasarili sa pagpapakatao, walang katapusan ang sakit at pagdurusang mangyayari.  Ang paglalaban ng pangangailangan at ng nararapat sa katauhan ni Leanaat ang ibinunga nitong tapang upang harapin niya ang mga ganid—ang siyang nagsilbing budhi ng pelikula. PMF 

Mary, Marry Me


Director:  RC Delos Reyes
Lead Cast:  Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Sam Milby
Screenwriter: Mika Garcia-Lagman, Juvy Galamiton
Producer:  Paul Soriano, Toni Gonzaga
Editor:  Mark Cyril Bautista. Noah Tonga
Musical Director:   Len Calvo
Genre: Romance Comedy
Cinematographer:  Tey Clamor, Yves Jamero
Distributor: Star Cinema
Location:  Philippines
Running Time:    107minutes
Technical Assessment: 3.5
Moral Assessment: 3
Cinema Rating: A14
MTRCB Rating: PG
Mahigpit ang bigkis ng kumakapit sa magkapatid na Mary Jane (Toni Gonzaga) at Mary Ann (Alex Gonzaga). Bilang nakatatanda, mapagbigay si Mary Jane sa kapatid.  Kaya’t nang biglaang pumanaw ang kanilang mga magulang noong sila’y mga bata pa, si Mary Jane na rin ang tumayong magulang ni Mary Ann. Kaya’t laking lungkot na lamang nito nang napilitan siyang ipaubaya sa kanilang tiyahin si Mary Ann papuntang Amerika sa paghahangad ng mas magandang kinabukasan sa kapatid. Kaakibat nito ang pangakong babalikan niya at kukuning muli si Mary Ann. Lumipas ang panahon, hindi nagawang balikan ni Mary Jane si Mary Ann kaya’t sa pagbabalik- Pilipinas ni Mary Jane, handang nitong gawin ang lahat para sa kapatid—maging ang pagiging wedding coordinator ng kasal nito. Yun nga lang, ang lalaking pakakasalan ni Mary Ann ay si Pete (Sam Milby) na nagkataong dating kasintahan ni Mary Jane. Makabawi na kaya siya sa pagkukulang sa kapatid? O mas lalo pa siyang magkakaron ng kasalanan dito? Paano kung hindi pa pala siya nakaka-move-on kay Pete?
Maganda at aliw ang konsepto ng pelikula  na akmang-akma sa romcom genre nito. Nakakaaliw panoorin ang magkapatid na Gonzaga na gumaganap din bilang magkapatid.  Kita ang pagiging totoo nilang magkapatid.  Matindi rin ang on-screen chemistry ng tambalang Sam at Toni.  Ang mga patawang tauhan ay sadyang nakakaaliw din.  Lumutang ang pagiging aktres ni Alex sa pelikulang ito—kaya niyang magpatawa at mag-drama nang hindi bumibitaw sa karakter. Mahusay ang pelikula sa mga maliliit na eksenang nagpapakita ng relasyon—mga eksenang nag-uusap at naglalabas ng saloobin o kaya’y simpleng isipin ang mga tauhan. Yun nga lang, tila yata nagkulang sa paghagod ng damdamin pagdating sa anggulo ng love triangle ang pelikula. Hindi malinaw kung paano nga ba unang tinanggap ng magkapatid na sila ay parehas na-in-love sa iisang lalaki  sa magkaibang lugar at  panahon? Wala rin gaanong bigat ang papel ni Milby para pag-agawan at pang-hawakan. Mga bagay na hindi gaanong malinaw. Tuloy hindi matindi ang epekto at daloy ng damdamin sa aspetong ito. Sino nga ba ang tunay na kaawa-awa sa dalawang magkapatid? Iyong nagsakripisyo ng nakaraang pag-ibig o iyong nasira ang pagmamahalan sa hinaharap?
Malinaw na sentro ng pelikula ang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang magkapatid na babae—sissy love o sisterly love kung tawagin.  Ipinakitang higit pa ito sa romantikong pag-iibigan—na posibleng piliin ang pamilya higit sa puso. Kahanga-hanga ang pagpapahalagang ibinigay ng pelikula dito. Ang kapatid ay kapatid anu pa man ang mangyari—nariyan ang pagsasakripisyo at pagpapatawaran. Kapansin-pansin lang na tila yata di gaanong naipagtanggol ni Mary Jane ang kanyang sarili kay Mary Ann, na wala siyang hindi ginawa para sa kapatid. Pero marahil, parte ito ng kanyang karakter, ang hindi maging makasarili. Kung kaya’t ipinaubaya na niyang lahat sa kapatid. Hindi man katanggap-tanggap sa mata ng marami, kahanga-hanga pa rin ito kung tutuusin dahil tunay ang pagpapakumbaba ni Mary Jane.  Ang tunay na nagmamahal, nagpaparaya at kinakalimutan ang sarili. May ilang mga eksena nga lang na nagpapahiwatig ng pagiging “liberated” ni Mary Ann—andiyang magkatabi na silang matulog ni Pete, at ang kanyang pagiging bokal sa pagnanasa ditto—bagama’t ginawang katatawanan, nakakabahala pa rin ito sa mga batang manonood.  Maliban dito, maayos naman ang mensahe ng pelikula sa kabuuan. Sa ganang CINEMA, naaangkop ang pelikula sa mga manonood 14-gulang pataas.—RPJ


