Friday, January 17, 2014

Pagpag: Siyam na Buhay

--> DIRECTOR:  Frasco Mortiz  LEAD CAST:  Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Paulo Avelino, Shaina Magdayao  SCREENWRITER:  Joel Mercado  PRODUCER:  Star Cinema  GENRE: Horror, Suspense, Romance  DISTRIBUTOR:  Star Cinema & Regal Films
LOCATION:  Philippines RUNNING TIME:  105 minutes

Technical assessment: 3
Moral assessment: 2
MTRCB rating: PG 13
CINEMA rating: V 14

Mapapadpad ang mga magkakaibigan na sina Cedric (Daniel Padilla), Hanna (Michelle Vito), Ashley (Miles Ocampo), Justin (CJ Navato) and Rico (Dominic Roque) sa burol ni Roman (Paulo Avelino) matapos ang magdamag na pagliliwaliw.  Nauna rito ay magkakaroon ng mainitang pagtatalo sina Cedric at Hanna at magiging dahilan  ng pagkasugat ni Cedric. Madidiskubre ng grupo na ang nangangasiwa sa patay ay si Leni (Kathryn Bernardo).  Samantala, nagsasa-alang-alang ng  mga pamahiin ang  pamilya ng namatay, para diumano walang malasin na sumunod sa namayapa. Mga pamahiin tulad ng bawal ang pagwawalis, bawal matuluan ng luha ang kabaong, bawal mag uwi ng pagkain, bawal kupitan ang abuloy, bawal tumingin sa salamin, bawal makiramay ang may sugat,  bawal dumiretso sa bahay at kailangan mag “pagpag” ng sarili kapag galing sa burol o libing.  Mangyayaring lalabagin lahat ito ng magkakaibigan pati na ilang miyembro ng pamilya ng namatay. Samantala, mapapag-alaman na napatay ng taong bayan si Roman dahil diumano sa pakikipagkasunduan nito sa dimonyo na pumatay siya ng siyam na tao kapalit ng  pagbabalik ng buhay ng namatay na anak. Dahil sa paniniwala na di nagpagpag  ng mga sarili pagdating sa kani kanilang bahay ang mga nagtungo sa burol ni Roman ay  sinundan sila ng kaluluwa nito at  isa isang nagbuwis ng buhay sa ibat ibang paraan kasabay ng lagim ng takot na idudulot nya. Sa pagkakataong ito ay siya naman ang magbabalik buhay kapalit ng siyam na mamamatay.  Sa pagkasawi ng ikapitong tao ay mapapagtanto nina Cedric, Leni at Mac Mac (Clarence Delgado) na may kaugnayan pa rin sa kasunduan na ginawa ni Roman sa dimonyo ang mga malalagim na kaganapan at kailangan maisalba sa panganib ang dalawang buhay na maaring sila din.

 Maganda ang disenyo ng produksyon ng Pagpag: Siyam na Buhay at ang mga ginamit na special effects.  Kapuri-puri ang effort ng produksyon na maghatid ng pinaghusay na visual effects kung saan di masasabi ng manonood na sayang ang kanilang pera. Mahusay din ang mga pagganap  at  naging epektibo ang pinagsamang mga aspetong ito sa paghahatid ng mga eksena ng kilig, takot at suspense na syang genre ng pelikula. Subalit mahina ang pagkakabuo ng kwento, kulang sa focus at maraming sub-plots. Marahil dahil sa dami ng artista, nagsikap ang produksyon na bigyan sila lahat ng mahaba-habang exposure sa kung anumang kadahilanan.  Malaking bentahe ng pelikula ang sikat na tambalan nina Bernardo at Padilla at halata na di pinakawalan ng direktor ang pagkakataong ito upang siguraduhing masisiyahan ang mga tagasubaybay ng dalawang ito kapag napanood ang pelikula. Yun nga lang, parang natuon ang direksyon sa paghahatid ng sikat na tambalan kaysa padaluyin ng maayos ang kwento pati mga kuha ng camera. Tama lamang ang inilapat na tunog lalo na sa eksena ng suspense at mga ilaw bagamat mas maraming madilim na kuha kahit na umaga ang eksena. Halos di naman napansin ang inilapat na musika at kung nakatulong ito.  Sa kabuuan ay maganda ang teknikal na aspeto ng pelikula.

