Tuesday, October 3, 2017

Last Night

Direction: Joyce Bernal; Lead Cast: Piolo Pascual, Toni Gonzaga;  Story/Screenplay; Bella Padilla;  Editing: Marya Ignacio; Cinematography: Boy YƱiguez; Producer: Neil Arce; Location: Manila; Genre: Romantic Comedy; Distributor: Star Cinema
Technical assessment: 2.5
Moral assessment: 3
CINEMA rating: V14
Wala nang makitang dahilan si Mark (Pascual) para mabuhay. Napalayas siya sa kanyang bahay, hiniwalayan ng asawa, idinemenda ng mga kaibigan dahil sa perang nadispalko ng kanyang nanay na ngayon ay hindi na niya mahanap. Nang tatalon na sana si Mark sa Jones Bridge ay siya namang sisigaw at hihingi ng tulong si Carmina (Gonzaga) mula sa pagkakasabit sa gilid ng tulay. Ililigtas siya ni Mark at sandaling maantala ang pagpapakamatay ng dalawa. Magkakasundo sila na sabay magpapakamatay na mauuwi pagkahulog nila sa isa’t isa. Kaya lamang, nang magdesisyon na si Mark na huwag nang ituloy ang pagpapakamatay upang mabuo ang relasyon nila ay mawawala naman si Carmina. Sa gitna nang paghahanap, matutuklasan ni Mark ang katauhan ni Carmina na maaring tuluyang dumurog sa kanyang pagkatao.
Sa simula ay simpleng “romcom” ang takbo ng naratibo sa nakasanayang magaslaw na komedya ni Gonzaga at mapagnilay na atake ni Pascual. Pormula. Mabenta. Nahuhulaan na ang wakas. Tama? Mali—dahil sa isang iglap, biglang-biglang babalikwas ang salaysayin. Ramdam na ramdam namin ang pagtahimik ng mga kinikilig na manunuod sa sinehan nang magkahugis ang  kwento sa likod ng katauhan ni Carmina. Masasabi namang malinis ang pagkakagawa at mahigpit ang pagkakahabi. Dahil sa loob ng ilang minutong si Gonzaga at Pascual lamang ang sinusundan ay hindi naman naging kabagot-bagot ang panunuod. Kung minsan nga lamang ay nakakasuya ang kagaslawan ni Gonzaga dahil medyo hindi na kapani-paniwala. May kaguluhan din ang punto de bistang pinili ni Bernal. Sa isang banda, mas tama sanang kay Mark lamang ito dahil siya lamang dapat ang nakakikita kay Carmina. Pero sa kagustuhang ibenta ang pelikula bilang romcom ay ginawang punto de bista ng manunuod na hindi na naging lohikal nang mabuo ang istorya. Ang pinakamalaking problema ng pelikula ay ang kawalan ng kakayahang tuldukan ang mga pangyayari. Kuha na, pinipilit pa. Naging kalabisan ang mga huling eksena matapos malinawan ang pakay ng Carmina. Sa halip na mahulog ang loob mo at madama ang sakit ng paghihiwalay ay gustong-gusto mo nang matapos ang iyakan nilang dalawa. Nauwi rin sa pormula. Sayang, naging mababaw tuloy ang kabuuan nito.
Ang pagkitil sa buhay ay hindi katanggap-tanggap na alternatibo. Una, napakahina ng pagkatao mo na hindi mo kayang lagpasan ang kasalukuyang dagok o sakit upang makita ang pag-asa ng bukas. Ikalawa, napakamakasarili mo dahil nalulugmok ka lamang sa sariling sakit nang walang pagtimbang sa masasaktan mo. Ikatlo, napakahina ng pananampalataya mo dahil nakalimutan mong hindi ka naman binibitawan ng Diyos.

Sa simula ay tila ginawang katatawanan ang pagkitil sa buhay pero kung susuriin, sinagot ng pelikula ang tatlong isyung nabanggit. Ipinakita na kung papaanong ang kakayahang tanawin ang sinag ng pag-asa sa hinaharap ay magbibigay liwanag kahit gaano man kadilim ang pinagdaraanan. Nang sa bingit ng pagpapakamatay ay tulungan ni Mark ang matandang hinimatay, gumaan ang kanyang kalooban at nakita ang halaga ng sarili.  Nang pinili ni Mark na patawarin ang sarili, nakapaglingkod muli siya sa mga bata at nagkaroon ng determinasyong hanapin ang ina. Ipinakita rin ni Carmina ang hapding idinudulot ng mga luha ng mga naulila ng mga nagpatiwakal. Ang pagpigil (ni Carmina) sa mga nais magpakamatay bilang pagtubos sa sarili ay pagkilala sa kamalian niya. Kapwa rin nila sinabi na para magkita sila sa langit ay kailangang pagsumikapang magkaroon ng mabuting buhay. Maraming aral ang pwedeng mapulot mula sa kwento, kaya nga lamang ay pinilit itong ihain bilang isang ordinaryong kwento ng pag-ibig.

