DIRECTOR: Chris Martinez LEAD CAST: TJ Trinidad, John Lapus, Edgar Allan Guzman, Joey Paras, Prince Stefan SCREENWRITER: Chris Martinez PRODUCER: Vincent del Rosario III, Veronique del Rosario-Corpus EDITOR: Vanessa de Leon MUSICAL DIRECTOR: Jesse Lucas GENRE: Comedy CINEMATOGRAPHER: Gary Gardoce DISTRIBUTOR: Viva Films LOCATION: Metro Manila RUNNING TIME: 112 minutes
Technical assessment: 2.5
Moral assessment: 2
MTRCB rating: R13
CINEMA rating: V18
Ang Working Beks ay pagsasalarawan ng buhay ng limang lalaki na iba-iba ang pagka-bakla. Kilalang aktor si Champ Reyno (Edgar Allan Guzman) na nasangkot sa iskandalo nang maging viral ang sex-video niya na kasama ang isang lalaki. Bigla siyang nawala sa sirkulasyon at naging usap-usapan kung maglaladlad na ba siya ng kapa o sila na ba ng kanyang ka-loveteam na si Joy (Bela Padilla). Masipag, madiskarte at matiisin ang transvestite na si Gregorio, a.k.a. Gorgeous (John Lapus). Malakas ang kita ng kanyang maliit na turu-turo na siyang sumusustento sa kanyang napakalaking pamilya, pero parang walang nagbibigay ng importansiya sa kanya. Corporate executive naman si Tommy (TJ Trinidad) na nilampasan ng promotion dahil sa hayagan niyang ipinakita ang kanyang pagka-bakla: kilala ng mga ka-opisina niya ang kanyang partner na si Jeric Raval at ang kanilang dalawang 'adopted daughters.' Call center agent naman si Jet (Prince Stefan) na takot na takot na baka may HIV din siya dahil nabalitaan niyang nagpakamatay ang isang dati niyang partner nang malaman nitong HIV positive siya. Ikakasal na si Mandy (Joey Paras) pero hanggang sa huling sandali ay atubili pa rin siyang lumagay sa tahimik dahil ramdam niya ang pagka-akit sa kapwa lalaki.
Gaya ng pelikulang Working Girls ni Ishmael Bernal na sumalamin sa buhay ng mga babaeng nagtatrabaho noong dekada 80, ipinapakita naman ng Working Beks ang buhay ng mga "beki," shortcut ng “bekimon” na ibig sabihin ay binabae o bakla, sa ating panahon. Tulad ng karaniwang tao, ang mga beki ay mayroong kani-kaniyang mga pagsubok, problema at mga karanasan sa trabaho na hindi nabibigyan ng pansin. Ito ang sinikap bigyang-buhay ng mga bidang nagsiganap sa pelikula. Simple lang ang kanilang dialogue, maayos at hindi OA ang mga costume. Kapani-paniwala si EA Guzman bilang Champ at mahusay ang paglalarawan nila ni Bela Padilla sa mundo ng showbiz. Pino at “understated” naman si TJ Trinidad bilang Tommy. Subalit kahit na natural at may galing sa pag-arte ang mga bida, hindi nabigyan ng sapat na pagbuo ang kani-kanilang mga karakter. Sapat naman ang panahon para ipakilala ang bawat isa, kaya lang ay imbes na ipakita ang pagkatao nila upang madama at makiisa ang manonood sa kanilang pinagdadaanan, nauwi lahat sa katatawanan. Maraming eksena na paulit-ulit, mabagal, at sablay ang punchline. Hindi rin naging maayos ang pagkakatagni-tagni ng mga kwento kayat hilaw ang katapusan nito.

Maganda ang layunin ni Chris Martinez na isalarawan ang buhay ng mga bakla. Mahusay rin na naipakitang nagtatrabaho sila sa corporate world, sa pagtitinda ng pagkain, sa call centers, at sa showbiz at ng isang gustong magpakasal sa babae. Hindi maikakaila ang kontribusyon ng mga bakla sa pamilya at sa lipunan. Karaniwan silang nakakaranas ng discrimination at kinukutya, o kaya’y binabalewala. Dagdag pa sa kakulangan sa pag-unawa at pagtanggap sa kanilang buong pagkatao ay ang panganib ng HIV/AIDS na pawang isinalarawan sa pelikula. Malalim at napapanahon ang mga temang ito na maaring pagsimulan ng talakayan tungkol sa homosexualityat wastong pagpapahalaga sa mga bakla, kaya nakapanghihinayang na sa tangkang gawing magaan o komedya ang pelikula, hindi ito nabalanse ng direktor at naging katawa-tawa (ridiculous) tuloy ito.
Tinatanggap ng Simbahan ang lahat ng kanyang mga anak, ano man ang sexual orientation ng mga nito. Ngunit may mga bagay na dapat linawin sa mga binibigyang-katwiran ng pelikula. Nang magpa-HIV test si Jet, inulit ng nurse na “hindi kasalanan ang magkaroon ng HIV. Sakit ito, hindi kasalanan.” Siguro kung nahawa ka lang sa asawa mo, gaya ng nurse, o dahil sa isang medical procedure, hindi mo nga kasalanan. Pero sa kaso ni Jet na may maraming gay sexual partners, ibang usapan na yon. Binibigyang-daan ng CINEMA ang tinig ng Simbahang Katolika ukol sa mga bagay na ito, at sinisikap na imulat ang mga mata ng manonood na sakit nga ang HIV, ngunit huwag nating kalimutang ang gawaing pinagmulan nito ay kasalanan pagkat ito’y taliwas sa batas ng kalikasan. Pinaninindigan ng Simbahan na ang pagtatalik ay ang paraan ng kalikasan upang ipagpatuloy ang lahi, kaya’t ito’y nararapat lamang na mamagitan sa isang lalaki at isang babae, bagay na pagmumulan ng supling. Maganda na sana na nagising si Jet sa kanyang pagkakamali, pero pati ito ay ginawang katatawanan. Ipiniprisinta din ng pekikula na normal na magsama ang dalawang lalaki bilang mag-asawa at umampon ng mga bata bilang mga anak. Sinasabi sa Banal na Kasulatan, “Ginawa ng Diyos ang tao—babae at lalaki... Iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina. Magsasama sila ng kanyang asawa at sila’y magiging isa.” Dahil sa mga paksang ito at ilang maseselang eksena, binibigyang ng CBCP-CINEMA ng V18 rating ang Working Beks.