Thursday, January 5, 2017

Ang Babae sa Septic Tank 2: Forever is Not Enough

Direction: Marlon Rivera; Lead cast: Eugene Domingo, Kean Cipriano, Cai Cortez, Joel Torre, Jericho Rosales, Agot Isidro; Story/Screenplay: Chris Martinez, Marlon Rivera; Editing : Marya Ignacio; Cinematography: Lee Briones; Producer:Chris Martinez, Marlon Rivera; Music: Von de Guzman; Location: Metro Manila, Baguio; Genre: Comedy/Satire; Distributor: Quantum Films
Technical assessment: 3 
Moral assessment: 3 
CINEMA rating: V14  
Pagkatapos ng limang taon at ang award-winning na pelikulang "Walang-wala"muling magkikita at maaring magsama sa isang pelikula sina Direk Rainer (Cipriano) at Eugene Domingo (Domingo) sa isa na namang pelikula na pinamagatang "The Intinerary". Ang dating tahimik na si Jocelyn (Cortez) ay madaldal na Line Producer. Ang kwentong "The Itinerary" ay hango sa kasalukuyang pinadaraanang problema ni Rainer at ng kanyang asawa at dapat sanang paraan niya upang maayos ang gusot sa kanilang relasyon. Kaya naman puspsan ang bagbantay ng direktor na hindi malihis ang kwento. Pero sa isip ni Domingo, sapat na ang inaning tagumpay at parangal ng isang indie film at panahon na para gumawa sila ng pelikulang kikita sa takilya sa paraang kabisado at hinahanap ng mga manunuod. 
Mahirap iwasang hindi ihambing ang pelikulang ito sa naunang Ang Babae sa Septic Tank kaya naman medyo malata at kapos sa talim ang mga patama ng mga eksena. Kung ang una ay patutsada sa makasariling ambisyon ng mga Indie filmmakers, ngayon naman ay pambabatikos sa mga nauusong romcom (romantic comedyna kabisadong-kabisado na ang mga sangkap na papatok sa takilyaAndun pa rin naman ang mga “quotable quotes” at "hugot lines"pero masyado nakasalalay ang pelikula kay Domingo at sa script na halos hindi mo na maaninag ang pananaw ng direktorAt dahil sumasapaw ang presensya ni Domingo sa mga eksenahindi na rin maramdaman ang pinagdaraanang kirot ni Rainer na dapat sanang gigising sa kamalayan ng mga tao na may katotohanan palang nais iparating sa likod ng komedya. Sa kabuuannakakaaliw pa rin ang pagganap ni Domingo at sakto naman ang mga hirit ni Cortez at TorreSulit naman ang panunuod kung hindi mo gagawing batayan ang talino sa pagkakagawa ng naunang pelikula. 
Ang pelikulang Ang Babae sa Septic Tank 2: Forever is Not Enough ay hindi tungkol sa relasyon nina Rainer at ng kanyang asawa o ang pagbabalik pelikula ni Domingo. Ito ay isang pagbatikos sa kababawan ng mga manunuod na patuloy na tumatangkilik sa mga naka pormulang palabas para lamang matawakiligin at magbayad ng P250 sa panandaliang pagtakas sa lupit ng buhayWika nga ni Domingo, bakit gagastos ang tao para lang manuod ng paghihirap at lungkot. Pero sa kabilang dako namankailangang bang isakripisyo ang sining  at malikhaing pagpapahayag para lamang kumita sa takilya? Ang magandang tanong ng CINEMA, para kanino ang paggawa ng isang pelikula? Para sa mga manunuod na gustong takasan ang katotohanan at mabuhay sa pantasya sa loob ng dalawang oras? Kung ganon ay dapat nga sigurong maging mala-rosas ang pananaw para naman may pagtakas sa mundomatalino man ito o mababaw O para ba ito sa pagpapahayag at paglikha ng obra? Kung gayon ay nasa kamay ng direktor kung ano at papaano ipalalabas ang nasa isip niyamaintindihan man ito ng tao o hindi. Kaya lang ang pelikula sa ngayon ay para sa mga namumuhunanKailangang tumabo sa takilyaKailangang pilahan at kumita. At dahil sa ganitong pananawwalang usapan ng sining o damdamin 
Kung magiging masusi ang mga nanonood ng Septic Tank 2 ay dapat silang lumabas sa sinehan ng nakatungo dahil isa itong pagsampal sa nagiging kultura nila bilang manunuodat mangako sa sarili na sa susunod at pipiliin na nila ang mga tatangkiliking palabas. 