Otlum


DIRECTOR: Jovenor Tan
STARRING: Ricci Romero, Jerome Ponce, John Estrada, Kiray Celis, Irma Adlawan, Pen Medina, Buboy Villar, Michelle Vito, Vitto Marquez and Danzel Fernandez.                
SCREENPLAY BY: Mike Tan, Jovenor Tan
GENRE: Horror
PRODUCTION COMPANY: Horseshoe Studios
COUNTRY: Philippines
LANGUAGE: Pilipino
RUNNING TIME: 1 hour 30 minutes
Technical Assessment: 1.5
Moral Assessment: 1.5
Cinema Rating: PG13
MTRCB Rating: PG
Nais mabapilang ni Fred (Buboy Villar) sa barkadahang pinamumunuan ni Allan (Jerome Ponce). Subalit sa simula pa lang ay pawang ayaw na nila dito sa paniniwala nilang hindi ito nababagay sa kanilang grupo. Magpupumilit pa rin si Fred at sa kabila ng maraming insidente na siya ay pinahiya at pinaasa, papayag pa rin siya sa mga ipapagawa sa kanyang pagsubok. Pinakamatinding pagsubok na ipapagawa sa kanya ng grupo ay ang manatili nang magdamag sa isang abandonadong bahay-ampunan na pinaniniwalaang pinamamahayan ng mga multo dahil sa madilim nitong nakaraan. Makayanan kaya ni Fred ang huling pagsubok na ito? Anong misteryo ang nagtatago sa loob ng abandonadong bahay-ampunan?
Isang payak at masasabing hindi gaanong pinag-isipan ang pelikulang Otlum. Mula sa pamagat nito na tila wala nang maisip talaga—Otlum ay millennial speak kuno na “multo” na binaligtad tulad ng lodi para sa idol—hanggang sa kakatwang mga kuwento at mga karakter na malabo ang pinanggagalingan. Maging ang mga dayalogo at linyahan ay pawang katawa-tawa bagama’t katatakutan ang genre ng pelikula. Luma na rin halos lahat ng ginawa nilang pakulo upang manakot. Dismayado tuloy ang maraming manonood na umaasang sila ay makakaranas ng katatakutan. Nasayang ang husay ng mga aktor na karamihan naman ay may ibubuga sa pag-arte tulad nila Villar, Ponce, Kiray Celis , mga beteranang sila Irma Adlawan, Pen Medina at John Estrada, at maging ang baguhan na si Ricci Rivero. Sa kabuuan ay walang sentro ang pelikula—hindi nila malaman kung saan at kaninong kuwento ang kanilang susundan. Isang malaking kapabayaan ang ginawa nila sa pelikula na kung tutuusin ay maraming pwedeng nagawa kung pinagbuhusan lamang ito ng panahon at pag-iisip. Halatang minadali na lamang ang lahat upang makaabot sa taunang MMFF (Metro Manila Film Festival) at kataka-taka naman talaga na ito ay nakapasok dito bilang kalahok.
Malabo rin ang nais ipahiwatig ng pelikula kung usaping moral ang pag-uusapan. Nariyang may isang batang hindi malaman kung bakit niya kailangang ipagpilitan ang kanyang sarili sa isang barkadahang pang-aalipusta lamang ang inaabot niya. Hindi malinaw kung bakit mababa ang kanyang pagtingin sa sarili—bukod sa pasaring na hindi siya tanggap ng kanyang ina (na hindi rin malinaw kung bakit) at lumaki rin siyang walang kaibigan (na hindi rin alam ng manonood kung bakit)—wala nang mapiga pa sa kanyang motibasyon. Sa katagalan ay labis na sasama ang loob niya nang malaman ang katotohanang wala siyang pag-asang mapabilang sa barkadahan nila Allan (isang barkadahan ng mga walang kuwentang mga nilalang bukod sa may mga itsura silang lahat)—at dahil dito’y kikitilin niya ang kanyang buhay sa hangaring maghiganti bilang multo?  Katawa-tawa sa halip na nakakatakot. Kataka-taka din na pawang hindi naman siya ang naghihiganti kundi mga ibang multo pa sa bahay-ampunan. Ano kaya yun?  Sa mga multo siya nakatagpo ng barkada? At talaga bang magsisilbing aral sa mga taong matapobre at mapagmataas ang sila ay multuhin at patayin?  Walang katanggap-tanggap alin man sa mga ito. Nariyan din ang anggulo ng pang-aabuso at pang-momolestiya sa mga bata ng isang pari sa dating bahay-ampunan.  Wala ring naging kaparusahan sa kanya.  Siya pa ang nagpakamatay at sa bandang huli’y galit na naghihiganti.  Bakit siya pa ang galit?  Katawa-tawa rin talaga.  Bagama’t ipinakitang sa huli’y nanaig ang kapangyarihan ng krus upang masugpo ang pagmumulto ng pari, wala pa rin itong saysay dahil hindi katanggap-tanggap ang kuwentong pinanggalingan. Isang malaking insulto ang Otlum sa mga manonood—usaping teknikal man o moral. Maging ang mga taong walang magawa sa buhay ay mababagot sa pelikulang ito.—RPJ