Tinalakay sa pelikula ang iba’t ibang pamahiin kapag may namatay, katulad ng mga bawal gawin habang nakaburol ang patay at ang tinatawag na “pagpag” na siyang pamagat ng pelikula na ang ibig sabihin ay “magpagpag” ng sarili pagkagaling sa burol at huwag dumiretso sa sariling bahay para di umano sundan at gambalain ng kaluluwa ng dinalaw na patay.  Bagamat tradisyon ito at bahagi ng kultura at paniniwala ng maraming Pilipino, ang Simbahan ay hindi naniniwala dito. Hindi nakasalalay sa mga kaganapan sa burol ng isang sumakabilang buhay sa pamilya ang mga susunod na insidente ng pagkamatay. Unang una, lahat naman ng tao ay hahantong dito at walang makakaligtas kapag takdang oras na ng isang tao. Taliwas ito sa pinakita ng pelikula na kapag di sumunod sa pamahiin  ay talagang mumultuhin at mamamatay. Isa pang nakababahala sa pelikulang Pagpag: Siyam na Buhay ay pakikipagkasundo sa dimonyo upang maibalik ang buhay. Batid ng lahat na sa Diyos galing ang buhay at tanging Siya lamang ang nagkakaloob at bumabawi nito kaya ang tuluyang pag-uugnay ng mga pagbali sa pamahiin at sa pakikipagkasundo sa dimonyo sa mga sunod-sunod na malagim na kamatayan ng mga inosenteng tao hanggang sa pagwawakas nito ay hayagang pagtaliwas sa itinuturo ng Simbahan at sa malawakang aspeto ng praktikalidad sa buhay.  Dahil na din sa natamong edukasyon at makabagong panahon ay marami na ang naliliwanagan tungkol sa tamang pagtingin sa mga pamahiin kaya huwag sana masilaw sa hatid na kilig ng sikat na tambalan at thrills ng mga eksenang suspense upang bumalik sa kamalian ng sinaunang panahon. Binigyan ng MTRCB ng PG Rating ang pelikula, pero naniniwala ang CINEMA na nangangailangan ng hinog na pag-iisip ang manonood nito.

Thursday, January 9, 2014

Kimmy Dora: ang kiyemeng prequel


Running Time: 100 minutes;  CAST: Eugene Domingo, Angel Aquino, Sam Milby; Direction: Chris Martinez  Screenplay: Chris Martinez; Editing: Claire Villareal; Producer: Erickson Raymundo; Music: Vincent de Jesus; Location: Metro Manila; Genre: Comedy; Distributor: Spring Films

Technical assessment:  2.5
Moral assessment:  3
MTRCB rating:  PG13
CINEMA rating:  V14

Ang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel ay naganap sa panahong bago pa sa ang unang pelikula Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme.  Ipinakilala ang matalinong sina Kimmy na katatapos lamang ng tatlong kurso sa ibang bansa at nakatamo ng pinakamatataas na karangalan at si Dora (Domingo) na isang mahusay na artista sa teatro subalit may kahinaan ang ulo.  Patuturuan sila ng kanilang amang si Luisito Go Dong Hae (Ariel Ureta) na patakbuhin ang kanilang negosyo sa pangunguna nina Bridget (Aquino) at Rodin (Milby).  Samantala isang misteryosong terorista ang mananakot at sisita sa kanilang negosyo.  Matutuklasan nina Kimmy ang tunay na katauhan ng terorista at malalagay sa panganib ang buhay ni Luisito; magsasanib ng pwersa ang kambal sa tulong ni Bogart (Torre) at ng teknolohiyang magpapatalino pansamantala kay Dora.

