Friday, February 8, 2019

Dragon Ball Super: Broly


Director: Tatsuya Nagamine  Lead Cast: Masako Nozawa, RyĆ“ Horikawa, Bin Shimada, Chris Ayres  Screenwriter: Akira Toriyama  Producer: Toei Animation  Musical Director: Norihito Sumitomo  Genre: Anime, Action  Distributor: Warner Bros.  Running Time: 1 hr 41 min 
Technical assessment: 3.5 
Moral assessment: 3 
CINEMA rating: V13 
MTRCB rating: PG 13 
In some universe somewhere, there are ultra-aggressive warriors called Saiyans. They become a threat to a super god Frieza who wipes them out. But some survive, including three Saiyans: Goku and Prince Vegeta who land on earth, and Broly who had been exiled to another star as an infant by Prince Vegeta’s father who was then King of Saiyan. Broly exhibited powers that surpassed the prince’s, and the king did not want anyone to eclipse his son. Broly’s father Paragus joined Broly in exile, raising Broly for combat and revenge against Vegeta. But neither Paragus nor Broly could restrain his immense power. Years later, the three Saiyans face off in a battle when Frieza’s soldiers steal Bulma’s dragon balls, which have magical powers. Bulma is Vegeta’s wife. Broly—used as pawn by Frieza—grows stronger, while Goku and Vegeta, on the opposite side, discover their new strength of fusion as they combine to become Gogeta. 
Many anime fans consider this latest instalment in the Dragon Ball franchise the best in the series. Even viewers alien to the Dragon Ball vocabulary like the flashbacks that give context to the story, helping them understand that Kakarot the baby is now the grownup GokuAnd the dialogue has enough to explain that Frieza’s and Bulma’s motive in gaining possession of the dragon balls is not power over the universe but aesthetics and personal vanity. Anime has a great following among adults and children, and this movie plays up every Super Saiyan power that can be visualized on screen with distinctive fight scenes suffused with vibrant colors, exaggerated movements, and hyped-up sounds and expressions 
The movie is from beginning to end, battle scenes—glorified, alluring, and interjected with some humor. That is the nature of anime, and to say that the director should have made it otherwise would be to strip it of its own genre. But lest it be overlooked, the movie requires parental guidance when children are in the theater, which is not unlikely because Dragon Ball appeals to the young. There are. of course, some good messages. For one, we see how Broly’s potentials are laid to waste because he was brought up in an environment of hatred and fighting. His father manipulated him. Frieza is a cruel leader whose insecurities propel him to further acts of violence. But good is good, and cannot be extinguished. Goku reaches out to Broly after their showdown. Broly has episodes of tenderness and madness. These are allegories of life that lay hidden in the mesmerizing world of anime. And, unless viewed with a careful eye, they can seep into our consciousness as norms, especially among the young.MOE 