Wednesday, January 4, 2017

Kabisera

DIRECTOR:  Real Florido, Arturo San Agustin  LEAD CAST:  Nora Aunor, Ricky Davao, JC De Vera, Jason Abalos, RJ Agustin  SCREENWRITER:  Real Florido  PRODUCER:  RJ Agustin  EDITOR: Tara Illenberger  MUSICAL DIRECTOR:    Vincent de Jesus  GENRE:  Sociopolitical drama  CINEMATOGRAPHER: Topel Lee  DISTRIBUTOR: Firestarters Manila Productions Inc.  LOCATION:  Philippines LANGUAGE: Pilipino with English subtitles RUNNING TIME: 110 minutes
Technical assessment: 2.5
Moral assessment:  2
CINEMA rating:  V18
Tampok sa Kabisera ang pamilya de Dios na pinamumunuan ng amang si Tunying (Ricky Davao), isang barangay captain, at ng kanyang maybahay na si Mercy (Nora Aunor).  Tipikal na middle class family sila, iminumulat nila ang kanilang mga anak nang matapat, magalang sa nakatatanda, may magandang asal, at nagpapahalaga sa pamilya.  Karamihan ng enkuwentro ng buong pamilya ay nangyayari habang nasa hapag-kainan sila: si Tunying ang nakaupo sa kabisera, sa kanyang kamay ay si Mercy, sa kaliwa ay ang panganay na lalaking si Andy.  Mapagmahal subali’t  marunong manindigan si Mercy bilang ina’t asawa; hindi siya kayang “paikutin” ng sinuman sa pamilya niya.  Si Tunying naman ay larawan ng ulirang lingkod-bayan—matulungin, masayahin, madaling lapitan, walang bahid dungis sa trabaho, at deboto sa pamilya.  Ngunit may kaaway na lihim si Tunying.  Makakaligtas siya sa dalawang beses na tangka sa kanyang buhay; sa ikatlo’y makikitil na siya.  Dito lulutang ang pagkamatatag ni Mercy bilang isang biyuda.  Sa gitna ng imbestigasyon sa masalimuot na pagpaslang kay Tunying, aakuin ni Mercy ang luklukan ng yumaong asawa—ang kabisera.
Matayog ang lipad ng Kabisera.  Diumano’y hangad nitong tumbukin ang isyu ng EJK (Extra Judicial Killings) sa ating lipunan sa kasalukuyan, pero sablay ang pagtalakay nito sa isyu.  Sa pagbubukas pa lamang ng pelikula—kung saan ang magnanakaw at papatay ay siyang mga ninakawan at pinatay gawa ng kanilang katangahan—ay malilito na ang manonood.  Ginawa nitong katatawanan ang temang “riding in tandem”, natanggal tuloy ang pangil ng halimaw na ito, ika nga.  Mahirap maki-simpatiya sa pamilya de Dios gawa ng malabnaw na pagganap ng karamihan sa mga batang aktor, at ng pagsasalarawan ng karakter ni Davao bilang katangi-tanging public servant—“too good to be true”, mawiwika mo.  Tila ang karakter lamang ni Aunor ang maituturing na kapani-paniwala, pero sa malas, kahit anong galing ng arte ni Aunor, hindi nasagip nito ang pelikulang nalunod sa sarili niyang ambisyon.  Masyadong maraming butas ang istorya, at sa dami ng gusto nitong sabihin, sumabog ito at nagkulang sa focus.  Sa tayog ng lipad, sumemplang.

Sinadya kaya ng direktor na “palabuin” ang karakter ni Tunying para pag-isipin ang manonood kung makatarungan ang kanyang sinapit?  (Eh bakeeeet?)  Masasabi mo ba tungkol kay Tunying, “Buti nga sa kanya, dahil santo-santito-yun-pala-maldito siya, salbahe!”?  Biktima ba si Tunying ng EJK tulad ng paniwala ng kanyang pamilya?  O nasambot ba ni Mercy ang pahiwatig ng kapatid ni Tunying na maaaring may sala rin si Tunying?  Paano pa man pagtatagni-tagniin ng manonood ang Kabisera, tiyak na lalabas ang ilang malalagim at makukulay na katotohanan sa ating lipunan: 1)  maraming napapahamak dahil sa maling akala;  2) super-kupad ang pag-usad ng paglilitis sa Pilipinas;  3) ang hustisya ay hindi tungkol sa tama o mali kungdi sa husay ng tao sa manipulasyon;  4) ang katotohanan ay kinukulapulan ng “technicalities” para mabansot ang imbestigasyon ng krimen; 5) napakadaling kumuha ng palsong testigo upang idiin ng kapulisan ang nasasakdal; 6) hindi dalisay ang pagdamay ng tao sa kapwa—gamitan lang.

