Friday, July 15, 2016

Ma' Rosa


DIRECTOR:  Brillante Mendoza  LEAD CAST:  Jaclyn Jose, Julio Diaz, Mon Confiado, Baron Geisler, Jomari Angeles, Felix Roco, Andi Eigenmann WRITER: Troy Espiritu  PRODUCER: Larry Castillo  EDITOR:  Diego Marx Dobles  MUSIC: Teresa Barrozo  CINEMATOGRAPHER:  Odyssey Flores  PRODUCTION COMPANY: Center Stage Productions  DISTRIBUTOR: Films Distribution, Paris  GENRE: Drama  LANGUAGE:  Pilipino  LOCATION:  Manila slums RUNNING TIME: 110 minutes
Technical assessment: 3.5
Moral assessment:  2.5
CINEMA rating:  V18
MTRCB rating:  R16
Isang maliit na tindahang sari-sari lamang ang pinagkakakitaan ng mag-asawang Rosa at Nestor Reyes (Jaclyn Jose at Julio Diaz), may apat na anak sila at nakatira sa isang squatter area sa Maynila.  Upang madagdagan ang kinikita, nagtitingi sila ng droga sa ilang mga kapitbahay.  Lulusubin ng pulisya ang kanilang bahay at sa kabila ng kanilang pagmamaang-maangan, matatagpuan ng mga alagad ng batas ang kahong taguan nila ng shabu.  Nakaposas na kakaladkarin ng mga pulis ang mag-asawa sa presinto, at hihihimukin silang makipag-areglo na lamang—hihingan sila ng mga ito ng 200,000 libong piso kapalit ng kanilang paglaya.  Pagka’t wala naman silang gasinong naiipon, papayag sila sa alok ng mga pulis na ituro na lamang ang kanilang pinagkukunan ng droga—si Jomar (Kristofer King)—para ito ang dakpin at siyang managot.  Bagama’t maibababa sa 100,000 piso na lamang ang hinihingi ng mga pulis, ang makakaya lamang ibigay ng asawa ni Jomar ay 50,000.  Walang magagawa ang mag-asawang nakakulong kungdi ang umasa sa mga anak; sa kagustuhan namang makalaya ang mga magulang, kung anu-anong paraan ang papasukin ng mga bata para makalikom ng halagang inaasahan ng mga buktot na pulis.
Unang tatambad sa paningin ng manonood sa Ma Rosa ang maalog na kuha ng kamera, bagay na sinadya upang higit na maging “tunay na buhay” ang dating ng salaysay.  Pagka’t sinikap ni Mendoza na mag-mukhang isang dokumentaryo at maging makatotohanan ang anyo ng pelikula, hindi kinailangan ng Ma Rosa ang mga eksena o tanawing makapigil-hininga sa ganda.  Ang mga manonood na medaling mahilo o hindi nakakaunawa sa layuning ito ay hindi rin makakatagal sa ganitong patalbog-talbog na mga imahen, at malamang ay mawalan din agad sila ng interes sa inilalahad ng pelikula.  Sayang, sapagka’t napapaloob sa kabuuan ng kuwento ang malaking bahagi ng puwersa ng Ma Rosa.
Ang tema ng droga at ang pagiging ganid at mapagsamantala ng ilang mga pulis ay hindi na bago o naiiba sa mga pelikula ngayon, ngunit dahil sa maigting at taos-pusong pagganap ng mga artista, nabigyang-buhay ang Ma Rosa—nabigyan ito ng sapat na galaw at hininga upang sundutin ang kaisipan ng mga manunood at magtanong ng “Ito kaya talaga ang nangyayari sa kapaligiran natin ngayon?”
