Thursday, October 17, 2013

Gravity


LEAD CAST:  Sandra Bullock, George Clooney  DIRECTOR: Alfonso Cuaron  SCREENWRITER:  Alfonso Cuaron, Jonas Cuaron  PRODUCER:  Alfonso Cuaron, David Heyman  EDITOR:  Alfonso Cuaron, Mark Sanger  MUSICAL DIRECTOR:  Steven Price
GENRE:  Drama, Mystery & Suspense, Science Fiction, Fantasy  CINEMATOGRAPHER:  Emmanuel Lubezki RUNNING TIME:   90 minutes  DISTRIBUTOR:  Warner Bros. Pictures  LOCATION:  United States, United Kingdom, outer space.

Technical assessment:  4
Moral assessment:  4
MTRCB rating:  PG 13
CINEMA rating:  V 14 (Viewers aged 14 and up)

Two astronauts Dr. Ryan Stone (Sandra Bullock), a bio-medical engineer, and Matt Kowalsky (George Clooney) a veteran flight commander, are the only survivors during a mission to destroy an old Russian space station.  With their spaceship imperiled by a debris storm and the rest of the crew dying before their very eyes, the stranded pair must squeeze their guts dry to survive 600 miles from Earth in negative zero temperature as their oxygen supply runs out.  They must bring their ship back to Earth—but how in the face of such helplessness can they do so?

Rare is the film that can take the viewer out of his orbit and paradoxically into himself, and Alfonso Cuaron’s Gravity is such a rarity.  Clooney handles with finesse a happy-go-lucky character that under duress would shine with unusual nobility; Bullock plays out with depth a character that’s is stone outside and putty inside.  The chemistry between Bullock and Clooney is flawless, their acting solid, leading the viewer to surmise that their career path must have prepared them for this one obra maestra that will be remembered for its power to hold the viewer spellbound for a full hour and a half.  Of course, Jonas Cuaron takes a chunk of the credit for it, for the engaging script.  Except for one negligible slip (see if you can spot it), the editing is seamless; so is the dovetailing of CGI and watertight cinematography—just the right elements to create the tension that is so masterfully heightened by the pitch-perfect musical score.

Gravity is the story of Dr. Stone—a woman that at first comes across as a toughie, almost like a covert tomboy, what with a boy’s name and a “hard” surname, but as the cosmos compels her would later on reveal her true tenderness.  The impossibly composed Kowalski is an indispensable device to effect this transformation.   To capture all the nuances enveloped in the basically two-character film, the viewer must first free himself of the weight of his own reasoning.  Never mind that Stone has an almost superhuman presence of mind, steering the ship and hitting the right buttons without hesitation.  Isn’t weightlessness supposed to adversely affect brain functions and alter judgment?  But there she is defying all odds and… well, accomplishing the impossible.  Damned lucky?  But that’s just it—Gravity subtly instills in the viewer’s mind a truth costumed in sci-fi: that there’s an eye in the sky that sees all and knows all and can do all.  In Stone’s case, “all” is finally standing naked before a mirror and confronting all that toxic baggage in her bowels that’s preventing her from taking the flight to human fulfillment—grieving over the loss of her child. Never mind that this all took place in a hallucinatory state—let’s not doubt the power of The Eye to do that.

A woman’s invincible maternal instinct is subtly underscored here, with thoughtfully placed and timed images alluding to maternity: Stone, dressed down to her underwear and curled into fetal position, swoons weightless inside the spacecraft; defeated by frustration in an attempt to communicate with the Chinese space station, she softly ululates, like a she-wolf who has lost her pup; she hears a baby crying—a baby, in space with the Chinese astronaut?—but the crying does revive her hope and will to survive; finally when her ship lands on earth, plunging into the ocean, she’s home, back to the water-filled womb of Mother Earth, eager to begin a new life, with her feet firmly planted on the ground.  You might think CINEMA is reading too much into a mere movie, but it’s all right—blame it on those shots of Earth viewed from outer space, they’re totally priceless and beautiful beyond words.  Detaching from Earth most definitely alters human judgment, but oh, what an infinitely good, loving, and beautiful Creator we meet out there! 

