DIRECTOR: Jun Robles Lana LEAD CAST: Anne Curtis, Dennis Trillo, Paolo Ballesteros GENRE: Romantic Comedy PRODUCTION COMPANY: Viva Films COUNTRY: Philippines LANGUAGE: Filipino RUNNING TIME: 102 minutes
Technical
assessment: 3
Moral
assessment: 2
CINEMA rating:
V14
MTRCB rating: PG
Dalang-dala na si Kylie (Anne Curtis) sa
pagkakatuklas na ang mga nagiging boyfriend
pala niya ay bakla. Ipinagyayabang ni
Kylie sa kanyang boss na isa ring
bakla, si Benj (Paolo Ballesteros), na batikan na siya sa pag-“amoy” ng
“kloseta” (mula sa “closet queen” o mga baklang nagkukubli), kaya’t maingat na
niyang kinikilatis ngayon ang mga lalaking nagkakagusto sa kanya. Balik naman sa eksena ang kababata at
“forever crush” ni Benj na si Diego (Dennis Trillo) na malapit nang ikasal kay
Fiona (Yam Conception). Mula pa sa
pagkabata nila ay ipinalagay na ni Benj na “kabalahibo” niya si Diego, kaya
sobra siyang nagtataka kung bakit ikakasal ito sa isang babae. “Ipapaamoy” ni Benj kay Kylie si Diego, at ipagpipilitan
naman ni Kylie na nakikitaan niya ng mga palantandaang bakla si Diego—pero
hindi naman mapaglalabanan ng dalaga ang damdamin niya para sa makisig at
mabait na si Diego.
Hindi maiiwasang ihambing ang Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend? sa The Third Party, isang hilaw na dramang kinasasangkutan din ng mga bakla, pagka’t sabay pang ipinapalabas ang dalawa ngayon sa mga sinehan. Pero dahil siguro rom-com ang Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend? ay lumabas na higit itong nakakaaliw, dagdag pa sa mas mahusay nitong pagkaka-edit. Maayos na nagampanan ng tatlong pangunahing artista ang kani-kaniyang mga papel, bagama’t hindi ito maituturing na pambihirang tagumpay pagka’t wala namang malaking hamon ito sa kanilang kakayahang umarte.
Sa kabila ng kanyang pamagat, hindi tungkol sa pag-iibigan ng mga bakla ang pelikula bagama’t hitik ito sa kabaklaan mula eksena hanggang ekstra. Sa katunayan, may buntong-hiningang hugot ang tanong ng pamagat na tila nagpapahiwatig na dumarami na yata ang mga binabae sa ating lipunan. Ang kuwento ng pag-iibigan sa Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend? ay higit na nakatutok sa pag-aasawa ng isang lalaki at isang babae—inaanyayahan nito ang manunood na pag-isipan o suriin ang mga dahilan kung bakit pumapasok sa kasal ang magkasintahan. Dahil sa ikinikilos ng nobya na mauuwi sa pag-urong ng kasal, matatanto ng nobyo na magkaiba pala sila ng pangarap sa buhay. Ang happily-ever-after-ending ay nasa pormula ng mga pelikulang gustong mabigay-hilig sa nagbabayad na publiko, at sa dulo ng Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend? ay kapuna-puna ang dami ng mga tauhang guwapo’t macho pero namimilantik ang hinliliit. Tanong tuloy ng CINEMA, “Bakit ang Lahat ng Pinoy Movies Ngayon, May Bakla?”