Friday, February 1, 2019

Sakaling Maging Tayo


DIRECTOR: J.P. Habac
STARRING: McCoy De Leon, Elisse Joson, Bembol Roco, Chai Fonacier Paulo Angeles, Milo Elmido Jr.
COUNTRY:  Philippines
LANGUAGE: Filipino
RUNNING TIME: 90 minutes
Technical Assessment: 3
Moral Assessment: 3.5
Cinema Rating: A14
MTRCB Rating: PG
Magkaeskuwela sila Pol (McCoy De Leon) at Laya (Elisse Joson) sa isang pamantasan sa Baguio ngunit hindi sila magkakilala. Nang minsang masilayan ni Pol si Laya, napahanga na siya agad dito. Pero dahil sadyang torpe, hindi nagka-lakas loob si Pol na magpakilala kaya’t naging pawang ligaw-tingin lang siya kay Laya mula sa malayo. Magtatagpo ang kanilang landas isang gabi sa isang bar—si Pol na gumigimik lang at nanonood ng music festival at si Laya na may mabigat na dinadalang problema at desidido nang bumalik ng Maynila.  Sa pagtatagpong yun, magsisimula ang isang makabuluhang pagkakaibigan sa pagitan nilang dalawa at ang posibilidad na ma-in-love sila sa isa’t-isa.
Payak ang kuwento maging ang pagkakagawa ng Sakaling Maging Tayo ngunit hitik  ito sa damdamin at sinseridad. Walang histerya, walang sigawan, sampalan o mabibigat na eksena pero sinalamin nito ang saloobin ng mga kabataan ukol sa maraming bagay na bumabagabag sa kanila. Maayos ang pagkaka-direhe at mahusay ang mga nagsiganap. Nababagay silang lahat sa kanilang karakter na ginampanan—pawang hindi mukhang umaarte lang ang mga tauhan at napakagaan nilang panoorin. Ang Baguio bilang kalugaran ng kuwento ay umakma rin sa daloy ng kuwento—banayad at tahimik. Hindi man nakapag-paiyak ang pelikula, nakapagpukaw naman ito ng ilang mahalagang usapin ukol sa kabataan at pag-ibig.
Mariing ipinakita sa pelikula kung ano ang ibinubunga ng kapusukan at maling desisyon. Ngunit mas mariin pa rito ang pagsasabing hindi pa huli ang lahat upang magdesisyon nang tama—at sa bawat pagkakamali, pinakamahalaga ang may matutunan dito. Nagsusumigaw sa pelikula ang aral na ito nang walang halong panenermon at panghuhusga. Patunay na ang paggawa ng mali ay isa na talagang kaparusahan kung kaya’t nararapat maging bukas sa pagsisisi at pagbabago. Si Pol ay isang mabuting halimbawa lalo na sa mga kabataang lalaki. Angat siya sa karaniwan—dalisay at mapagmahal bilang anak at kaibigan, at maging bilang mangingibig. Si Laya bagama’t nagkamali ay kapuri-puri pa rin sa pagpupursigeng magbago at ituwid ang kanyang mali. May takot sa kahihinatnan ngunit hindi takot ituwid ang landas. Nababagay sa kanyang karakter ang kanyang pangalan—pinili niyang maging malaya sa isang mapang-abusong relasyon at malaya sa mga maling desisyon, pagkat ang pagbibigay ng lahat-lahat para sa minamahal ay hindi parating tama.  Ang dapat ay ang pagmamahal sa sarili at pagsasaalang-alang sa kinabukasan. Higit sa lahat, maging maingat sa pagpili—at parating piliin kung ano ang tama.  Hindi ito magiging madali, ngunit ito ang makapagbibigay ng kapayapaan ng isip at damdamin—at sa bandang huli ng sakripisyo ay ang mga tunay na biyaya. Walang maseselang eksensa sa pelikula ngunit usaping pag-ibig at sekswal ang pinaka-buod nito na tinalakay sa disenteng paraan—bagay na dapat maituro sa kabataan 14-gulang pataas upang sila ay magabayan sa kanilang magiging desisyon sa buhay.—RPJ
   

                                                             

Thursday, January 31, 2019

The Kid Who Would be King



DIRECTOR:  JOE CORNISH
LEAD CAST:  LOUIS ASHBORN SERKIS, DEAN CHOUMOO, REBECCA FERGUSON,
PATRICK STEWART, TOM TAYLOR, RHIANNA DORIS, ANGUS IMRIE;  SCREENWRITER: JOE CORNISH;  PRODUCER:  NIRA PARK, TIM BEVAN, ERIC FELLINER;  EDITOR:  JONATHAN AMOS, PAUL MACHLISS;  MUSICAL DIRECTOR:   ELECTRIC WAVE BUREAU;  GENRE: FANTASY ADVENTURE;  CINEMATOGRAPHER: BILL POPE;  DISTRIBUTOR:  20TH CENTURY FOX;  LOCATION:  UNITED KINGDOM;  RUNNING TIME:    120 minutes
Technical assessment:  3
Moral assessment:  4
CINEMA rating:  V13
Twelve-year-old Alex (Louis Ashbourne Serkis) and his best friend Bedders (Dean Chaumoo) are picked on everyday by school bullies.  One day as the two boys are pursued in an abandoned building, they fall over an open space and land near a rock where an ancient-looking sword is… well, planted.  They can’t believe the sword is what it seems, but it is—King Arthur’s legendary sword, the Excalibur.  And so Alex draws the sword out of the stone, thereby unleashing Morgana (Rebecca Ferguson), the evil sorceress of the Arthurian era, who now wants to destroy the world.  But Merlin (Patrick Stewart) soon enters the picture in the new-kid-in-school form, and the plot thickens.
Opening the film is a colorful animation of something that happened “Once upon a time”—about a king called Arthur, who united his kingdom with his Knights of the Round Table and whose famous sword, Excalibur, was caught in a vast rock.  The sword could be drawn out solely by an authentic descendant of Arthur.  Who would have thought that the celebrated sword would wind up in 21st Century US of A?  That the underdogs in The Kid Who Would be King would turn out to be the chosen ones in this sword-centered contemporary adventure fantasy clearly says this movie is made for boys their age.  And maybe subteen girls who wish to find superhero boyfriends.
The appreciation of The Kid Who Would Be King depends on the maturity of one watching it.  The story has more layers than an onion and is heavy with symbolism.  To the very young it is obviously a good-vs-evil thing and we know very well which should win.  But to the more experienced, the battle is not simply between Team A and Team B.  The message is that one triumphs over evil when one succeeds in battling the dark forces within oneself, the demons of fear, self-doubt, insecurity.  When one remains in sin—in darkness, not in light—evil inevitably wins.  (Morgana waits for darkness to strike).  However young people may view it, the film is empowering in that it gives hope—lest we throw in a spoiler, just watch what happens to the bullies.—TRT

