DIRECTOR: Baby Ruth Villarama LEAD CAST: Rudelyn Acosta, Cherrie
Mae Bretana, Mylyn Jacobo, Hazel Perdido, Leo Selomenio PRODUCER: Chuck Gutierrez EXECUTIVE PRODUCERS: Ed Rocha,
Fernando Ortigas, Vincent Nebrida MUSIC
BY: Emerzon Texon FILM
EDITOR: Chuck Gutierrez GENRE: Documentary CINEMATOGRAPHER: Dexter Dela Peña PRODUCTON
COMPANY: Voyage Studios (Tuko Film, Buchi Boy Entertainment, Artikulo
Unos Productions) In association with Tokyo Documents DISTRIBUTED BY: Solar Entertainment COUNTRY: Philippines LANGUAGE: Filipino with
English subtitles RUNNING TIME: 95 minutes
Technical assessment: 3.5
Technical assessment: 3.5
Moral assessment: 3.5
CINEMA rating: V14
MTRCB rating: GP
Sa pangunguna ni Leo Selemenio, pinakikita sa pelikula na abala
ang mga OFWs sa Hongkong sa pagtatanghal ng taunang timpalak na Ms
Philippine Tourism 2015. Pawang mga babaeng domestic
helpers ang kalahok sa pagligsahang ito na aktwal na ginaganap sa
plaza kung saan nagtitipon ang mga OFWs turing Linggo—ang
araw
ng day-off
nila. Itinatampok sa dokumentaryo ang apat na taong pagsubaybay sa totoong
buhay ng mga OFWs na sina Rudelyn Acosta, Cherrie Mae Bretana, Mylyn
Jacobo, Hazel Perdido at ang organizer ng contest na si Leo,
pawang mga degree holders na namamasukan bilang mga kasambahay
sa Hongkong at sumusuweldo ng triple ng kita nila sa Pilipinas.
Isang dokumentaryo ang Sunday Beauty Queen na tumatalakay
sa totoong buhay ng mga tampok na OFWs sa Hongkong. Puno ng simbolismo ang
titulo ng dokumentaryo dahil bukod sa literal na tumutukoy ito sa timpalak
pagandahan ng mga Filipinang kasambahay ay marami pa itong pinatutungkulan
kaugnay ng kalagayan ng mga OFWs sa Hongkong. Malinaw na isang adbokasiya ang
dokumentaryo para maihatid sa kinauukulan ng dalawang bansa ang hinaing ng OFWs
para sa mas makatarungang pamamasukan. Tagumpay ang direktor sa paghahatid ng
patas na mensahe ng negatibo at positibo sa kalagayang ng OFWs sa pamamagitang
ng mga aktwal na kwento at ng pagtutok sa beauty contest at
sa organizer bilang tagapag-ugnay sa mga itinampok na OFWs.
Mainam din ang mga isinisingit na interviews
sa mga employer at nakatulong sa balance. Maganda ng mga kuha ng kamera
sa mga kaganapan sa Hongkong, sa mga detalye sa mga gawain ng mga Filipino
sa loob ng mga bahay ng kanilang mga amo, sa mga ensayo ng sayaw at production
performances, at sa sa tanungan portion
ng beauty contest. Epektibo din ang
mga inilapat na ilaw, tunog at musika, subali’t may konting sablay ang editing na naging sanhi ng mga eksenang
pinahaba, tuloy nakakainip ang naging dating.
Ang mga Filipino domestic helpers sa Hongkong ay pinupuri
nga mga employers sa kanilang sipag
at magandang serbisyo. Subalit mayroon din sa kanilang nakakaranas ng
pagmamalupit. Sa anumang kalagayan ay malaki ang naitutulong ng komunidad ng
mga Filipino workers sa Hongkong kung
saan nakakasumpong ng suportang moral ang bawa’t isa para kahit papaano ay
maibsan ang pangungulila sa mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas. Pagmamahal
sa pamilya ang dahilan kaya nagsasakripisyo ang isang kasapi nito—magulang man
siya o anak—para lumayo at magtrabaho sa ibang bansa tulad ng Hongkong kung
saan mas malaki ang kita at makakatugon sa mga pangangailangan at gastusin sa
Pilipinas. Nagkakaisa ang mga Filipino
workers sa motivation nilang ito
kaya nauunawaan nila ang isa’t isa. Sa ganitong
gawain ay mahalaga na may umaako ng catalytic role tulad ng
lesbianang si Leo na nakaisip magsaayos isang “event” na pagkakaabalahan ng mga
kapwa Filipino at magiging daan upang magkaugnay-ugnay sa pagharap sa mga hamon
ng buhay sa banyagang lugar.
Seryoso ang adbokasiya ng dokumentaryo at may malalim ang mga
emosyon na nais ipakita ito. Inilalahad
nito kung paano binibigyang-dignidad ng mga responsableng manggagawang
Pilipino ang kanilang trabaho sa pamamagitan ng dedikasyon, disiplina, malasakit,
at pagmamahal. Kinikilala ang kanilang kontribusyon sa ekonomiya ng Hongkong
dahil may nag-aasikaso sa domestic
concerns ng mga local nationals habang
malaya silang nakakapag-hanapbuhay. Protektado ng batas sa Hongkong
ang mga foreign workers sa
pagpapasahod at iba karapatan bilang manggagawa, subalit panawagan pa din na
tugunan ng polisiya na payagan ang stay-out
working arrangement, magtalaga ng saktong oras ng pagtatrabaho (sa halip na
24-oras na nangyayari sa kasalukuyan), at habaan ang 14 days extension na makahanap ng bagong trabaho samantalang
mayroon pang working permit. Maaaring ang tema at talakay ng Sunday Beauty Queen ay hindi maging
interesante sa mga bata; nangangailangan ng paggabay ng hinog na isipan ang mga
menor-de-edad na manonood para mas maging makabuluhan ang pelikula para sa
kanila.