Monday, September 10, 2012

Bwakaw



Cast: Eddie Garcia, Rez Cortez, Armida Siguion-Reyna, Gardo Verzosa, Luz Valdez, Soxy TopacioDirector: Jun Robles Lana Screenplay:  Jun Robles Lana; Producer: Antonio Tuviera; Running Time: 110 minutes; Genre: Drama; Location: Philippines

Technical Assessment: 3.5
Moral Assessment: 2.5
CINEMA Rating: for viewers 14 and above

Si Rene (Eddie Garcia) ay 70-taong-gulang na nang matanggap sa sarili ang pagiging bakla.  Ngayon, siya’y nabubuhay nang mag-isa matapos pumanaw ang kanyang ina.  Sa kanyang palagay ay wala na siyang dahilan upang  maging masaya sa buhay sapagkat buong buhay niya, siya ay nagbalat-kayo at huli na ang lahat para sa kanya.  Dahil dito’y pinaghahandaan na lang niya ang kanyang kamatayan.  Naka-kahon na ang lahat ng gamit sa kanyang bahay at may listahan na rin siya ng kanyang mga huling habilin.  Maging ang kanyang kabaong na nabili niya noong ito’y naka-sale ay ipinauwi na rin sa kanyang bahay sapagkat magsasara na ang binilhan niyang punenarya.  Ang tanging kasama na lamang ni Rene sa buhay ay ang napulot na asong pinangalanan niyang Bwakaw.  Bagama’t sa simula’y di alam ni Rene kung paano ito mamahalin, kalauna’y ito na ang kanyang magiging matalik na kaibigan.  Magsisimulang  magbago ang pagtingin ni Rene sa buhay nang magkasakit si Bwakaw ng cancer.  Kasabay nito’y makakatagpo siya ng bagong pag-ibig sa katauhan ng tricycle driver na si Sol (Rez Cortez).  Sa unang pagkakataon, haharapin ni Rene ang buhay sa halip na kamatayan.  Ngunit ito kaya’y magtatagal?
Isang nakakaaliw na panoorin ang pelikulang Bwakaw.  Swabe ang hagod ng mga eksena at malinaw ang daloy nito na sumasalamin sa uri ng pamumuhay sa mga karatig-nayon sa Pilipinas.  Naipakita ng pelikula ang bibihirang tapat na pagsasalarawan ng pamumuhay ng isang komunidad sa bandang lalawigan.  Payak at ang tanging yaman lamang ng mga tao ay ang makabuluhang relasyon at pagkakaibigan.  Ngunit ang tunay na hiyas ng pelikula ay ang mga nagsigananap dito na pinangungunahan ng batikang si Eddie Garcia na nagwagi bilang pinakamahusay na aktor para sa pelikulang ito sa ginanap na Cinemalaya.  Bagama’t wala nang kailangan pang patunayan ang isang Eddie Garcia, nagawa niyang buhayin ang katauhan ni Rene nang hindi kinakailangang maging stereotyped.  Kakaibang lalim at natural na atake ang pinairal ni Garcia dito at nararapat lamang ang tinanggap niyang pagkilala.
Ang Bwakaw ay tumatalakay sa isang buhay na puno ng maraming pagsisisi.  Pagsisisi sa inaakalang pagbabalatkayo at pagkakakulong sa isang pagkataong taliwas sa tunay na kagustuhan.  Resulta’y isang buhay na nababalot ng matinding kalungkutan.  Sinasalamin ng pelikula ang karamihan sa kinatatakutan ng mga tao—ang tumanda at tumandang nag-iisa.  Kapag pinagsama ang dalawang ito, tiyak na magiging miserable ang buhay ng isang tao hanggang kamatayan.   Hindi rin naman ito nangangahulugang tama at totoo.  Nang makatagpo si Rene ng pagmamahal ay nagbago naman ang kanyang pananaw, ‘yun nga lang, ipinakita pa ring nakasalalay sa ibang tao ang kanyang kaligayahan.  Ang pagiging miserable ni Rene ay nag-uugat sa kanyang maling pagtingin sa sarili, sa mundo, sa buhay at sa simbahan.  Kung tutuusin ay walang dahilan si Rene na magalit sapagkat naging mabuti naman ang buhay para sa kanya.
Nakababahalang pawang ang simbahan at ang mga turo nito ukol sa homosekswalidad ang itiniturong ugat ng pagiging miserable ni Rene.  Hindi nagbago ang kanyang pagtingin ukol dito hanggang sa huli bagama’t bukas ang simbahan na siya ay tanggapin.  Marahil ay pinatigas at minanhid na siya ng panahon at talagang nagsara na ang kanyang puso’t isip sa paniniwalang hindi siya pinaboran ng Diyos kahit kailan.  Kita naman sa pelikula na patuloy pa rin si Rene sa paghahanap ng tunay na kaligayahan at paunti-unti naman ay natutunan na niyang muling manalangin.  Maaring matagal pa, malayo at di-tiyak ang landas na tatahakin ni Rene, ngunit ang mahalaga’y nanatiling may pag-asa.  Kasama na diyan marahil ang pag-asang matagpuan niya ang tunay na kapayapaan at kasiyahan sa pagtanggap niya sa pagmamahal ng Diyos na nakahandang tumanggap sa kanya maging ano at sino pa man siya.  Sa bandang huli’y maaari ding isipin na hindi kaya naging “bwakaw” lamang si Rene sa pagmamahal sa kanyang sarili kung kaya’t di na niya nakita ang lahat ng pagmamahal na nakapaligid sa kanya?

