Wednesday, May 23, 2018

Deadpool 2



DIRECTOR: David Leitch  LEAD CAST: Ryan Reynolds, Josh Brolin, Stefan Kapicic (voice)Zazie Beetz, Julian Dennison  SCREENWRITERS: Rhett Reese, Paul Wernick, Ryan Reynolds  PRODUCERS: Simon Kinberg, Ryan Reynolds, Lauren Shuler Donner  EDITORSCraig Alpert, Elísabet Ronaldsdóttir, Dirk Westervelt  MUSICAL DIRECTOR: Tyler Bates  GENRE: Fantasy/Science Fiction  CINEMATOGRAPHER: Jonathan Sela  DISTRIBUTOR: Warner Bros.  LOCATION: British Columbia, Canada  RUNNING TIME: 119 minutes 
Technical assessment4 
Moral assessment2.5 
CINEMA ratingV18 
MTRCB ratingR16 
The guy who played Thanos in The Avengers is back, but this time, he’s not Thanos but grief-stricken Cable (Josh Brolin) who returns from the future to exterminate young Russel (Julian Dennison). The boy it turns out is to become the ruthless Firefist who will kill Cable’s family and many othersBut mercenary assassin turned superhero with a foul-mouth and sick humor Wade aka Deadpool (Ryan Reynolds) saves the boy. He assembles X-Force, with Colossus (voiced by Stefan Kapicic)Domino (Zazie Beetz), and Negasonic Teenage Warhead (Brianna Hildebrand) to stop Russel from becoming the annihilator.  
Deadpool gathers several Marvel superheroesincluding the X-Men, with Wade pejoratively referred to as an X-Men trainee. He flunks the training of course, because he defies discipline. And with his penchant for “breaking the fourth wall”, Wade again talks directly to the audience as he lampoons Marvel and DC superheroes, and even DisneyHe ridicules Frozen, Yentl, RoboCopAvengersX-Men and many morePeople who are not familiar with these movies may get lost and find the plot nonsensicalWade basks in his craziness and the rest patiently allows him to do soWhat aids it all is good timing. Ryan Reynolds as Wade is crass with the stoic Colossus who by the way is CGI, but on screen together, they elicit so much laughter. The tempo is as eccentrically unpredictable as the twisted humor of the movie. Russel’s hands look genuinely on fire and burning like steel. The Juggernaut is a bit grotesque, it looks like a cracked steel egg that is more hilarious than forebodingThe fight scenes, albeit computer generated, are interspersed with Wade’s sick humor that they are not at all boring. And the soundtrack is as absurdly appropriate. 
The movie is so entertaining (not extraordinary but definitely not the usual run-of-the-mill fantasy comedy)  that it saddens us that we can’t recommend it for kids. There’s excessive use of cuss words, sexual innuendoes, decapitation, and everything violent. The bizarre comedy has become so delectable that we feel there are not enough cues to help young audiences decipher the movie’s key message. And that message, buried deep under a multitude of dissonance, is actually beautiful and sublime: there’s a good side to every person. Evil is not genetic, it is not a malignant deformity that we are born with. Sure, some have a predisposition to violence and mad temper. But such behavior doesn’t automatically make us mass murderers and annihilators. Wade’s life is a testament to that: he is a rogue assassin and mercenary turned superhero. Good news is, we as humans can help curb the bad in our neighbor, and help cultivate the good in themLike salt of the earth. (ME) 
PS:  CINEMA notes one subtle message so important it opens and closes Deadpool 2: we need family, we need to belong.  Family (or the tragic loss of it) serves as motivation for the story arc: as Wade’s fiancée Vanessa gives up her IUD (intra uterine device) as a gift to Wade, the pair decide to start a family but Vanessa is killed in an attack; Cable is out to hunt down his family’s murderer; the orphans, deprived of family, are exploited in the mutant re-education center where Domino, herself orphaned, was raised; 14-year-old Russell, who almost becomes a killer, cannot trust anybody as his surrogate family in the orphanage abuses him.  In the end, Wade himself says it loud and clear: we need family, we need to belong.  

