Wednesday, November 11, 2015

Everyday I love you



DIRECTOR: Mae Czarina Cruz-Alviar  LEAD CAST: Enrique Gil, Liza Soberano & Gerald Anderson  SCREENWRITER: Vanessa R. Valdez & co.  PRODUCER:  Star Cinema  GENRE: Romantic-Drama  DISTRIBUTOR: Star Cinema  LOCATION:  Silay, Bacolod, Philippines  RUNNING TIME:  140 mins
Technical assessment:  3
Moral assessment: 3
CINEMA Rating:  PG 13 with parental guidance
            Tubong Silay, Bacolod at nangangarap makilala bilang program host sa telebisyon ang magandang dalaga na si Audrey Locsin (Liza Soberano).  May matindi rin syang paghanga sa kaibigang binata na si Tristan Montelibano (Gerald Anderson).  Mabibigyan ng pagkakataon ang paghangang ito ni Audrey dahil iiwan si Tristan ng kanyang girlfriend upang manirahan sa Maynila. Mula sa nararamdamang sakit dulot ng pakikipaghiwalay ng girlfriend ay mababaling kay Audrey ang atensyon ng binata at magkakamabutihan silang dalawa. Makikitang masaya sina Audrey at Tristan sa kanilang relasyon, subalit sa punto na nanaisin ng una na tuparin ang mga pangarap nya para sa sarili ay medyo mag-iiba ang tono ng huli. Hindi sila magkakasundo sa bagay na ito kaya magdudulot ito ng kalituhan kay Audrey, hanggang sa maaksidente at ma-comatose si Tristan. Matiyaga at may pagmamahal na aalagaan ni Audrey ang nakaratay na kasintahan na aabutin ng ilang buwan. Sa panahong ito ay makilala ni Audrey si Ethan Alfaro (Enrique Gil), isang progresibong empleyado ng sikat na TV network at aalukin siya nito ng trabaho.  Makikita ni Audrey na ito na ang pagkakataong hinihintay niya para mabigyan katuparan ang matagal na niyang pangarap at inaasam-asam na tagumpay sa buhay.  Tatanggapin niya ang alok ni Ethan at magkakasama sila sa mga proyekto ng network. Madaling magkakasundo sa trabaho ang dalawa. Subalit hahantong sa higit pa sa magkatrabaho ang mararamdaman nila sa isa’t isa. Mahuhulog ang loob ni Audrey kay Ethan na siyang naghatid ng katuparan sa mga minimithi niyang pangarap sa buhay. Paano naman ang pinangarap niyang pag-ibig kay Tristan na nakaratay?
             Nakasentro sa “kilig formula” ng tambalang Gil at Soberano ang kwento ng Everyday I love You. Dahil dito ay inaasahan na ang mga tagpo at alam na ng manonood ang magiging katapusan ng pelikula. Sa madaling salita ay mababaw ang kwento. Nakapaglabas naman ng hinihinging emosyon ang mga pangunahing aktor, mababaw ang kanilang luha at nakatulong ang aspetong ito ng pagganap para maging epektibo ang eksenang drama. Mahusay ang ibinigay na suporta ng mga beteranong aktor at aktres sa pagganap. Samantala hindi “consistent” sa paggamit ng “subtitles” sa mga salitang Bisaya kaya hindi naging makatotohanan ang aspetong ito ng pelikula. Halimbawa na lamang sa “hosting” ni Audrey ng “local program” Silay Scooter Girl kung saan mga taga Bacolod ang pangunahing target audience, pawang Tagalog ang salitang gamit ni Audrey. Maganda naman ang sinematograpiya at naging kalakasan nito ang magagandang kuha ng kamera. Epektibo ang mga close-up shot kina Gil at Soberano para kiligin ang kanilang mga fans sa sinehan. Pero di na sana sinama sa close-up shot ang nakaratay na si Tristan, kasi malusog at matipunong lalaki ang pinakikita sa halip na hitsurang maysakit. Medyo sumablay ang editing dahil halos hindi nagpalit ng kasuotan si Tristan sa mga sumunod na eksena pagkagising mula sa pagka-comatose. Epektibo naman ang inilapat na tunog at musika. Nakadagdag ang himig ng theme song ng kilig sa mga eksena nina Gil at Soberano.
            Napakahalaga ng pagiging totoo sa sarili katulad ng sinasabi sa kawikaan na sa katotohanan maaring lumaya ang isang tao. Pinili ng mga pangunahing tauhan ang maging tapat at totoo sa kani-kanilang mga nararamdaman.  Positibo ang paghahatid ng temang pag-ibig sa Everyday I love You lalo na ang karakter ni Ethan sa pagitan nila ni Audrey kung saan nagpakita ng kahandaang magparaya at magsakripisyo, tumulong kahit walang maasahang kapalit, at maghangad ng paglago ng minamahal at tagumpay  nito, may paggalang at malakas na pagpipigil sa sarili. Nagpakita din ng malasakit, kalinga, at pagpapatawaran ang karakter ni Audrey sa pagitan nila ni Tristan. Makabuluhan ang mga sinambit na salita sa mga eksena nina Audrey, Ethan at Tristan na pinapayuhan ng mga nakatatanda sa kanila ukol sa mga aspeto ng relasyon, pamilya at trabaho. Sa kabuuan ay katanggap-tanggap ang aspetong moral ng pelikula.