Monday, September 3, 2012

Hope Springs


LEAD CAST:  Meryl Streep, Tommy Lee Jones, Steve Carell, Elizabeth Shue DIRECTOR:  David Frankel  SCREENWRITER:  Vanessa Taylor   PRODUCER:  Todd Black, Guymon Casady  EDITOR:  Steven Weisberg  MUSICAL DIRECTOR: Theodoro Shapiro  GENRE: Drama RUNNING TIME: 100 minutes  CINEMATOGRAPHER:  Florian Ballhaus  LOCATION:  USA  DISTRIBUTOR:  Columbia Pictures


Technical Assessment:  4
Moral Assessment:  4
CINEMA rating:  V18 

Every morning, Kay (Meryl Streep) makes breakfast for her husband Arnold (Tommy Lee Jones)—a strip of bacon, an egg, coffee.  Every morning, Arnold eats his breakfast with his face buried in  a newspaper.  Then he goes off to work.  Every night after a quiet dinner, Kay washes the dishes while Arnold falls asleep watching TV golf.  She wakes him up, they go to bed—in separate bedrooms.  Once she primps up and visits him in his bedroom in a clumsy attempt at marital closeness, but he deflects her touches, saying he doesn’t feel well.  Kay knows that something is missing, sorely missing, in their 31-year-old marriage.  Not just the children, laughter, or fights, but something that used to hold their marriage together: intimacy.
Tired of getting impersonal anniversary gifts from Arnold—like a heater, a cable TV subscription, and other unromantic items for the house—Kay signs up for an Intensive Couples Counseling week with celebrity marriage counselor Dr. Bernie Feld (Steve Carell) in Great Hope Springs, Maine.  She pays $4,000 out of her own savings and buys round trip plane tickets for two.  Scoffing at the idea as a waste of money, the penny-pinching Arnold quips “Cancel it!” but Kay, resolute and hoping against hope—is going, with or without Arnold.
Hope Springs is NOT a comedy.  It is basically a two-actor drama, and a compelling one though with a hint of the comic—no mean thanks to the directorial skills of David Frankel, the same guy who helmed The Devil Wears Prada.  The perfect pairing of Meryl Streep and Tommy Lee Jones provides the spine of the movie.   Streep is, of course, an actress nonpareil, and here, again, she virtually becomes the character she reprises.  Lee Jones on the other hand outperforms himself as he gives life to a character so untypical of his other roles.
The theme of Hope Springs, which Vanessa Taylor’s script masterfully developed without reducing the film into soft porn, is marital intimacy, or the near death of it, and how it is revived through therapy evoking long gone memories of satisfying union.  The heart of the story is the counseling done behind closed doors with the therapist delving into the sexual history of the dying marriage.  Carell rightfully projects a no-nonsense, no holds barred therapist here, stimulating and facilitating interaction between the estranged couple.  What is spoken and spoken about in the therapist’s clinic, and what is done by the couple inside the bedroom upon his instructions, are serious stuff that serves more to instruct than to entertain.  While Hope Springs attempts to include light moments (sometimes bordering on the naughty) in order to appeal to a wider audience, and MTRCB rates it R-13, CINEMA staunchly puts its foot down and gives it a Strictly for Adults rating, for its theme and graphic sexual content.
Couples married “too long” may relate to Kay and Arnold’s situation, and vicariously learn from the counseling they go through, thus CINEMA suggests you catch the movie, which is a statement upholding marriage.  Its message is loud and unequivocal as delivered in Dr. Feld’s website where he tells people who want to save their marriage, “It's not too late for anyone who truly wants it and is willing to try.”  The very title Hope Springs is more than the name of a town in Maine, USA; it is also an echo of the saying “Hope springs eternal in the human breast.”