Saturday, January 5, 2019

Girl in the Orange Dress


Director:  Jay Abello
Lead cast:  Jericho Rosales, Jessy Mendiola
Producers:  Star Cinema, Quantum Films, MJM Production
Genre: Romantic comedy, drama
Location:  Metromanila
Running time:  100 minutes
Technical assessment:  3
Moral assessment: 2.5
CINEMA rating:  V16
MTRCB rating:  PG
Halos hubo’t hubad na gigising isang umaga si Anna (Jessy Mendiola) sa loob ng isang hotel room, katabi ng movie idol na si Rye (Jericho Rosales).  Hindi niya maalala kung paano siya napadpad doon, o kung sino ang lalaking katabi niya magdamag.  Sa kahihiyan sa sarili, akmang tatakas siya, pero pipigilin siya ni Rye at babalaang huwag lalabas ng hotel nang suot ang kanyang orange dress, pagkat viral na sa social media ang pag-check-in ni Rye kasama ng “girl in the orange dress,” at sa katunaya’y inaabangan na siya ng mga fans at movie reporters na sugapa sa tsimis-artista.  Saka lamang mauuntog sa katotohanan si Anna na ang kasama niya pala sa kama ay ang kaisa-isang idolong kinababaliwan ng kanyang matalik na kaibigan.  Gagawa ng kung anu-anong paraan ang dalawa para lamang makalabas nang hindi nakikita ng media si Anna, bagay na ikapaglalapit nila sa isa’t isa.
Simple at malinaw ang istorya, maayos ang cinematography at productions sets, magagaling magsiganap ang mga supporting actors—sa katunayan, mas nakakasabik sundan ang mga kakulitan nila kesa sa magkaminsan ay nakakainip na eksena nila Rosales at Mendiola, bagama’t kapwa sila “eye candy.”   Kilala na ang husay ni Rosales bilang artista, kaya parang nadadaya ang publiko kapag ganitong papel lamang ang ginagampanan niya.  Gawa ng mala-anghel niyang kariktan, kapani-paniwala naman si Mendiola bilang biktima ng sariling katangahan, pero nakakasawa ring titigan si Anna kapag nagmumukha na siyang tulala at dahil yata sa hangover ay hindi makapag-isip nang maayos.  Pero siguro parehong hilo pa si Rye at Anna, dahil ni hindi nila naisip na magbihis-janitor na lang si Anna para makatakas nang walang nakakapansin.  Sa kabilang dako, kung madaling makakalusot si Anna sa mata ng media, eh di ibang istorya na yon.
Anong makabuluhang ideya ang mapipiga ng manunuod mula sa The Girl in the Orange Dress?  Gustong isipin ng CINEMA na sadyang pinamaga ang istorya—isang kagat ng lamok na naging pigsa—para ipakita ang pagkahayok ng publiko at media sa tsismis-artista, at ang pagkahumaling ng mga tagahanga sa kanilang mga idolo.  Bagama’t hinihingi ng istorya, nakababahala pa rin ang pagsasalarawan ng casual sex na bunga ng kalasingan na para bang ito na ang kalakaran ngayon.   Sa mga taong gumagalang sa lugar ng kanilang katawan sa pag-iibigan, ang one-night stand ay hindi kailanman karapat-dapat.—TRT  