Friday, November 6, 2015

Sicario


DIRECTOR: Denis Villeneuve LEAD CAST:  Emily Blunt, Benicio del Toro, Josh Brolin, Victor Garber SCREENWRITER:  Taylor Sheridan            PRODUCER:  Basil Iwanyk, Thad Luckinbill, Trent Luckinbill, Edward McDonnel, Molly Smith  EDITOR:  Joe Walker  MUSICAL DIRECTOR:  Jóhann Jóhannsson  GENRE:  Drama, Crime Thriller  CINEMATOGRAPHER: Roger Deakins  DISTRIBUTOR:  Lionsgate  LOCATION:  United States RUNNING TIME: 121 minutes
Technical assessment: 4
Moral assessment: 2
CINEMA rating: V18
MTRCB rating: R16
After an operation  in Arizona that led  to the discovery of hidden corpses who are apparently victims of cartel violence, FBI agent Kate Macer (Emily Blunt), a specialist in hostage recovery/kidnapping cases, is recommended by her boss, Dave Jennings (Victor Garber) to CIA Matt Graver (Josh Brolin) to aid in the escalating war against drugs. Led by consultant Alejandro  “Medellín” Gillick (Benicio Del Toro), the team sets out on a dangerous and heavily militarized operation back and forth across the US–Mexican border. The team uses one of cartel leaders, Manuel Díaz (Bernardo Saracino) in tracking the Mexican drug cartel kingpin Fausto Alarcón (Julio Cesar Cedillo). Kate discovers that Alejandro is a lawyer whose family was murdered by the cartels. Fired by his own mission of revenge, they are out to destroy the very head of the cartel at all cost, even if it meant going against the books of legal operations.  Kate is bothered as this is not the kind of operation she expects; she suspects that she is being used to cover-up for something illegal.
Sicario is a riveting and gripping film on the violence in the border. Emily Blunt delivers a solid performance as the conscientious and idealistic FBI agent whose principles are challenged as she goes through the muddy waters of morality in the border. Benicio del Toro’s strong screen presence is as haunting as his character that denotes deep sadness and dangerous revenge. The director, Denis Villeneuve, is able to blend all the elements of an art film to come up with a depiction of a dark world where violence prevails and all systems, legalities, moral principles are tested and questioned. The cinematography, production design, sound and music are all well-orchestrated to create that eerie feeling as audiences are invited to be part of a dangerous and dark world that no one would want to visit even in their nightmares.
The border is a place no one would want to go but everyone would want to pass as it promises paradise on the other side. But for Sicario, a word that means “hitman” in Mexico, the border is just a place where violence is both the rule and the law.  In its totality Sicario says there is no real hero in this situation—not Kate who is a mere observer and a conscience shaken FBI agent amidst the havoc and violence happening around her; not Alejandro, a callous character who against his better judgment is driven by anger to cling to his dubious, illegal, unethical, and evil ways—all in the name of revenge first, and for the greater good, second.  Can evil stop evil?  That is a gray area for Sicario, a film that screams out loud that evil exists and something must be done, and yet snorts that “there is nothing we can do”.  A character holds on to what is right in spite of the overpowering violence and moral turpitude in society, implying that there is always hope for change.  The dark theme and graphic violence in the film are suitable only for mature audiences aged 18 and above. 