Guni-guni


Cast: Lovi Poe, Jaime Fabregas, Gina Alajar, Julia Clarete, Neil Ryan Sese, Empress, Benjamin Alves; Director: Tara Illenberger.  Screenplay: Tara Illenberger;  Running Time:110 minutes; Location: Manila; Genre: Horror.

Technical Assessment:  2.5
Moral Assessment:  3
CINEMA Rating:  For Viewers 14 years old and above

Si Mylene (Lovi Poe) ay nag-aaral ng medisina at nakatira sa isang boarding house na pagmamay-ari ni Tatay Nanding (Jaime Fabregas) na mayroong sakit na kalimot. Sa boarding house ay sinasabing maraming multong nagpaparamdam at nagpapakita. Ito ay pinapatotohanan ng kaibigan niyang si Joana (Empress) at nobyong si Paolo (Benjamin Alves) na may nakikitang multo sa anyo ng isang bata. Lingid sa kanilang kaalaman, sa boarding house ay maraming nakabaong  lihim na magsisimulang mahukay nang ang nagmumulto ay magalit at maghiganti dahil sa kasalanang nagawa ni Mylene.  Kasabay nito ay ang unti-unting pagka-bunyag ng pinakatatagong lihim ni Mylene patungkol sa kanyang di-nakilalang kakambal.
Hindi malinaw ang daloy ng kwento ng Guni-Guni.  Marami itong butas at katanungan na hanggang sa huli ay hindi nasagot.  Kalat at sabog-sabog ang kuwento na kung saan-saan lumilihis at hindi makapagdulot ng paliwanag.  Animo’y binuo ito sa mga  pinagtagpi-tagping elemento mula sa iba’t-ibang nakalipas na pelikula—isa na sa mga elementong ito ay ang paulit-ulit na pagpapakita ng mga manyikang watak-watak.  Oo nga’t tumatayong  mga simbulo ito ng isang mahalagang bahagi ng istorya, ngunit lumabis naman ang paggamit dito ng pelikula kaya’t nababawasan ang “kilabot effect” nito sa kabuuan ng palabas.  Nasayang ang kahusayan ng mga artistang nagsiganap. May mga ilang eksenang katakutan na nakaka-aliw ngunit ang karamihan ay pawang kakatwa. Ang ilang special effects ay masagwa ang pagkakagawa. May mangilan-ngilan ding gulat ang pelikula na nararapat sa pelikulang horror pero ang lahat ng ito ay sayang sa kabuuang kaguluhan ng kwento.
Bagama’t talamak sa “gimmick” ang Guni-guni, hindi nito natabunan ang pahatid sa isip ng kuwento.  Sa kabila ng kakulangang teknikal ng pelikula ay may malinaw naman itong mensahe ukol sa pagpapahalaga sa buhay ng isang tao magmula pa sa sinapupunan. Sinasabi ng pelikula na hindi dapat ang tao ang nagdedesisyon patungkol sa buhay at kamatayan. Kapag ito ay nangyari, may mga kaluluwang hindi matatahimik at magdudulot ito ng kapahamakan.  Sa kasasagsagan ng mga debate ngayon ukol sa RH Bill at sa gitna ng maraming batikos ng Simbahang Katoliko ukol sa paninidigan nito laban dito ay narito ang isang pelikulang gigising sa ating guni-guni na nagsasabing hindi kailanman magiging tama ang pagpatay sa ano pa mang dahilan at maging sa ano pa mang pamamaraan.  Ang buhay ay buhay at dapat itong ipagsanggalang at pangalagaan—dapat ipagpasa-Diyos kung sino ang dapat na mabuhay o mamatay. May ilang maseselang eksena nga lang sa pelikula kaya minarapat ng CINEMA na ito ay maaari lamang mapanood na mga may gulang 14 pataas.