Kasal

DIRECTOR:  Ruel S. Bayani  LEAD CAST:  Bea Alonzo, Paulo Avelino, Derek Ramsay, Christopher de Leon, Cherie Gil, Ricky Davao, Ces Quesada and Celeste Lagaspi  SCREENPLAY: Patrick Valencia  GENRES: Drama, Romance PRODUCTION COMPANY: ABS-CBN Films, Star Cinema  DISTRIBUTED BY: Star Cinema  COUNTRY:    Philippines  LANGUAGE: Filipino, English  RUNNING TIME: 1 hour 53 minutes
Technical assessment:  4
Moral assessment:  2.5
CINEMA rating: V16
Nakatakdang ikasal si Lia Marquez (Bea Alonso), isang public school teacher, kay Philip Cordero (Paulo Avelino) na kumakandidato bilang alkalde ng Cebu.  Tinututulan ng mga magulang ni Philip (Christopher de Leon at Cherie Gil) ang pagpili ng binata kay Lia, pero ipaglalaban ni Philip ang pagmamahal niya rito.  Sa kasagsagan ng pangangampanya ni Philip at Lia, papasok si Wado, dating kasintahan ni Lia, at sa kagustuhan nitong makipagbalikan sa dalaga ay sasakyan ang kanyang pagiging isang engineer upang mapasama sa isang malaking proyektong makakatulong sa kampanya ni Philip.  Matigas na tatanggihan ni LIa ang panunuyo ni Wado na sobrang bilib sa sarili, pero dadating ang puntong magdududa na rin si LIa kay Philip gawa ng isang lihim na mabubunyag ni Wado tungkol sa nakaraan.
Maituturing na ring “engaging” ang kuwento sa dramang Kasal, dahil gawa ng marubdob na pagganap ng mga pangunahing artistia ay nakuha nito ang interes na manunuod.  Maaaring hindi nalalayo sa katotohanan o realidad ang mga pangyayaring nasasaad sa Kasal, kaya lang, dahil sa ito ay isang pelikulang tumatakbo lamang sa loob ng dalawang oras, “mapupuruhan” kayo ng mga eksenang emosyonal na bagama’t kapani-paniwala ay bahagyang nagiging artipisyal sa dami.  Natatangi ang husay ng cinematography, at katambal ng akmang tugtugin at masusing editing, ay nakukuha nito ang tamang damdamin hinihingi ng eksena sa manunuod, habang nailalabas naman nito ang ganda ng pinapanood—tao man, pangyayari, o lugar.  Hindi matatawaran ang galing ni Alonzo sa pag-emote, ngunit di naming mapigil na magtaka kung sinadya bang gawin siyang payat at payak ang hitsura para sa papel ng isang public school teacher.
Idinidiin ng Kasal ang kahalagahan ng pagiging tapat—sa sarili, sa Diyos at sa kapwa—tungo sa kapanatagan ng kalooban.  Maliwanag nitong naipakita na nagiging ugat ng kaguluhan ang hindi pagiging tapat, at ang kasamaan ay hindi ginagantimpalaan.  Sa kabuuan ng Kasal, minabuti ng CINEMA na bigyan ito ng V16 rating—dapat maging edad 16-pataas lamang ang maaring manood nito—dahil kahit na makatuwiran naman ang naging wakas nito at “malinis” ang pagkakagawa ng mga maseselang eksena, pinapaalala lamang namin sa madla na salungat pa rin sa turo ng Inang Simbahan ang pagsisiping sa labas ng kasal, at hindi dapat tanggapin bilang isang “ordinaryong bagay” na lamang sa buhay lalo na ng mga kabataan.  (TRT)