Tuesday, November 3, 2015

Black Mass


Direction: Scott Cooper; Cast: Johnny Depp, Joel  Edgerton, Rory Cochrane, Benedict Cumberbatch, Jesse Plemons, W. Earl Brown, Kevin Bacon, Peter Sarsgaard, Dakota Johnson; Story:  Based on the novel with the same title by Dick Lehr and Gerard O’Neill; Screenplay: Jez Butterworth, Mark Mallouk; Cinematography: Masanobu Takayanagi; Editing: David Rosenbloom; Music: Junkie XL; Producers: Scott Cooper, John Lesher, Patrick McCormick; Genre: Bio, Crime;  Location: Boston; Distributor: Warner Bros Pictures  Running Time: 149 minutes
Technical assessment: 3.5 
Moral Assessment: 2.5
CINEMA rating:  V18  
MTRCB: R16
In 1975, FBI agent John Connolly (Edgerton) is assigned in the same area in South Boston where Jimmy “Whitey” Bulger (Depp) is slowly gaining control over the organized crime syndicate. Apparently, the two were childhood friends, together with Jimmy’s senator brother, Billy.  A welcome opportunity to eradicate Whitey Bulger’s remaining challenger, the Mafia Angiulo Brothers, comes when Connolly offers Bulger to be an FBI informant. Despite opposition from their colleagues, Bulger and Connolly proceed in the dubious relationship. By 1981, Bulger has succeeded in becoming the kingpin of South Boston with stakes in drugs, gambling and arms dealing while Connolly covers for the seeming lack of valuable information from Bulger. But before Connolly’s superior (Bacon) can terminate the arrangement, the FBI is able to gather incriminating conversation from the wire taps of the Angiulos. This leads to Connolly and Bulger developing a closer relationship and alarming murder of people who either oppose or compromise Bulger’s status. Bulger’s fall begins when the new District Attorney Fred Wyshak (Stoll) proves to be adamant in finding out why Bulger has remained free despite evidences of his crimes. 
If there’s one reason to watch Black Mass, it has to be the compelling performance of Depp. He attacks his role with wit and depth that it is almost hard to believe this is the same actor behind Charlie and the Chocolate Factory and Jack Sparrow. Coupled with dramatic prosthetics, Depp’s Bulger becomes the menacingly cold and unrepentant criminal audiences love to hate. The aesthetics and technicalities of the shots and framings feel gritty and raw, bringing a documentary-like texture to the film. Junkie XL’s score engages the moment without overselling. Another triumphant area is the production and set design which effortlessly transports us in the 70s and 80s.  Black Mass is a work of art and a good material for academic discussion. 
When Bulger chides his son Douglas about hitting his classmate, he reasons that his mistake was hitting while people were looking. Thus, little Douglas learns that violence and aggression are okay as long as they are done when people do not see. This seems to be the guiding principle of Bulger because we see how charming he was with the old lady he met in the streets of Boston, how much of a loving son and brother he is and how much he adores his son. In public, he refuses to be handed over dirty money and murders people silently until his image is compromised. Bulger believes violence is necessary and warranted as long as it is not done in public (especially by him).  On the other hand, we see how obsession with a goal sometimes clouds our judgment and challenges our ethics. When Connolly turns a blind eye to the criminal activities of Bulger so he can catch the Angiulos at first and prove the faultlessness of his decision later, he unwittingly creates his own Frankenstein which ultimately leads to the breakup of his marriage and the downfall of his career. Although the movie shows that crime does not pay as Bulger and his cohorts are ultimately incarcerated, the entire two hours are peppered with “F” words and splattering body parts. It is advisable that only older and more mature audiences watch the movie. 

Sunday, November 1, 2015

The dressmaker


DIRECTORJocelyn Moorhouse  LEAD CAST:  Kate Winslet, Judy Davis, Liam Hemsworth, Hugo Weaving  ART DIRECTOR:  Lucinda Thomzon  AUTHOR: Rosalie Ham based on her novel “The Dressmaker  SCREENPLAY:  Jocelyn Moorhouse,  P. J. Hogan  FILM EDITOR: Jill Bilcock  MUSIC:  David Hirschfelder  GENRE: Comedy-Drama  CINEMATOGRAPHER: Donald McAlpine  PRODUCER:  Sue Maslin  PRODUCTION DESIGN: Roger Ford   COSTUME DESIGNERS: Marion Boyce, Margot Wilson  PRODUCTION COMPANIES: Film Art Media, Apollo Media, Screen Australia  DISTRIBUTORS:  Universal Pictures  FILMING LOCATION:  Australia  LANGUAGE: English  RUNNING TIME: 118 minutes
Technical assessment: 3.5
Moral assessment:  3
CINEMA rating:  V18
In 1951, Myrtle “Tilly” Dunnage (Kate Winslet) returns to her small one-street hometown of Dungatar, in Australia. It is clear from the first words Tilly speaks that she has a purpose for returning: “I am back, you bastards!”  Barely ten years old, Tilly was sent out of town when she was implicated in the death of a bully-classmate.  After having lived and studied haute couture in the world’s fashion capitals London, Milan, and Paris, Tilly is now an expert dressmaker returning home to reconcile with her ailing mother, “Mad Molly” (Judy Davis) and to piece together a vaguely remembered but traumatic past.  Molly has difficulty remembering, but the town’s denizens don’t—they treat Tilly like a pariah, calling her a murderer, until she transforms the frumpy store clerk Gertrude Pratt (Sarah Snook) into a femme fatale.

       Adapted from a novel of Rosalie Ham and co-written by director Jocelyn Moorhouse, The dressmaker creatively stitches together swatches of different genres—drama, comedy, tragedy, satire, whodunit—laced with seriousness and humor, silliness and sarcasm, but always with great panache.   The very unpredictability of this heady and fascinating brew is what keeps the viewers at the edge of their seats lest they miss a frame and fail to make sense out of the mishmash.  The cast reads like a Who’s Who of Australian cinema, flawlessly bringing to life a fictitious little town filled with quirky characters and juicy secrets.  Winslet is a consummate actor here, giving Tilly such tone and depth that enables the character to elicit audience sympathy in any situation.  
        Not until the end will The dressmaker’s agenda be finally revealed.  And the moral value of it should generate hours of animated conversation at the dinner table.  After all those twists and turns the story makes, the main protagonist’s quest ends in a symbolic, sweeping gesture:  Tilly rolls out a bolt of red fabric between her house and the town center, and…?  Is she finally forgiving her tormentors and welcoming them into her heart, or is she burning bridges?   