Thursday, January 3, 2019

Rainbow's Sunset


Director: Joel Lamangan
Lead Cast: Eddie Garcia, Tony Mabesa, Gloria Romero, Aiko Melendez, Sunshine Dizon, Tirso Cruz III
Screenwriters: Ferdinand Lapuz, Joel Lamangan, Eric Ramos
Producer: Dennis Evangelista
Editor: Mail Calapardo
Musical Director: Emerzon Tecson
Genre: Drama
Cinematographer: Rain Yamzon
Distributor: Heaven’s Best Productions
Location: Bulacan, Philippines
Running Time: 1 hr 51 mins
Technical assessment: 3
Moral assessment: 2.5
CINEMA rating: V13
MTRCB: PG 13
Nang mabalitaan ni Ramon Estrella (Garcia) na pinili ni Fredo (Mabesa) na sa bahay na gugulin ang nalalabing araw, dali-dali siyang nagdesisyon na iwan ang pamilya at alagaan ang kababata. Madaling pumayag ang asawang si Sylvia (Romero) subalit hindi ang mga anak na sina Mayor George (Melendez), Emman (Cruz) at Fe (Dizon). Lalo na nang aminin ni Ramon na mahal niya ang kanilang ninong Fredo katulad ng pagmamahal niya sa kanilang ina. Ang paghantad ni Ramon ng kanyang kasarian ay naging kontrobersyal na usapin. Una, dahil dati siyang senador. Ikalawa, dahil Mayor ang kanyang panganay na anak. Ikatlo, dahil may social media. Maapeektuhan ang relasyon ng pamilya Estrella subalit mananaig ang pagtanaw ng utang na loob sa ipinakitang kabaitan at pagsuporta ni Fredo kina Ramon at Sylvia mula pa nuong kabataan nila. Sa huli, matutunan din nila ng tanggapin at igalang ang pagmamahalan ng dalawang lalaki.
Nagwagi bilang pinakamahusay na pelikula ang “Rainbow’s Sunset” sa nakaraang MMFF. At di naman maikakaila na malayo ang agwat nito sa karamihan nang kalahok at ang kalidad ng pag-atake sa karakter ng mga batikang aktor. Nangingibabaw dito si Mabesa sa kanyang mahinahong pagbalanse sa hirap ng cancer at sa diskriminasyon sa bawal na relasyon. Hindi rin maitatanggi ang makatotohanang damdaming ibinigay ni Melendez bilang Mayora. Isang malaking tagumpay ang masusing pagbuo ng disenyo ng nakaraang limang dekada habang sinusundan ang kabataan ni Ramon at Fredo. Sa unang pagkakataon din ay may pagkakahawig ang mga mukha ng mga batang bersyon at ng kani-kanilang mga supling. Maganda naman sa kabuuan ang pelikula at nakuha ang damdamin ng mga manunuod sa biglang pagkabig ng kwento sa huli. Kung bubusisiin nga lang ay masisilip ang mga kahinaan nito, tulad ng hindi makatotohanang pagpili ng mga salita, ang malabnaw na pagbuo sa motibasyon ng mga tauhan, at ang sala-salabat na alitan ng mga pangalawang tauhan sa halip na ituon ang pagdaloy ng kwento sa masalimuot na relasyon nina Ramon, Sylvia at Fredo.  