Wednesday, August 29, 2012

The Campaign


CAST:  Zach Galifianakis, Will Ferrell, Jason Sudeikis, Katherine LaNasa, Dylan McDermott, John Lithgow, Dan Aykroyd, Brian Cox. SCREENPLAY: Chris Henchy, Shawn Harwell STORY:  Adam McKay, Chris Henchy, Shawn Harwell MUSIC: Theodore Shapiro  PRODUCER: Jay Roach, Adam mckay, Will Ferrell  CINEMATOGRAPHY: Jim Denault EDITING:  Craig Alpert Studio, Gary Sanchez Productions, Everyman Pictures DISTRIBUTOR Warner Bros. Pictures RUNNING TIME: 85 minutes LOCATION: United States LANGUAGE: English

Technical:  3
Moral:  2.5
CINEMA rating:  V18

Incumbent Cam Brady (Will Ferrell) is running as North Carolina congressman for the nth time.  With his formula “America, Jesus, Freedom”, he is confident he will win, not only because he is actually running unopposed, but also because he is determined to squash would be opponents the dirty way.  But he is exposed when he picks up the phone and leaves an amorous and obscene message to his mistress, unaware he has dialed a wrong number.  The number is that of an ultra-pious Christian family, then having dinner with the children when his XXX-rated message is recorded in the answering machine.  The parents, of course, are horrified, and a scandal is born.  Brady’s campaign manager (Jason Sudeikis) tries to straighten things up but billionaire business honchos who decide the fate of politicians behind the scene, the Moch Brothers (Dan Aykroyd and John Lithgow) withdraw their support of Brady and back another candidate, Marty Huggins (Zach Galifianakis), the wimpy director of the local tourist center.
The Campaign is dyed-in-the-wool satire, mimicking real life’s electoral processes.  Director Jay Roach does a snappy, never-a-ho-hum-moment critique of America’s political scenario, propped and spiced by the all-too-familiar fare: the image-bashing videos, mudslinging, cut-and-dried speeches, babies to hug and kiss, tyrannical campaign managers, power brokers, the pet dogs, the works.  Roach so exaggerates the obvious that some viewers will probably cringe at the unexpectedly vulgar footages—but, just like in love and war, all is fair in the spoof kingdom, especially when the target of the darts is politicians.  The sets, wardrobe, music, cinematography, and the minimal CGI (the punch landing on the baby’s face can’t be real!) all combine to create a movie that will leave the adult audience hooting and cackling the whole time.  Special mention goes to the two leads, Galifianakis and Ferrell, doing parts quite a distance from their usual roles.
If there’s one worthwhile thing about spoofs, it’s their educational value.  Like The Campaign, which is a sharp satire about elections in a country supposed to be a world power.  Movies like this do not educate you outright, but they tease and tickle, prick and prod, until the responsive viewer takes a long hard look at the truths they veil in hyperbole and laughter.  Beneath the comedy mask worn by The Campaign, is the face—the face covered with grime, blood and maggots—of politics.  Coming out of the theater, a youth, not yet of voting age, asks his elder companion, “How can the world be a better place when those who want to have the power to change it play dirty themselves?”  Well, my boy, that is politics.