DIRECTOR: Dan Villegas LEAD CAST: Sarah Geronimo, Piolo Pascual, Rio Locsin, Dennis Padilla,
Diego Loyzaga, Maris Racal, Anna Luna, Teddy Corpuz, Cris Villonco, Badji
Mortiz, Jet Pangan SCREENWRITER: Antoinette Jadaone
PRODUCER: Malou N. Santos, Charo Santos-Concio, Vic
Del Rosario Jr. GENRE: Drama, Music, Romance
CINEMATOGRAPHER: Dan Villegas DISTRIBUTOR: Star
Cinema and Viva Films LOCATION: Philippines RUNNING TIME: 115 minutes
Technical
assessment: 3
Moral
assessment: 3
MTRCB rating: PG 13
CINEMA rating: V
14 (Viewers age 14 and abov
Nag-aaral
ng abogasya si Trixie David (Sarah Geronimo) bilang pagsunod sa kagustuhan ng
mga magulang (Dennis Padilla at Rio Locsin), ngunit musika ang kanyang hilig at
pangarap. Pinagbigyan siyang sumali sa isang music camp kung saan nakilala niya si Gino Avila (Piolo Pascual) na
isang musikero. Kinumbinse ni Gino si Trixie na maging miyembro ng Pencil Grip na banda niya. Tuluyan nang
huminto sa pag-aaral si Trixie at gumawa sila ni Gino ng magandang musika.
Nagtagumpay ang banda nila ngunit umiral ang pagka-insecure ni Gino nang makita
nitong laging pinupuri si Trixie. Parang nasasapawan na siya ni Trixie kaya’t ipinagtulakan
niya itong palayo. Pagkalipas ng tatlong taon, muli silang inanyayahang
mag-perform na magkasama. Makakaya bang magpatawad ni Trixie? Magkakabalikan pa
kaya sila?
Magkasama
sa unang pagkakataon sina Sarah Geronimo at Piolo Pascual sa Breakup Playlist. Mahusay silang
magsiganap bilang Trixie at Gino, at kahit malayo ang agwat ng edad ay
kapani-paniwala ang kanilang chemistry,
at ang kanilang musika. Nagpakita ng higit na galing sa pag-arte si Geronimo sa
pagsasabuhay ng kanyang papel. Makabuluhan din ang pagganap ng mga supporting actors
na nagbigay ng kabuuan sa mundo ng mga pangunahing tauhan. Kakaibang love story
ang Breakup Playlist, salamat sa
malikhaing panulat ni Antoinette Jadaone, na nakilalang direktor sa That Thing Called Tadhana. Simpleng
kuwento ng pag-ibig na magsisimula sa breakup bago makita ng manonood kung paano
ito nagsimula. Maraming memorable dialogue at nakakatuwa din ang paggamit ng
mga titolo ng CD albums sa kanilang pag-uusap. Akma ang musika kaya lang ay
sobrang lakas ng volume nito. Mahusay ang paggamit ng flashback kaya lang ay parang pilit ang
conclusion. Kapansin-pansin ang somber at dramatic lighting ng pelikula, na
ibang-iba sa mga romance movies, na bumagay naman sa takbo at timbre ng
istorya. Kaya lang, bakit napakaraming product/service endorsement na halatang
isiningit at wala namang kaugnayan sa kwento?
Makatotohanan
ang paglalarawan ng pamilya sa Breakup
Playlist. Nariyan ang pagsisikap ng mga magulang upang maging maganda ang
kinabukasan ng anak, ang mga pangarap na nasawi, ang hangganan ng pagpapaubaya,
at ang pagpapatawad. Makikita rin ang kapusukan ng kabataan sa kabila ng
kagustuhang tumalima sa magulang, at ang pagtugon sa sariling pangarap at
hilig. Bahagi ng responsibilidad ng magulang at ng mga anak ang linangin at
pagyamanin ang anumang kagalingan/talent na ipinagkaloob sa iyo. Isinabuhay rin
dito ang karaniwang insecurity ng kalalakihan – ang kahirapang tumanggap sa
galing at tagumpay ng kababaihan, na para bang kumpetisyon ang buhay. Ipinapakita
rin na sa anumang relasyon, kailangan ang pagkilala at pagtanggap sa sariling
kahinaan at pagkakamali, ang pagpapakumbaba ubang humingi ng tawad at ang pagpapatawad.
Sa
kabila ng magagandang aral na napapaloob sa pelikula, iminumungkahi ng CINEMA
na mga kabataang mula sa edad na 14 lamang at pataas ang manood nito dahil sa
tema, at sa subliminal suggestion na
OK lang na magsama ang magkasintahan bilang mag-asawa na hindi ikinasal.