Marami tuloy ang naiwang nakabinbin. Ano ang nangyari sa kasintahan ni Fe? Hindi ba nahuli si Emman sa kanyang iligal na transaksyon? Anong klase ang asawa ni Mayora na may mga lihim na iligal na gawain?  Hindi mahigpit ang pagkakatahi ng kwento bagama’t nasalba ito ng kahusayang teknikal at ng drama sa dulo.
Ang unang mapapansing tema ng pelikula ay ang homosekswal na relasyon nina Ramon at Fredo.  Pinili nitong tahakin ang matamis na pag usbong ng inosenteng pag-ibig na lumalim at tumibay hanggang sa katandaan.  Sa mga konserbatibo, hindi katanggap-tanggap ang relasyong ito. Sa kabilang dako, ang mga naturingang “liberated” at mga kapatid na LGBT ay magdiriwang sa walang takot na pagsulong ng pelikula sa relasyong homosekswal bilang tunay na pag-ibig. Masasabi rin namang malinis ang pagkakagawa rito kung tutukuyin ang homosekswalidad bilang tema. Matagumpay namang ipinakita nito na may iba’t ibang mukha ang pag-ibig at walang dapat humusga sa kabusilakan ng nag-iibigan. Malinaw ding ipinahatid ang halaga at suporta ng pamilya at ng kabutihang laging sinusuklian ng kabutihan. Ang problema ay hindi dahil sa pag-iibigang homosekswal, kungdi ang tahasang pangangaliwa ni Ramon. Papaanong magiging katanggap-tangap sa isang babae (o lalaki man) na may ibang mahal ang kanyang asawa?  Pambayad-utang ba ang isang asawa?  Sukli ba ang pang-unawa ni babae sa pagsuporta ni Fredo sa mga pinansyal nilang pangangailangan?  Hindi naging malinaw kung nagtuloy ang sekswal na relasyon nina Ramon at Fredo habang kasal ang una kay Sylvia. Ipagpalagay na nating hindi at naging matalik na magkaibigan lamang ang dalawang magkababata. Hindi pa rin naging makatwiran ang desisyon ni Ramon na basta na lamang iwan ang asawa upang tumira sa bahay ni Fredo at lantarang ipakita ang kanyang damdamin. Hindi para lang walang masabi ang ibang tao pero para pangalagaan naman ang damdamin ng mga mahal niya sa buhay.  Maaaring marangal ang intensiyon ni Ramon na makapiling si Fredo sa mga huling sandali ng kanyang buhay, pero ito ay desisyon ng isang makasariling bata.  May sinumpaang pagmamahal at legal na obligasyon ang kasal.  Kung mahal niya si Sylvia, dapat niyang kinalimutan si Fredo.  Kung mahal niya si Fredo, hindi siya dapat bumuo ng pamilya kay Sylvia. Hindi isyu ang LGBT… ang isyu ay ang katapatan sa taong minamahal.—PMF