Saturday, May 19, 2018

Single/Single Love is not Enough

DIRECTOR: Veronica Velasco, Pablo Biglang-awa  CAST:  Shaina Magdayao, MAtteo Guidecelli, Anna Luna, Will Devaugh JC Santos, Bryan Sy  WRITERS: Lilit Reyes, Jinky Laurel  PRODUCER:  Martin Mayuga  EXECUTIVE PRODUCER: Ronald Arguelles  EDITOR: Henry Ramirez  DIRECTOR OF PHOTOGRAPHY: Elyza Esquivel  PRODUCTION COMPANY: Star Cinema, Cinema One, Philippine Star  DISTRIBUTOR: Star Cinema  LOCATION: Philippines  GENRE:  Romance Comedy  RUNNING TIME: 113 minutes 
Technical assessment:  3.5
Moral assessment: 3
 CINEMA rating: V16
MTRCB rating: R13
Magkakatagpo at mabilis na magkakaibigan sina Joee girl (Shaina Magdayao) at Joey boy (Matteo Guidecelli) sa panahong ipinagbubuntis ni Joee ang bunga ng relasyon sa dating kasintahan na si Steve (JC Santos). Tatayong foster father ng sanggol si Joey at magiging masaya sa umpisa. Samantala hindi matatag ang kita ni Joey sa pagiging myembro ng banda, kumpara kay Joee na may stable job. Sa kalaunan ay magpapatong-patong ang mga bayarin sa konsumo nilang tatlo. Mauuwi sa umiigting na pagtatalo ang problemang pinansyal at aabot sa punto na kailangan nilang magdesisyon kung kaya nilang magpatuloy sa gayung sitwasyon o hindi. 
Mula sa sinusubaybayang romcom sa telebisyon ay hinatid ng produksyon sa sinehan ang Single/Single Love is not Enough.  Maayos ang pagkakalahad ng kwento ng pelikula. Maliwanag ang paghahatid ng mensahe.  Nagsimula sa masaya at buong pagmamahalang pagsasama, naharap sa mga tipikal na hamon ng relasyon, nagkaroon ng di  mapapasubaliang realisasyon at humantong sa mga mahalagang desisyon. Kakaiba ang ideya ng foster father.  Mahusay ang binigay na trato ng direktor sa mga eksenang naglalarawan sa mga pangunahing tauhan bilang musician at corporate employee, gayundin ang pagpapakita ng suporta ng ibang karakter tulad ng lolo at mga kaibigan. Nakadagdag sa paghahatid ng aliw ang mga eksenang nagtatampok sa mga ito. Magaling ang mga pagganap nina Magdayao at Guidecelli lalo na ng beteranong aktor na si Davao. Lumutang naman si Bryan Sy sa kanyang pagganap bilang binabae. Maganda ang disenyo ng produksyon at akma lamang ang mga costume at make-up sa hinihingi ng istorya. Malinis at halos hindi napansin ang mga inilapat na musika, ilaw at tunog. Nakatulong ang kapayakang ito upang hindi makagulo sa seryosong mensahe ng pelikula.
Katulad ng haligi sa isang bahay na kailangan ng suporta upang tumayo at maging matatag, pundasyon din ng isang relasyon ang tapat na pagmamahalan na pinapatatag ng pagsisikap at suporta ng bawat isa. Ito ay subok na pormula ng matagumpay na pagsasama lalo na sa mag-asawa o sa pamilya. Samakatwid hindi sapat na nagmamahalan lamang sa magkarelasyon; mahalaga rin na mulat sa katototohan na may mga pangangailangan na dapat matugunan katulad ng mga bayarin sa mga konsumo sa pang-araw-araw na buhay. Responsiblidad ng bawat isa na makibahagi sa realidad na ito.   Nagsisilbing paalala ang mensaheng ito ng Single/Single Love is not Enough  sa mga nais pumasok sa isang relasyon. Magandang materyal ang pelikula sa mga diskusyon ng pakikipagrelasyon hindi lang sa mga kabataan kundi kahit sa mga may sapat na gulang katulad ng mga karakter nina Joee at Joey sa pelikula. Ipinakita sa pelikula kung ano ang maaring kahinatnan o epekto ng mga ginagawang desisyon sa buhay. Binigyan-daan ang pagpapatawad, suporta ng pagkakaibigan, foster fatherhood, pagpapahalaga sa banal na Sakramento, tapang sa pagharap sa katotohanan, at matatag na desisyon.   Samantala sa kabila ng makabuluhang mensahe ng Single/Single Love is Not Enough ay maselan ang mga isyung tinalakay katulad ng  broken family, pre-marital sex, unwanted pregnancy, living-in at non-intention to marry. Akma ang panooring ito sa mga taong may hinog na kaisipan.  (IBD)