Oro

DIRECTOR: Alvin Yapan  LEAD CAST: Irma Adlawan, Joem Bascon, Mercedes Cabral  SCREENWRITER:  Alvin Yapan  EXECUTIVE PRODUCER:  Feliz Guerrero, Mark Sandii Bacolod  PRODUCER:  Wimpy Fuentebella  GENRE:  Sociopolitical drama  DISTRIBUTOR: Feliz Film Productions  LOCATION: Caramoan, Camarines Sur  RUNNING TIME: 110 minutes
Technical assessment: 3
Moral assessment: 2.5
CINEMA rating: V14
Hindi lahat ng kumikinang ay ginto—sa Oro, ang obrang pambato ni Alvin Yapan sa MMFF 2016—"dugo ang kulay ng ginto".  Ang Oro ay isang malikhain at makatotohanang pagsasadula ng “Gata 4 Massacre” na naganap noong 2014 sa isang isla ng Caramoan, Camarines Sur.  Ilampung taon nang pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga-Gata, pero kapag mahina ang huli, nagkakabod (gold panning) sila. Sa Oro, kahit na lugmok sa kahirapan, tahimik at payapa ang buhay nila sa pamumuno ni Kapitana (Irma Adlawan) at ng kanyang kanang kamay na si Elmer (Joem Bascon). Bigla na lang silang bubulabugin ng mga armadong lalaki na kasama sa tinatawag na Patrol Kalikasan (Environmental Patrol). Pagbabawalan silang magkabod dahil diumano’y nakasisira sila ng kalikasan at waa silang maipakitang permit, subalit di maglalaon, ang mga patrol mismo ang magkakabod at magpapatuloy ng operasyion ng ball mill. Sisikapin ni Kapitanang kumuha ng permit, habang ang ilan sa mga taga-Gata, dahil sa pangangailangang buhayin ang pamilya, ay mapipilitang magtrabaho sa ilalim ng kapangyarihan ng mga patrol. Pagkatapos ng apat na buwan, makakamtan ni Kapitana ang permit mula sa DENR, nguni’t hindi ito pahahalagahan ng lider ng patrol.  Lilisanin ng patrol ang isla nang may bantang magbabalik upang gumanti.  Isang gabi, nag-iinuman ang mga minero pagkatapos ng isang nakakapagod na araw sa pagkakabod, lulusob ang mga armadong patrol at walang-awang pagbababarilin sila ng mga ito.
Simple at natural ang pagganap ni Adlawan bilang Kapitana. Kapani-paniwala din si Bascon bilang Elmer at si Cabral bilang kasintahan nito. Sa katunayan, nagtagumpay ang buong cast na ipakita ang buhay at pamayanan ng Gata, Caramoan, pati na ang dynamics at interaction ng bawat isa. Nakatulong nang malaki ang pagsama ng mga mamamayan ng Gata sa mga nagsiganap upang maging higit na makatotohanan ang pelikula. Sadyang hindi rin ipinakita ni Yapan ang kariktan ng Caramoan upang mabigyan ng higit na pansin ng manonood ang kahirapan ng mga naninirahan doon, ang paniniil ng mga makapangyarihan, ang hindi pagpansin sa kanilang pagdurusa, at ang mahabang proseso ng pagmimina ng ginto. Payak ang storyline at ang dialogue, walang “hugot lines” at melodrama ngunit puno ng simbolismo: ang timbang ng ginto, ang mga aso, ang kwento ng mga mangingisda, ang apoy, etc., na humahamon sa manonood na mag-isip at manindigan.
Hanggang ngayon ay hindi pa nabibigyan ng katarungan ang apat na minerong pinaslang sa Gata noong Marso 22, 2014. Buong tapang na binigyan sila ni Yapan ng pagkakataong makapagsalita sa pelikulang ito sa pagkukwento ng kanilang naudlot na buhay at gumuhong mga pangarap. Ipinapakita ng Oro ang payapang pamumuhay ng mga dukha na puno ng pagmamalasakit, pangangalaga at pagdamay sa isa’t isa. Tulad ng pangingisda sa dagat, ang pagmimina ng ginto ay hanapbuhay para sa pang-araw-araw na pangangailangan. Walang nagmamay-ari ng minahan kundi ang buong bayan, ang barangay. Dahil sa kasakiman hindi lang sa kayamanan kundi pati na rin sa kapangyarihan at karahasan, ay dumaloy ang dugo sa Gata. Patuloy na nagaganap ang pagtapak sa mga dukha sa ating panahon at hinahamon tayo ng pelikula na harapin ang ating pagka-makasarili, pagpapabaya, at pagwawalang-bahala. Umiigting sa galit ang Oro at tinatanong tayo nito: Ano ang tama at mali? Alin ang mas mahalaga sa batas, ang pangalagaan ang kalikasan o ang karapatan ng tao? Ano ang katarungan? Para ba ito sa lahat, pati na ang mga dukha? Ano ang kapangyarihan?  Ito ba’y pag-aari ng may mga baril lamang?  Ano ang magagawa ko?  Matindi ang mga temang tinatalakay sa pelikulang ito lalu na’t napakaraming mga “hinihinalang suspek” ngayon ang basta na lang binabaril o pinapatay. Marahas at madugo ang pagpaslang sa mga minero ng Gata na hanggang sa ngayo’y nagpaparamdan at sumisigaw ng KATARUNGAN!  Mananatili ba tayong bingi?