Ang dapat sanang yugto na magbibigay paliwanag at kaliwanagan sa buong serye ay tilaisang nakakaasiwang kirot ng ngipin—gusto mong kalimutan pero ayaw mawala. Sayang ang ipinuhunang talino at bagong atake ni Martinez sa kauna-unahang Kimmy Dora dahil nahanay bigla ang buong serye sa mababaw na katatawan at walang katuturang pag-usad ng kwento. Mahusay na mga artista ang gumanap pero gaano nga ba ang magagawa nila kung hungkag naman ang mga eksenang ipinagagawa sa kanila. Maayos naman sana ang buod ng istorya pero dahil medyo pilit na ang ikatlong yugto, maraming eksena na inilagay na lamang para pampahaba at pampatawa. Maliban sa kwento at atake sa komedya, maayos naman ang larangan teknikal ng pelikula. Hindi nga lamang siya sulit panuorin at mas mabuti pang abangan na lamang ang libreng pagpapalabas nito sa telebisyon.

Ang paggalang at pagpapahalaga sa bawat tao, matalino man o mahina ang pag-iisip, ay hindi dapat kalimutan. Sa katunayan, ilan ang may kapansanan na nadaig ang kakayahan pisikal, intelektuwal at pangsining na kakayahan ng mga taong normal ang kakayahan. Hati ang pananaw ng Kimmy Dora sa mga taong mahihina ang ulo, dahil sabay nitong pinapahalagahan at pinagtatawanan ang kahinaan nito.  Alin ang mas naging matimbang? Depende sa eksena at kung ano ang mas kwela sa manunood. Hinapyawan din ng pelikula ang halaga ng pamilya at kung paanong ang matibay na relasyon sa isa't isa ay sandigan sa oras ng kagipitan at pagsubok. Problema din ng Kimmy Dora ang karaniwang problema ng pelikulang Pinoy, ang anumang mensaheng mapipiga ay tinatabunan ng mga eksenang binuo para sa mababaw na kasiyahan ng manunuod at hindi sa ikauunlad ng kwento.

Wednesday, January 8, 2014

Girl, Boy, Bakla, Tomboy

DIRECTOR: Wenn Deramas  LEAD CAST:  Vice Ganda, Maricel Soriano, Joey Marquez, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes WRITER: Mel del Rosario PRODUCERS and DISTRIBUTOR:  Star Cinema and Viva Films  GENRE: Comedy  LOCATION: Philippines  RUNNING TIME:  105 minutes

Technical assessment:  3
Moral assessment:  3.5
CINEMA rating: PG 13

“Quadruplets” sila Girlie (Girl), Peter (Boy), Mark (Bakla) at Panying (Tomboy)—lahat ay gagampanan ni Vice Ganda.  Magkakahiwalay sila mula sa pagkabata: si Girlie at si Peter ay makakasama ng kanilang amang si Pete Jackstone (Joey Marquez) sa Amerika samantalang si Mark at si Panying ay mapupunta sa kanilang inang si Pia Jackstone (Maricel Soriano), sa Pilipinas.  Magkakasalubong muli ang kanilang mga landas nang hindi inaasahan.  Magkikita kita sila at ilalahad na ng mga magulang nila ang katotohanan kung bakit sila nagkahiwa-hiwalay.  Dadaan sila sa pagsubok pagdating ng panahong mangangailangan ang isa sa quadruplets ng liver transplant, at isa sa tatlo pang magkakapatid ang maaaring maging donor nito.

Ano naman kayang lahi at nakaraan ang pinanggalingan ni Pete at ni Pia at di lamang sila nagkaanak ng quadruplets kundi pati ang dalawang kasarian nito’y nagsanga-sanga pa.  It’s complicated, ika nga.  Pero sa kabila ng medyo gumaralgal na istorya, maayos ding lumabas ang pelikula; malaking bahagi ang naiambag ng galing ng pagganap at characterization ni Ganda.  Sabi nga ng mga tagahanga, “kering-keri niya”.  At siyempre pa, patok din ang arte ni Soriano bilang ina ng quadruplets.  Sa panig na teknikal, wala namang kamangha-manghang elemento ang makikita sa pelikula; inihahain lang nito ang inaasahang makita ng manonood.