Kingsman: The Golden Circle

DIRECTOR:  Matthew Vaughn   LEAD CAST:  Colin Firth, Taron Egerton, Julianne Moore, Mark Strong, Halle Berry, Jeff Bridges, Pedro Pascal  SCREENWRITER:  Jane Goldman, Matthew Vaughn  PRODUCER:  Adam Bohling, David Reid, Matthew Vaughn  EDITOR:  Eddie Hamilton  MUSICAL DIRECTOR:  Henry Jackman, Matthew Margeson  GENRE:  Action-Adventure, Comedy  CINEMATOGRAPHER:  George Richmond  DISTRIBUTOR:  Warners Bros.  LOCATION:  England, Wales, Italy  RUNNING TIME:  141 minutes
Technical assessment: 4
Moral assessment: 2.5
CINEMA rating: V18
MTRCB rating:  R13
Kingsman, a British secret intelligence service, is wiped out—its headquarters blown up and its agents killed, save for two.  Eggsy (Taron Egerton) and Merlin (Mark Strong) find a clue from the rubbles that leads them to their counterpart US spy organization called Statesman. Kingsman and Statesman track The Golden Circle, the group that sought to destroy Kingsman.  Headed by drug lord Poppy Adams (Julianne Moore), the group puts toxins in recreational drugs, threatening to kill millions.  Poppy offers to release an antidote if the US stops its war on drugs.  Meanwhile, agent Harry Hart (Colin Firth) survives the gunshot in the first Kingsman movie (The Secret Service), but suffers from amnesia.  He regains his memory and joins Eggsy in the mission.
Kingsman animates the screen with a powerful cast. Firth’s Harry, despite the eye patch, makes a dramatic switch from a mousy scholar to the resolute agent that he really is. Moore’s Poppy and her quirks are so over-the-top funny and ridiculous.  Strong’s Merlin breaks our heart when he gives up his life for the mission while singing Take Me Home, Country Roads.  Egerton’s Eggsy is perfect as an ever-so-grateful agent looking to Harry for affirmation.  Bruce Greenwood as the US President is a parody of the real life leader, and he does it so well. Kingsman floods us with meticulously choreographed fight scenes in a dainty 1950s diner, with graceful executions of punches and kicks, guns, explosions, and CGI, made more exciting with riveting music and sound effects. Death, goofiness, violence, and drama are weaved so well into the story that we find ourselves relishing them in equal measure.
Therein lies the danger in Kingsman.  For young audiences especially.  It makes the wrong delightful, fun and guilt-free.  With drugs as driver of conflict in the story, Kingsman can add noise to the real life division caused by the Philippines’ war on drugs and its associated extra-judicial killings.  Kingsman has all the elements of extreme and excessive violence strapped into its storyline: guns, explosions, drugs, alcohol, punching, cuss words, even a macabre meat-grinding of live, fully-clad humans to turn them into burger patties. Women are portrayed at their worst: whimsical, capricious, with one so gullible and vulnerable she doesn’t even notice a tracking device has been inserted into her private parts. And so, although the heroes win over the villains in the end, Kingsman is an egregious route to impart its lessons (yes, we didn’t miss them): drug abuse is dangerous; relationships matter; loyalty, friendship, brotherhood, and sacrifice for the common good. 

Monday, October 2, 2017

Respeto

Director: Alberto Monteras II  Cast: Abra, Dido de la Paz, Loonie, Kate Alejandrino, Chai Fonacier, Ybes Bagadiong, Brian Arda, Thea Yrastorza, Nor Domingo  Writers: Njel de Mesa and Alberto Monteras II  Producer: Monster Jimenez  Executive Producers: Thenielle Monteras, Alberto Monteras II, Jet & Mae Cornejo  Line Producer: Kristine Kintana  Assistant Director: Timmy Harn  Cinematographer: Ike Avellana  Editor: Lawrence Ang  Production Designer: Popo Diaz  Sound Designer: Corinne De San Jose  Music: Jay Oliver Durias  Running Time:  90 minutes
Technical  assessment: 3.5
Moral assessment: 2.5
CINEMA rating:  V14
MTRCB rating:  R13
Kasama ng kanyang barkada ay sasabak sa pustahan ng hip-hop music sa kalye ng Pandacan ang ulilang si Hendrix (Abra), subalit matatalo sya. Sa susunod na pagsali niya ay mapapahiya pa sya dahil magba-viral sa Youtube ang pagkakaihi niya sa pantalon dahil matatalo sya ng kalabang babae sa pagra-rap.  Gayunpaman ay muli at muli nyang paghahandaan ang mga susunod na pustahang sasalihan niya sapagkat hilig nya talaga ito. Samantala utusan sya ng kinasama ng ate nya na isang drug pusher  sa paghahatid ng droga sa mga suki at naabutan sya ng konting panggastos kapag nagagawa nya ang utos nito.  Subalit nang minsang pangahasan nya ang kita ng bayaw at ipatalo sa hip-hop ay nabugbog sya at pilit na pinalalabas ang pera. Dahil dito ay yayayain niya ang mga kaibigan tatangkain looban ang bookstore na pagmamay-ari ni  Doc (Dido Dela Paz), isang matandang manunulat at makata na may di magandang karanasan sa panahon ng Martial Law.  Mahuhuli sila sa akto ng pagnanakaw at madadala sa presinto.  Sa kabutihang-palad ay di na sila sasampahan ng kaso sa halip ay papatawarin sila at bibigyan ng pagkakataon na ayusin ang mga nasira sa tindahan.  
Makatotohanan  ang paglalahad ng kuwento ni  Hendrix na isang kabataang may talento at pangarap,  dumadanas ng kahirapan, at kabilang sa lipunan na nahaharap sa krimen ng droga, korupsyon, abuso sa kababaihan at karahasan.  Makahulugan ang pinagsama-samang kathang tula, saliw ng musikang hip-hop at palitan ng mga linya kasama na ang pagmumura sa paghahatid ng mensahe, pagninilay at pagbibigay ng aliw sa manonood.  Mahusay ang pagkakadirehe dahil naidirekta nya ang mga teknikal na aspeto ng pelikula sa sa pagpapakahulugan sa salitang “respeto” na syang pamagat ng pelilkula. Hindi mga tanyag na artista ang mga gumanap pero markado ang mga karakter na binigyan buhay nila. Natural at may sinseridad ang mga kuha ng camera na lalong pinatingkad ng kaakmaan ng pag-iilaw at inilapat ng mga tunog at musika.
Maaring akalain ng manonood na tungkol sa napakagandang ugali na “respeto” o paggalang ang mensahe ng pelikulang Respeto. Bahagya naman itong naipakita ng pelikula subalit para sa CINEMA ay  mas malalim na mensahe ang pelikula bilang hugot sa literal na kahulugan ng salitang “respeto”. Ang totoo, sa mas malaking bahagi, ay puro kawalan na ng respeto ang pinakita. Ang isang kabataang may pangarap ay inuutusan magdeliver ng ipinagbabawal na droga at binubusog sa mura at mapang-insultong salita. Ang isang tahimik na matanda na naghahanapbuhay ay pagtatangkaang pagnakawan. Ang mga babae ay binabastos at ginagahasa. Ang hip-hop na genre ng musika ay ginagawang daan upang makapang-insulto ng kapwa, makapagsugal at makipag-away,  Ang pulis na dapat nagsisilbi ay siyang sangkot sa krimen. Ang ultimong kawalang respeto ay ang mismong pagpatay sa buhay at kawalan ng proseso ng hustisya. Bagamat may bahagyang pagtalakay ng pagtitiwala at pagkikila, katulad ng ginawa ng karakter ni Doc sa tropa nina Hendrix. Gayundin naman kahit saang anggulo tingnan ay walang hatid na kabutihan ang paghihiganti, kadalasan ay nadadamay at mas napapahamak pa ang mga walang kinalaman. Ang Respeto ay isang napapanahong pelikula na maaring maghatid ng aral at punto ng pagninilay sa sarili at sa mga nangyayari sa lipunan upang huwag na maulit ang madilm na nakaraan ng kasaysayan.  