Wednesday, October 9, 2013

Prisoners


                                                                       
RUNNING TIME:  153 minutes
LEAD CAST:  Hugh Jackman, Jake Gyllenhaal, Viola Davis, Maria Bello, Terrence Howard, Melissa Leo, Paul Danao
DIRECTOR: Denis Villeneuve
SCREENWRITER:  Aaron Guzikowski           
PRODUCER:  Broderick Johnson, Kira Davis, Andrew A. Kosove, Adam Guzikowski
EDITOR:  Joel Cox, Gary D. Roach
MUSICAL DIRECTOR:  Johann Johannsson
GENRE:  Drama, Crime & Thriller
CINEMATOGRAPHER:  Roger A. Deakins
DISTRIBUTOR:  Warner Bros.
LOCATION:  US

TECHNICAL:  4
MORAL:  2.5
MTRCB RATING:  R13
CINEMA RATING:  R18

Keller Dover (Hugh Jackman) is a deeply religious man who prides himself in being ready for any eventuality. They live in a small town and with his wife Grace (Maria Bello) and two children, they celebrate Thanksgiving with the Birches, Franklin and Nancy (Terrence Howard and Viola Davis), who have two children of the same age. The two girls, Anna Dover and Joy Birch, asked permission to go out for a walk but didn’t call their elder siblings to accompany them as instructed. While the rest of the families stayed inside, Anna and Joy disappeared. A frantic search ensued, and the only clue is a van parked on the side street on which the girls wanted to play earlier. Alex Jones (Paul Dano), the van’s driver, is apprehended by Detective Loki (Jake Gyllenhaal), but is found to be a mentally challenged drifter with an IQ of a 10-year old, and is soon released for lack of evidence. Alex was raised by his aunt Holly Jones (Melissa Leo). He rarely speaks. Impatient with how the police are handling the case and desperate to rescue his little girl Anna, Dover kidnaps Alex who told him earlier that, “They (the girls) only cried when I left them.” He uses torture to interrogate Alex to get out everything he can from him. Will he have enough time to learn his daughter’s whereabouts and save her?

Prisoners brings together an ensemble cast where almost every actor has been awarded or nominated for awards. Each of them gives an incredible performance, thanks to the masterful handling and direction of Denis Villeneuve. Jackman and Gyllenhaal portray their multi-faceted characters with relentless intensity and believability. From the first scene in the forest to the cramped room where Alex was tortured, Roger A. Deakins’ cinematography is poetic, broody, and masterful. Aaron Guzikowski turns a simple story of abduction into a complex thriller, suspense and drama where unexpected plot twists, the inner struggles of characters and surrounding circumstances are well intertwined, keeping the viewers at the edge of their seats for 153 minutes! It would have been better if it was 10-20 minutes less, though. Johann Johannsson’s music adds to the anxiety, conflict and overall darkness. Prisoners, Villeneuve’s first English language film is simply a technical masterpiece.

Prisoners draws you to relate intimately with the story – long after the credits roll. It invites you to look at the gray and complex areas of life and makes you question:
·       What is my worst fear?
·       What am I willing to do for the sake of people I love?
·       How far can parents protect their children from danger?
·       Is torture and murder ever justified, no matter what the circumstances? Can I take the law in my hand?
·       What imprisons me? What can push me to the edge? What do I run away from?
·       What choices do I make? How do they impact the life of others?
·       Does my faith inform my actions and behavior?

The film begins with Dover telling his young son, “Be ready. All that stands between you and being dead is you.” A few minutes later, he finds out for himself it was not so. No one can truly feel safe, in spite of a basement full of supplies for survival. And violence, for whatever compels a person to it, demeans the aggressor and victim. Prisoners not only invites us to look at the paranoia and violence in our world but also at the pain and barricades we make to shield ourselves from uncertainty. It also encourages us too, to make peace with our prisons and make choices not from fear but out of compassion.

Religious imagery appears significantly in the film – crosses, a Masonic ring, an alcoholic priest… A preacher is heard on the radio as Keller turns it on: “Man is born to trouble as surely as sparks fly upward” (Job 5:7). Plus the Our Father is prayed not once but twice. When was the last time you heard a Hollywood movie do these? Is this Villeneuve’s way of confronting America and the world to look beyond ourselves to a God who is Father? Because of the intense and frequent violence and emotional stress, some vulgar language, and the moral dilemmas in it, CINEMA encourages ethical and moral discussions about the movie among adults, and gives this film an R 18 rating.

Kung fu divas


Lead cast: Ai-ai delas Alas, Marian Rivera; Direction: Onat Diaz; Screenplay: Onat Diaz; Location: Isla Marikit; Genre: Fantasy-Comedy; Running Time: 102 minutes;  Distributor: Star Cinema
 
Technical Assessment :  3
Moral Assessment:  2.5
MTRCB rating:  PG13
CINEMA rating:  V14