Maraming magagandang halimbawa ang dulot ng pelikula.  Nangunguna na rito ay ang pagiging mabuting ina ni Pia.  Kahit iba-iba pa ang mga gawi at pag-uugali ng kanyang mga anak, pantay-pantay ang tingin siya sa mga ito, at tunay din niyang minamahal ang apat.  Hindi rin siya nagtatanim ng galit sa asawang nahiwalay; matimtiman niyang tinitiis ang bigat ng loob, at bagama’t siya ang tunay na asawa ay hindi siya magmamatigas sa kanyang pananaw.  Buo rin ang pananalig niya na ang kanyang mga anak ay higit pang magiging mabubuting tao.  Ayon din sa pelikula, hindi lahat ng bakla ay ugat ng iskandalo o kahihiyan.  Kung mahusay ang pagpapalaki sa kanila, isang maaliwalas na kinabukasan ang mapapasakanila.


10,000 hours

--> Running Time: 107 minutes;  Cast: Robin Padilla, Michael de Mesa, Pen Medina, Mylene Dizon, Bela Padilla; Direction: Joyce Bernal;  Screenplay: Ryllah Epifania Berico, Keiko Aquino;; Editing: Marya Ignacio’; Producer: Philippine Film Studios; Music: Teresa Barrozo; Location: Philippines, Amsterdam; Genre: Drama/Thriller; Distributor: MMFF

Technical Assessment: 3.5
Moral Assessment: 2.5
MTRCB Rating: R13
CINEMA Rating: V14

Habang naghahandang magbigay ng kanyang talumpati si Senator Gabriel Alcaraz (Padilla) para ibunyag ang mga katiwalian sa pamahalaan ay pinagpaplanuhan naman ng Pangulo ng Pilipinas, kasabwat ang ilang matataas na opisyal, ang pagdakip sa nauna. Iuutos ng Pangulo sa matalik na kaibigan at Police Director Cristobal (de Mesa) ang paghuli kay Alcaraz. Matutunugan ni Alcaraz ang panganib sa buhay niya at sa tulong ng mga alyado ng isa pang kaibigan at NBI Director San Juan ay makakatakas siya ng Pilipinas a magtatago sa Amsterdam upang hanapin ang isang testigo (Medina) para malinis ang kanyang pangalan at lumabas ang katotohanan. Samantala, si Maya Limchauco (Bela Padilla), isang reporter sa Pilipinas, ang tutulong kina Alcaraz at kanyang pamilya para sa isang lihim na paghihiganti. At pagkatapos ng 10 libong oras ay muling babalik si Alcaraz sa Pilipinas upang ibunyag ang katotohanan.

Matalino ang pagkakahabi ng mga eksena at tamang tama ang timpla ng drama, aksyon at mga pasaring sa diyalogo. Kaya nga lamang ay natatabunan si Padilla ng mga kasamahang artista. Kung may mapipiga pa sana sa kanya si Bernal para tumapat man lamang kahit konti sa kalidad ng pagganap nina de Mesa at Medina o kahit ng bagitang si Bella Padilla ay mas magkakaroon ng lalim ang katauhan ni Senador Alcaraz. Tama ang puna ng ilang manunulat na tatapat sa mga banyagang produksyon ang istilo ng aksyon ni Bernal. Magaling ang mga kuha at nabigyang katarungan ng mahigpit at buhay na pagkakadugtong-dugtong ng mga eksena. Ang kwento, dahil hango sa mga naganap kay Senador Ping Lacson, ay maaring pagdudahan bilang propaganda, pero kung titingnan ito bilang kathang isip ay sadyang malinaw at matibay ang konsepto at mga tema.  Sulit ang panunuod ng 10,000 Hours.