Saturday, September 30, 2017

Logan Lucky

Direction: Steven Soderbergh; Cast: Channing Tatum, Daniel Craig, Adam Driver, Seth MacFarlene, Riley Keough, Katie Holmes;  Screenplay: Rebecca Blunt; Editing: Mary Ann Bernard; Cinematography: Peter Andrews; Producer: Gregory Jacobs, Mark Johnson, Channing Tatum Music: David HolmesrGenre: Action-Comedy; Distributor: Fingerprint Releasing; Location: USA  Running Time: 119 minutes; 
Technical assessment: 3.5  
Moral assessment: 2 
CINEMA rating: V16 
Logan brothers are unlucky. Clyde loses his arm in Iraq and is now a bartender while Jimmy (Channing Tatum) is fired and is about to lose his time with his daughter. Jimmy convinces Clyde to rob Speedway’s biggest race of the year to rewrite their family history. They enlist the help of a local prison inmate and bomb expert Joe Bang (Daniel Craig) and stage and prison break to free him. They are joined by Joe’s siblings and prepare to put the plan into action. However, the construction work finishes ahead of schedule and forces them to hold the heist earlier on a busier Coca-cola 600 race on a Memorial weekend celebration. Despite several near misses, the heist is successfully carried out but Jimmy leaves part of the money behind and alerts the police so they can retrieve it. After six months, the investigation is closed, Joe is released from prison and finds part of the money purposely sent to him and Jimmy moves in to a new home to be near his daughter. Unknown to them FBI agent Sarah Grayson (Hilary Swank), continued her investigation undercover. 
Soderberg’s direction never fails to bring home the bacon. He cleverly delivers sophisticated hilarity at a pitch perfect timing. There isn’t much uniqueness in the storyline but the storytelling is crisp and distinct. It is an easy read without being too predictable. The movie’s hidden gem is Craig and his totally convincing portrayal of comical bad guy. Chemistry of the main actors are also commendable. However, the cleverness of the narrative was not sustained till the end as the intensity of the pace did not allow for whatever surprise twists needed to be brewed to achieve a more powerful ending. But the movie is undeniably enjoyable and worth one’s time. 
The value of family loyalty is emphasized in the film. It demonstrates that they are the people one can rely come good or bad times, they are the reason why we are willing to go through hell and high water, and they are the rainbow hope after a cruel storm. ClichĆ© as all these may sound, they are true and real for most people. The question is—another clichĆ©—does the end justify the means? The movie, no matter how noble its intentions and objective, used robbery (and a successful one).  It becomes more dangerous as the characters are lovable and sympathy for them is easily won. It is a bit disturbing because, not only did they not get caught, but also they were rewarded for being successful thieves—now what does it connote when put beside the issue of corruption? There are too many disvalues intertwined in the plot that it makes it unsuitable for young audiences. 

