Tuesday, October 25, 2016

Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend?


DIRECTOR:  Jun Robles Lana  LEAD CAST:  Anne Curtis, Dennis Trillo, Paolo Ballesteros  GENRE:  Romantic Comedy  PRODUCTION COMPANY:  Viva Films  COUNTRY:  Philippines  LANGUAGE: Filipino  RUNNING TIME: 102 minutes
Technical assessment: 3
Moral assessment: 2
CINEMA rating:  V14
MTRCB rating: PG
Dalang-dala na si Kylie (Anne Curtis) sa pagkakatuklas na ang mga nagiging boyfriend pala niya ay bakla.  Ipinagyayabang ni Kylie sa kanyang boss na isa ring bakla, si Benj (Paolo Ballesteros), na batikan na siya sa pag-“amoy” ng “kloseta” (mula sa “closet queen” o mga baklang nagkukubli), kaya’t maingat na niyang kinikilatis ngayon ang mga lalaking nagkakagusto sa kanya.  Balik naman sa eksena ang kababata at “forever crush” ni Benj na si Diego (Dennis Trillo) na malapit nang ikasal kay Fiona (Yam Conception).  Mula pa sa pagkabata nila ay ipinalagay na ni Benj na “kabalahibo” niya si Diego, kaya sobra siyang nagtataka kung bakit ikakasal ito sa isang babae.  “Ipapaamoy” ni Benj kay Kylie si Diego, at ipagpipilitan naman ni Kylie na nakikitaan niya ng mga palantandaang bakla si Diego—pero hindi naman mapaglalabanan ng dalaga ang damdamin niya para sa makisig at mabait na si Diego. 
Hindi maiiwasang ihambing ang Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend? sa The Third Party, isang hilaw na dramang kinasasangkutan din ng mga bakla, pagka’t sabay pang ipinapalabas ang dalawa ngayon sa mga sinehan.   Pero dahil siguro rom-com ang Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend? ay lumabas na higit itong nakakaaliw, dagdag pa sa mas mahusay nitong pagkaka-edit.  Maayos na nagampanan ng tatlong pangunahing artista ang kani-kaniyang mga papel, bagama’t hindi ito maituturing na pambihirang tagumpay pagka’t wala namang malaking hamon ito sa kanilang kakayahang umarte.  
Sa kabila ng kanyang pamagat, hindi tungkol sa pag-iibigan ng mga bakla ang pelikula bagama’t hitik ito sa kabaklaan mula eksena hanggang ekstra.  Sa katunayan, may buntong-hiningang hugot ang tanong ng pamagat na tila nagpapahiwatig na dumarami na yata ang mga binabae sa ating lipunan.  Ang kuwento ng pag-iibigan sa Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend? ay higit na nakatutok sa pag-aasawa ng isang lalaki at isang babae—inaanyayahan nito ang manunood na pag-isipan o suriin ang mga dahilan kung bakit pumapasok sa kasal ang magkasintahan.  Dahil sa ikinikilos ng nobya na mauuwi sa pag-urong ng kasal, matatanto ng nobyo na magkaiba pala sila ng pangarap sa buhay.  Ang happily-ever-after-ending ay nasa pormula ng mga pelikulang gustong mabigay-hilig sa nagbabayad na publiko, at sa dulo ng Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend? ay kapuna-puna ang dami ng mga tauhang guwapo’t macho pero namimilantik ang hinliliit.  Tanong tuloy ng CINEMA, “Bakit ang Lahat ng Pinoy Movies Ngayon, May Bakla?”