Sa kabila ng magaling na pagganap ng mga nangunguna sa cast, namumukod-tangi pa rin ang husay ni Jose bilang si Rosa.  Dalisay at buong-buo ang pagsasalarawan ni Jose sa katauhan ng bidang biktima; habang sinusundan mo ang mga pangyayaring kinasasadlakan ni Rosa, hindi man lamang sasagi sa isip mo na “si Jose iyan at umaarte lang siya dahil hanapbuhay niya iyan”.  Sa igting ng kanyang pagganap, kinilala ang kakayahan ni Jose ng mga hurado sa Cannes Film Festival—mga batikan sa larangan ng pelikula—at itinanghal siya bilang Best Actress sa taong 2016, ang kauna-unahang aktres mula sa Timog-Silangang Asia na tumanggap ng Palme d’Or mula sa pinaka-prestigious film festival sa buong mundo.
Sa kagustuhan marahil ni Mendoza na tutukan ang corruption sa hanay ng mga pulis, iniwasan na ng Ma Rosa na sisirin pa ang mga motibo ng mga tauhan sa kuwento—ang nanaig ay ang pagpapakita ng kagipitan ng pamilyang Reyes sa kamay ng mga pulis at ang paglapat nila ng solusyon dito.  Pagkat hindi naipakita kung ano ang maaaring mangyari kung hindi makakalikom ng sapat na halagang pang-areglo ang pamilya, nagkulang sa tension ang situasyon: tila siguradong-sigurado sila na “maareglo” lamang nila ang mga pulis ay malaya nang muli ang mag-asawa, tapos na ang problema.
Gawa ng mga “bungi” ng pelikula, o sa kabila ng mga ito, maraming maaaring pag-usapang issues sa Ma Rosa.  Ilan sa mga katanungan ng mapanuring manunood ay: “Tama o makatuwiran ba na ipagamit ng binatilyong si Erwin ang kanyang katawan upang kumita ng iaambag sa pang-areglo sa pulis?  Sa ipinakitang eksena sa kama at sa bayaran matapos ito, lumalabas na tila hindi na bago ang karanasang iyon kay Erwin—batid kaya ito ng kanyang mga magulang?  Hindi kaya pagsimulan ito ng bagong problema sa pamilya, kung hindi man ng isang uri ng adiksiyon para kay Erwin?
Ngunit sa kadulu-duluhan, mapapatawad na rin ang mga kakulangan at kalabisan ng pelikula.  Halimbawa, ang kakulangan ng delikadesa sa labis na mahaba at buyangyang na eksena ng pagsisiping ng dalawang lalaki ay tatapatan naman ng banayad na pamumukadkad ng katotohanan sa mga huling sandali, kung kailan—habang binubusog ang sarili sa pagnguya ng fishball at pagmamasid sa isang pamilyang nagsasara ng kanilang munting tindahan sa bangketa—si Rosa ay luluha.  Walang salita, walang tunog, walang musika—luha lamang ng isang inang nasa dilim.
Sino ang makapagsasabi kung bakit lumuluha si Rosa?  Hindi pinalad ang CINEMA na tanungin si Mendoza tungkol dito, ngunit sa aming palagay, magkahalong hapis at pagsisisi ang kahulugan ng pagluha ni Rosa.  Matatag na babae si Rosa—hindi niya iiyakan ang matinding pagod, ang malaking pagkakautang na hinaharap, o ang pang-aapi ng makapangyarihan.  Dahil sa kanyang namasdang pamilya, tila baga nagbalik-tanaw siya sa panahon ng kawalang-malay: maliliit pa ang mga anak nila, sa bangketa lang sila nagtitinda, masaya sila—at wala pang droga sa buhay nila noon. 

