Wednesday, May 23, 2018

Deadpool 2



DIRECTOR: David Leitch  LEAD CAST: Ryan Reynolds, Josh Brolin, Stefan Kapicic (voice)Zazie Beetz, Julian Dennison  SCREENWRITERS: Rhett Reese, Paul Wernick, Ryan Reynolds  PRODUCERS: Simon Kinberg, Ryan Reynolds, Lauren Shuler Donner  EDITORSCraig Alpert, Elísabet Ronaldsdóttir, Dirk Westervelt  MUSICAL DIRECTOR: Tyler Bates  GENRE: Fantasy/Science Fiction  CINEMATOGRAPHER: Jonathan Sela  DISTRIBUTOR: Warner Bros.  LOCATION: British Columbia, Canada  RUNNING TIME: 119 minutes 
Technical assessment4 
Moral assessment2.5 
CINEMA ratingV18 
MTRCB ratingR16 
The guy who played Thanos in The Avengers is back, but this time, he’s not Thanos but grief-stricken Cable (Josh Brolin) who returns from the future to exterminate young Russel (Julian Dennison). The boy it turns out is to become the ruthless Firefist who will kill Cable’s family and many othersBut mercenary assassin turned superhero with a foul-mouth and sick humor Wade aka Deadpool (Ryan Reynolds) saves the boy. He assembles X-Force, with Colossus (voiced by Stefan Kapicic)Domino (Zazie Beetz), and Negasonic Teenage Warhead (Brianna Hildebrand) to stop Russel from becoming the annihilator.  
Deadpool gathers several Marvel superheroesincluding the X-Men, with Wade pejoratively referred to as an X-Men trainee. He flunks the training of course, because he defies discipline. And with his penchant for “breaking the fourth wall”, Wade again talks directly to the audience as he lampoons Marvel and DC superheroes, and even DisneyHe ridicules Frozen, Yentl, RoboCopAvengersX-Men and many morePeople who are not familiar with these movies may get lost and find the plot nonsensicalWade basks in his craziness and the rest patiently allows him to do soWhat aids it all is good timing. Ryan Reynolds as Wade is crass with the stoic Colossus who by the way is CGI, but on screen together, they elicit so much laughter. The tempo is as eccentrically unpredictable as the twisted humor of the movie. Russel’s hands look genuinely on fire and burning like steel. The Juggernaut is a bit grotesque, it looks like a cracked steel egg that is more hilarious than forebodingThe fight scenes, albeit computer generated, are interspersed with Wade’s sick humor that they are not at all boring. And the soundtrack is as absurdly appropriate. 
The movie is so entertaining (not extraordinary but definitely not the usual run-of-the-mill fantasy comedy)  that it saddens us that we can’t recommend it for kids. There’s excessive use of cuss words, sexual innuendoes, decapitation, and everything violent. The bizarre comedy has become so delectable that we feel there are not enough cues to help young audiences decipher the movie’s key message. And that message, buried deep under a multitude of dissonance, is actually beautiful and sublime: there’s a good side to every person. Evil is not genetic, it is not a malignant deformity that we are born with. Sure, some have a predisposition to violence and mad temper. But such behavior doesn’t automatically make us mass murderers and annihilators. Wade’s life is a testament to that: he is a rogue assassin and mercenary turned superhero. Good news is, we as humans can help curb the bad in our neighbor, and help cultivate the good in themLike salt of the earth. (ME) 
PS:  CINEMA notes one subtle message so important it opens and closes Deadpool 2: we need family, we need to belong.  Family (or the tragic loss of it) serves as motivation for the story arc: as Wade’s fiancée Vanessa gives up her IUD (intra uterine device) as a gift to Wade, the pair decide to start a family but Vanessa is killed in an attack; Cable is out to hunt down his family’s murderer; the orphans, deprived of family, are exploited in the mutant re-education center where Domino, herself orphaned, was raised; 14-year-old Russell, who almost becomes a killer, cannot trust anybody as his surrogate family in the orphanage abuses him.  In the end, Wade himself says it loud and clear: we need family, we need to belong.  