Vince & Kath & James

DIRECTOR: Theodore Boborol  LEAD CAST: Julia Barretto, Joshua Garcia, Ronnie Alonte, Maris Racal  SCREENWRITER: Daisy G. Cayanan, Kim R. Noromor, Anjanette M. Haw  PRODUCER:  ABS CBN Film Productions     GENRE:  Romantic-Comedy  CINEMATOGRAPHER:  Gary Gardoce  DISTRIBUTOR:   Star Cinema  LOCATION:  Philippines  RUNNING TIME:   1 hour, 56 minutes
Technical assessment: 3.5
Moral assessment: 3
CINEMA rating: V13
Si Vince (Joshua Garcia) ay may matinding crush kay Kath (Julia Barreto) na kanyang kaklase ngunit dahil sa mababa nitong self-esteem, idadaan na lang muna niya sa kanyang blog ang kanyang nararamdaman. Sa blog na ito ay follower si Kath. Asar si Kath kay Vince sapagka’t lagi siya nitong binubuska. Matindi naman ang crush ni Kath sa varsity player na si James (Ronnie Alonte) na lingid sa kanyang kaalaman ay pinsan at kababata ni Vince. Malaki ang utang na loob ni Vince sa pamilya ni James sapagka’t sila na ang kumukop at nagpaaral dito buhat nang ito’y mag-high school at halos talikuran ng kanyang ina sa dahilang siya ay anak sa pagkakasala. Halos magkapatid na ang turingan nina Vince at James. Sapagkat nagiging kilala na rin sa campus si Kath sa pagiging Ms. Engineering, natipuhan din ito ni James. Aminadong torpe si James kaya’t hihilingin niya kay Vince na ito ang manligaw kay Kath sa pamamagitan ng pagse-send ng mga anonymous text messages. Labag man sa kanyang kalooban, mapapa-oo si Vince. Mahuhulog ang loob ni Kath kay James gawa ng mga texts ni Vince na paniwala niya ay galing kay James. Papayag itong makipagkita at magkakakilala sila ni James at magkakamabutihan hanggang maging silang dalawa na. Ngunit paano na kaya si Vince? Wala na kaya siyang pag-asa na makatuluyan si Kath?
Hindi na bago ang kuwento ng Vince & Kath & James ngunit hindi maitatanggi na nagawa nitong bigyan ng bagong bihis ang tila gasgas nang tema sa mga romcom. Updated at makabago ang naging pamamaraan ng pelikula sa pagtalakay ng mga concerns ng kabataan sa kasalukuyang panahon na kung tawagin ay mga millennials . Nariyan ang blogging at social media na talaga namang malaki ang impluwensiya sa mga kabataan. Maging ang pinaghanguan ng kuwento ng pelikula na Vince & Kath ay isang social serye. Kaya’t kung tutuusin ay talagang hindi orihinal ang kuwento. Subalit sadyang may matinding charm ang pelikula na dulot marahil ng maayos na pagkakadirehe at mahusay na pagganap ng mga aktor. Napakahusay ni Garcia sa pelikulang ito at angkop na angkop sa kanya ang katauhan ni Vince. Mahuhusay rin sina Barretto at Alonte. Bihira sa isang pelikula ang makakaya kang sabay na  patawanin, pakiligin, paiyakin at paisipin—ngunit nagawa ito ng Vince & Kath & James.