Hindi lingid sa kaalaman ng madla na sangkot ang ilang matataas na tao sa pamahalaan sa kabi-kabilang krimen at kurapsyon sa bansa. Alam din ng natin na madalas, ang mga nagbubunyag ng katotohanan o naninindigan para sa bayan ay nababalewala o napapatay. Gayunpaman, ang makita ang temang ito sa pelikula ay sadyang nakababagabag dahil tila ba walang pinagkaiba ang maging tapat o maging taksil sa tungkulin sa bayan. Sa kabilang dako, kahanga-hanga na may mga taong katulad nina Alcaraz na patuloy na naniniwalang dapat panindigan at ipaglaban ang katotohanan at katapatan sa paglilingkod sa bayan.  Isang maningning na simbolismo ng pag-asa at dangal ang pagtataya ng mga matitinong tauhan sa pelikula sa kabila ng mga malalakas na puwersa ng katiwalian.  Sa panahon ngayon na kaliwat kanan ang nagsusulputang usapin ng korupsyon, mainam sanang makita ng mga ordinaryong Pinoy na ang paninindigan sa tama at totoo ay may saysay pa rin. Sayang nga lamang at ang huling eksena ng 10,000 Hours ay ang pagpatay sa mga testigo at ang matagumpay na pagtatakip ng mga nasa kapangyarihan sa katotohanan.

MAHALAGANG PAALALA:  May pahabol ang CINEMA tungkol sa 10,000 Hours at mga pelikulang tulad nito na base sa tunay na buhay at kinasasangkutan ng mga taong nasa matataas na posisyon ng paglilingkod sa bayan.  Payo ng CINEMA: ingat lamang sa panonood.

Batid natin na ang pelikula ay isang makapangyarihang medium o daan na maaaring gamitin tungo sa katotohanan o sa kasinungalingan man.  Ang imaheng gumagalaw, na higit pang malaki kaysa tunay na buhay, ay napakahusay na panghubog ng kaisipan ng tao.  Saan mang bansa na gumagawa ng pelikulang kauri ng 10,000 Hoursmayaman man o mahirap, kilala man o hindi, ano mang lahi o relihiyonmay mga pamilyang nagdurusa o nawawasak ang kinabukasan bunga ng ganitong paglalahad; at mayroon din namang mga taong nailuluklok bilang mga bayani hindi man karapat-dapat.  Anupat kay raming mga artistang naihahalal bilang mga lingkod-bayan, senador,  gobernador, representante, o pangulo ng bansa dahil lamang sa kanilang pagiging mga popular at kilalang mukha!  Hindi maikakaila na sa dalas nilang lumabas sa pelikula bilang mga kampeyon ng mga maralita ay nakikita na sila ng masa bilang mga bida sa tunay na buhay, at inaasahan bilang mga bayaning hahango sa kanila sa kahirapan.  Sa karaniwang Pilipino, tila hindi na mapaghihiwalay ang buhay sa pelikula at tunay na buhay.  

Gawin nating halimbawa ang 10,000 Hours.  Kung tatanungin natin ang mga lumalabas sa sinehan, ilan sa kanila ang magsasabing Ah, kathang isip lang ang kuwentong iyan! at ilang ang magwiwikang Ah, ganoon pala ang totoong nangyari kay Ping Lacson!  Kaya mapapag-isipang propaganda ang 10,000 Hours ay dahil binabanggit pa nito ang pangalan ng senador.  Sanay hindi na lang ipinangalandakan na itoy halaw sa tunay na buhay upang sabihin lamang, sa katapusan ng pelikula, na itoy fiction lamang.  Madaling tanggapin iyon kung ang tema ng kuwentoy karaniwan lamang at hindi isang kontrobersiyal na kasong nagsasaad ng patayan at korupsyon.  Sa husay ng pagkakagawa, kapani-paniwala naman ang pelikula, kayang tumayo sa sariling paabakit kailangan pa nitong sumakay sa pangalan at kaso ni Lacson?  Nanggagaling na mismo sa 10,000 Hours ang dahilan upang pag-alinlanganan ang katapatan nito bilang isang dalisay na obra.  Sayang.