Kasal

DIRECTOR:  Ruel S. Bayani  LEAD CAST:  Bea Alonzo, Paulo Avelino, Derek Ramsay, Christopher de Leon, Cherie Gil, Ricky Davao, Ces Quesada and Celeste Lagaspi  SCREENPLAY: Patrick Valencia  GENRES: Drama, Romance PRODUCTION COMPANY: ABS-CBN Films, Star Cinema  DISTRIBUTED BY: Star Cinema  COUNTRY:    Philippines  LANGUAGE: Filipino, English  RUNNING TIME: 1 hour 53 minutes
Technical assessment:  4
Moral assessment:  2.5
CINEMA rating: V16
Nakatakdang ikasal si Lia Marquez (Bea Alonso), isang public school teacher, kay Philip Cordero (Paulo Avelino) na kumakandidato bilang alkalde ng Cebu.  Tinututulan ng mga magulang ni Philip (Christopher de Leon at Cherie Gil) ang pagpili ng binata kay Lia, pero ipaglalaban ni Philip ang pagmamahal niya rito.  Sa kasagsagan ng pangangampanya ni Philip at Lia, papasok si Wado, dating kasintahan ni Lia, at sa kagustuhan nitong makipagbalikan sa dalaga ay sasakyan ang kanyang pagiging isang engineer upang mapasama sa isang malaking proyektong makakatulong sa kampanya ni Philip.  Matigas na tatanggihan ni LIa ang panunuyo ni Wado na sobrang bilib sa sarili, pero dadating ang puntong magdududa na rin si LIa kay Philip gawa ng isang lihim na mabubunyag ni Wado tungkol sa nakaraan.
Maituturing na ring “engaging” ang kuwento sa dramang Kasal, dahil gawa ng marubdob na pagganap ng mga pangunahing artistia ay nakuha nito ang interes na manunuod.  Maaaring hindi nalalayo sa katotohanan o realidad ang mga pangyayaring nasasaad sa Kasal, kaya lang, dahil sa ito ay isang pelikulang tumatakbo lamang sa loob ng dalawang oras, “mapupuruhan” kayo ng mga eksenang emosyonal na bagama’t kapani-paniwala ay bahagyang nagiging artipisyal sa dami.  Natatangi ang husay ng cinematography, at katambal ng akmang tugtugin at masusing editing, ay nakukuha nito ang tamang damdamin hinihingi ng eksena sa manunuod, habang nailalabas naman nito ang ganda ng pinapanood—tao man, pangyayari, o lugar.  Hindi matatawaran ang galing ni Alonzo sa pag-emote, ngunit di naming mapigil na magtaka kung sinadya bang gawin siyang payat at payak ang hitsura para sa papel ng isang public school teacher.
Idinidiin ng Kasal ang kahalagahan ng pagiging tapat—sa sarili, sa Diyos at sa kapwa—tungo sa kapanatagan ng kalooban.  Maliwanag nitong naipakita na nagiging ugat ng kaguluhan ang hindi pagiging tapat, at ang kasamaan ay hindi ginagantimpalaan.  Sa kabuuan ng Kasal, minabuti ng CINEMA na bigyan ito ng V16 rating—dapat maging edad 16-pataas lamang ang maaring manood nito—dahil kahit na makatuwiran naman ang naging wakas nito at “malinis” ang pagkakagawa ng mga maseselang eksena, pinapaalala lamang namin sa madla na salungat pa rin sa turo ng Inang Simbahan ang pagsisiping sa labas ng kasal, at hindi dapat tanggapin bilang isang “ordinaryong bagay” na lamang sa buhay lalo na ng mga kabataan.  (TRT)