Loving in Tandem

DIRECTOR: Giselle Andres  LEAD CAST: Maymay Entrata, Edward Barber, Kisses Delavin, Marco Gallo  SCREENWRITER:  Kristine S. Gabriel, Anj HawPRODUCER:  Charo Santos-Concio, Malou Santos  PRODUCTION CO:  ABS CBN Film Productions, Inc.  SOUNDTRACK:  Michael Pangilinan; Marion Aunor  GENRE: Filipino romantic comedy DISTRIBUTOR:  Star Cinema  LOCATION:  Philippines  RUNNING TIME:   2 hours
Technical assessment: 3
Moral assessment: 3
CINEMA rating: V 13 (for Viewers aged 13 and below with parental guidance)
MTRCB Rating: PG
Si Shine (Maymay Entrata) ay isang mapagbigay at mapagmahal na kapatid at tiyahin na handang gawin ang lahat para sa kapakanan ng mga mahal niya—maging ang makiparte sa krimen tulad ng padurukot.  Sa insidenteng ito magiging biktima si Luke (Edward Barber),  laking-Amerika at may dugong Amerikano na first time umuwi sa Pilipinas. Sa kalagitnaan ng matinding pagsisisi ni Shine sa nagawa nito kay Luke ay magku-krus ang kanilang landas pagkat nakatira pala ang pamilya ni Luke sa katapat niyang bahay. Dito malalaman ni Shine na ang perang ninakaw ng kanilang grupo kay Luke ay pamasahe nito pabalik ng Amerika sapagkat wala siyang balak magtagal sa bansa; malaki ang galit niya sa kanyang ina (Carmi Martin) at napauwi lamang siya upang magpa-pirma ng ilang papeles. Dahil naging maliit na ang mundo nina Shine at Luke, malalaman din ni Luke ang katotohanan—at sa pagmamakaawa ni Shine, papayag si Luke na bayaran nito ang ninakaw sa kanya sa pamamagitan ng pagpasok sa lahat ng trabahong ipapagawa ni Luke. Hanggang kailang magiging alipin si Shine ni Luke? Maging alipin din kaya sila ng kanilang mga puso sakaling mahulog ang loob nila sa isa’t-isa?
Kung sa pagpapatawa ang pag-uusapan, naging matagumpay ang Loving in Tandem. Maraming nakakatawa at nakakatuwang eksena na talaga namang hahagalpak sa tawa ang manonood,  May mga ilang iyakan din na nakakaantig ng damdamin. Ngunit kung kilig ang titingnan—tila yata marami pang kulang. Bagama’t maituturing nang mahusay ang baguhang tambalang Maymay Entrata at Edward Barber—nagkulang pa rin ang pelikula sa pagpapalawig ng pagmamahalan ng dalawang pusong magkaiba ang pinanggalingan at magkaiba sa lahat ng bagay. Nagkulang sa hagod ang kuwento kung patungkol sa mga karakter nila Shine at Luke ang pag-uusapan. Tila baga lagi na lang si Shine ang panalo kahit pa gawin siyang alipin dahil sadyang napaka-guwapo para sa kanya ni Luke. Hindi patas ang turing at laging may paga-alinlangan—pag-ibig nga ba ito? Masyado ring maraming sanga-sanga ang kuwento at di malaman kung ano ba talaga ang pinaka-sentro nito at nais sabihin sa kabuuan.
Maraming mensahe ang Loving in Tandem patungkol sa pamilya. Nariyan ang pagpapatawad at pagmamahalang wagas na makikita lamang sa loob ng pamilya. Nariyan din ang matinding pagsasakrispisyo ng isang kapamilya alang-alang sa kinabukasan ng mga mahal sa buhay. Angat ang karakter ni Shine bilang mapagbigay at matiising kapatid at tiyahin—at sumunod ay bilang kaibigan at nobya. Isang magandang huwaran siya para sa mga kabataan. May aral din ang pelikula ukol sa pagmamahal sa sarili. Lubos namang nakababahala ang tila mababaw na pagtanaw nito sa kriminalidad—at ginawa pa sa loob ng isang kilalang simbahan. Nakababahala na nagbibigay ang pelikula ng imahe na tila  walang ginagawang aksiyon ang simbahan man o awtoridad upang masugpo ang krimen. Iniwan lamang sa ere ang usaping ito na para bang kaswal na gawain o problema lamang. Ang pagturing sa mga kababayan nating Pilipina na “panalo” kapag nagustuhan o kinasintahan ng isang banyaga ay tila nakababahala din…nariyang sabihin ng pabiro—“isang kababayan na naman natin ang  nakaahon sa lusak”—isang birong tila hindi nakakatuwa. Sana lang ay maging mas sensitibo pa ang mga pelikula sa ganitong mensahe. Ngunit wagas naman at dalisay ang ipinakitang pagmamahalan ng dalawang bida at sa bandang huli ay lumutang ang kahalagahan ng pamilya kung kaya’t maituturing na katanggap-tanggap naman ang Loving in Tandem sa kabuuan—dapat lamang gabayan ang mga batang manonood at kailangang maging mapanuri sa mga nakatagong mensahe.