Wednesday, October 28, 2015

The prenup


DIRECTOR: Jun Lana  LEAD CAST: Jennylyn Mercado, Sam Milby, Gardo Versoza, Dominic Ochoa, Jaclyn Jose, Tirso Cruz III  SCREENWRITER: Jun Lana   GENRE: Romantic Comedy  CINEMATOGRAPHER: Carlo Mendoza DISTRIBUTOR: Regal Entertainment LOCATION: Philippines; New York USA  RUNNING TIME: 1  hour 58 minutes
Technical assessment:  2.5
Moral assessment:  2.5
CINEMA rating:  V14
            Unang magkikita nang ilang saglit si Wendy (Jennylyn Mercado) at si Sean (Sam Milby) nang magbanggaan ang kanilang mga sasakyan sa kalye.  Magtatagpo silang muli sa eroplano, bilang magkatabi ng upuan sa business class, at mag-iinisan sila sa buong haba ng biyahe mula Maynila hanggang New York, kung saan inaasahan ni Wendy na makapiling ang kanyang tunay na ama.  Magkikita ang mag-ama pero hindi matutuloy ang pagpisan ni Wendy sa ama pagkat tutuol dito ang babaeng kinakasama nito.  Habang namomroblema kung saan tutuloy si Wendy, susulpot muli sa eksena si Sean, na tila hindi umalis habang naghihintay sa ama si Wendy.  Nagmamagandang-loob, kukupkupin ni Sean si Wendy sa kanyang apartment sa New York.  Sa madaling salita, magkakaigihan ang dalawa hanggang sa magkasundong magpakasal.  Dito magsisimula ang gulo sa matamis nilang pakikipag-ugnayan.
            Bagama’t may mga parteng nakakaaliw sa mga eksena ng The prenup, gaya ng mga kuha sa New York at ang pagkakagayak ng bahay/tindahan ng pamilya ni Wendy, marami din namang mga aspeto na hindi pulido ang pagkakagawa—tulad ng tunog (na minsa’y nakabibingi), ang kawalan ng orihinal na musical score, ang mababaw na characterization, ang editing na tila may bungi, at ang dialogue kung saan nangingibabaw ang bastusan sa kapwa.  Sayang ang kahanga-hangang talino sa pagganap ni Mercado na ipinakita niya sa pelikulang Rosario; sa The prenup, kahit “carry” niya ang rom/com, hindi nito hinamon ang husay ng artista.  Ang mismong istorya ng The prenup, tulad ng mabilisang pag-iibigan nila Wendy at Sean, ay mukhang minadali din, tinuhog ang mga pira-pirasong kuwelang eksena at kinoronahan ng isang happy ending—sa tingin kaya ng mga producers ay sapat na ito para katalinuhan ng mga manunuod?
            Gasgas na ang tema ng The Prenup—guwapong binata, magandang dalaga, magkakatagpo, magkakaibigan, pero tututol ang kani-kaniyang mga pamilya.  Ang isa kasi’y ubod ng yaman at ang isa nama’y … hindi nila kauri, ika nga.  Para hindi siguro malaglag ang predictable na kuwento, tutukuran ito ng bagong elemento: parehong lalaki ang mga adoptive parents ng ulilang si Wendy.  Hindi mapigilan ng CINEMA na magtaka kung walang hidden agenda ang The prenup—bukod sa mga binabaeng nag-ampon kay Wendy, ay may bakla at tomboy din sa dalawang pamilyang sangkot.  Ang pagtatapos ng pelikula ay “hati”, ika nga: bagama’t tumpak, ito’y artipisyal; hindi ganitong kasimple ang resolusyon ng ganoong mga situasyon sa tunay na buhay.  Buti pa ang mga fairy tales, pinahihirapan muna ang mga karakter bago makamtan ang matamis na happily-ever-after.
            Hindi nababagay sa mga murang isipan ang pelikulang ito gawa ng ipinakikita nitong kagaspangan ng asal at ang bunga nitong kabastusan sa pananalita.  Maaaring magdulot din ng kalituhan ang pelikula sa mga bata na dapat ay pinalalaki sa wastong pagpapahalaga sa pagkakaiba ng kasarian ng babae at lalaki. 

