Technical assessment: 2.5
Moral assessment: 2
CINEMA rating: V18
MTRCB rating: PG13
May isang mahiwagang aklat—ang Book of Ishi—nuong taong 1602 na diumano’y pinananahanan ng mga demonyo at nauwi sa pakikipaglabanan ng isang samurai sa kanyang kapatid na sinapian ng demonyo. Sa kasalukuyang taon, iniimbistigahan naman ni Tony (Cesar Montano), isang Special NBI Agent, ang sunod-sunod na pagkamatay ng mga kababaihan, kabilang na ang kanyang kasintahan. Mapagtutugma ni Tony ang mga pagpatay na ito sa Book of Ishi at ang pag-ubos sa isang angkan ng samurai ng masamang ispiritu. Makikipagtulungan si Miyuki (Maria Ozawa), ang dalagang namumuno sa sindikatong Hapones, nang biglang maglaho ang kanyang kapatid na si Akane (Yam Concepcion) at matagpuang patay ang kanyang ama.

Hindi
maikakaila na pinagbuhusan ng panahon at pinagsikapang ayusin ang biswal na
aspeto ng Nilalang. Angat ang
kalidad ng disenyo ng produksyon at visual
effects nito. Maganda ang agaw dilim at liwanag ng sinematograpiya at ang
pagkakahabi ng eksena sa editing.
Nakatatawag pansin din ang magandang koreograpiya ng ilang mga labanan. Sa
teknikal nitong aspeto ay hindi ito ikakahiyang isabay sa iba pang malalaking
produksyong banyaga na may katulad na tema. Pero hanggang dito na lamang ang
positibong masasabi rito dahil para kang kumain ng isang mamahaling cake na wala ni kapirasong sarap kapag
tinanggalan ng icing. Malabnaw ang
kwento. Katawa-tawa ang pagganap. Mahina ang pagbuo sa mga karakter ng mga
tauhan, lalo na ng kay Tony. Dinaan sa impresibong mga biswal ang pelikula pero
hungkag ito sa structure at
matalinong naratibo.
Ilang negatibong clichés ang
nakapaloob sa Nilalang. Una,
napakadali nitong ipasa sa ispirito ng mga yumao ang katatakutan at karahasan.
Ilang horror films na ba ng patuloy
na gumagamit ng prinsipiyong ito na parang ang kabilang buhay ay negatibo at
puno ng panganib sa mga nabubuhay. Ikalawa, ang bida sa isang pelikulang aksyon
ay isang bruskong lalake na laging makupad na animo’y malalim ang pinagmumulan
pero madaling pumatol sa mga lumalapit na mga babae. At dahil ang isa sa mga
bidang babae ay isang kilalang “adult star” sa ibang bansa, kinailangan ng
mahahabang eksenang senswal kahit hindi naman ito nakakatulong sa pag-usad ng
kwento. Ikatlo, ang tindi ng karahasan ay tila natatakpan ng layuning makamtam
ang katarungan o mailantad ang katiwalian. Mahirap patotohanan ang kasabihang
“The end does not justify the means”, dahil kailangan maging bayani ang bida
pag natapos na ang palabas. Hindi angkop ang Nilalang sa mga nakababatang manunuod na madaling mamangha sa magagandang
biswal ng isang produksyon. Baka nga ang mas matatanda pa na ayaw manimbang ng
pinanunuod ay malinlang rin ng Nilalang.