Ang pelikula ay tungkol kay Twinkle De Guzman (Vice Ganda), isang mapagmahal at maalagaing "lalaking ina" sa kanyang ampong anak na si Angelo (Sean de Guzman). Pinalaki ni Twinkle si Angelo na parang tunay niyang anak, hanggang sa biglang bumalik ang Bianca (Nadine Lustre), ang tunay na ina ni Angelo, na nais makipagkonek muli sa bata. Dito magsisimula ang tensyon, ang pag-aagawan sa bata, ang paglalagay ng mga kondisyon upang magkasundo.
Ang Call Me Mother ay isang paanyaya sa pagninilay tungkol sa habag, pananagutan, at pagmamahal na handang magsakripisyo. Ipinapaalala nito na ang pagiging ina ay hindi lamang sa dugo o są pagpapaanak, kundi sa araw-araw na pag-aaruga, presensya, at suporta sa bata, ano man ang kalagayan sa buhay. Ipinakikita ng pelikula na ang pagiging ina—at pagiging pamilya—ay isang bokasyon: ang pagpili na magmahal, lalo na sa mga sugatan at iniwan ng mundo. Sa huli, sinasabi ng pelikula na ang tunay na paghilom ay nagsisimula kapag may isang taong handang patunayan, ang kanyang mga salitang “Nandito ako.”
CAST AND CREW: Director: Jun Robles Lana Cast: Vice Ganda, Nadine Lustre, Lucas Andalio, Klarisse de Guzman, Mika Salamanca, Brent Manalo, Esnyr Ranollo River Joseph. Writers: Jun Robles Lana, Daisy G. Cayanan, Daniel S. Saniana — story and screenplay team. Producers: Daniel S. Saniana, Marjorie B. Lachica, Vincent Del Rosario III, Veronique Del Rosario‑Corpus, Valerie S. Del Rosario. Music: Teresa Barrozo (composer) Cinematography: Carlo C. Mendoza. Editing: Benjamin Tolentino Production Companies: ABS‑CBN Studios (Star Cinema), The IdeaFirst Company, Viva Films.