Tuesday, September 26, 2017

I Love You, Thank You

DIRECTOR:  Charliebebs Gohetia   LEAD CAST: Joross Gamboa, Prince Stefan, Ae Pattawan & CJ Reyes  SCREENWRITER:  Charliebebs Gohetia  PRODUCER:  Armi Cacanindin  EDITOR: Leo Valencia  MUSICAL DIRECTOR: Gauss Obenza  GENRE: Drama/Romance  CINEMATOGRAPHER:  Albert Nanzon  LOCATION: Thailand, Cambodia  RUNNING TIME: 108 minutes
Technical assessment:  3
Moral assessment: 2.5
CINEMA rating:  V18
MTRCB rating:  R16
Sama-sama sa iisang apartment sina Paul (Joross Gamboa), ang best friend niyang si Ivan (CJ Reyes), at ng boyfriend ni Ivan na si Red (Prince Stefan).  Pare-pareho silang may “sexual preference”—gusto nilang “kasiping” ay kapwa lalaki.  May lihim na pagtingin si Paul kay Red, kaya sa kasawiang palad, lalayo ni Paul na sa simula pa ay batid na nating may pagkatorpe at naghahanap ng direksyon sa buhay.  Pupunta siya sa Siem Reap (sa Cambodia), at di kalaunan ay makikilala naman niya si Tang, isa ring bakla na iibig kay Paul.  Bigla namang iiwanan ni Ivan si Red nang walang dahilan, at sa bandang huli ay lalapit si Red kay Paul, umaasa na naghihintay pa rin sa kanya ito.  Mahahati ang puso ni Paul: sasama ba siya kay Red, o susuklian niya ang pag-ibig ni Tang?
Hindi tulad ng mga indie movies tungkol sa mga bakla noong mga nakaraang taon, na nakasentro sa sex-life ng mga naturang lalaki (at hitik sa mga eksena ng hantarang pagsisiping nila), iilan lamang ang mga eksenang nagpapakita ng physical intimacy sa I Love You, Thank You.  Sayang ang magagandang lokasyon na itinatampok sa pelikula (tulad ng Angkor Wat sa Cambodia)—dahil sa dilim ng pelikula ay hindi lumitaw ang ganda nito.  Marami ding binibigkas na makahulugang mga salita ang mga tauhan, pero pilit ang dating dahil masyado itong “literary”, mas magandang basahin kaysa marinig—hindi tayo ganitong magsalita sa tunay na buhay, kahit pa tayo mga makata at manunulat.  Salat din sa lalim ng characterization ang pelikula—hindi naging makatotohanan ang mga tauhan dahil pawang nakatutok lamang ang kanilang pagkatao sa lungkot ng kanilang unrequited love; maraming mga linya na kulang sa “hugot” at mistulang namumutawi lamang sa mga labi ng “talking heads”.  Maging ang mabubuting payo ng nag-iisang babae (amo ni Paul na wedding coordinator) ay nagkatunog na “preachy” pagkat kulang sa background ang character na dapat sana’y nagbigay sa kanya ng karapatang “pumapel” sa buhay ni Paul.
Nagsumikap ang I Love You, Thank You na ituon ang pansin ng manonood sa masaklap na love life ng mga umiibig sa kapwa-lalaki.  Sa kabila ng mga papuri ng ilan na “universal” ang damdaming pinupukaw ng pelikula, hindi ito ganap na totoo—maaaring “universal” sa daigdig ng mga may same sex attraction, pero hindi sa buong sangsinukob.  Ang aalog-alog na laman ng sinehan—nang manood ang CINEMA, walo lamang kami, dalawang babae at anim na lalaki (gay?)—ay patunay na hindi universal ang appeal ng I Love You, Thank You—ang makaka-relate lamang dito ay yaong mga nasa situasyong tulad nila Paul, Tang, Red, at Ivan.  Bilang pahuling salita mula CINEMA: sa lahat sa kanilang apat, si Tang lamang ang lumalabas na may kakayahang magmahal nang wagas—ang tatlo ay umiibig mula sa kani-kaniyang mga kakulangan na umaasa silang mapupunuan ng pag-ibig, pero si Tang ay may karanasan na sa pagpapakasakit, pagbibigay,  at paglilingkod—ang pagmamahal at pag-aaruga niya sa kanyang lolo.
Gawa ng tema ng pelikula at ilang mga eksenang hindi karapat-dapat na tanggapin bilang normal ng mga mananampalataya, hindi makabubuting panoorin ito ng may mga murang isipan.

Thursday, September 14, 2017

IT

 DIRECTOR:  Andy Muschietti   LEAD CAST:  Bill Skarsgard, Jaeden Lieberher, Sophia Lillis, Nicholas Hamilton, Finn Wolfhard, Chosen Jacobs, Jack Dylan Grazer, Wyatt Oleff, Jackson Robert Scott  SCREENWRITER:  Chase Palmer, Cary Fukunaga, Gary Dauberman  PRODUCER:  Seth Grahame-Smith, David Katzenberg, Roy Lee, Dan Lin, Barbara Muschietti  EDITOR:  Jason Ballantine  MUSICAL DIRECTOR:  Benjamin Wallfisch  GENRE:  Horror  CINEMATOGRAPHER:  Chung-hoon Chung  DISTRIBUTOR:  Warner Bros.  LOCATION:  Ontario, Canada and Maine, USA  RUNNING TIME:  135 minutes
Technical assessment: 3.5
Moral assessment: 2
CINEMA rating: V18
Pennywise (Bill SkarsgĆ„rd) is a clown who does the opposite of what he’s meant to do: instead of entertaining, he terrifies children, mimicking their worst fears to scare them and claim their lives. Until a group of teens led by Bill (Jaeden Lieberher)—whose brother Georgie (Jackson Robert Scott) was abducted by Pennywise years ago—figures out how the sinister clown magnifies children’s fears to kill their spirit. Bill and friends Ritchie (Finn Wolfhard), Eddie (Jack Dylan Grazer), Stan (Wyatt Oleff), Mike (Chosen Jacobs), and Beverly (Sophia Lillis) form a group called The Losers’ Club to defeat Pennywise. The children share one thing in common: they are bullied in school by a gang of three led by Henry (Nicholas Hamilton) and they live almost unsupervised by their cruel parents.
Don’t expect to scream in fright except in a few scenes. This adaptation of Stephen King’s novel of the same title sets out to be a psychological thriller rather than your typical jump-and-jolt horror film. But with too many characters, IT comes short in drawing you in to the mystery of the menacing clown and the tragic experiences of the children, with the exception of Beverly whose character is allowed to develop. Her paralyzing fear of her abusive father and the uncertainties of puberty is played up so well. Sadly, Bill’s central character does not elicit the same empathy, although Lieberher and the child actors deliver good acting.  Interestingly, a combination of good lighting, closeups and music succeeds in portraying the ominous characters of the parents, albeit they appear very briefly in the film.  SkarsgĆ„rd as Pennywise is convincing, and the camera does well in zooming in on his mouth because rightly so, that’s how he lures his victims, with his cunning, tantalizing words.