Makabuluhan ang mga inihain na saloobin ng Vince & Kath & James ukol sa mga millennials—ang kanilang mga damdamin at kung paano nila pinahahalagahan ang relasyon sa gitna ng pag-usbong ng teknolohiya. Ipinakita sa pelikula na bagama’t ang mga millennials ay nai-in-love sa pamamagitan ng text at impluwensiya ng social media, hindi pa rin nito isinasa-isang tabi ang kahalagahan ng personal ng pagkikilala at sinseridad ng pagkatao. Ang tunay na relasyon ay hindi pa rin maaring mag-survive ng pa-text-text lang kundi kailangan pa rin ang mainit na presensiya, atensiyon at panahon. Nagbalat-kayo man si Vince sa simula, ito ay katanggap-tanggap sa kinasadlakan niyang sitwasyon. Mababa ang kanyang self-esteem dahil sa kanyang nakaraan at karanasan. Ngunit kahanga-hanga ang kanyang positibong pananaw sa buhay—isang magandang halimbawa ito sa mga millennials na madalas ay emo (emotional)  at suicidal ang peg sa buhay na akala mo’y pasan na ang daigdig. Ano mang bagong teknolohiya pa ang umusbong, sinasabi ng pelikula na maraming bagay pa rin ang hindi magbabago sa paglipas ng panahon—ang kahalagahan ng relasyon, pagiging tapat, pagmamahal at pamilya ay mananatili. At mayroon ding matututunan sa mga millennials na ito—ang pagiging matapang sa pagsasabi ng saloobin at ang mabilis nilang pagpapatawad at pag-move-on sa buhay. Mga bagay na sadyang mahirap gawin ng kanilang mga lolo’t lola na laging nakaabang sa sasabihin ng kapitbahay, panay ang pagkapit sa mga gawi  “noong araw” at nagging gawi na rin ang pagtatanim ng sama ng loob. Dahil usaping crushes, lovelife at family life ang pelikula, nararapat pa ring gabayan ng mga mga magulang ang kanilang mga anak 13 taon pababa sa panonood nito. 

Tuesday, January 3, 2017

Saving Sally

Direction: Avid Liongoren; Cast: Rhian Ramos, Enzo Marcos, TJ Trinidad; Story: Screenplay: Charlene Sawit-Esguerra; Cinematography: Odyssey Flores, Rommel Sales;  Editing: Jether Amar, Jethro Razo; Production Design: Rommel Laquian, Erik Manalo; Music: Mikey Amistoso; Producers: Catherine Jacques, Alain de la Mara, et al Genre: Romance-Fantasy:  Location: Manila; Distributor: Paramount Pictures  Running Time: 90 minutes
Technical assessment: 3
Moral assessment: 3
CINEMA rating: V14
MTRCB rating: PG
Sally (Ramos) is a geeky gadget inventress whose parents are just overly protective. Marty (Marcos) is her cartoonist best friend who sees the world crawling with monsters. Between encounters, we realize that Sally is physically abused by her parents and she feels that her only way out is marrying Nick (Trinidad) her narcissistic older boyfriend. Because Sally is not allowed to have a relationship, much more have dates, Marty acts as Sally and Nick’s go-between—which breaks Marty’s heart because he secretly loves her. Meanwhile, Marty tries to finish his story and realize his dream of publishing his illustrated comic book in color.
Saving Sally is the type of movie which grows on you. It starts slow and feels like an ordinary boy-likes-girl story until you have followed Marty and Sally enough to realize that the clumsy sweetness is a prelude to the poignant situation Sally is in. The animation is wonderfully creative. The attention to detail—from the different symbols on Marty’s perennial white and green shirt that reflect his mood to the quirky monsters lurking in the background to the whimsical names of establishments—reveal the thought process that went into the production.  And the movie would not have reached that level of endearment if told in plain live action. Sadly, Marcos’ performance falls flat with his limited facial expression and monotone delivery of lines. The production design helps but the animated Marty interacts better than the live one. Sally’s character is underdeveloped. Her quirky genius at creating a-la-Inspector Gadget contraptions feels out of place with her simplistic analysis that marriage to a guy she barely knows is the way to get out from her abusive parents. Both the resolution and ending feel rushed after all the struggles of the characters. A two-minute or so animation to explain how Sally finally escapes her parents and develops a relationship with Marty does not justify the more than an hour build-up. Over-all, the movie is not perfect but the technical lapses could be set aside because it successfully brings the message in the most novel and creative presentation.