Wednesday, October 19, 2016

The Third Party

-->
DIRECTOR: Jason Paul Laxamana  CAST:  Angel Locsin, Sam Milby, Zanjoe Marudo, Matet De Leon,  Cherry Pie Picache  WRITER: Charlene Sawit-Esguerra & Patrick John Valencia  STORY:  Enrico Santos  CINEMATOGRAPHY: Dexter Dela Pena  EDITOR: Noah Tonga  MUSIC: Jesse Lasatin  PRODUCER:  ABS CBN  DISTRIBUTOR:  Star Cinema  GENRE:  Romance Dramedy  LOCATION : Philippines  LANGUAGE:  Filipino
RUNNING TIME: 119 mins.
Technical assessment:  3
Moral assessment:  2
CINEMA rating:  V18
MTRCB rating:  R13
Sabay na magtatapos sa kolehiyo na puno ng pangarap ang magkaklase at magkasintahan na sina Andy (Angel Locsin) at Max (Sam Milby). Subalit lingid sa kaalaman ni Andy ay nakapasa pala sa scholarship sa ibang bansa si Max at doon magpapatuloy ng kursong medisina. Hindi ito matatanggap ni Andy at magpapasya itong mag-break na lamang sila bago umalis ni Max. Kapwa sila masasaktan sa pasyang ito, pero hindi ito magiging hadlang para magpatuloy sila sa kani-kanilang buhay. Makalipas ang ilang taon ay magbabalik si Max sa bansa at kokontakin si Andy. Masaya si Andy sa balita at may pananabik na makikipagkita nga siya sa dating nobyo, subalit ang pananabik ay mapapalitan ng pagkabigla at dismaya dahil malalaman niya na bakla na si Max at kasama ang karelasyon niyang si Christian (Zanjoe Marudo) na ipapakilala pa sa kanya. Kaalinsabay nito ay iba pang tila kamalasang darating sa buhay ni Andy—iiwan siyang buntis ng boyfriend at business partner at tatangayin pa nito ang opisyal na pondo ng opisina para sa event project nila.  Masisisante siya sa trabaho, palalayasin siya sa inuupahang apartment dahil di siya makakabayad—nangangailangan pa naman siya ng malaking halaga para sa placement fee niya pagpunta sa Australia. Sa kagipitan tatakbo siya kay Max para humingi ng tulong na di naman siya mabibigo dahil mismong si Christian ang umakong sasagutin ang lahat ng pangangailangan niya sa pera sa kondisyong ipapaampon ni Andy sa kanila ang ipinagbubuntis nito.

Maayos ang build-up ng mga tauhan sa kwento ng Third Party. Hindi tipikal na love triangle  ang pelikula katulad ng karaniwang ipinapakahulagan sa cliché na “third party.”  Bagamat magiging predictable ang wakas, kaabang-abang pa din ang naging trato ng direktor sa mga eksena. Mahusay ang mga pagganap ng halos lahat ng pangunahin at katulong na artista. Lutang na lutang sa pagganap ni Locsin ang background ng karakter ni Andy. At natural na lumabas ang pagkaasiwa niya sa mga eksena ng relasyon ng dalawang bakla.  Nakakaaliw ang disensyo ng produksyon gayundin ang make-up at costume.  Mahusay ang mga kuha sa loob o labas ng bahay at sa mga detalye dito, sa mga clothing designs, at mga pagpapakita ng emosyon na masaya, masakit, malungkot, pagkabigla, pagkainis, pagsisisi, atbp.  Tama lamang ang mga pag-iilaw pati mga tunog na nilapat. Sa kabuuan ay maayos ang teknikal na aspeto ng pelikula, maliban lamang sa labis na mahahabang eksena ng pag-uusap sa isang banda, at sa kabila nama’y kulang na pagpapalalim ng usapan o pagpapaliwanag sa mga desisyon, tulad ng napakabilis na reconciliation ng mag-ina.  Madalas sa pelikula ang paggamit ng luha (ng babae man o bakla) upang isaad ang nararamdaman—sa ganang CINEMA, hindi bale sanang mababaw ang luha basta’t malalim ang pinanggagalingan.  Hindi namin nakita ang lalim na iyon, pagka’t parang minamadali ang mga eksenang magbibigay-katarungan sa bumabahang luha.