Saturday, May 19, 2018

Single/Single Love is not Enough

DIRECTOR: Veronica Velasco, Pablo Biglang-awa  CAST:  Shaina Magdayao, MAtteo Guidecelli, Anna Luna, Will Devaugh JC Santos, Bryan Sy  WRITERS: Lilit Reyes, Jinky Laurel  PRODUCER:  Martin Mayuga  EXECUTIVE PRODUCER: Ronald Arguelles  EDITOR: Henry Ramirez  DIRECTOR OF PHOTOGRAPHY: Elyza Esquivel  PRODUCTION COMPANY: Star Cinema, Cinema One, Philippine Star  DISTRIBUTOR: Star Cinema  LOCATION: Philippines  GENRE:  Romance Comedy  RUNNING TIME: 113 minutes 
Technical assessment:  3.5
Moral assessment: 3
 CINEMA rating: V16
MTRCB rating: R13
Magkakatagpo at mabilis na magkakaibigan sina Joee girl (Shaina Magdayao) at Joey boy (Matteo Guidecelli) sa panahong ipinagbubuntis ni Joee ang bunga ng relasyon sa dating kasintahan na si Steve (JC Santos). Tatayong foster father ng sanggol si Joey at magiging masaya sa umpisa. Samantala hindi matatag ang kita ni Joey sa pagiging myembro ng banda, kumpara kay Joee na may stable job. Sa kalaunan ay magpapatong-patong ang mga bayarin sa konsumo nilang tatlo. Mauuwi sa umiigting na pagtatalo ang problemang pinansyal at aabot sa punto na kailangan nilang magdesisyon kung kaya nilang magpatuloy sa gayung sitwasyon o hindi. 
Mula sa sinusubaybayang romcom sa telebisyon ay hinatid ng produksyon sa sinehan ang Single/Single Love is not Enough.  Maayos ang pagkakalahad ng kwento ng pelikula. Maliwanag ang paghahatid ng mensahe.  Nagsimula sa masaya at buong pagmamahalang pagsasama, naharap sa mga tipikal na hamon ng relasyon, nagkaroon ng di  mapapasubaliang realisasyon at humantong sa mga mahalagang desisyon. Kakaiba ang ideya ng foster father.  Mahusay ang binigay na trato ng direktor sa mga eksenang naglalarawan sa mga pangunahing tauhan bilang musician at corporate employee, gayundin ang pagpapakita ng suporta ng ibang karakter tulad ng lolo at mga kaibigan. Nakadagdag sa paghahatid ng aliw ang mga eksenang nagtatampok sa mga ito. Magaling ang mga pagganap nina Magdayao at Guidecelli lalo na ng beteranong aktor na si Davao. Lumutang naman si Bryan Sy sa kanyang pagganap bilang binabae. Maganda ang disenyo ng produksyon at akma lamang ang mga costume at make-up sa hinihingi ng istorya. Malinis at halos hindi napansin ang mga inilapat na musika, ilaw at tunog. Nakatulong ang kapayakang ito upang hindi makagulo sa seryosong mensahe ng pelikula.
Katulad ng haligi sa isang bahay na kailangan ng suporta upang tumayo at maging matatag, pundasyon din ng isang relasyon ang tapat na pagmamahalan na pinapatatag ng pagsisikap at suporta ng bawat isa. Ito ay subok na pormula ng matagumpay na pagsasama lalo na sa mag-asawa o sa pamilya. Samakatwid hindi sapat na nagmamahalan lamang sa magkarelasyon; mahalaga rin na mulat sa katototohan na may mga pangangailangan na dapat matugunan katulad ng mga bayarin sa mga konsumo sa pang-araw-araw na buhay. Responsiblidad ng bawat isa na makibahagi sa realidad na ito.   Nagsisilbing paalala ang mensaheng ito ng Single/Single Love is not Enough  sa mga nais pumasok sa isang relasyon. Magandang materyal ang pelikula sa mga diskusyon ng pakikipagrelasyon hindi lang sa mga kabataan kundi kahit sa mga may sapat na gulang katulad ng mga karakter nina Joee at Joey sa pelikula. Ipinakita sa pelikula kung ano ang maaring kahinatnan o epekto ng mga ginagawang desisyon sa buhay. Binigyan-daan ang pagpapatawad, suporta ng pagkakaibigan, foster fatherhood, pagpapahalaga sa banal na Sakramento, tapang sa pagharap sa katotohanan, at matatag na desisyon.   Samantala sa kabila ng makabuluhang mensahe ng Single/Single Love is Not Enough ay maselan ang mga isyung tinalakay katulad ng  broken family, pre-marital sex, unwanted pregnancy, living-in at non-intention to marry. Akma ang panooring ito sa mga taong may hinog na kaisipan.  (IBD) 