To see Saving Sally as merely a romantic story will be too simplistic because the core is not really about how they will end up together but how Sally will be free and Marty will be able to fulfill his knight-in-shining-armor fantasy. As the title hints, Sally—our damsel—is in trouble and needs saving. The question is from whom? From what? Our knight-in-shining-armor protagonist says from monsters lurking all around. He cleverly observes that monsters are everywhere and concludes that as long as they do not bother him, he can let them be. Are these the monsters that our sweet Sally needs saving from? Yes, she needs to be saved from monsters, but the monsters are not just the bad people who want to hurt or take advantage of her but also the monster of stereotyping. Just because she is the daughter does not mean she has to live through her adopted parents’ cruelty. Just because she is a girl does not mean a man will sweep her off her feet and rescue her through marriage. Sally is supposed to be smart and creative yet she never used them to see through her options. In a way, it sends the wrong impression for girls. On the other hand, sub-themes like friendship and consequences of parents being too strict on their daughters are also tackled.  Saving Sally, although wholesome and animated, will be better suited for older teenagers.

Seklusyon

DIRECTOR: Erik Matti  LEAD CAST: Rhed Bustamante, Ronnie Alonte, Neil Ryan Sese, Phoebe Walker  SCREENWRITER: Anton Santamaria  PRODUCERS: Erik Matti, Ronald 'Dondon' Monteverde  MUSIC BY: Francis De Veyra  FILM EDITOR: Jay Halili   GENRE: Horror  DIRECTOR OF PHOTOGRAPHY: Neil Derrick Bion  PRODUCTION DESIGNER: Ericson Navarro  PRODUCTON COMPANY: Reality Entertainment   COUNTRY: Philippines  LANGUAGE: Tagalog  RUNNING TIME: 1 hour & 28 minutes
Technical assessment: 3.5
Moral assessment: 2.5
CINEMA rating: V14
Taong 1947, sa kaligitnaan ng ikalawang digmaang pandaigidig at kapanahunan ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas, ipinakita ang isang rituwal na kailangang pagdaanan ng isang deakonong Katoliko bago siya ordinahan bilang pari—ang Seklusyon. Pitong araw silang ipapadala sa isang liblib na lugar at kabahayan upang doon subukin sila at patatagin sa gitna ng hamon ng mga demonyo. Si Miguel (Ron Alonte) ay magdadaan sa rituwal na ito. Habang sa isang kalapit-baryo naman ay may sinasamba ng marami, si  Anghela (Rhed Bustamante)—isang batang nagpapagaling ng mga may karamdaman. Naniniwala ang mga tao na ang kanyang kakayahang gumawa ng himala ay galing sa Diyos lalo pa’t kasama niya sa  kanyang gawain ang isang madre sa katauahan ni Madre Cecilia (Phoebe Walker). Habang si Padre Ricardo (Neil Ryan Sese) naman ay ipinadala sa lugar upang imbestigahan kung si Anghela nga ba talaga ay karapat-dapat na ituring na isang buhay na santa. Isang trahedya sa pamilya ni Anghela ang magtutulak sa kanilang dalawa ni Madre Cecilia na mamalagi sa bahay-seklusyon. Dito lalong masusubok ang katatagan ni Miguel ng kanyang mga kasamang deakono. Mapagtatagumpayan kaya nila ang napipintong panganib kasabay ng pakikipaglaban nila sa kani-kaniyang pang-personal na demonyo ng kanilang nakaraan at kasalukuyan? Sinasabing maraming hindi nakakayanan at natatagalan ang seklusyon. Kabilang kaya sila sa susuko?