Huling pagkakataon na ni Charlotte (Ai-ai delas Alas) na magkaroon ng titulo bilang beauty queen kaya pagbubuhusan niya ng panahon ang paghahanda para sa Hiyas ng Dalampasigan. Mabigat ang hamon para sa kanya na magkaroon ng korona dahil tanging siya na lamang ang hindi pa nananalo sa beauty contest sa kanyang pamilya. Abot kamay na sana niya ang korona sa Hiyas ng Dalampasigan nang biglang dadating at sasali si Samantha (Marian Rivera) at aagawin ang titulo. Ang bangayan ng dalawa ay mauuwi sa personalan hanggang matuklasan nila na sila pala ay kambal na anak ng isang hari sa Tsina na kinakailangang matutong magtulungan upang maipagtanggol ang kanilang kaharian laban sa nagbabadyang kasamaan.
Sa kabuuan, masisiyahan ka naman sa Kung Fu Divas dahil mahusay sina delas Alas at Rivera sa pagganap at sinikap iangat ang antas ng produksyon. Dahil sanay na rin naman ang manunuod sa istilo ng patawa ng pelikulang Pinoy ay patatawarin na nila ang kababawan ng komedyang nakahain. Kaya nga lamang, nakalimutan ng mga nasa likod ng produksyon na ang isang elemento ng tagumpay ng isang pelikulang maraming computer generated effects at chroma screen ay ang maihabi ito nang mahigpit sa eksena para magmukhang isang tunay na mundo ang ginagawalan ng mga tauhan. Sa Kung Fu Divas, tiniyak na matutukoy ang bawat special effects na ginawa at nagsusumigaw sa pagyayabang  ang pelikula na kaya na rin nitong makipagsabayan sa Hollywood. Pero malayong-malayo pa ang lalakbayin ng produksyon hangga’t hindi nito natututuhang maging pino at pulido.  Maganda sana ang konsepto pero mahina ang pag-unlad ng kwento. Naroroon pa rin ang tagpi-tagpi at pampahabang mga eksena. Sa totoo lang, kitang-kita na pinilit hubugin ang kwento para mabigyang-katwiran ang pagkuha sa dalawang bida sa halip na iayon ang artista sa nabuong istorya. Kulang din ang pagkakabuo sa mga katauhan kaya’t halos hindi nila nakuha ang simpatiya ng manunuod—hindi mo nga maalala ang mga pangalan nila sa pelikula. Nakakabagabag pakinggan ang madramang usapan ng dalawa habang nasa bingit ng kamatayan ; baka mas gustuhin mo pang mahulog na lamang sila at tuluyan nang maglaho sa kawalan kaysa tiisin mo ang walang katuturang drama. Bilang isang pelikulang kung fu, salat na salat ito sa aksyon at teknik sa mga eksenang aksyon. Pinilit pagtakpan ng mga malalapitang kuha ang mga fight scenes para hindi mahalatang kulang sa kakayahan, galing, magandang koreograpiya, at buhay sa pagganap ng kanilang mortal na kalaban.
Ano nga ba ang kahulugan ng kagandahan? Sa Kung Fu Divas, nag-uumapaw ang pasaring sa ideyang panlabas na anyo lamang ang batayan ng kagandahan ng babae at ang halaga niya ay nasa dami ng humahanga sa kanyang itsura. Sinikap bigyang diin ng pelikula ang mensahe na panloob na kagandahan at kabutihan ng ugali ang higit na mahalagang sukatan ng sukatan ng pagkatao ng isang babae. (Sana nga lamang ay nakuha ito ng mga manunuod na abalang-abalang tumatawa sa paulit-ulit nitong komedya). Marami rin isiningit na aral ukol sa pagkakaisa, pagmamalasakit at pagsasa-isangtabi ng sariling interes para sa kapakanan ng mas nakararami. Pero kasabay nito, may mga patawang hindi lamang paulit-ulit kundi medyo nakaka-ilang na ring panuorin, tulad ng paglaglag ng salawal ng mga kababaihan nang makakita ng makisig na lalake. Nakakalungkot din ang tuwirang pagbansag na “pangit” sa mga babae sa pelikula, lalo na iyong ginamit na artista para sa dating mukha ni Samantha bago siya nagpa-ayos ng mukha at katawan kay Vicky Belo.  Sa kabila ng magandang hangad nito at tila malinis na pagpapatawa, hindi angkop ang pelikula sa mga batang manunuod.

Runner runner


                                                                       
LEAD CAST: Justin Timberlake, Gemma Asterton, Anthony Mackie, Ben Affleck,
DIRECTOR: Brad Furman
SCREENWRITER:  Brian Koppelman, David Levien      
PRODUCER:  Arnon Milchan, Jennifer Davisson Killoran, Leonardo DiCaprio, Michael Shamberg, Stacey Sher
EDITOR:  Jeff McEvoy
MUSICAL DIRECTOR:  Christophe Beck
GENRE: Mystery, Suspense, Drama
CINEMATOGRAPHER:  Mauro Fiore
RUNNING TIME:  91 minutes
DISTRIBUTOR:  20th Century Fox
LOCATION:  US, Puerto Rico

Technical - 3
Moral - 3
MTRCB Rating - R13
CINEMA Rating: Age 14 and above

Richie Furst (Justin Timberlake) is on the lookout for the cheaters who rub out his money over online poker.  The money he lost is intended to pay for the school tuition of his graduate studies. His search brings him to a remote place where he meets Ivan Block (Ben Affleck), the corrupt owner and host of the online game.  Surprisingly, the two click and become friends. But being in illegal business,  the FBI is after Ivan. The officers are convinced that Richie being once a victim himself can be an asset to track Ivan down and fall on the hands of the law.  The chase after the gambling culprit appears to be never ending but the term runner is also figuratively refered to Furst as the runner of Block for anything that he needs.