There is blood, gore, and violence in IT but the more disturbing element is the theme. The film portrays parents as everything they should not be: cold, manipulative, ruthless.  Some of the children’s fears originate from the parents who either neglect them or abuse them. The children react by either becoming subdued or, pushed to the edge, vengeful and punitive. If at all, the film is recommended definitely not for children but for their parents, as it gives a good peek into how children’s fears are magnified and how their perceptions influence their behavior. Pennywise understands this more than the parents, and so he is able to hijack the children from their homes. A good reminder for parents and significant adults of their responsibility to guide the physical, emotional, social, and spiritual growth of children. The film does have positive lessons to bring to the fore: courage to face one’s fears, and the value of friendship and solidarity. The children draw strength from their togetherness in fighting off the town’s bullies and Pennywise’s evil tricks.  Divided, they disintegrate. But together, they succeed in taking courage to overcome their dreads.

Wednesday, September 13, 2017

Love You to the Stars and Back

DIRECTOR: Antoinette Jadaone  LEAD CAST: Julia Barretto, Joshua Garcia  PRODUCER: Charo Santos-Concio, Malou Santos  SCREENWRITER: Antoinette Jadaone  CINEMATOGRAPHER: Herman Claravall  PRODUCTION DESIGNER: Ana Lou Sanchez  GENRE:  Teen Romance/Comedy/Drama  PRODUCTION COMPANY: Star Cinema  DISTRIBUTOR: Star Cinema  COUNTRY:  Philippines  LANGUAGE: Filipino  RUNNING TIME: 111 minutes
Technical assessment: 4
Moral assessment: 3
Cinema rating: PG13
MTRCB rating: PG
Hindi pa rin matanggap ni Mika (Julia Barretto) ang maagang pagkamatay ng kanyang ina kung kaya’t sa gitna ng matinding kalungkutan,  maiisipan niyang maglayas isang gabi at magmaneho patungong Mt. Milagros—ang lugar kung saan sinasabing may mga nagpapakitang aliens—para sariwain ang alaala ng kanyang ina na nagturo sa kanyang maniwala na walang imposible, maging  mga aliens. Makikilala niya sa daan sa isang napaka-alanganing pagkakataon si Caloy (Joshua Garcia) na tumakas din sa kanyang ina gamit ang bisikleta para puntahan ang kanyang ama na matagal na silang iniwanan, sa pag-asang magkaka-ayos sila ngayong siya ay may cancer na at malapit nang mamatay.  Sa pagtatagpong ito, magkakasama sa paglalakbay sina Mika at Caloy. Unti-unti nilang makikilala ang isa’t-isa at magkakaroon sila ng malalim na pagkakaibigan na mauuwi sa pag-iibigan. Ngunit magiging madali kaya para sa kanilang dalawa ang paglalakbay tungo sa gusto nilang patunguhan?
Isang kaaya-ayang panoorin ang Love You to the Stars and Back sapagkat hindi ito karaniwang romcom na madalas nang napapanood sa mga sinehan. Hindi ito sumunod sa anumang pormula, bagkus, pinili nitong maging makasining sa paglalahad ng isang kung tutuusin ay simpleng kuwento ng dalawang batang naghahanap ng lugar sa mundo—o nagnanais na takasan ito. Ang naging trato ng pelikula bilang road romantic movie ay sadyang nakakaaliw, nakakatuwa at nakakakilig panoorin. Idagdag pa dito ang walang itulak-kabiging husay ng mga nagsiganap lalo na ng dalawang bidang sina Garcia at Barretto. Natural ang kanilang pag-arte at matapat ang kanilang pagbibigay-buhay sa kanilang karakter—sumasabay sa katapatan ng pelikula na maghandog ng naiibang kuwentong pag-ibig na naka-sentro sa malalim na karakterisasyon at malawak na emosyon. Ang daan at paglalakbay ay naging mahusay na simbolismo ng mga kabataang naghahanap ng kahulugan sa kanilang buhay. Ang alien, bagama’t isang kakatwang ilusyon dito, ay simbolo ng paniniwala sa mga bagay na imposible katulad ng milagro. Ang bundok ay sumasagisag sa mga pangarap na mahirap abutin. Bihira sa isang romcom ang sabay kang pakikiligin, paiiyakin at pag-iisipin—at nagawa lahat yan ng Love You to the Stars and Back.
Ipinakita ng pelikula kung paanong ang mga kabataan sa kasalukuyang panahon ay may kakayahan ding mag-isip at makadama sa pamamaraang malalim at makabuluhan. Nagsubok ang pelikula na alisin ang karaniwang maskara ng mga millennial na nagtatago sa bagong teknolohiya ng mga selfie, social media, at kung anu-ano pa. Napagtagumpayan ng Love You to the Stars and Back na kaya ng mga kabataan na maging mapag-masid, matapang, at mapanuri sa kanilang mga sarili at sa paligid na kanilang ginagalawan. Hindi sila maramot at ipinakita yan ni Caloy na mas uunahin ang kapakanan ng iba bago ang kanyang sarili—bagay na napagtanto din ni Mika sa bandang dulo. Sinasabi rin ng pelikula sa maraming pagkakataon kung paano nga ba dapat mabuhay ang isang tao—at yan ay sa pamamagitan ng pagturing sa bawat araw at oras bilang huling mga pagkakataon. Ang eksena kung saan kapwa sila tumawag sa mga mahal nila sa buhay ay patunay na hindi dapat pinagpapabukas ang pagmamahal at ang pagpapadama nito. Marahil nakakabagabag lang nang kaunti kung paanong ang dalawang bida ay sumuway sa kanilang mga magulang sa pag-alis nang walang paalam, maging ang pagpapaubaya ng kanilang buhay sa mga alien na hindi naman nila lubusang nauunawaan—at maging ang panunumbat ni Caloy sa Diyos sa isang pagkakataon—ngunit ang lahat ng ito naman ay naaayon sa konteksto ng kuwento at alinsunod sa natural na daloy ng emosyon, lalo na ng kabataan. Ngunit napanatili ng pelikula na maglarawan ng dalisay na pagmamahalan ng dalawang batang puso na nag-uugat sa malalim na pagmamalasakit at pagkakaibigan kung kaya’t kahanga-hanga pa rin ang pelikula sa kabuuan.