Friday, October 23, 2015

Hotel Transylvania 2

DIRECTOR:  Genndy Tartakovsky  LEAD CAST: Adam Sandler, Andy Samberg,Selena Gomez, Kevin James, David Spade, Steve Buscemi, Keegan-Michael Key, Molly Shannon, Fran Drescher, Mel Brooks  SCREENPLAY: Adam Sandler  WRITER: Robert Smigel  MUSIC: Mark Mothersbaugh  PRODUCER: Michelle Murdocca  FILM EDITOR: Catherine Apple  GENRE: Comedy, Animation, Family, Fantasy  PRODUCTION DESIGNER: Michael Kurinsky  ART DIRECTOR: Steve Lumley  PRODUCTION COMPANIES: Sony Pictures Animation, Sony Pictures Digital, Columbia Pictures, LStar Capital  DISTRIBUTORS: Andes Film, Columbia Pictures, Fundamental Films, Sony Pictures Releasing, United International Pictures. Universal Pictures, Warner Bros Entertainment, Westec Media Ltd.  LANGUAGE: English  LOCATION:  United States RUNNING TIME:  1 hr. &29 mins.
Technical assessment: 3.5
Moral assessment: 3
CINEMA Rating: V13
Hotel Transylvania has gone through several changes since Johnny first came into it—for one, the hotel is now open to human guests.  The movie opens with the wedding of Mavis and Johnny (Selena Gomez and Andy Samberg). Years later, Mavis and Johnny will have a baby boy, Dennis, whose lack of any vampire abilities worries his grandfather, Dracula (Adam Sandler) that he might be a human, and with that, Mavis and her family might leave Hotel Transylvania  to protect Dennis. So when Mavis and Johnny leave to visit Johnny's parents, Dracula finds the opportunity and calls his friends to train Dennis in the way of the monster—in the hope that he is one.
Hotel Transylvania 2 has managed to maintain its charm and comedic feel from its previous installment. The premise is still pretty interesting although maybe quite worn-out for a vampire-falls-in-love-with-a- human plot. The coming of the new addition to the family gave the story an interesting twist and angle. However, the film has the tendency to be quite under structured that it lacks cohesiveness. The characters are interesting and all the voices seem to be enjoying their part. But there are features that seem to be unnecessary in plot development (such as the break dancing) although it has to be there because of its adherence to randomness.  The film is able to drive home a point and it cannot be denied that it is still a delight to watch especially for the young and the young at heart.
Hotel Transylvania 2 presents a thesis against discrimination of any kind. The differences between humans and vampires are used as a metaphor to represent various kinds of discrimination on a local and global vantage point. The message against discrimination is very strong in the movie: that one should accept the other no matter how different—all creations are considered equal—and no one should be discriminated against by the color of their skin, gender, or by their gender preference. Acceptance, tolerance and equality are the big messages of the film. In between the laughter and the thrills, these messages echo up to the point of overselling the values of family, friendship, and marriage. Paradoxically, this vampire movie tells its audience to love and accept one’s child no matter how odd his or her choices may be. At the end of it all, a father’s love and a family’s love for one another springs eternal. And yes, love is love, and even vampires are capable of it. But watch out, such paradox may create confusion for the very young and the very theme of vampires would need guidance from adults since the film’s target market is the very young audiences.

Tuesday, October 20, 2015

Crimson peak


DIRECTOR:  Guillermo del Toro  LEAD CAST: Mia Wasikowska, Jessica Chastain, Tom Hiddleston  SCREENWRITER: Guillermo del Toro, Matthew Robbins  PRODUCER:  Jillian Share  EDITOR: Bernat Vilaplana  MUSICAL DIRECTOR:  Fernando Velazquez  GENRE: Horror  CINEMATOGRAPHER:  Dan Laustsen  DISTRIBUTOR: Universal Studios  LOCATION:  Kingston, Ontario RUNNING TIME:  1 hr. 59 mins.
Technical assessment:  4
Moral assessment:  3
CINEMA rating:  V18
Edith (Mia Wasikowska) is a budding young novelist amidst a time when women authors do not get much interest from publishers. Her inspiration would mostly come from her tragic childhood experience of her mother’s ghost. When baronet Thomas Sharpe (Tom Hiddleston) visits New York to seek investment from Edith's father for a technology he invented, Edith eventually falls in love with him, which  Edith’s father disapproves. His father dies a mysterious tragic death and Edith  marries Thomas and they move into her husband’s home in England, which he shares with his sister Lucille (Jessica Chastain). The house, apart from being old and dusty, seems to be haunted, leading Edith to discover the dark secrets of the Sharpes.
            Crimson Peak is a magnificent visual delight for a horror genre. The set pieces and costumes, the cinematography and the entire production design all intricately blend to create such a film art masterpiece. Like a painter creating a delightful still life, the director is able to use the film as his canvass where all color pallets using mixed media installations come together to bring about such compelling work of art. The showcase of Gothic romance is twisted in the terror and apparently dangerous fate the main character is facing. Jessica Chastain shines as Lucille with her gripping performance that combines Victorian class and terrifying threat. It’s rare to see a film that is visually arresting, emotionally moving, and intellectually challenging.  In Crimson Peak, audiences are terrified and delighted, and fall in love one moment in the film at a time.
            Crimson Peak boldly displays both recklessness and control in terms of conveying its message of horror, deceit, greed, ambition, obsession, lust, and love. The film centers on Edith being haunted by the ghosts both from her past and present. The ghost could be a metaphor of her past hurt from a sudden loss of a loved one, or a present danger she is about to face.  Nevertheless, the ghost as anchor of the story works very well to deliver the moral of the story: We are all haunted by our own ghosts. The ghosts could be something we have kept hidden—however we try to run away from them, they still eventually lead to our destruction. On the other hand, bravely facing our ghosts no matter how scary it may be could help us discover painful truths that we need to know. The film tackles illicit relationships, unresolved crimes, and graphic gory visuals of violence, yet taken into context and the call of the genre, the film stands firm and clear that goodness reigns over evil even in the midst of seemingly stronger dark forces. Ghosts are real, as the film says, but God is more real—as love is stronger than hate. However, the heaviness of the theme and the graphic visuals of blood and gore may be disturbing for young audiences so CINEMA deems the film as suitable only for audience 18 years old and above. 