Runner Runner has an impressive plot that tackled the online gambling cheating.  It uses voice over that helps to establish a central character portrayed by Timberlake. There are delivery of meaningful lines especially when Richie realizes that gambling runs in the family emanating from his very own father who happened to be bosom buddy of Ivan. Actingwise, Timberlake and Affleck are commendable in this film. Those in support roles are not behind in their portrayals too. The cinematography gave a treat of summer sceneries. Overall, Runner Runner has the ingredients of a film that keep up to its technical qualities.

It is a noble act to desire for higher studies and especially if the person works hard to pay for it. There is no shortcut to achieve a sweet success. The movie shows that getting money from gambling is wrong and that the school administrator does not tolerate any illegal action like gambling for this matter.  The school clearly sets out the consequences should anyone figure on this prohibited act. However, human weakness like allurement of money and wealth victimizes the character of Furst (Timberlake) in the film.  But it was never late for him to get over from the pigeon hole that he gets into.  He felt sorry that gambling actually runs in the family that he has been very part of it from the very start. Nevertheless, it did not stop him to go to the side of the law and to set him free.

There is no upside in gambling. In any way, it will take over a person -- wealth, body and soul. In the same way, a corrupt person should pay for every crime that he commits. 

Wednesday, October 2, 2013

About time

LEAD CAST: Domhall Gleeson, Rachel McAdams, Bill Nighy, Tom Hollander, Margot Robbie  DIRECTOR: Richard Curtis  SCREENWRITER:  Richard Curtis  PRODUCER: Tim Bevan, Eric Fellner, Nicky Kentish Barnes  EDITOR:   Mark Day  MUSICAL DIRECTOR:  Nick Laird-Clowes  GENRE: Comedy, Drama, Romance  CINEMATOGRAPHER:  John Guleserian RUNNING TIME:  123 minutes  DISTRIBUTOR:  Universal Pictures  LOCATION:  Great Britain

Technical assessment:  3.5
Moral assessment:  3
MTRCB rating:  PG 13
CINEMA rating:  V 14

            Tim Lake (Domhall Gleeson) gets a rather weird gift when he turns 21: his father (Bill Nighy) reveals to him a family secret that’s supposed to be kept between them—all the men in the Lake family are gifted with the ability to time travel.  No need for elaborate space suits and abracadabras: just find a dark secluded place (like a closet), close your eyes, clench your fists tightly, tell yourself where (or when) you want to be, and poof, you’re there.  Tim thinks it’s a joke until he tries it to rectify something that happened at a party the previous night—and it works.  Time leaves Cornwall for London to study law and find the girl of his dreams.  After a suspenseful and virtual “blind” date in a lightless bar he sees her—and they fall in love.  
            Director Richard Curtis (Love Actually, Notting Hill, Four Weddings and a Funeral) spins a delightful rom-com that weds the whimsical and the earthbound.  Despite the incredible element of time travel, the plot advances credibly and does not really capitalize on the supernatural to drive home its point.  Gleeson (Bill Weasley in the Harry Potter series) and McAdams are naturals as a loving couple, matching chemistry and perfect comic timing; Nighy couldn’t have been better cast.  About time scores high in the technical department, from characterization down to costume and make-up (note McAdams’ bangs an inch too short of her desired look).  While there’s really nothing extraordinarily exciting going on, the stimulating story and the fast pace keep viewers hanging on to scene after scene till the end.
            It is a pleasure to find a down-to-earth movie among the sci-fis and superhero flicks in the multiplexes’.  About time is also a soft-sell for the joys of marital fidelity, planning a family, growing up being cared for by devoted parents, etc.  The movie shows that in our time when broken families seem to be the norm, and when parents and children become strangers if not enemies, it is possible to still build your own world where children are wanted, welcome, and raised in love.  Premarital sex is implied, but considering that About time is not a Filipino movie but is rather set in a culture that permits it, this slightly off element is overshadowed by the many other positive values it depicts.  Even time travel is used here as a mere device in delivering the movie’s message: that while there are things in our past that we wish we could change, life sooner than later lets us glide into maturity until we reach that point when living from day to day we find joy and contentment.                        