Saturday, September 9, 2017

Battleship Island


DirectionRyoo Seung-wan; CastHwang Jung-min, So Ji-sub, Song Joong-ki, Lee Jung-hyun ScreenplayRyoo Seung-wanProducerCho Sung-minCinematography: Lee Mo-gaeEditingKim Jae-bum, Kim Sang-bumGenreWar, DramaLocationHashimi Island, Japan; DistributorCJ Entertainment  Running Time: 132 minutes; Running time: 132 minutes;
Technical assessment:  4
Moral assessment: 3
CINEMA rating: V18 
MTRCB rating: R16 
Bandmaster Lee Kang-ok (Jung-min) and his daughter So-hee (Su-an), streetfighter Choi Chil-sung (So Ji-sub), comfort woman Oh Mai-nyeon (Lee Jung-hyun) are conscripted Koreans of the 2nd World War and forcedly employed in Hashima Island during the 2nd World War. The Koreans are treated harshly and inhumanely by the Japanese and each of these main characters do their best to survive. As the War reaches the end, Independence fighter Park Moo-young (Song Joong-ki) plotto rescue Yoon, a Korean spiritual leader also detained in Hashima Island. Lee agrees to assist in obtaining some keys in exchange for his and So-hee’s escape. However, Park discovers that Yoon is actually a traitor. The plan changes to lead an escape for the 400 Korean captives. Meanwhile, as the Japanese is about to lose the war, they scheme to blow up the island to wipe out any witness to the Korean slavery. 
Battleship Island is neither a documentary nor a historical film, hence to criticize its inaccuracies or melodramatic storyline is inappropriate. What it is is a depiction of humanity amidst extreme pressure and struggles. There are three storylines to follow: the father and daughter pursuit of survival, the unlikely romance amidst cynicism and brokenness and loyalty to the nation versus deception. These are three common conflicts happening in every other storytelling but what makes it unique is the humanity of each character and how it is constantly tested in the perils of war and degradation. The balance of comic and agony, the contrast of classical music soothing and brutally savage deaths, the thin line between self-preservation and self- sacrifice make this film haunting, disturbing and real. The strength of the film lies, not in the spectacular production design so meticulously put together to transport viewers to the hellish internment camp that is Hashima or the insightful cinematography tightly woven together but in the direction of Ryoo 
Anytime a person is faced with life or death—he chooses either to save or to sacrifice himself. Each character in the movie decided and acted foremostly to stay alive—only Lee seemed to have concern for people other than himself. It is heartbreaking to watch fellow countrymen beating and betraying one another because it mirrors present day society. It is painful to witness how the weaker ones are exploited and dehumanized for the sake of profit and power. This, too, is true today. But when the Koreans unite and start thinking outside their comfort zones, when they commit to fight for the weaker one, when they decide to die so others may live—love pours out like waterfalls and hope sparkles as brilliantly as the sun.  Naturally, because it is a war movie, themes and scenes are too violent and disturbing for younger audiences.


Friday, September 8, 2017

Fan Girl Fan Boy

DIRECTOR:  Barry Gonzalez  LEAD CAST:  Ella Cruz, Julian Trono  PRODUCER: Director Joyce Bernal  GENRE:  Romantic Comedy  DISTRIBUTOR: Viva Films  LOCATION: Philippines  RUNNING TIME: 99 minutes
Technical assessment:  3
Moral assessment:  3.5
CINEMA rating:  V13 (for Viewers aged 13 and below with Parental Guidance)
Medyo “bilib sa sarili” si Olie (Julian Trono) at nangangarap na maging isang “star”.  Sasali siya sa isang “celebrity search” at makikilala niya si Aimee (Ella Cruz) mahusay na “dubber” ng isang Korean telenovela—at matinding tagahanga ni Olie. Buong pusong tutulungan ni Aimee si Olie sa mga ensayo, at ang kanilang pagsasamahan ay mamumukadkad sa pagiging totoong pagkakaibigan.  Masaya na sana, kaya lang, humaling na humaling naman si Olie sa ka-love team niyang si Chezza, bagay na magsisimula ng panibugho sa kalooban ni Aimee hanggang sa halos ay mawasak na nito ang puso niya. 
Natural na natural ang pagkakaganap nila Cruz at Trono, at may laman naman ang mga binibigkas nilang mga salita.  Simple lang ang kuwento, at wala din namang komplikasyon sa pagkakalahd nito.  Lahat ng aspetong technical tulad ng cinematography, musika, sound, lighting, atbp ay nairaos sa paraang walang kapintasan at katangiang espesyal—sa madaling salita, karaniwan.  Isa itong romantic comedy na wala namang bagong putaheng inihain sa hapag, ika nga.  Maaraming rom com na mas kaiga-igayang panoorin kaysa sa Fan Girl Fan Boy.