Kung pag-uusapan ang sining ng pelikula, isang matagumpay na obra ang Seklusyon. Nagawa nitong ilahok ang lahat ng kapuri-puring sining at talento sa isang pelikula. Napakahusay ng pagkakatagni-tagni ng kuwento at mga tauhan. Ang disenyo ng produksiyon ay tunay na kahanga-hanga. Tagumpay ito sa paglikha ng nakakapanindig-balahibo at nakakatakot na kapaligiran. Maayos ang daloy ng kuwento, mahuhusay ang mga aktor na nagsiganap at talagang akma ang kanilang mga karakter sa kanilang kakayanan bilang mga artista. At higit sa pagiging katatakutan, may lalim na nais ipahiwatig ang pelikula. Hindi lang nito basta tinatakot ang manonood, bagkus pinagsusuri at pinag-iisip niya ito, bagay na bihira mo nang maranasan sa isang pelikula lalo pa’t kung pananakot lamang ang layunin nito. Sa kabuuan ay masasabing sulit na panoorin ang Seklusyon bagama’t pihadong mag-iiwan ito ng isang malaking debate tungkol sa pananampalatayang Katolika.
Sa simula’y tila lantaran ang pambabatikos ng pelikula sa Simbahan—mula sa sakramentong hindi akma ang paggamit at pagtanggap, hanggang sa mga kilalang sagradong  imahen na pinalalabas na pinamamahayan ng mga demonyo. Pero bilang isang kathang-isip, dapat suriing mabuti ang kabuuan ng pelikula at kuwento upang mapagtanto kung may layon nga bang gawing sakrilehiyo at wasakin ng pelikula ang institusyon ng Simbahang Katolika sampu ng pananampalataya at debosyon ng karamihan sa kasapi nito. Ang kabuuang tema ng pelikula ay umiikot sa ideya na ang mga sagradong lugar, imahen, konsepto, idolohiya at institusyon ay maari ring mapamugaran at pamahayan ng mga demonyo. Mapapaisip ang manonood na maaaring paraan din ng demonyo na sakupin ang sanlibutan sa pamamagitan ng paghahasik ng kasamaan sa loob ng Simbahan. Maaring may punto—marami nga namang ipokrito sa simbahan at nagkalat din ang mga banal na aso at santong kabayo. Nariyan din ang mapanuksong paraan ng demonyo na nagsasabing walang gawang masama—ang lahat ay “nauunawaan ng Diyos”. Nariyan din ang mga huwad na propetang mag-aanyong santo at papalabasin na ang ginagawa nila ay milagro ngunit ang kapangyarihan pala nila ay galing sa demonyo.
Sadyang napakahirap maging isang Katoliko—tampulan ng batikos, tudlaan pa ng tukso. Marahil sinasabi ng pelikula na panahon na upang suriin ang ating pananampalataya at maging mapanuri kung ano ang tunay na gawang mabuti at masama. Lalo’t higit na nararapat paglabanan ay ang mga demonyo sa kalooban ng bawat isa—mga lihim na kasalanan—ang pagiging makasarili at gamahan; ang pagtakas sa pananagutan; ang pagbabalat-kayo, at hindi pagpapatawad.

-->
Sa bandang dulo ng kwento ay tila nagtagumpay ang demonyo—ngunit hindi. Sinasabi lamang ng pelikula na patuloy pa rin ito kaya dapat na maging mapag-matyag tayo. Marahil, sadyang nakababahala lang ang paggamit sa mga sagradong imahe bilang simbolo ng katatakutan, at labis na nakababahala rin na tila sa gitna ng lakas ng demonyo, ay hindi ito natapatan ng kapangyarihan ng kabutihan. Pero maaring panggising din ito sa ating kamalayan bilang mga Katoliko—na ang demonyo ay nananatili sa ating paligid at darating ang panahon na sila’y magtatagumpay kung wala tayong gagawin, kung magkikibit-balikat na lamang tayo, at hahayaan na mamayani ang kasamaan. Kung mananatili tayong mangmang sa ating pananampalataya at magpapatuloy sa mala-paganong mga gawain, binibigyan natin ng pagkakataon ang demonyo na tayo ay sakupin--isang tunay na nakaambang panganib sa ngayon kung saan ang lipunan ay hindi na marunong kumilala ng tama at mali.  Ang Seklusyon ay inilugar sa panahon ng digmaan—marahil nais nitong sabihin na ang digmaan ng kasamaan at kabutihan ay hindi pa rin natatapos magpahanggang sa kasalukuyan. May bigat at lalim ang mga tema na ito kaya’t nararapat lamang ang pelikula sa mga manonood na edad 14 pataas.  At kahit sa anong gulang ng manonood, makikinabang sila sa wastong paliwanag mula sa mga hinog na isipan.