Thursday, September 26, 2013

Sonata

LEAD CAST: Cherie Gil, Carlo Jalandoni, Chart Motus, Richard Gomez  DIRECTOR: Peque Gallaga. Lore Reyes  SCREENWRITER: Wanggo Gallaga  PRODUCER:  Peque Gallaga, Lore Reyes & Cherie Gil  MUSICAL DIRECTOR:  Emerzon Texon  GENRE: Drama RUNNING TIME: 110 minutes  LOCATION:  Manapla, Negros Occidental 
                      
Technical assessment:  4
Moral assessment:  4
MTRCB rating:  PG 13
CINEMA rating:  PG 13

Hindi makaahon sa balon ng paghihinagpis ang nalaos na opera singer na si Regina Cadena (Cherie Gil).  Bukos sa kanyang tinig, halos nawala na rin ang lahat sa kanya: matayog na luklukan sa lipunan, papuri ng madla, mga kaibigan at tagahanga, kalaguyo, at ang pagnanais pang mabuhay.  Anupa’t mistulang bilanggo siyang lugmok sa pag-iisa at kalungkutan, bagama’t sa hacienda pa rin siya nakatira—ayaw na niyang makakita o makakausap ng tao.  Ang hanap na lamang ng mga labi niya’y bote ng alak—at ang mga halik ng kalaguyong may-asawa at unti-unti nang kumakalas sa pangungunyapit niya.  Sa ganitong kalagayan matatagpuan ng batang si Jonjon (Chito Jalandoni) ang kumupas na bituin, nang isama ito ng kanyang inang si Cora (Chart Motus) sa Bacolod upang magbakasyon.  Mapaglaro si Jonjon, mausisa; maaakit siya ng kakaibang pagkatao ni Regina, at ipapahayag niya ito sa kanyang maliliit at musmos na paraan.  Magsisilbing distraction para kay Regina ang pagbibigay pansin sa kanya ni Jonjon, magkakalapit sila, at mamumukadkad ang isang uri ng pagkakaibigan na magdudulot ng panibagong sigla sa naluluoy niyang kaluluwa.
            Napakahusay ng pagkaka-tagni-tagni ng mga payak ngunit taos-pusong mga pangyayari sa Sonata.  Damang-dama ni Gil ang papel niyang napakalayo mula sa nakasanayan nang kontrabida.  Bida siya rito, ngunit isang bidang kawa-awa, sugatan at bulag sa kagandahan ng buhay.  Ang bawa’t aspetong teknikal tulad ng daloy ng salsaysay, tunog, tugtog, liwanag, sinematograpiya, lokasyon, at hanggang sa kaliit-liitang detalyang nagpapakita ng karangyaan ng nakawilihang buhay ng opera star ay sama-samang bumubuo ng isang makabagbag-damdaming himig—oo, ng isang sonata.  Isang pambihirang tampok ng Sonata ay ang paggamit ng wikang Ilonggo (at panaka-nakang Tagalog at Inggles kung kailan nararapat) na higit pang nagpatingkad ng “kulay-probinsiya” ng pelikula.  (Tumpak din ang pagkakasalin sa English subtitles, bagay na kinailangan pagkat tangka diumanong ipasok ang Sonata sa mga international film festivals.)
            Ang kahanga-hanga sa Sonata ay kung paano nito nahabi ang isang kuwentong aantig sa mga manunood na nagmumula sa iba’t ibang antas ng lipunan.  Ang pighati, pangungulila, pag-asam sa lumipas na ligaya, payak at busilak na pakikipagkaibigan—lahat tayo ay mayroon nito, ngunit hindi lahat ng tao ay magkakaroon ng pagkakataong makapanood ng isang opera, o malaman man lamang kung ano ito.  Sa Sonata, dahil sa pagiging magkaibigan ng soprano at isang paslit, naglaho ang pagkakahati ng mayaman sa mahirap: sa pagkukuwento ni Regina kay Jonjon ng istorya ng bawa’t isang operang nagtampok sa kanya, sa pag-aanyaya ni Jonjon na sumama si Regina sa kanilang paglalaro sa riles ng tubuhan, atbp.  Anupa’t lumayang muli ang diwa ni Regina at siya’y umawit nang muli.  Salamat sa galing ng mga direktor at manunulat, walang nasayang na eksena sa Sonata, buong-buo and pelikula, hanggang sa maganap sa buhay ni Regina ang nawika niya minsan kay Jonjon:  “Ang gustong-gusto ko sa lahat (ng ginampanan kong opera) ay ‘yung may namamatay sa dulo.” 