Naihatid nang maayos ng pelikula ang kanilang mensahe na okey lang ang mangarap, basta’t may moralidad itong kaakibat.  Kung baga, ano ang halaga ng tagumpay kung hindi ka naman marunong makipagkapwa-tao?  Kung sa iyong pagtaas at pagkakaluklok sa lugar na tinitingala ka na ay magiging ugali mo na ang pagmamataas, is aka pa ring sawing-palad.  Ipinakikita din sa pelikula ang kahalagahan ng isang pamilyang maunawain ay susuporta sa iyo upang tahakin mo nang buong lakas loo bang iyong pinagdaraanang kadiliman.

Tuesday, September 5, 2017

Star na si Van Damme Stallone

DIRECTOR:    Randolph Longjas  LEAD CAST:   Candy Pangilinan, Paolo Pingol, Isaac Aguirre, Sara Brakinsiek, Junyka Sigrid Santarin, Mara Marasigan, Erlinda Villalobos, Acey Aguilar  SCREENWRITER: Alpha Jabon  GENRE:  Family, Drama  LOCATION:  Philippines  RUNNING TIME:   97 mins.
Technical assessment: 3.5
Moral assessment: 3
CINEMA rating: V13
MTRCB rating: PG
Bisperas ng Bagong Taon nang ipanganak ni Nadia (Candy Pangilinan) ang isang sanggol. Punong-puno siya ng alinlangan—tila hindi saya ang dulot nito sa kanya; tila may mapait na lihim o nakaraan ang kaakibat ng sanggol.  Sa kabila nito, papangalanan niya ang sanggol sunod sa pangalan ng mga paborito niyang sikat na Hollywood action stars na sila Van Damme at Sylvester  Stallone—Van Damme Stallone, palayaw, Vanvan (Paolo Pingol).  Didilim muli  ang mundo ni Nadia nang ma-diagnose si Vanvan na may Down Syndrome, isang panghabambuhay na karamdaman na nagsasabing hindi siya katulad ng karaniwang mga bata sa kilos, sa isip, at sa kakayanan, at siya’y mapag-iiwanan at maaring pang-habambuhay na magiging alagain.  Sa kabila ng maraming alinlangan at pagdurusa sa pagiging solong ina—magpapasya si Nadia na palakihin si Vanvan at ang panganay niyang anak na si Tano (Isaac Aguirre). Papasok sa eskuwela si Vanvan kasabay ni Tano—at dito magsisimulang mapukaw ang interes ni Vanvan na maging artista matapos siyang gumanap sa isang pagtatanghal.  Matupad kaya ni Nadia ang pangarap na ito ni Vanvan na maging “star’?
Tunay na makabagbag-damdamin ang Star na si Van Damme. Naging epektibo ang istilo nitong “cinema verite” kung saan parang nanonood ka ng tunay na buhay, walang drama, walang histerya, pero punong-puno ng damdamin. Damang-dama at kitang-kita ang sinseridad ng pelikula na ipakita sa manonood ang buhay ng isang pamilyang namumuhay kasama ang isang may Down Syndrome. Sayang nga lang at hindi masyadong napagyabong ang relasyon nina Vanvan at Tano, ngunit sinundan naman nito ang damdamin ng isang ina sa kanyang anak kung kaya’t maaari nang palagpasin ang gsnitong kakulangan. Napakahusay ni Pangilinan sa pelikulang ito—marahil lumutang ang kanyang pagganap sapagkat tulad ni Nadia, may anak din siyang mistulang Vanvan sa tunay na buhay, hindi nga lang sa eksaktong kalagayan.  Mahusay din si Aguirre at ang mga nagsiganap na Vanvan mula pagkabata hanggang pagtanda. Magaling ang pagkakasulat at pagkakadirehe ng pelikula; naging maingat sila sa pagtalakay ng isang napaka-sensitibong paksa. Sa pagpapayabong ng interes at kaalaman ukol sa isang bagay na hindi madalas nabibigyan ng pansin tulad ng pagkakaroon ng isang anak na may developmental disability, naging matagumpay ang pelikula.
Sinasabi ng pelikula na isang biyaya ang pagkakaroon sa pamilya ng isang tulad ni Vanvan—ito ang nagbibigay saya at sigla sa kanila. Sa kabila ng hirap at pasakit, hindi dapat itatwa ang mga tulad nila, dahil bagama’t sila’y “naiiba”, tulad pa rin natin sila na may puso’t damdamin—at  mga pangarap din. Punong-puno sila ng maraming posibilidad na maaaring maging ganap sa tulong ng pagmamahal. Ito marahil ang pinaka-mensahe ng pelikula—walang imposible basta’t papairalin ang pagmamahal at sasabayan ng pananampalataya sa Diyos. Mahalaga ang pagmamahal at malasakit ng isang ina, magulang at buong kapamilya at mga kaibigan upang lumaking kapaki-pakinabang ang mga tulad ni Vanvan. Naging positibo ang mensahe ng pelikula patungkol sa pagtanggap sa kapamilyang may Down Syndrome. Naging maingat din sila sa pagtalakay ng mga komplikadong sitwasyon ng pamilya—tulad ng pagkakaron ng relasyon sa labas ng kasal—hindi ito kinunsinte, bagkus ipinakita nito ang maraming suliraning dulot nito. Nariyan din ang pagpapakita kung paanong malalagpasan ang malabis na hinagpis at kaguluhan ng isip; dapat ay mag-desisyon at pumanig sa kung ano ang tama at nararapat ayon sa kagustuhan ng Diyos. Dahil sa ilang mga sensitibong paksa, minarapat ng CINEMA na ang pelikula ay akma sa mga manonood na may gulang 13 pababa ngunit may gabay ng magulang.