DIRECTOR: Barry Gonzalez LEAD CAST: Ella Cruz, Julian Trono PRODUCER: Director Joyce Bernal GENRE:
Romantic Comedy DISTRIBUTOR: Viva
Films LOCATION: Philippines RUNNING TIME: 99 minutes
Technical assessment: 3
Moral assessment: 3.5
CINEMA rating: V13 (for Viewers aged 13 and below with
Parental Guidance)
Medyo “bilib sa sarili” si Olie (Julian Trono) at
nangangarap na maging isang “star”.
Sasali siya sa isang “celebrity search” at makikilala niya si Aimee
(Ella Cruz) mahusay na “dubber” ng isang Korean telenovela—at matinding
tagahanga ni Olie. Buong pusong tutulungan ni Aimee si Olie sa mga ensayo, at
ang kanilang pagsasamahan ay mamumukadkad sa pagiging totoong
pagkakaibigan. Masaya na sana, kaya
lang, humaling na humaling naman si Olie sa ka-love team niyang si Chezza, bagay na magsisimula ng panibugho sa
kalooban ni Aimee hanggang sa halos ay mawasak na nito ang puso niya.
Natural na natural ang pagkakaganap nila Cruz at
Trono, at may laman naman ang mga binibigkas nilang mga salita. Simple lang ang kuwento, at wala din namang
komplikasyon sa pagkakalahd nito. Lahat
ng aspetong technical tulad ng cinematography, musika, sound, lighting, atbp ay nairaos sa
paraang walang kapintasan at katangiang espesyal—sa madaling salita,
karaniwan. Isa itong romantic comedy na wala namang bagong putaheng
inihain sa hapag, ika nga. Maaraming rom com na mas kaiga-igayang panoorin
kaysa sa Fan Girl Fan Boy.
Naihatid nang maayos ng pelikula ang kanilang mensahe
na okey lang ang mangarap, basta’t may moralidad itong kaakibat. Kung baga, ano ang halaga ng tagumpay kung
hindi ka naman marunong makipagkapwa-tao?
Kung sa iyong pagtaas at pagkakaluklok sa lugar na tinitingala ka na ay
magiging ugali mo na ang pagmamataas, is aka pa ring sawing-palad. Ipinakikita din sa pelikula ang kahalagahan
ng isang pamilyang maunawain ay susuporta sa iyo upang tahakin mo nang buong
lakas loo bang iyong pinagdaraanang kadiliman.