Monday, September 23, 2013

Lauriana


LEAD CAST: Adrian Cabido, Allen Dizon, Bangs Garcia, Victor Basa; DIRECTOR: Mel Chonglo; SCREENPLAY: Ricky Lee; Director of Photography: Nap Jamir; Production Design: Edgar Littaua; LOCATION: Quezon, 1950s: GENRE: Drama, Thriller; RUNNING TIME:120 minutes;  DISTRIBUTOR: Sineng Pambamsa

Technical assessment:  2.5
Moral assessment:  2
MTRCB rating: PG13
CINEMA rating: PG18

Ang 10-taong gulang na si Carding (Cabido) ay tatlong taon nang ulila buhat nang maaksidente ang kanyang mga magulang sa Maynila. Ang kakulangan sanhi ng biglaang pagkawala ng kanyang mga magulang ay mapupunuan ng kanyang pakikipagkaibigan kina Samuel Corazon (Allen Dizon), isang Kapitan ng Philippine Constabulary, at sa kanyang kinakasamang si Lauriana (Bangs Garcia), isang mananayaw sa barrio. Sa simula ay para silang isang maliit na pamilya kung saan saksi ang bata sa malagkit na lambingan nina Samuel at Lauriana. Pero sa isang iglap ay biglang mababago ang tema at makikita ni Carding ang sunod-sunod na karahasan dahil sa matinding selos at takot ng lalake maagaw ng iba ang kinakasamang dalaga. Ang mga alaala ng kalupitang ito ay madadala ni Carding hanggang sa kanyang pagtanda (Basa). Hirap siyang makipagtalik at wala rin siyang tiwala o awa sa mga katrabaho. Ang pinakamatinding emosyong nangingibabaw sa kanya ay galit at pagnanasang maipaghiganti ang pagkamatay ni Lauriana sa kalupitan ni Samuel.

Epektibo sana ang istilo ng manunulat at direktor na papayapain ang kalooban ng manunuod sa malumanay at mabagal na daloy ng kuwento at pagsusuyuan nina Samuel at Laurina sa unang bahagi ng pelikula. Aakalain ng manunuod na isang pagsubaybay lamang ito sa pagkamulat ni Carding sa mga gawain ng matatanda. Kaya’t matindi ang dating ng biglang paglantad ng karumaldumal na mga karahasan ni Samuel kay Lauriana. Maganda ang disenyo ng produksyon dahil sinikap nitong maging tapat sa dekadang tinutukoy sa mula pinakamaliit na gamit hanggang sa pagkakagawa sa mga set. Kapansin-pansin din na pinagbuhusan ng panahon ang pag-iilaw at pagkukulay sa mga eksena. Magaling ang konsepto ng pagkakahubog sa mga tauhan – ang pait ng kalooban ni Carding dahil wala siyang nagawa para tulungan si Lauriana, si Lauriana na pilit binibigyang dahilan ang hindi makataong kalupitan ni Samuel, at si Samuel na lagpas na sa katinuan ang pagmamahal at kagustuhang siya lamang ang umangkin kay Lauriana. Maganda pero nanatiling isang konsepto ito dahil mas nabubuo ng mga manunuod sa isip ang gustong puntahan ng kwento kaysa sa aktuwal na naipakita sa mga eksena. Unang-una, sadyang napakabagal at maraming paulit-ulit na eksena na kung tutuusin ay maaring putulin ang kalahati dahil kuha na ng mga manunuod sa unang mga segundo pa lamang. Nag-uumapaw rin ang mga detalye at side stories  na nakagulo lamang sa daloy ng pelikula. Ikalawa, hindi naging ganap ang pagkabuo ng kwento ng mga tauhan dahil na rin masyadong mahahaba ang ilang eksenang hindi na sana kailangan. Ikatlo, hindi epektibo ang pagganap nina Dizon, Garcia at Basa. Pwede na, pero hindi nabigyang katarungan ang pait, sakit at pagkasira ng pagkatao na pinagdaraanan ng kani-kanilang ginanapang mga karakter. Tanging sina Cadibo at Angeli Bayani (ang gumanap na tiyahin) ang naging tapat sa hinihingi ng kwento.

Napapanahon sana ang mga isyung inungkat sa Lauriana tulad ng epekto ng pagtuturo ng taliwas o paglalantad sa bata sa mga negatibong gawain, ang pag-aabuso ng mga lalake sa asawa o kinakasama, at ang paghihiganti. Kaya lamang, natakpan ang lahat ng ito ng mahahabang eksena nina Samuel at Laurina ng pakikipagtalik at karahasan. Nakababagabag din na tila walang pakiaalam lahat ang mga nasa paligid ni Lauriana bagamat alam naman nila ang pang-aabusong dinaranas ng dalaga. May maling pagkakaunawa sa pagmamahal—na siyang pangunahin dahilan kung bakit nagtitiis si Lauriana at nananakit si Samuel. Pero tila hindi ito natutunan ni Carding nang siya ay tumanda na dahil patuloy pa rin siyang hindi nakikiaalam kahit kaya niya at malupit magsalita sa iba kahit maliit at di sinasadya ang pagkakamali. Tanging ang tauhan ni Bayani lamang ang kakikitaan tunay na pagtanggap, pag-uunawa at pagmamahal. Sa huling eksena ng pelikula, gusto mong magdiwang dahil mismong tadhana na ang gumanti kay Samuel at magkakaroon na siguro ng kapayapaan at paghihilom si Carding pero sa kabilang banda, tila mas malalim ang panlulumo at kawalang pag-asa na nararamdaman ng manunuod dahil mas matimbang ang ang mensahe ng karahasan kaysa sa pagmamahal at pagpapatawad.