I love you to death

DIRECTOR: Miko Livelo  LEAD CAST: Kiray Celis, Enchong Dee, Janice De Belen, Betong Sumaya, Michelle Vito, Devon Seron, Trina Legaspi, Shine Kuk, Paolo Gumabao, Jon Lucas, Christian Bables, Nico Nicolas, Dino Pastrano, Gilbert Orsini  SCREENWRITER: Ash Malanum  EXECUTIVE PRODUCERS: Lily Monteverde, Roselle Monteverde  MUSIC BY: Francis Concio  FILM EDITOR: Carlo Francisco Manatad  GENRE: Romantic Horror Comedy  CINEMATOGRAPHER: Moises Zee
PRODUCTION DESIGNER: Vanessa Uriarte  PRODUCTON COMPANY: Regal Entertainment, Inc.  DISTRIBUTED BY: Regal Entertainment, Inc.  COUNTRY: Philippines  LANGUAGE: Pilipino  RUNNING TIME: 104 minutes
Technical Assessment: 2.5
Moral Assessment: 2
Cinema Rating: V18
MTRCB Rating: PG
Noong sila’y mga musmos pa lamang, nagsumpaan sina Tonton (Enchong Dee) at Gwen (Kiray Celis) na magpapakasal pagdating ng tamang panahon at magmamahalan hanggang kamatayan.  Ngunit nang dahil sa tila panunukso ng mga kaibigan ni Gwen kay Tonton, nagkahiwalay sila ng landas at si Tonton ay labis na naghinanakit at isinumpang si Gwen ay papangit.  Makalipas ang sampung taon, makikitang pawang nagkatotoo ang sumpang ito ni Tonton kay Gwen.  Kung kaya’t sa kanyang kaarawan, hiniling ni Gwen na sana’y dumating na sa buhay niya ang isang lalaking magiging “patay na patay” sa kanya.  At tila isang kasagutan sa kanyang hiling, nagbalik si Tonton sa buhay niya at niyaya siya agad nito na magpakasal.  Mamamangha si Gwen sa matipuno at guwapong si Tonton, agad niyang tatanggapin ang alok nito na magpakasal.  Ngunit tila may hindi maipaliwanag na misteryo sa pagkatao ni Tonton.  Simula rin nang magbalik ito sa buhay ni Gwen, tila nagkakasunod-sunod ang pagkamatay ng kanyang mga kaibigan.  Siya pa rin kaya ang Tonton na matagal nang hinintay ni Gwen?  
Nagsubok ang I Love You To Death na maghain ng bagong putahe ng romantic-horror-comedy sa pagkakaraon ng bidang babae na ang kasikatan ay natamo sa pagkakaroon ng “kakaibang-uri” ng kagandahang panlabas.  Bagama’t mahusay si Celis, tila malabis ang pagtataya ng pelikula sa kanyang hitsura para laging gamitin itong tulay upang maitawid ang katatawanan sa pelikula.  Isa itong makalumang paraan ng komedya.  Sa isang banda, nakakabilib na sana ang pelikula sa mapanglibak nitong paglalarawan ng lipunang umiikot sa materyal na bagay at pagpapahalaga sa panlabas na anyo.  Nakakatawang panoorin ang magbabarkadang babae at lalaki na talagang tipikal na samahan ng mga kabataan sa ngayon—lalo na sa mga nanggaling sa may-kayang angkan.  Nagsubok din ang I Love You To Death na magpamalas ng mga nakagugulat na special effects at make-up.  Matagumpay ito sa ilang eksena, ngunit palaging problemado ang pelikula pagdating sa kabuuan ng pagsasalaysay nito—maraming mga eksenang tila hindi maramdaman at hindi malaman ng manononood ang pinanggagalingan.  Mahina ang hagod ng emosyon—marahil ito’y dahil sa hindi kapani-paniwala ang pagkakalahad ng kwento.  Kitang may malalim na sining at talinong pinangagalingan ang pelikula ngunit sadyang maraming kulang upang masabing epektibo ito bagama’t itoý tunay na napapanahon.
Problemado rin ang pelikula pagdating sa aral at asal na nais nitong iparating. Sa isang banda, kapuri-puri ang pelikula sa pagtalakay nito ng problemang “bullying” o pag-aalipusta. Tila ito ang naging sentro ng pinanggagalingan ng mga bida sa pelikula—ang sugat na dulot nito tila mahirp mapaghilom. Tumatanim ang sakit ng pag-aalipusta hanggang kamatayan.  Natabunan ng malabis na galit at paghihiganti ang dapat sana’y magandang mensahe ng pelikula. Nariyan pa ang kaguluhan kung ano ba talaga ang totoong motibo ni Tonton? Tunay ba ang kanyang pag-ibig kay Gwen o hindi? Paanong ang mga musmos na tulad nila ay nagkaroon ng kakayahan at kaalaman ukol sa wagas na pag-ibig? Bagama’t ang pagmamahal ay walang pinipiling edad o estado, ang mga batang tulad nila ay hindi dapat pinagmumulan ng malisya. Hindi dapat maging instrumento ang sining ng pelikula upang palabasin na ang malisya ay nagsisimula sa pagkabata. Ito’y isang kasinungalingang pilit nilang idinidiin maya’t-maya dahil lamang sa ito’y “cute” tingnan. Ang nakakabahala dito’y nagkakaroon ng tila malabong kahulugan ang pagmamahal sa mga musmos na gaya nila. Isa pang malabis na nakakabahala sa I Love You To Death ay ang mga kahindik-hindik na eksena at larawan ng malabis na katatakutan—mga bahagi ng katawan na binabali, sinusunog, pinuputol, pinahihirapan.  Anuman ang nais nitong sabihin, kalabisan na ito para sa mga batang manonood—maaari itong magdulot ng bangungot sa kanila. Kita rin sa pelikula na walang pagpapahalaga ang Pilipino sa pakikipag-kapwa—pawang nabubuhay sila para sa kanilang pansariling interes lamang. Tama bang tanggihan ng upuan sa dyip ang isang nakasuot-pangkasal at hayaan pa itong sumabit sa dyipni?  Dahil dito at sa marami pang ibang dahilan, minamarapat ng CINEMA na ang I Love You to Death ay para lamang sa manonood na may 18 taong gulang pataas. 