Bridge of Spies


DIRECTOR: Steven Spielberg LEAD CASTTom Hanks, Mark Rylance, Amy Ryan, Alan Alda  SCREENWRITER:  Matt Charman, Ethan Coen, Joel Coen  PRODUCER:  Kristie Macosko Krieger, Marc Platt, Steven Spielberg   EDITOR:  Michael Kahn  MUSICAL DIRECTOR:  Thomas Newman  GENRE:  Fact-based Historical dramatic thriller  CINEMATOGRAPHER: Janusz Kamiński  DISTRIBUTOR:  20th Century Fox  LOCATION:  United States  RUNNING TIME: 141 minutes

Technical assessment:  4
Moral assessment:  3.5
CINEMA Rating:  V14
            In 1957 during the height of cold war, FBI agents of the US serve arrest warrant to Rudolph Abel (Mark Rylance) on ground of spying in favor of Russian government.  Insurance settlement expert lawyer James Donovan (Tom Hanks) takes on Abel’s case amidst the criticism that he is defending a traitor of his own country. Abel is found guilty, but Donovan manages to reduce the penalty to 30 years imprisonment instead of death sentence in view of invalid search warrant and the potential of his client to serve as an exchange deal for the release of US spy-plane pilot Francis Gary Powers (Austin Stowell) and economic graduate student Frederic Pryor who are in the custody of the USSR and the East German government. Telling his wife and children he would just go on a fishing trip, Donovan flies to Berlin to negotiate for the exchange.
            Bridge of Spies is another treat from Spielberg to the movie viewing public who wants to be informed, enlightened, and amazed. Inspired by historical facts, the story engages the viewer from beginning to conclusion. The film showcases the trademark excellence and compelling performance of Hanks, matched by that of Rylance.  Spielberg has successfully given life to these two characters with these lead actors while enabling the rest of the cast to give their best shot as well.  The cinematography is remarkable in conveying facts, appropriate emotions, and ambiance required by the film.  The editing and production design revive the cold war era through convincing sets. Lighting and sound effects are equally appropriate; the relative silence and music of the late 50’s enhance the atmosphere.
            Bridge of Spies conveys positive messages like hope despite trying situations, and honor and dignity when one’s profession is challenged. Donovan personifies the principle of justice for all regardless of guilt or innocence.  Devotion to family and country are other values underscored here.  Donovan is a dedicated husband and father and yet goes beyond the call of duty to be of service to his country for the sake of national security and interest.

    