Nakapagtataka na PG13 lamang ang iginawad ng MTRCB samantalang tigib sa karahasan, sekswal at negatibong mga elemento ang tema at lenguahe. Tiyak naming walang magulang ang magugustuhang mapanuod ng kanilang mga teenager ang pelikula kahit na kasama pa sila para gumabay.


Friday, September 20, 2013

Lihis


LEAD CAST: Jake Cuenca, Joem Bascon, Isabelle Daza, Lovi Poe, Gloria Diaz, Racquel Villavivencio  DIRECTOR:  Joel Lamangan  SCREENWRITER:  Ricky Lee  PRODUCER:  Film Development Council of the Philippines (FDCP)  GENRE: Drama  RUNNING TIME:  100 minutes  DISTRIBUTOR:  FDCP  LOCATION:  Philippines

Technical assessment:  2
Moral assessment:  2
MTRCB rating:  R 16
CINEMA rating:  V 18  (For viewers 18 years old and above)

Magbubukas ng Lihis ang ilang sandaling dokumentaryo na nagpapakita ng mga kabuhungang nangyayari noong dekada 80, at magsasalit-salit iyon at ang mga eksena ng mga pangyayaring magaganap makalipas ang 20 taon.  Kabilang sa samahang NPA sila Ka Jimmy (Jake Cuenca) at Ka Felix (Joem Bascon) noong panahon ng kaguluhan, at magkakaibigan sila kahit batid nilang mahigpit na ipinagbabawal ito ng samahan. Hahadlang sa pag-iibigan ng dalawa ang pagdating ni Jasmin (Lovi Poe), isang volunteer na tangkang magtagal sa samahan nang dalawang linggo lamang  ngunit mapapaibig at papakasalan ni Ka Felix.  Taong 2006, ang estudyanteng si Ada (Isabelle Daza) ay magsasaliksik naman para sa kanyang ginagawang thesis tungkol sa isang massacre na nangyari sa Barrio Acacia.  Dito niya matutuklasan ang tunay na pangyayari noong panahong iyon na pilit itinatago sa kanya ng kanyang inang si Cecilia (Gloria Diaz).
Maganda at maayos ang simula ng Lihis, bagama’t gasgas na ang mga eksenang ipinakikita nito.  Marami-rami na ring mga pelikula ang namuhunan sa mababaw na pagtalakay sa kasaysayan noong panahon ng Martial Law sa Pilipinas, at hindi naiba rito ang Lihis, bagay na nagpakulay-propaganda dito.  Sapat ang husay sa pagganap na ipinakita ng bagitang si Daza, higit siyang palagay sa harap ng kamera kaysa sa kanyang ina sa tunay na buhay, si Diaz, na minsa’y magaling at minsa’y hilaw ang pagganap.  Pasable na rin ang pag-arte ni Poe, bagama’t hindi ganoong kalaki ang hamon ng kanyang papel.  Kakatwang panoorin ang dalawang kilalang machong aktor (Cuenca at Bascon) na kumikilos nang salungat sa kanilang imahen bilang mga artista, ngunit naitawid naman nila nang kapani-paniwala ang kani-kaniyang papel.  Maliban nga lang sa masyadong malinis at maporma ang mga rebeldeng bida: sosyal ang tabas ng buhok, naka-gel pa yata, style gumamit ng tubaw sa ulo man o sa leeg, at ang pananamit ay sunod na sunod sa uso ngayon, hindi naglalalayo sa mga modelong nasa billboards sa EDSA—samakatuwid, hindi tapat sa panahon ng istorya.  Pero ang pinakamalaking problema ng Lihis ay ang kanyang pahatid na mensahe.  Malabo.
Sa pagbabalik-tanaw sa mga mabibigat na isyu noong panahon ng Martial Law, at sa pagtatakda sa underground movement bilang mundo ng mga pangunahing tauhan, ano ang ninais tumbukin ng Lihis?  Na sila ay may matinding pagmamahal sa bayan at hangaring sagipin ito sa tiyak na kapahamakan?  Sa paglalarawan ng bawal na pag-ibig, gusto bang sabihin ng pelikula na walang hihigit pa sa kapangyarihan ng laman para alipinin ang tao?  Kung hangad ng Lihis na pag-alabin ang damdaming ng manonood upang mahalin ang Inang Bayan, lumihis ito sa kaniyang pakay, pagkat higit na maigting ang paglalahad nito ng ugnayang namamagitan sa dalawang lalaki kaysa kanilang ipinaglalaban para sa bayan.