Ano man ang katotohanan sa likod ng mga balita, ang pagsusulong nito ng mga nagtatagisang kampo ay nakapaghahati sa bayan, at lalo lamang bumubulag sa madla sa katotohanang wala sa pulitika ang ipagbabago at ikauunlad ng ating bayan.  Wala rin tayong dapat hiranging bayani (lalo nat nabubuhay pa o kamamatay lamang) pagkat ang ating buhay at kaligtasan bilang isang bansa ay nakasalalay sa ating pagkakaisa, malinis na pamumuhay, matapat na pagtupad ng ating mga tungkulin, at mapagmahal na pakikitungo sa kapwa bilang mga taong may takot sa Diyos.

Pedro Calungsod: Batang Martir

--> RUNNING TIME:  147 minutes  LEAD CAST: Rocco Nacino, Christian Vasquez, Robert Correa, Ryan Eigenmann, Jestoni Alarcon, Jao Mapa,  Isadora Vilasquez, Marc Justine Alvarez,  Johnron Tañada, Mercedes Cabral  DIRECTOR: Francis Villacorta  SCREENWRITER:  Francis Villacorta  PRODUCER:  HPI Synergy Group  EDITOR:  Tara Illenberger  MUSICAL DIRECTOR:  Noel Espenida / Emlyn Olfindo Santos  CINEMATOGRAPHER:  Dexter Dela Pena / Steven Flor / Randy Cura GENRE: Drama/Documentary  DISTRIBUTOR: HPI Synergy Group  LOCATION:  Batangas, Philippines

Technical assessment:  2.5
Moral assessment:  3.5
MTRCB RATING: PG 13
CINEMA RATING: V 14

Pedro Calungsod: Batang Martir is a biographical picture of the second Filipino saint, who is put to death for his faith. Pedro Calungsod (Rocco Nacino), a young catechist, leaves his Visayan native soil to join Spanish Jesuit priest Fr. Diego de San Vitores (Christian Vasquez) for a mission to the Marianas Islands (Guam) in 1668. Trained as a catechist, Pedro assists Fr. Diego de San Vitores in baptizing the Chamorros, preaching the Good News of salvation amid doubts, paganism and disbelief. Together with other catechists and priests, the missionaries face the challenges and dangers of life in the missions, particularly the antagonism of the natives. Undaunted by setbacks and the death of their companions, Pedro and Fr. Diego continue their missionary work throughout the islands. In the end, both of them give up their lives for the sake of the Gospel.

Pedro Calungsod: Batang Martir is a very courageous attempt in bringing the life of Saint Pedro Calungsod to the wide screen. It boasts of picturesque shots of pristine beaches, azure waters and lush vegetation, magnificent sunsets, peaceful, bucolic scenes – a visual feast of the Philippines (and Guam) as both locations were shot in Batangas. But while the nature scenes are impressive, others fall flat and monotonous. Establishing shots proved insufficient for the viewer to enter the scene or story. There is inadequate exposition of the Chamorros, their culture, beliefs, practices, etc., what makes them a people. This is exacerbated by a weak screenplay which assumes too much of its viewers. In an attempt to be faithful to scant resources, the storytelling suffers so that the viewers have to put the story together from disjointed scenes that are dull and stagey.

Flashback is used to show tender moments of the young Pedro with his father but there is hardly any development of character. Nacino shows a certain depth in some scenes but his character is not defined and ends up like a caricature of a saint from beginning to end. It would have been good if we see the development of this young man’s faith so that he can, in the end, offer his life. And enough has been said about the wig.  Vasquez looks too soft as if to convey holiness—and isn’t his character supposedf to be a sick and aging priest?  Why, he looks just five years older than Calungod!  Alarcon is more convincing as the Spanish captain, while Correa as Hirao is believable but some of his lines are too long.  Eigenmann as Choco is supposed to have a significant role in the conflict but it does not come out clearly in the film.  Dialogue, even in the most profound scenes, is too long, convoluted or stilted. At some point it feels like reading a book or listening to the radio because it repeats the same point over and over.