Thursday, May 17, 2018

Love, Simon


DIRECTOR:  GREG BERLANTI  LEAD CAST:  NICK ROBINSONS, JENNIFER GARNER, JOSH DUHAMEL, KATHERINE LANGFORD, ALEXANDRA SHIPP, LOGAN MILLER,
KEIYNAN LONSDALE  DIRECTOR:  GREG BERLANTI  SCREENWRITER: ELIZABETH BERGER, ISAAC APTAKER, BECKY ALBERTALLI  PRODUCER:  TIMOTHY M. BORNE  EDITOR:  HARRY JIERJIAN  MUSICAL DIRECTOR:   ROB SIMONSEN  GENRE: ROMANTIC COMEDY-DRAMA  CINEMATOGRAPHER:  JOHN GULESERIAN  DISTRIBUTOR: 20TH CENTURY FOX  LOCATION:  UNITED STATES OF AMERICA  RUNNING TIME:  118 minutes
Technical assessment:  3.5
Moral assessment:  2.5
CINEMA rating: V16
Seventeen-year old Simon Spier (Nick Robinson) looks every inch a wholesome high school boy you’d feel safe dating your daughter.  He has nice friends, and leads a pretty normal life with his cool and caring parents (Jennifer Garner and Josh Duhamel) and younger sister Nora (Talitha Bateman).   But he has a secret—he is gay, and this is known only to Blue, an anonymous male online friend he exchanges text messages with.  His secret, however, is not to remain one for long, as a disgruntled classmate discovers it and tries to blackmail him.  Simon is left with no choice but to emerge from the closet—something he is not quite ready for.
With Avengers: Infinity War, Deadpool 2 and other CGI-propelled movies currently showing, it’s quite a relief to find something that’s about real people with real struggles and living real lives—totally devoid of the zap-pow-clunk! of the superhero blockbusters.  With the exception of the blackmail device which strikes us as somewhat artificial, Love, Simon comes across as real as life can be,  Love, Simon wants to be a simple, uncomplicated coming-out story that subtly tries to portray a gay character under a gentle light. With its well-chosen cast, it’s a likable and almost charming movie populated by nicely rounded characters—just like any other romantic comedy about high school romance, except that here it’s a boy-meet-boy thing.
And here is where—for the sake of the movie’s teen target market—CINEMA steps in to spoil your fun.  The movie shouldn’t be taken as mere entertainment because its theme—for anyone who sees the bigger picture of the human situation—is never to be taken for granted.  It is absolutely right that gay persons should be loved and not only accepted for what they are, but it is wrong to assume that it is enough to be affirmed in one’s sexual orientation in order to be fulfilled as a human being.  Young audiences need adult guidance to be able to understand Simon’s struggles and see beyond his self-acceptance.  Love created us for a purpose beyond pleasure or conceit, thus we strive to fulfill that purpose, whether we are male or female, hetero or homo.             

Wednesday, May 2, 2018

Da One That Ghost Away


DIRECTOR: Tony Y. Reyes   LEAD CAST: Kim Chiu, Ryan Bang, Enzo Pineda, Maymay Entrata, Edward Barber  STORY and SCREENPLAY: Danno Kristoper C. Mariquit, Daisy Cayanan, Dip B. Mariposque  EDITED BY: Chrisel G. Desuasido  GENRES: Comedy, Horror  MUSIC: Jessie Lasaten  PRODUCTION COMPANY: ABS-CBN Film Productions   DISTRIBUTED BY: Star Cinema  COUNTRY:    Philippines  LANGUAGE: Filipino, English  RUNNING TIME: 2 hours 
Technical Assessment: 2

Moral Assessment: 2.5
Cinema Rating:V14
MTRCB Rating: PG

Si Carmel (Kim Chiu) ay nangunguna at nagtatag ng negosyong “PEKTUS” – isang grupo ng mga ispiritista na nagpapalayas ng mga elemento o mga multo sa isang bahay o anumang gusali.  Kasama niya rito ang matalik na kaibigang si Jeje (Ryan Bang). Bagama’t nasa lahi ni Carmel ang pagiging ispiritista – ang lola niya (Marissa Delgado) ay isang kilalang ispiritista – wala pa ring tunay na kapangyarihan si Carmel kung kaya’t ang kanyang grupo ay pawang nanloloko o rumaraket lamang. Makikilala nila si Jack Colmenares (Enzo Pineda) at kukunin ang kanilang serbisyo sa halagang isang milyong piso. Bagama’t may alinlangan na sila’y mabuking, tatanggapin ni Carmel ang trabaho para maisalba ang marerematang bahay ng kanyang lola. Mapaalis kaya nila Carmel ang mga multo sa bahay ni Jack? Paano kung sila ay mabuking? Paano kung totoo ang mga multo sa bahay ni Jack? Makaligtas kaya sila sa mga ito?
Walang masyadong bagong inihain ang Da One That Ghost Away ((DOTGA). Pawang luma ang konsepto maging ang mga patawa nito. Pinilit naman itong itawid mga pangunahing tauhan tulad nila Chiu at Bang na mahuhusay naman ngunit sadyang walang ibubuga ang kabuuan ng pelikula. Bagama’t may kuwentong maituturing, wala itong mabigat na sentro. Walang mabigat na nakataya sa mga tauhan at sitwasyon. Walang mapanghugutan ng anumang emosyon ang mga manonood. Maging ang mga patawa’y tila gasgas at napaglumaan na. May mga ilang kiliti ngunit hindi naman patok. Madaming eksenang nakakaburyo at nakakaantok. Hindi malinaw ang nais iparating o ipadama ng pelikula. Nananakot ba sila o nagpapatawa? Kung parehas man, parehas na kulang ang mga ito. Maayos pa naman sana ang mga special effects at disenyo ng peikula...maayos din ang mga kuha. Yun nga lang, wala itong kaluluwa – marahil naging multo na rin lamang ang sana’y ikinaganda nito.
May mensahe ng pagpapatawad sa pelikula. Malinaw ito at naging dalisay sa bandang huli. Ngunit kung susuriin pang maigi, naka-sentro ang pelikula sa pagkunsinti sa “raket” na maliwanag na panloloko  ng kapwa. Pawang hindi sapat ang naging kaparusahan sa kanila, bagkus, pinapalabas pa silang mga bayani sa huli. Nakakabahala ito. Maging kung paanong ipinakita ang lakas ng kapangyarihang itim. Saan mo man tingnan o ilagay, ang lahat ng ito’y sa kadiliman at para ipakita ang uri ng lakas nito ay talagang hindi katanggap-tanggap. Maaari namang gawing katatawanan ang mga patungkol sa multo ngunit dapat may maayos na pinangagalingan at marapat na katwiran sa kabuuan. Hindi ito maliwanag sa pelikula.
Hindi sapat na dahilan ang matinding pangangailangan para manloko ng kapwa at hindi man lang makaramdam ng pagsisisi kung hindi pa malalagay sa bingit ng panganib. Lalong hindi magandang dahilan ang paggamit ng kapangyarihan sa paghihiganti. Bagama’t nariyan ang pagiging magalang ng mga tauhan sa nakakatanda, at pagiging maalalahanin sa pamilya – ang kabuuang mensahe na nais ipahiwatig ng DOTGA ay lubhang nakakabahala. Nararapat lamang na gabayan ang mga batang manonood at sa ganang CINEMA, angkop lamang ang palabas sa mga may gulang 14 pataas.                                                       