Thursday, July 7, 2016

The young Messiah

DIRECTOR: Cyrus Nowrasteh  LEAD CAST:  Adam Greaves-Neal, Sean Bean, David Bradley, Lee Boardman, Jonathan Bailey, David Burke  SCREENWRITER:  Cyrus Nowrasteh, Betsy Giffin Nowrasteh   PRODUCER:  Michael Barnathan, Chris Columbus, Tracy K. Price, Mark Radcliffe, Mark Shaw   EDITOR:  Geoffrey Rowland  MUSICAL DIRECTOR:  John Debney  GENRE:  Drama  CINEMATOGRAPHER: Joel Ransom  DISTRIBUTOR:  Focus features  LOCATION:  United States  RUNNING TIME: 111 minutes
Technical assessment:  3
Moral assessment:  3
CINEMA rating:  V13  (Viewers 13 years old and below, with parental guidance) 
This engaging dramatization remains faithful to the underlying message of scripture even as it speculates about the childhood of Jesus (played here, age 7, by Adam Greaves-Neal), a topic on which the Gospels are virtually silent. As Joseph (Vincent Walsh) leads his family back from exile in Egypt, he and Mary (Sara Lazzaro) struggle to understand and guide their unique son, whose supernatural identity is at least partially known to his relatives—including his uncle Cleopas (Christian McKay) and cousin James (Finn McLeod Ireland)—and whose miraculous powers are already apparent. Danger pursues the extended clan in the person of a Roman centurion (Sean Bean) who has orders from King Herod (Jonathan Bailey) to find and kill the boy and in the figure of Satan (Rory Keenan) whose presence only Jesus can sense. Director and co-writer Cyrus Nowrasteh's screen version of Anne Rice's 2005 novel "Christ the Lord: Out of Egypt" sensitively explores the mystery of the Incarnation in a way that will both intrigue and entertain viewers of most ages. (Capsule review courtesy of Catholic News Service)

Wednesday, July 6, 2016

Independence Day: Resurgence

DIRECTOR:  Roland Emmerich  LEAD CAST:  Liam Hemsworth, Jeff Goldblum, Bill Pulman, Maika Monroe, Travis Tope, William Fichtner, Charlotte Gainsbourg, Judd Hirsch, Jessie Usher, Brent Spiner,  Vivica A. Fox, Angelababy  SCREENWRITER:  Roland Emmerich, Dean Devlin, Nicholas Wright, James A. Woods, James Vanderbilt  PRODUCER:  Dean Devlin, Roland Emmerich, Harald Kloser  EDITOR:  Adam Wolfe  MUSICAL DIRECTOR:  Harald Kloser, Thomas Wanker  GENRE:  Science Fiction  CINEMATOGRAPHER:  Markus FÖrderer  DISTRIBUTOR:  20th Century Fox  LOCATION:  United States  RUNNING TIME: 120 minutes
Technical assessment: 3
Moral assessment: 3
Cinema rating: V14
MTRCB rating: PG
Twenty years after the events of alien invasion in 1996, it is seen that the Earth has rebuilt everything and is now using advanced alien technology for the betterment of the entire planet. But then, the vengeful alien invaders haven't given up yet, and it sends a massive ship with the alien queen, that quickly pushes through Earth's space defenses and destroys a big part of the civilized world. It lands in the Atlantic Ocean and starts drilling into the Earth. The Earth Space Defense Team consisting of scientists, political leaders, and soldiers must do everything they can to stop the aliens before they destroy the entire planet and put humanity in total extinction.
Independence Day: Resurgence is an attempt to bring back the glory and box-office hit it created 20 years ago. Although the effects and magnitude of this latest and updated sequel is much bigger and even bolder, still it lacks that necessary emotional tension for a compelling narrative. It is as if the core of the story is just the CGI (computer generated imagery) and not the characters. Beyond the visual treat of aliens, spaceships and laser beams, there really is no storyline to follow except for the seemingly obvious goal of defeating the aliens. Although there is an attempt to humanize the story, the movie is somehow too busy creating CGI that would destroy world landmarks and monuments for greater effect. The result is a poorly developed narrative creating underdeveloped characters and subplots that do not really work. If films are only for showcase of special effect and CGI’s, the film could be considered excellent but a film should be more than a visual feast, it should tell a story to uplift the human spirit—and in that respect,Independence Day: Resurgence is no more than a spectacle.
Looking closely into some scenes separately, the film tackles various webs of significant human relationships.  Family is at the top of the film’s priority—there is a father who sacrifices his life for the sake if his daughter. The same daughter gives up her career and ambition to take care of her sick father. There is a big sister that takes care of her younger siblings. Then there is a son who takes care of his father and another son who grieves for his parents who died many years ago from the same kind of incident. The world may end but relationships last until beyond lifetime. Friendships and romantic relationships come next in the hierarchy of relationships in the film. Here, friends and lovers are also given importance. After all, these are important relationships that really matter in one’s life. It is also seen in the film how world unity, teamwork and camaraderie can save the planet. However, dominance of men over women is still apparent. For more than one occasion, women are portrayed as someone who cannot finish a task, and the men are the ones who take over. Men of different colors, religion and creed are also present in the film—to add texture perhaps or maintain the global magnitude of the conflict—but then, they are shown as apparently inferior, if not mocked for being superior. There is cursing here and there and use of crass language in the film along with predominantly violent visuals so CINEMA deems Independence Day: Resurgence as appropriate only for audiences aged 14 and above.