Thursday, October 15, 2015

Felix Manalo


DIRECTOR: Joel Lamangan LEAD CAST: Dennis Trillo, Bela Padilla  STORY and SCREENPLAY: Bienvenido Santiago MUSICAL DIRECTOR: Von de Guzman CINEMATOGRAPHER: Rody Lacap  FILM EDITOR: John Wong  GENRE:  Biography   DISTRIBUTOR:  Viva Films (2015)  PRODUCERS:  Vincent del Rosario, Veronique del Rosario Corpus  PRODUCTION COMPANY: Viva Films  LOCATION: Philippines  LANGUAGE: Tagalog, English  RUNNING TIME:  2 hrs. 55 mins.
Technical assessment: 2.5
Moral assessment:  2.5
MTRCB rating:  GP
CINEMA rating:  V14  
Magbubukas ang pelikula sa araw ng kapanganakan ni Felix Manalo, Mayo 10, 1886, sa isang pamilyang saradong Katoliko.  Ipapakita nito ang mga mahahalagang yugto sa buhay ni “Peles” (Dennis Trillo) mula sa pagkabata hanggang sa pagtatatag ng Iglesia ni Kristo  at kanyang kamatayan noong 1963, at magwawakas ito sa paghirang sa kanyang anak na si Erano bilang bagong pinuno ng itinatag niyang simbahan.
May balitang ang Felix Manalo ay kalahati lamang sa haba ng orihinal na pelikula—anim na oras. Marahil ay ninais ng mga producers ng pelikula na itampok nito ang talambuhay ni Manalo at ipapanood sa mga kasapi ng Iglesia sa kanyang kabuuan, ngunit iniklian ito para sa publiko pagka’t ang karaniwang “moviegoer” ay walang tiyagang upuan ang mga pelikulang hahaba pa ng dalawang oras.  Dito nagmumula ang mga kakulangan ng pelikula.
Tiyak na “nosebleed” ang editor sa pagbubuo ng Felix Manalo.  Ang resulta?  “Major surgery”, ika nga.  Kung ang Felix Manalo ay isang tao, inoperahan ito: iniklian ang bituka, tinapyasan ang baga, binawasan ang utak, tinaniman ng “pacemaker”, at inalisan ng apdo.  Bagama’t natuhog nito ang mga makahulugang bahagi ng kanyang buhay, hindi nito sinisid ang lalim ng pagkatao ni Manalo; sa halip, naging isang paglalahad ito ng simbahang INK, kung paano ito umusbong, naitatag, lumago, at lumalago.  Kung gayon, maaaring hindi ito tangkilikin ng mga manonood na gustong maaliw sa sinehan; kung ikaw nga’y nagbabayad para malibang, bakit panonoorin mo pa ang Felix Manalo?  Kung siryoso ka naman at gusto mong higit pang alamin ang tungkol sa INK, may Google naman para sa higit na malayang pananaliksik.
Hindi kataka-takang naging 150-milyong piso ang budget ng Felix Manalo: bukod sa maraming tanyag ng artista at 7,000 ekstrang ginamit dito, kitang-kita na pinaggugulan din ng salapi at panahon ang kanyang production sets, costumes, atbp., kaya lamang, halatang bago ang mga ito—mukhang hindi pa natitirahan ang mga bahay kubo, wala pang libag ang mga kawayang bakod, kasasabit pa lamang ng mga kurtina, malutong pa ang uniporme ng mga sundalo, etsetera, etsetera, etsetera.  Hindi maitatanggi na ang “nagdala” ng talambuhay na ito ay si Trillo, na marubdob na ginampanan ang papel ng yumaong Manalo, katulad ng kapani-paniwala niyang pagganap bilang isang bakla sa teleseryeng “My Husband’s Lover”.
Sa mabilisan at nakakalitong paglukso ng kuwento sa pagitan ng mga eksena sa buhay ni Manalo, maraming bagay sa kanyang pagkatao at sa mga pangyayari ang napawalang halaga.  Kapalit nito ay ang mga detalyadong tagpong nagpapakita ng pagrerehistro ng INK, ang pagtanggap ng gobyerno rito bilang isang lehitimong relihiyon, ang pagpapakita ng mga napakaraming retrato ng kanilang mga sambahan at kasapi mula noon hanggang ngayon pati na sa ibang bansa.  Ipinagtataka tuloy ng karaniwang manonood: “Ano bang talaga ang pakay ng pelikula—ipakilala si Manalo o ang kanyang iglesya?” Tila nanunudyo naman ang pagkakataon nang ilabas ang “pakita” o trailer ng Felix Manalo habang umaalingasaw pa ang krisis ng INK gawa ng pagkakatiwalag sa iglesya ng mismong ina at kapatid ng ikatlong pinuno nito, si Eduardo Manalo—isang pangyayaring nag-iwan ng lamat sa mata ng madla na dating nag-akalang matibay ang pagkakaisa ng INK.  Ang iskandalong ito ang naging sanhi ng protesta ng libo-libong kasapi ng INK laban kay Justice Secretary Leila de Lima sa EDSA, na ikinayamot naman ng mga motoristang naipit nang ilang araw sa trapik na idinulot nito.  Hindi masisisi ang mga manonood kung pagtatakhan nila ang “timing” ng Felix Manalo.  Ngunit ano man ang inyong isipin, hindi “naghahanap ng away” ang Felix Manalo.  Iniwasan nitong lumabas na nanghahamon sa ibang relihiyon habang isinasalarawan nito ang paghahanap sa katotohanan ng isang disenteng taong ang palayaw ay “Peles”.
Ano ang aral na maiuuwi ng mga manonood ng Felix Manalo?  Hind saklaw ng CINEMA ang sumangayon o sumalungat sa turo ng anumang relihiyong itinatampok sa anumang pelikula, ngunit bilang pangkalahatang aral, mawiwika ng CINEMA na kung sa paghahanap ninyo ng katotohanan ay nanaisin ninyong pag-aralan ang turo at Banal na Kasulatan ng isang relihiyon, huwag ninyo itong gawing mag-isa at makontento sa sarili ninyong pang-unawa.  Ang nagmamahal sa katotohanan ay hindi nag-aatubiling magpakumbaba at humingi ng liwanag mula sa tamang authority, sa mga bihasa na kinikilalang may kaalaman, kapangyarihan, karanasan,  karapatan, at tungkuling magpaliwanag nito.