Thursday, January 24, 2019

One Great Love


DIRECTOR:  Enrico S. Quizon
LEAD CAST: Dennis Trillo, Kim Chiu, JC de Vera, Eric Quizon
STORY and SCREENWRITER:  Gina Marisa Tagasa
PRODUCER:  Lily Monteverde
CINEMATOGRAPHY: Mo Zee
MUSIC:  Miguel Mendoza
EDITING: Chrisel Galeno-Desuasido
GENRE:  Drama, Romance
DISTRIBUTOR: Regal Films
LOCATION:  Manila
RUNNING TIME:   115 minutes
Technical assessment: 3                                                
Moral assessment: 2.5
CINEMA rating: A14
MTRCB rating: PG13
Bibigyan ni Zyra Paez (Kim Chiu) ng pagkakataon ang sarili na tanggapin muli ang dating kasintahan na si Carl Mauricio (J.C. De Vera). Aakalain ni Zyra na malulubos ang kaligayahan sa pasya niyang ito subalit masusumpungang puno siya ng pag-aalinlangan sa kanyang mga desisyon.  Sa gitna ng pagkagulumihanan ay magiging confidante ni Zyra ang matalik na kaibigang doktor na si Ian Arcano (Dennis Trillo). Kay Ian siya magsasabi ng kanyang mga alinlangan at damdamin. Samantala higit pa sa pagkakaibigan ang nararamdaman  ni Ian para kay Zyra.
Bagamat simple ay kapani-paniwala ang daloy ng kwento ng One Great Love na nakasentro sa karakter ni Zyra. Maayos itong nagampanan ni Chiu dahil may mga kinilig, natuwa, naawa at nainis sa karakter nya. Subalit ang lalong epektibo sa naging pagganap ay si Trillo; sadyang nararapat siyang tanghaling Best Actor sa MFF 2018 dahil sa kanyang pagganap dito. Mahusay niyang naihatid ang karakter ni Ian bilang nabigong asawa, maunawaing kaibigan, at mapagparayang nagmamahal.  Magaling ang pagkakadirehe ni Quizon at mainam na naipabatid ang mensahe ng pelikula sa kabila ng kapayakan ng kuwento.  Nakapaghatid din ilang makabuluhang linya na posibleng tumatak sa mga manonood bilang mga hugot tungkol sa kahulugan ng “one great love”. Tama lamang ang mga kuha ng kamera at nakakagiliw panoorin ang ilang detalye ng food and organic gardening business nina Zyra. Samantala walang ng lumutang na iba pang aspetong teknikal ng pelikula.
Ano nga ba talaga ang tanging dakilang pag-ibig o one great love, at meron ba talaga nito? Sinagot naman ito ng pelikula sa pamamagitan ng karakter na buong husay na ginampanan ni Trillo. Ang Dakilang Pag-ibig ay tunay na pagmamahal dahil nagpaparaya, nagpapaubaya, nagsasakripisyo, umaako sa lahat ng kasalanan, nananatiling tapat, nagpapalaya, nagpapatawad at patuloy na tumatanggap sa minamahal.  Pinakita din ng pelikula ang dakilang pagmamahalan sa pamilya kung saan may pagmamalasakit, pagpapatawad, pagtanggap, pagtutulungan, kahandaang magsakripisyo at paglalaan ng panahon kung kinakailangan. Ito ay sa pagitan ng magulang at anak, stepmother at stepchildren, sa magkapatid, at kahit sa magkaibigan. Ang pagkakaroon ng matapat at mabuting kaibigan katulad ng pamilya ay kaloob ng Diyos na maaring gawing sandigan sa panahon ng pagkalito at pasakit. Ang isang tunay na kaibigan ay naglalaan ng oras para makinig nang walang paghuhusga sa halip ay hahangarin ang kabutihan para sa kaibigan. Sa kabuuan ay simple man ang kwento ng One Great Love ay may malalim itong mensahe tungkol sa pagmamahal at pakikipagrelasyon.  Gayunpaman, tumalakay din ito ng mga nakababahalang tema katulad ng casual pre-marital sex sa mga kabataan at ng pangangalunya ng taong may-asawa.  Samakatwiran mas akma ang panoorin ito sa mga taong may hinog na kaisipan.  Mapanganib panoorin ito ng mga kabataan nang walang gumagabay, pagkat maaaring tularan nila ang asawang nagtaksil sa paniniwalang patatawarin naman sila ng kanilang asawa. —IBD