The material is great! What can be more inspiring than the life of our very own saint who, in spite of his youth and inexperience, left Philippine shores to share the Good News abroad, and in doing so witness to the faith, not just by his words and deeds but by the offering of his life? Pedro’s faith in God did not waver even in the face of danger. He prays and devotedly clings to the crucifix entrusted to him. He also tries to creatively make the Gospel understandable to the children, and becomes a pillar of strength for his fellow catechists. The film also highlights Pedro’s deep bond with his father from whom he learned the faith and shaped his character. It shows that parents have a strong influence in the formation of their children.

As Padre Diego’s personal assistant, Pedro eventually becomes his eyes when the priest could no longer see clearly. Pedro proved his love and loyalty towards Padre Diego when he put himself in the line to shield him from stoning, and from the spear that would take his own life. “Whoever finds his life will lose it, and whoever loses his life for my sake will find it” (Matthew 10:39).  The film emphasizes the missionaries’ dedication to the mission despite the dangers, and the conviction that nothing is won through the sword but through peace and love. Mission work will always have its risks, and missionaries need to learn to respect the culture of the people they are trying to evangelize.  Violence, even in the name of evangelization, will always beget violence. The hostility of the natives is shown without a sufficient reason for it, so much so that the lengthy and multiple scenes of bloodshed come out gruesome and unnecessary.

CINEMA commends the producer and director for the effort in transporting the life of Pedro Calungsod to the movie screen. It is a shame that a compelling story of faith and courage is not told in a more potent and inspiring way. An average film instead of a powerful witness, Pedro Calungsod: Batang Martir feels like an uninspired sermon which lulls the churchgoer to sleep until the Sanctus, where the lead character is nothing but a sidekick to the main actor, Padre Diego.

But maybe that is the point of the movie. A simple catechist who does his job with love and dedication need not do anything great. Being at the right place at the right time and doing the right job with the right intention is enough. That in itself is daily, bloodless martyrdom. The grace to offer one’s life is a gift--one that is bestowed to a few privileged persons when the above conditions are present.

“Ganon lang ba kadaling maging santo?  Maging caregiver lang ng pare, santo na?” a Catholic moviegoer asks after seeing the movie.  We can’t blame him or the others who feel like him but are silent about it.  The impression is created by the lack of tension and intensity in the portrayal of the would-be martyrs, aggravated by a script that fails to delve deeply into the psyche of the characters.  Mission seemed like a mere question of baptizing as many people as possible, and sanctity appeared to be demanding nothing more than piety in a person. 

Portraying something as abstract as holiness and martyrdom is a challenge few directors and performers can convincingly hurdle.  Sanctity and the road to it is so hidden, and a person’s lifelong struggle to attain it would be extremely difficult to condense into two hours.  But for all its technical shortcomings, Pedro Calungsod: Batang Martir deserves commendation, if only for its enthusiasm, devotion and noble intentions.  At least here’s one festival movie that trains the viewer’s sights on things other than bad news, politics, and the commercialism of the season.  Not bad at all.

Tuesday, January 7, 2014

My little bossings


-->RUNNING TIME:   1 hr 50 minutes  LEAD CAST: Vic Sotto, Kris Aquino, Ryzza Mae Dizon, James “Bimby” Aquino Yap  DIRECTOR: Marlon Rivera  SCREENWRITER: Bibeth Orteza  PRODUCER:  Octo Arts Film, M-Zet Productions, APT Entertainment, Kris Aquino Productions  DISTRIBUTOR: OctoArts Film

Technical assessment:  2.5
Moral assessment:  2.5
MTRCB:  G (for all ages) 
CINEMA rating: V 14

Si Torky (Vic Sotto), isang bookkeeper, ay empleyado ng milyonaryang si Baba (Kris Aquino), isang cash management specialist.  Malalagay sa panganib ang buhay ni Baba dahilan sa isang gusot sa kanyang trabaho na nahihirapan siyang ayusin. Para hindi madamay ang anak niyang si Justin (Bimby Aquino-Yap) sa kaguluhan, ilalagak niya ito kay Torky.  Iuuwi naman ni Torky si Justin sa bahay niya para makilala si Ice (Aiza Seguerra) at si Ching (Ryzza Mae Dizon), isang batang kalye na inampon ni Ice.  Pilyo, malikot, at anak-mayaman si Justin; paano tatakbo ang pagsasamahan nilang apat sa ilalim ng iisang bubong?