Monday, January 2, 2017

Sunday Beauty Queen

DIRECTOR: Baby Ruth Villarama  LEAD CAST: Rudelyn Acosta, Cherrie Mae Bretana, Mylyn Jacobo, Hazel Perdido,  Leo Selomenio  PRODUCER: Chuck Gutierrez  EXECUTIVE PRODUCERS: Ed Rocha, Fernando Ortigas, Vincent Nebrida  MUSIC BY: Emerzon Texon  FILM EDITOR: Chuck Gutierrez  GENRE: Documentary  CINEMATOGRAPHER: Dexter Dela Peña  PRODUCTON COMPANY: Voyage Studios (Tuko Film, Buchi Boy Entertainment, Artikulo Unos Productions)  In association with Tokyo Documents  DISTRIBUTED BY: Solar Entertainment  COUNTRY: Philippines  LANGUAGE: Filipino with English subtitles  RUNNING TIME: 95 minutes 
Technical assessment:  3.5
Moral assessment: 3.5
CINEMA rating: V14
MTRCB rating: GP 
Sa pangunguna ni Leo Selemenio, pinakikita sa pelikula na abala ang mga OFWs sa Hongkong sa pagtatanghal ng taunang timpalak na Ms Philippine Tourism  2015.  Pawang mga babaeng domestic helpers ang kalahok sa pagligsahang ito na aktwal na ginaganap sa plaza kung saan nagtitipon ang mga OFWs turing Linggo—ang araw ng day-off nila. Itinatampok sa dokumentaryo ang apat na taong pagsubaybay sa totoong buhay ng mga OFWs na sina Rudelyn Acosta, Cherrie Mae Bretana, Mylyn Jacobo, Hazel Perdido at ang organizer ng  contest na si Leo, pawang mga degree holders na namamasukan bilang mga kasambahay sa Hongkong at sumusuweldo ng triple ng kita nila sa Pilipinas.  
Isang dokumentaryo ang Sunday Beauty Queen na tumatalakay sa totoong buhay ng mga tampok na OFWs sa Hongkong. Puno ng simbolismo ang titulo ng dokumentaryo dahil bukod sa literal na tumutukoy ito sa timpalak pagandahan ng mga Filipinang kasambahay ay marami pa itong pinatutungkulan kaugnay ng kalagayan ng mga OFWs sa Hongkong. Malinaw na isang adbokasiya ang dokumentaryo para maihatid sa kinauukulan ng dalawang bansa ang hinaing ng OFWs para sa mas makatarungang pamamasukan. Tagumpay ang direktor sa paghahatid ng patas na mensahe ng negatibo at positibo sa kalagayang ng OFWs sa pamamagitang ng mga aktwal na kwento at ng pagtutok sa beauty contest  at sa organizer bilang tagapag-ugnay sa mga itinampok na OFWs. Mainam din ang mga isinisingit na interviews sa mga employer at nakatulong sa balance. Maganda ng mga kuha ng kamera sa mga kaganapan sa Hongkong, sa mga detalye sa mga gawain ng mga Filipino sa loob ng mga bahay ng kanilang mga amo, sa mga ensayo ng sayaw at production performances, at sa sa tanungan portion ng beauty contest. Epektibo din ang mga inilapat na ilaw, tunog at musika, subali’t may konting sablay ang editing na naging sanhi ng mga eksenang pinahaba, tuloy nakakainip ang naging dating.  
Ang mga Filipino domestic helpers sa Hongkong ay pinupuri nga mga employers sa kanilang sipag at magandang serbisyo. Subalit mayroon din sa kanilang nakakaranas ng pagmamalupit. Sa anumang kalagayan ay malaki ang naitutulong ng komunidad ng mga Filipino workers sa Hongkong kung saan nakakasumpong ng suportang moral ang bawa’t isa para kahit papaano ay maibsan ang pangungulila sa mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas.  Pagmamahal sa pamilya ang dahilan kaya nagsasakripisyo ang isang kasapi nito—magulang man siya o anak—para lumayo at magtrabaho sa ibang bansa tulad ng Hongkong kung saan mas malaki ang kita at makakatugon sa mga pangangailangan at gastusin sa Pilipinas. Nagkakaisa ang mga Filipino workers sa motivation nilang ito kaya nauunawaan nila ang isa’t isa.  Sa ganitong gawain ay mahalaga na may umaako ng catalytic role tulad ng lesbianang si Leo na nakaisip magsaayos isang “event” na pagkakaabalahan ng mga kapwa Filipino at magiging daan upang magkaugnay-ugnay sa pagharap sa mga hamon ng buhay sa banyagang lugar.
Seryoso ang adbokasiya ng dokumentaryo at may malalim ang mga emosyon na nais ipakita ito.  Inilalahad nito kung paano binibigyang-dignidad ng mga responsableng manggagawang Pilipino ang kanilang trabaho sa pamamagitan ng dedikasyon, disiplina, malasakit, at pagmamahal. Kinikilala ang kanilang kontribusyon sa ekonomiya ng Hongkong dahil may nag-aasikaso sa domestic concerns ng mga local nationals habang malaya silang nakakapag-hanapbuhay.  Protektado ng batas sa Hongkong ang mga foreign workers sa pagpapasahod at iba karapatan bilang manggagawa, subalit panawagan pa din na tugunan ng polisiya na payagan ang stay-out working arrangement, magtalaga ng saktong oras ng pagtatrabaho (sa halip na 24-oras na nangyayari sa kasalukuyan), at habaan ang 14 days extension na makahanap ng bagong trabaho samantalang mayroon pang working permit.  Maaaring ang tema at talakay ng Sunday Beauty Queen ay hindi maging interesante sa mga bata; nangangailangan ng paggabay ng hinog na isipan ang mga menor-de-edad na manonood para mas maging makabuluhan ang pelikula para sa kanila.