Tuesday, May 1, 2018

Avengers: Infinity War


DIRECTOR: Anthony Russo and Joe Russo  LEAD CAST:  Josh Brolin, Robert Downey Jr., Chris Hemsworth, Benedict Cumberbatch, Brad Cooper, Mark Ruffalo, Zoe Saldana, Scarlett Johansson, Paul Bettany, Chadwick Boseman, Tom Holland, Peter Parker, Pom Klementieff, Chris Pratt.       
SCREENWRITER:  Christopher Markus, Stephen McFeely   PRODUCER:  Victoria Alonso, Mitchell Bell, Ari Costa, Louis D’Esposito, Jon Favreau, Kevin Feige, Michael Grillo, James Gunn, Stan Lee, JoAnn Perritano, Nicholas Simon, Trinh Tran, Jen Underdahl  EDITOR:  Jeffrey Ford, Matthew Schmidt  MUSICAL DIRECTOR:  Alan Silvestri  GENRE: Fantasy, SciFi  CINEMATOGRAPHER:  Trent Opaloch  DISTRIBUTOR: Walt Disney Studios Motion Pictures  LOCATION:  United States  RUNNING TIME:   160 minutes
Technical assessment:  3.5
Moral assessment:  2.5
CINEMA rating:  V14
Intergalactic despot Thanos (Josh Brolin) intensely fights one and all for his dream of creating a new generation for a re-balanced universe by eradicating half of all life on earth.  Possession of the six  infinity stones will give him god-like power to realize his dream.  And all of the Marvel-ous superheroes from Tony Stark to Groot, Avengers to Guardians of the Galaxy, met and unite in a shared mission to decimate Thanos’ plans—by stopping the protagonist from retrieving the infinity stones.
Avengers: Infinity War appears to be the epic that Marvel Cinematic Universe (MCU) wants the eager fans to see and believe in.  And judging from the 230 million times the trailer was watched in its first 24 hours of showing, it happens to be the most anticipated sequel of all the 19 MCU offerings. It is interesting, to say the least, to see how Earth’s population of physically and mentally superior beings—superheroes they’re called, and they number more than your fingers and toes combined—would gather together and strategize, contributing their unique individual powers and perceptions to take down a common enemy.  The plot is the movie’s main selling point, and as the story unfolds, it allows for all the playors to trade quips and have adequate screen time they deserve.  The characters are at their best when they are most human—including the raccoon—close-ups of them exhibiting human emotions give the film its heart.  When the superheroes are being superhuman, and therefore dependent on CGI, scenes often get too long, repetitive, and tiring.
This is not a superhero movie, but a supervillain one.  Thanos is portrayed to be someone with a higher calling, and the movie brashly proposes that the end justifies the means—a dangerous way to elicit sympathy for Thanos who makes a supreme “sacrifice” for his goal. Just what is Marvel up to—presenting a villain who is literally and so irritatingly powerful as to make of the beloved superheroes a bunch of virtual cartoon characters?  Short of giving you spoilers, we surmise that there must be another sequel coming to satisfy enraged and aggrieved fans.  Surely their heroes shouldn’t be allowed to end up like this?