Wednesday, October 7, 2015

Etiquette for Mistresses


DIRECTOR: Chito Roño  LEAD CAST: Kris Aquino, Claudine Barretto, Kim Chiu, Iza Calzado  SCREENWRITER: Julie Yap Daza  PRODUCER:  Charo Santos-Concio  MUSICAL DIRECTOR:  Carmina Cuya  GENRE: Romance/Drama  CINEMATOGRAPHER:  Neil Daza    DISTRIBUTOR: Star Cinema  LOCATION:  Philippines RUNNING TIME: 120 minutes
Technical assessment:  3
Moral assessment:  2.5
CINEMA rating:  V18
MTRCB rating: R13 
Matalik na magkakaibigan sila Georgia (Kris Aquino), Stella (Iza Calzado), Chloe (Claudine Barretto), at Charley (Cheena Crab).  Lahat sila’y mga tinatawag na “kabit” bagama’t hindi ganoon ang turing nila sa sarili nila pagka’t may sinasabi naman sila, matalino, at pawang matagumpay sa kani-kaniyang karera.  Hihilingin ng “partner” ni Georgia na si Rob (Freddie Webb) na pagbigyan ang kaibigan nitong si Frank (Zoren Legaspi) na “turuan” at sanaying maging pino ang batang-batang kabit niya na si Ina (Kim Chiu).  Hindi sasang-ayon si Stella, isang abugada, sa mungkahing iyon, ngunit itutuloy pa rin ni Georgia ang pagiging “mentor” kay Ina.  Sa pagsulong ng kani-kaniyang mga buhay lulutang nang isa-isa ang mga alituntunin na dapat ay matutuhan ni Ina bilang isang “kept woman”, mga tumpak na pag-iisip at pagkilos na dapat diumano’y maituro sa dalaga upang siya’y lumigaya, magpaligaya sa kanyang lalaki, at maging malayo sa iskandalo.  Ituturing na ng apat na bunsong kapatid si Ina, subali’t sasalungatin ang mga turo ni Georgia ng mapusok na si Chloe na walang pakundangang iginigiit ang kanyang mga kagustuhan sa lalaki niya.
Makakatayong mag-isa ang pelikulang Etiquette for Mistresses kahit hindi ihambing sa orihinal na nobela ni Jullie Yap-Daza na pinaghanguan nito.  Sa kalakhang bahagi ng pelikula, makatotohanan ang pagsasalarawan nito ng mga hirap-at-sarap ng pagiging isang “Number 2” ng mga lalaking nakaaangat sa buhay. Nagampanan nang mahusay at may damdamin ng mga pangunahing artista ang kani-kaniyang mga papel, gawa na rin marahil ito ng magaling na pagdidirihe ni Chito Roño.  Sa mga tanging dialogue ay mababakas ang kagustuhang maghatid ng aral ng pelikula sa mga kababaihan, kabit man o hindi.  May mga bahaging biglang nakakabingi ang tunog, at hindi rin gasinong pulido ang editing ng ilang parte.  Nagsimulang “solid” at matatag ang pelikula ngunit sa bandang huli’y “nagkalat” ito, nagsanga-sanga ang kuwento, hanggang sa katapusang “hinog sa kalburo”, ika nga.   
Ang tinatawag na “etiquette” sa pelikula ay kabutihang asal para lamang sa mga nakikiapid na nasa mataas na antas ng lipunan, at ang pakay ng mga babaeng ito ay ang iwasan ang iskandalo upang magtagal ang relasyon sa lalaking may asawa.  Parang sinsasabi nitong “Okey lang maging kabit basta alam mong hindi ikaw ang asawa, at kumilos ka nang naaayon.”  Sa tunay na buhay, maaaring walang matatawag na “etiquette for mistresses” para sa mga taong walang reputasyong iniingatan, mga uring “nangangaliwa” nang hantaran, at mga relasyong nagwawakas sa lagim tulad ng mga nababasa sa mga tabloids—ngunit mataas man o mababa ang lugar nila sa lipunan, pareho lamang silang nakapiit sa bawal na pag-iibigan.
Hindi kinukunsinti ng Etiquette for Mistresses ang pakikiapid, bagkus tinatangka pa nitong ipaalala—matapos nitong silawin ang manunood sa mga karangyaang tinatamasa ng mga kabit—na ito ay isang kamalian na dapat iwasan.  Marahil sa tindi ng kagustuhan nitong iparating ang positibong mensaheng iyon, kasama na rin ang pagnananais na kilitiin pa-more ang movie fans, sumobra naman ito.  Higit sanang kapani-paniwala kung tinuldukan na lang ang kuwento sa matapat at marubdob na desisyon ng mga kabit na talikuran ang baluktot na daan.  Pero hindi ganon ang nangyari—hinabaan pa, pinalabukan pa ng mga pangyayaring minadali at hindi ipinaliwanag, naglaho tuloy ang init ng mensahe, parang lumamig at nanigas na hot pan de sal.    
Bakit hinihimay ng CINEMA ang mga bagay na ito?  Tungkulin nitong magbigay gabay sa balana upang maging mapanuri at mapag-isip ang tao sa panonood ng sine.  Ang pagbabagong buhay ba ay ganoon lamang kasimple at kadali, parang switch ng ilaw, isang kalabit lang ay magliliwanag na?  Paano na ang mga nasugatang damdamin, mga nawasak na pag-aasawahan, mga nagkalamat na tiwala? Ano kaya ang aral na maiuuwi ng mga manunood na buong-tahimik na sumaksi sa sampalan nila Kris at Claudine, pero nagtilian nang walang mayaw nang biglang pumasok sa eksena si Piolo Pascual?  Kumita ng 15-milyong piso ang Etiquette for Mistresses sa unang araw ng labas nito.  Ilan sa mga nanood sa unang araw ang naliwanagan ng pelikula tungkol sa pag-ibig?   
Tungkol sa tema nito, mayroon pang nais bigyang-liwanag ang CINEMA—ito’y may kinalaman sa winika at binigyang-diin ng isang babae tungkol sa relasyon nila Stella at Ambet: ito diumano ang “love”.  Love?  Talaga?  Hindi po minamaliit ng CINEMA ang “love” na namagitan sa isang abogadang iniwan ang pananagutan sa korte upang arugain ang isang lalaking nilisan ang kanyang pamilya at piniling pumanaw sa piling ng kabit.  Ang sa kanila’y isang uri ng pag-iibigan, oo, ngunit pag-iibigang mapanira, naghahatid ng dalamhati at poot sa mga kinauukulan.  Ito ba ang ninanais ng Panginoon para sa atin?  Ang pakikiapid, ang pagnanasa o pagsiping sa hindi mo asawa—ano man ang itawag dito, wisikan man ito ng pabango at itubog sa ginto—ay pakikiapid pa rin, isang paglabag sa kalooban ng Panginoon.  May higit pang dakilang pag-ibig ang inilaan ng Lumikha para sa tao, isang pag-ibig na isinasa-alang-alang ang Diyos, walang bahid ng pagka-makasarili, nag-uugat sa katotohanan at nagbubunga ng kabutihan.