Noong namalas ng CINEMA ang  dokumentaryong nagbukas sa Lihis, naisip naming “Siryoso ito, mukhang malaman!”  Ngunit noong mangyari na ang unang “sagupaan” ni Ka Jimmy at Ka Felix, naisip naman namin, “Ganoon lang?  Ganoon bang kasimple yon?”  Sa una kasi’y ipinakita ang init ng kanilang mga pagtatalo sa mga pulong, na halos magsuntukan na sila, iyon pala’y eskrimahan ang totoong gusto nila.  Nagsuntukan; nang magkadaganan, nauwi sa halikan; at nagtuluy-tuloy sa pukpukan.  Sa tantiya ng CINEMA, ginamit lamang na “sasakyan” ng Lihis ang Martial law setting upang patunayan na masidhi sa lahat ang tawag ng laman—higit na makapangyarihan kaysa sa mga pinakamatayog na adhikain ng tao.  Sa gayon, tila “nabakla” ang layunin ng Lihis. 
“Mapagbigay” ang pelikula sa relasyon ng dalawang lalaki—ito ang naging pananaw ng CINEMA gawa ng mga katanungang hindi masagot sa Lihis.  Kung mahigpit na ipinagbabawal ang ganoong uri ng relasyon sa NPA, bakit hindi iwinawasto ng mga kasamahan nila ang dalawa samantalang “marami nang nakakahalata” sa kanila?  Kung higit na mahalaga kay Ka Jimmy at Ka Felix ang kanilang ipinaglalaban sa bayan, bakit hindi nila inuuna ito sa lahat?  Walang ipinakikitang isinasakripisyo ang sariling pagnanasa alang-alang sa pagsulong ng layunin ng samahan.  Sa katunayan, alipin sila ng “init” nila sa isa’t isa: sa liwanag ng araw, sa ilog, hantaran silang gumagawa ng bawal—hindi na ba nila naisip na baka may makakita sa kanila, kasama man nila o mga taga-nayon na maliligo o maglalaba sa ilog—bagay na makakapula sa pangalan ng samahan?  Kung hindi lamang laman ang ugat ng kanilang pagkaka-akit sa isa’t isa, bakit hindi man lamang sila ipinakikitang nag-uusap nang matimtiman tungkol sa kanilang pag-ibig sa bayan at malasakit sa kapwa?
Maging ang buong-loob na pagkarahuyo ni Jasmin kay Ka Felix hanggang sa pakasalan siya nito ay hindi masasabing nagmumula sa tunay na pag-ibig kungdi sa kagustuhan lamang patunayan ng babae na wala siyang ginustong hindi napasakanya.  At nang mapasakanya na nga, sa kabila ng pagkakaroon ng maayos na buhay at pamilya ni Ka Felix, mabibitag pa itong muli sa matinding pagtugis ng lumuluha at nagdurusang Ka Jimmy.  Kakatwa na pati na ang ina ni Ka Jimmy ay naging kunsintidora; ni hindi niya pinaalalahanan ang anak na layuan ang lalaking may pamilya—and mahalaga sa kanya’y maligaya ang kanyang anak, tapos.
May mga naulinigan kami sa sinehan na nag-aabang sa mga eksena ng pagtatalik ng dalawang lalaki.  “Tatlong eksena daw iyon,” sambit nila, at dumating nga ang tatlong eksena, tatlong eksenang hindi namin inakalang buong-layang ipapalabas sa mga sinehan ng SM Malls na hindi diumano nagpapalabas ng mga pang-adults.
Hindi ikinakaila ng CINEMA na may mga taong “lihis” ang kagustuhang seksuwal, at ang mga ito’y matatagpuan kahit na sa mga samahang tulad ng NPA, militar, o Simbahan, sa anumang relihiyon.  Hindi nanghuhusga ang CINEMA batay sa kasarian ng tao, ngunit nais ipagpalagay ng CINEMA na ang pinilakang tabing ay may kapangyarihang mag-angat ng kalagayan at kamalayan ng tao.  At ang isang paraan upang maisakatuparan ito ay ang pagpapakita na mayroon pang mga bagay na higit na mahalaga kaysa pangsariling kasiyahan, lalu na’t kung ang kasiyahang ito ay nagiging sanhi lamang ng higit pang malaki, marami, at malalang mga suliranin.