Director: Alberto Monteras II Cast: Abra,
Dido de la Paz, Loonie, Kate Alejandrino, Chai Fonacier, Ybes Bagadiong, Brian
Arda, Thea Yrastorza, Nor Domingo Writers: Njel
de Mesa and Alberto Monteras II Producer: Monster
Jimenez Executive Producers: Thenielle
Monteras, Alberto Monteras II, Jet & Mae Cornejo Line Producer: Kristine
Kintana Assistant Director: Timmy
Harn Cinematographer: Ike
Avellana Editor: Lawrence
Ang Production Designer: Popo
Diaz Sound Designer: Corinne
De San Jose Music: Jay
Oliver Durias Running Time: 90
minutes
Technical assessment:
3.5
Moral assessment: 2.5
CINEMA rating: V14
MTRCB rating: R13
Kasama ng kanyang barkada ay sasabak sa pustahan ng hip-hop music sa kalye ng Pandacan ang ulilang si Hendrix (Abra),
subalit matatalo sya. Sa susunod na pagsali niya ay mapapahiya pa sya dahil
magba-viral sa Youtube ang pagkakaihi niya sa pantalon dahil matatalo sya ng
kalabang babae sa pagra-rap. Gayunpaman ay muli at muli nyang
paghahandaan ang mga susunod na pustahang sasalihan niya sapagkat hilig nya
talaga ito. Samantala utusan sya ng kinasama ng ate nya na isang drug
pusher sa paghahatid ng droga sa mga suki at naabutan sya ng konting
panggastos kapag nagagawa nya ang utos nito. Subalit nang minsang
pangahasan nya ang kita ng bayaw at ipatalo sa hip-hop ay nabugbog sya at pilit
na pinalalabas ang pera. Dahil dito ay yayayain niya ang mga kaibigan
tatangkain looban ang bookstore na pagmamay-ari ni Doc (Dido Dela
Paz), isang matandang manunulat at makata na may di magandang karanasan sa
panahon ng Martial Law. Mahuhuli sila sa akto ng pagnanakaw at
madadala sa presinto. Sa kabutihang-palad ay di na sila sasampahan
ng kaso sa halip ay papatawarin sila at bibigyan ng pagkakataon na ayusin ang
mga nasira sa tindahan.
Makatotohanan ang paglalahad ng kuwento ni Hendrix
na isang kabataang may talento at pangarap, dumadanas ng kahirapan,
at kabilang sa lipunan na nahaharap sa krimen ng droga, korupsyon, abuso sa
kababaihan at karahasan. Makahulugan ang pinagsama-samang kathang
tula, saliw ng musikang hip-hop at palitan ng mga linya kasama na
ang pagmumura sa paghahatid ng mensahe, pagninilay at pagbibigay ng aliw sa
manonood. Mahusay ang pagkakadirehe dahil naidirekta nya ang mga
teknikal na aspeto ng pelikula sa sa pagpapakahulugan sa salitang “respeto” na syang pamagat ng
pelilkula. Hindi mga tanyag na artista ang mga gumanap pero markado ang mga
karakter na binigyan buhay nila. Natural at may sinseridad ang mga kuha ng
camera na lalong pinatingkad ng kaakmaan ng pag-iilaw at inilapat ng mga tunog
at musika.
Maaring akalain ng manonood na tungkol sa napakagandang ugali na
“respeto” o paggalang ang mensahe ng pelikulang Respeto. Bahagya naman
itong naipakita ng pelikula subalit para sa CINEMA ay mas malalim
na mensahe ang pelikula bilang hugot sa literal na kahulugan ng salitang
“respeto”. Ang totoo, sa mas malaking bahagi, ay puro kawalan na ng respeto ang
pinakita. Ang isang kabataang may pangarap ay inuutusan magdeliver ng
ipinagbabawal na droga at binubusog sa mura at mapang-insultong salita. Ang
isang tahimik na matanda na naghahanapbuhay ay pagtatangkaang pagnakawan. Ang
mga babae ay binabastos at ginagahasa. Ang hip-hop na genre ng musika ay
ginagawang daan upang makapang-insulto ng kapwa, makapagsugal at
makipag-away, Ang pulis na dapat nagsisilbi ay siyang sangkot sa
krimen. Ang ultimong kawalang respeto ay ang mismong pagpatay sa buhay at
kawalan ng proseso ng hustisya. Bagamat may bahagyang pagtalakay ng pagtitiwala
at pagkikila, katulad ng ginawa ng karakter ni Doc sa tropa nina Hendrix.
Gayundin naman kahit saang anggulo tingnan ay walang hatid na kabutihan ang
paghihiganti, kadalasan ay nadadamay at mas napapahamak pa ang mga walang
kinalaman. Ang Respeto ay isang napapanahong pelikula
na maaring maghatid ng aral at punto ng pagninilay sa sarili at sa mga
nangyayari sa lipunan upang huwag na maulit ang madilm na nakaraan ng
kasaysayan.