Maunawain ang CINEMA sa pelikulang Pilipino.  Batid naming bihira sa mga pelikulang Pinoy ang may malaking budget.  Tanto din namin na ang karamihan ng mga gumagawa ng pelikula ay hangad lamang magpasaya ng manunuod habang kumikita naman mula sa kanilang sining.  Kaya naman hindi kami nag-aatubiling magpikit-mata kung magkaminsa’y palpak ang editing, patay ang sinematograpiya, tagilid ang script, nakakabingi o hindi pantay-pantay ang tunog at musika, sablay ang costumes, props at sets, peke ang pag-arte, wa-class ang pagpapatawa at katawa-tawa naman ang pagpapaiyak.  Magkaroon man lamang sana ng malinaw na istorya o kapaki-pakinabang na mensahe ay okay na; puwede na naming ipasa at pagpasensyahan ang ilang kapintasan.  Pero kung naroon nang halos lahat ng kapintasan at gagatasan pa ang manunuod sa pamamagitan ng garapal na product placement, hindi ba’t maiisip mong gusto lamang gumawa ng pera ang pelikula habang nagsusulong ito ng isang hangaring personal? Ganoon ang tingin ng CINEMA sa My Little Bossings.

Isangdamakmak na media hype ang nanguna sa pelikula tungkol sa pagsisimula ng acting career ng pamangkin ng presidente ng Pilipinas.  May mga interview pa sa tv tungkol sa pagiging co-actor ng patok na patok na tv personality na si Ryzza Mae.  Kaya natural na gustuhin ng mga taong panoorin ang tambalang Ryzza-Bimby; nag-Number One diumano sa takilya noong Manila Film Festival.  Sa simula ng My Little Bossings ay mukhang may matinong tatahakin ang kuwento, pero di maglalaon, sa pagkakapatung –patong ng mga eksena, ay iisipin mo nang “Ano ba talaga ang gustong palabasin nito?”  May mga tagpong tulad ng sa bahay ampunan— ipapakita ang di-makatarungang pagtrato sa mga bata, pero sa halip na sundan ito ng matalinong pagpapalawig ng isyu, ay lulukso ang kuwento balik sa kababawan.  Ano’ng saysay ng eksenang iyon?  Taliwas din sa katuwiran ang ilang hakbangin sa istorya; halimbawa— kung ikaw ba’y isang milyonarya at gusto mong itago ang anak mo sa panganib, doon mo ba ipagkakatiwala sa isang taong nakatira sa magulong lugar?  Hindi ba’t ilalayo mo siguro, sa probinsiya, sa ibang bansa, at papaligiran ng mga bodyguards? 

Pero ang tingin yata ng My Little Bossings sa mga nanonood ay wala silang karapatang mag-isip, kaya rin ganun-ganon na lang kung magsiksik ng advertisements.   Noodles man, soft drinks sabong panlaba, o fast food chain, basta na lang tatambad sa paningin mo ang produkto, at walang pakundangang ibebenta ito sa manonood.  Ano ba yan!?  Bakit babayad pa ang tao kung makikita din sa sinehan ang napapanood sa telebisyon?  Hindi ba ninanakawan niyan ang mga tao?  Akala siguro ng My Little Bossings ay sapat na ang naglalakihang mga bituin para pagtakpan ang butas-butas nitong produksyon.  Ang kawawa dito ay ang Pilipinong manunuod, ang mga tapat na tagahanga (lalo na ni Ryzza) na sa kapayakan ng pag-iisip ay bumabayad para makita ang paslit na artista, pero napagsasamantalahan ng isang produksyong hungkag at walang kalidad.  Maawa naman sana sila sa manunuod.  Maawa rin tayo sa mga batang artistang nagmumukh na ring mga produktong ibinebenta, pinagkikitaan sa murang gulang, at maaaring nagagamit sa paraang mapanira sa kanilang kinabukasan.