Hindi maiaalis na maghihinakit ang anak sa magulang na nag-abandon sa kanya.  Sa Third Party, tila pinalalabas na ito ang isang dahilan kung bakit tinatanggihan ni Andy ang pagbubuntis niya.  Bagama’t ito may may base sa mga totoong nangyayari, hindi ito ang dapat gawing “excuse” sa pagbubuntis nang wala sa panahon, sa pag-ulit ng kuwento ng pagkakamali ng magulang sa anak, sa pagtigas ng puso sa inang nagsusumamo.  Si Andy, kung hindi pa nabuntis, minalas-malas at nagipit, ay hindi lalapit sa ina. Isa pang mensahe ng The Third Party ay: katanggap-tanggap  ang relasyon ng dalawang kapwa lalaki at mag-asam na umampon ng sanggol upang makabuo ng pamilya.  Maaari nilang samantalahin ang sitwasyon ng isang taong nangangailangan upang matugunan ang pag-aasam na ito.
Napakabilis din ng pakikipagpalagayang-loob ni Andy kay Max na first love at first heartache pa man din niya, matapos siyang gulantangin nito sa balitang siya’y isa nang bakla.  Mahalaga sa mga Pilipino ang delikadesa, ngunit ang pagsunggab ni Andy sa alok na set-up ni Christian ay hindi nagpapakita ng delikadesa—sagot ninyo lahat ng gastos at luho ko, sige, inyo na baby ko.  Para bang “if the price is right, go!”  Halata na wala sa bokabularyo ng pelikulang ito ang delikadesa dahil nakatutok ito sa mensahe ng acceptance kaya pinalalabas na normal na sitwasyong ito.  Turo ng ating Simbahan ang pagtanggap sa kapwa anuman ang pagkatao o sexual orientation, pero hindi ibig sabihin ay katanggap-tanggap na din ang mga gawaing taliwas sa karapat-dapat.  Sensitibo ang mga temang tinalakay sa pelikula—teenage marriage, premarital sex, abortion, same sex relationship at adoption—at dahil idinaan sa komedya ang mga maseselang bahagi ng pelikula, maaring makalito ito sa mga murang isipan.  Nang manood ang CINEMA, napuna naming magkahalo ang reaksiyon ng mga tao sa paghahalikan ng dalawang lalaki—may tumitili, may nagsasabi ng “Kadiri!”  Ngunit sa parteng nadatnan ni Andy sa nakaka-kompromisong posisyon sa kama, nagtawanan lamang ang audience sa inarteng reakisyon ni Locsin.  Maging pamanuring manonood tayo.  Hindi lahat ng nakakatawa ay katawa-tawa.

The Girl on the Train

Direction: Tate Taylor; Cast: Emily Blunt, Rebecca Ferguson, Haley Bennett, Justin Theroux, Luke Evans; Story based on the novel by Paula Hawkins with the same title; Screenplay: Erin Cressida Wilson; Cinematography: Charlotte Christensen; Editing: Michael McCusker, Andrew Buckland; Music: Danny Elfman; Producers: Marc Platt; Genre: Mystery;  Location: New York; Distributed :Universal Pictures  Running Time: 112 minutes;  
Technical assessment: 3.5 
Moral assessment: 2  
CINEMA rating: V18 
MTRCB rating: R16 
Rachel (Blunt) has turned to alcohol after she learns she is sterile. She has frequent blackout which, according to her husband Tom (Theroux), brings out a destructive monster in her. She believes that these caused Tom to cheat on her with his real estate agent Anna Boyd (Ferguson) and eventually divorce her. Rachel aimlessly spends her day riding a train that passes by their old house. As she looks through the train window, she fantasizes of a perfect marriage represented by Tom’s neighbor Megan (Bennett) and Scott (Evans). Her illusion is shattered when she witnesses what seems to be a betrayal of Megan and ultimately leads her to confront her own pain. In reality however, Scott is aggressive and controlling while Megan is detached and unfaithful. But the bigger secret is revealed when Megan mysteriously disappears and Rachel struggles to find out the truth behind the crime and about her marriage. 
The Girl on the Train is an adaptation of Paula Hawkin’s book with the same title.  While movie’s narrative explores the struggles of motherhood and a scorn woman’s pain, it remains hollow and stereotyped. Weaving through time achieves a sense of mystery as realities unfold, the shallowness of characters make it quite predictable. Theroux’s Tom was a giveaway and Bennett’s Megan was too well polished to be relatable. However, Blunt pulls through and delivers a profoundly multi-faceted performance. Editing is well paced and pieces a seamless storyline told from three perspectives in distorted timelines. Production design and other artistic components are well placed, neither takes away or adds any other value other than being part of the narrative’s text. While director Tate Taylor constantly fills the screen with close ups and tight shots, the claustrophobia does not deliver enough mystery or tension. The film’s first half is a bit too confusing and the second half a bit too obvious for it to rank among the must-see book-turned-film genre. 

The Girl on the Train paints a portrait of broken marriages, domestic abuse, promiscuity, deception, substance abuse, and violence. Even for the more mature viewer, this might not be the best choice for a weekend entertainment because while it poses to explore the struggles of wives who are abused physically and emotionally, it negates to make a stand against the abusive husbands and stereotyping of society. It justifies alcoholism and promiscuity with marital and motherhood issues. The final act moves from self defense to vengeance yet is presented in a manner that satiates one's lust for violence as manifested by the low chuckles as the reaction of majority of the viewers. This final scene makes an immoral statement, and confuses with justified self defense, making it more dangerous. A certain degree of maturity and grounding in morality is needed to be able process the theme, particularly the way by which the conflict is resolved.