Monday, January 21, 2019

Alpha: The Right to Kill


Director: Brillante Ma. Mendoza  Lead Cast: Allen Dizon, Elijah Filamor  Screenwriter: Troy Espiritu  Producer: Carlo Valenzona  Editor: Diego Marx Dobles  Musical Director: Diwa de Leon  Cinematographer: Joshua A. Reyles  Genre: Drama, Crime  Distributor: Memento Films  Location: Philippines  Running Time: 1 hr 35 min
Technical assessment: 3.5
Moral assessment: 2
CINEMA rating: V18
MTRCB rating: R16
Sa paglusob ng pulisya sa hideout ng big time drug dealer na si Abel (Baron Geisler), dalawang magkaibang karakter ang ipapakita ni Direktor Brillante Mendoza: ang parang huwarang alagad ng batas na si Police Sgt. Espino (Allen Dizon) at ang kaduda-dudang katauhan ng kanyang informant na si Elijah (Elijah Filamor). Sila ang nagbigay ng lead para sa operasyon, na magiging isang madugong engkwentro sa pagitan ng pulisya at mga tauhan ni Abel. Pagkatapos ng mahabang habulan at putukan, patay si Abel at ang kanyang mga kasamahan. Pero bago magsidatingan ang mga imbestigador sa crime scene, ipupuslit ni Espino at Elijah ang backpack ni Abel na naglalaman ng maraming pera at droga. Talamak pala sa kapulisan ang drug dealing, hanggang sa kasuluk-sulukan at katas-taasang hanay. Maraming buhay ang mauutas, maraming pamilya ang mananaghoy.
Andun ang tatak na handheld shots ni Mendoza. Pati ang claustrophobic medium at extreme closeups na minsan ay nakakahilo dahil sa madalas ng paggalaw ng kamera. Pero makakatulong yon para ipakita ang kaguluhan ng mundo ng droga. Kahit sa mga low light shots, makikita na maayos at malinis ang teknikal na pagkakagawa. Kaya naman ang raid scene sa kuta ni Abel ay talagang magpapakabog ng dibdib, at magpapatunay ng kalibre at maturity ni Mendoza sa paggawa ng pelikula. Huling-huli na sana ang atensyon ng manonood, pero babagal ang takbo ng istorya sa paghahambing sa buhay ni Espino at Elijah na parang maliligaw na sa kalagitnaan, at pahahabain pa ng mga eksenang puede namang hindi na ipakita tulad ng isa-isang pagkuha ng fingerprint sa bawat daliri sa kamay ng mga akusado. Oo nga at may magagandang eksena na talaga namang aantig sa puso ng manonood: ang desperasyon sa buhay ng mga mahihirap sa lipunan na nabaon sa droga. Ang panaghoy ng mga asawang naiwan ng mga biktima ng EJK, pati ang tulalang ina sa burol kanyang anak sa kalye. Pero kapos ang pelikula. Kung sinadya man ito ni Mendoza, gusto nating malaman kung bakit
Magandang naipakita ang pagiging mapagmahal na ama ni Espino, at ang pagiging maasikaso ni Elijah sa kanyang anak at asawa. Kung may aral mang mapupulot sa pelikula, iyon ay ang realisasyon na may mabuting mukha pa rin ang taong inaakala nating masama. Ito rin ang dahilan kung bakit di kami kampante sa pagtalakay ng pelikula sa tema. Kasi’y parang walang tensyon o pag-aalinlangan sa kalooban ng mga karakter. Para bang ipinanganak silang likas na masama. Nawala ang dalawang nag-uumpugang pwersa sa bawat tao: ang kabutihan at ang kasamaan. Sa bawat sandali, may pagkakataon tayong mamili sa dalawang pwersang ‘yan. Paulit-ulit din ang pagsambit sa di daw maiiwasang pagkamatay ng mga tao, may sala man o wala, dahil sa laban sa droga. Parang sinasabing dahil sa laganap na talaga ang droga, humanda na tayo sa pagdanak ng dugo. Pero yan ay mga impresyon lamang namin, dahil walang malinaw na mensahe ang pelikula na dapat sana, bilang isang uri ng literatura at komunikasyong panlipunan, ay tumulong sa paghugis ng pananaw ng publiko. Responsibilidad ng may akda, ng direktor, manunulat, at lahat ng bumubuo ng produksyon, na bigyan ng sapat na batayan ang manunood para makabuo ng opiniyon tungkol sa isyung tinatalakay nito. Sa ganang amin, hindi nagawa ito ng Alpha: The Right to Kill. Ipinakita nito ang isang mukha ng kapulisan, ang corruption at pagkagahaman, pero di nito ipinakita kung bakit nabubuyo ang mga karakter na gawin ang kanilang mga ginagawa. Halimbawa, bakit nagtutulak ng droga si Elijah, dahil ba sa kahirapan? Si Allen, bakit sya corrupt, dahil sa pamilya? Walang ganun, walang pagpapalalim ng pang-unawa. Parang naging isang dokumentaryo ang pelikula na nangiming magbigay ng komentaryo.MOE