Friday, November 16, 2012

A secret affair


Cast:    Anne Curtis, Derek Ramsay, Andi Eigenmann, Jaclyn Jose, Joel Torre, Jackie Lou Blanco Director:  Noel Crisostomo Naval Screenwriter: Mel Mendoza-del Rosario  Producer: Vic Del Rosario  Distributor: Viva Films Genre: Romance, Drama  Running Time: 110 mins

Technical Assessment:  3.5
Moral Assessment:  1.5
CINEMA Rating:   V18

Tinanggap ni Rafi (Ann Curtis) ang alok na kasal ng nobyong si Anton (Derek Ramsay) ng bigla itong gawin ng huli sa harap ng audience sa isang music bar. Ito ay sa kabila ng maikling panahon pa lamang ang kanilang relasyon. Ang sumunod na pangyayari ay di mapantayang galak ng paghahanda sa araw ng kasal. Subalit habang papalapit ang araw ay nakapag-isip isip pa si Ann na di naging sapat ang panahon para paghandaan ang isang panghabang-buhay na pagkakatali tulad ng pag-aasawa kaya isang araw bago ang kasal ay humingi sya ng paumanhin kay Anton at umatras sa kasal. Katulad ng inaasahan ay nasaktan at nangulila si Anton. Lingid naman sa kaalaman ni Rafi ay nagkaroon ng one-night stand si Anton at ang kaibigan niyang si Sam (Andi Eigenmann) bago pa man sila nagkakilala at naging obsessed ito sa nobyo. Ikinatuwa ni Sam ang pag-atras ni Rafi sa kasal at sinamantala niya ang panahon ng pangungulila ni Anton upang bigyang laya ang damdamin niya para dito. Samantala nakapag-isip na si Rafi at sa kanyang pagbalik ay muli siya humingi ng paumanhin kay Anton, sa pagkakataon na ito hiniling nya na muli syang tanggapin subalit di upang ituloy ang kasal kundi upang magsama na muna at subukan ang buhay mag-asawa.  Bagamat nasaktan ay tinanggap sya ni Anton dahil sa labis na pananabik at pagmamahal nya kay Rafi. Masaya naman ang mga kaibigan at pamilya ni Rafi sa kanilang pagbabalikan maliban kay Sam. Hindi nya inasahan na magkakabalikan ang dalawa kaya palihim syang gagawa ng paraan para mapasakanya si Anton ng lubusan. Hindi naman nagkaroon ng lakas ng loob si Anton na ipagtapat kay Rafi ang namamagitan sa kanila ni Sam kaya lahat ay nagaganap ng lingid sa kaalaman ni Rafi.

Maingat ang pagkakatahi ng kuwento ng A Secret Affair. Hindi madaling hulaan ang katapusan kaya kailangan abangan ang mga eksena. Nabigyan ng “highlight” ang mga pangunahing tauhan – bida man o kontrabida. Sa mga nag-aakala na pakikiapid ang pinatutungkulan ng pamagat ng pelikula ay mabibigo sapagkat mas tumutukoy ito sa mga palihim na pagtatalik na mas madalas nangyari sa panahong wala sa relasyon ang lalaki. Mahusay ang mga pagganap.  Markado ang mga pag-arte nina Curtis at Jaclyn Jose bilang mag-ina kahit na halata komportable si Curtis sa wikang ingles na siyang halos language medium ng script. Medyo nakikipagsabayan din sina Ramsay at Eigenmann. Epektibo ang mga napiling aktor at aktres para sa mga tauhan. Makahulugan ang paghahatid ng mga linya lalo na sa mga tampok na eksena.. Mahusay ang direktor sa pagpapalabas ng mga emosyon at nakatulong ang mainam na mga kuha ng camera kahit na sa maseselan tagpo ng mga pagtatalik. Maganda ang disenyo ng produksyon gayundin ang make-up. Isang malaking sandata ng pelikula sa pag-akit sa mga manonood ay ang mga eksenang naglalabas sa katarayan ng mga tauhan, lalo na’t sa mga harap-harapang pag-aaaway ng mga magkakaribal.  Sa kabuuan ay maganda ang teknikal na aspeto ng pelikula.

Nakababahala naman ang lumalabas na pagkalahatang tema ng pelikula na casual sex. Lumutang ang mga kahinaan sa tawag ng laman kung saan pwedeng gawin ang pakikipag-sex nang palihim kahit saang lugar, kahit anong oras at kahit na may masasaktan. Ito ay sa kabila ng disenteng background at pagiging propesyonal ng mga kasangkot na tauhan na inaasahan mas magiging responsable sa kanilang mga kilos at asal. Tinalakay din sa pelikula ang hayagang pakikipag-sex sa loob ng live-in relationship. Pinakita sa pelikula na puwede naman pala ang “live-in”, ang mag-eksperimento ang mga magsing-irog na hindi pa kayang sumubo sa pag-aasawa.  Madali lang, para lamang “bahay-bahayan”. 

Malinaw sa pelikula na ang pag-aasawa ay isang pang habang buhay na desisyon at di dapat daanin sa nararamdamang kilig—dapat itong pag-isipan lalo na kung maikling panahon pa lamang sa relasyon. Bahagya ring tinalakay sa pelikula ang pakikiaapid sa sitwasyon ng mga magulang ni Rafi kung saan pinili ng kanyang ina na hayaan na lamang magkaroon ng kabit ang asawa sa napakahabang panahon kaysa naman daw maiskandalo pa ang mga anak. Pero bago naman magwakas ang pelikula ay buong-taray niyang hinarap at sinumbatan ang kerida. Para ano pa kaya ito?

Di man aktuwal na mabunyag ang mga lihim na pagkakasala ay mayroon laging maliit na tinig na sumisigaw sa puso at isipan ng taong gumagawa nito—ang tinatawag na konsiyensya. Natauhan naman sa bandang huli ang mga kasangkot na luhaang nagsisi sa mga pinaggagawa nila at parang handa naman silang magkanya-kanya upang magsimulang muli.  Babala: ang malaking bahagi ng pelikula ay nagpapakita ng pananaig ng laman, ng kahinaan ng mga tauhan, at labis na pinagaganda ang mga eksenang ito sa paraang makararahuyo sa mga murang isipan upang malimutan nito ang mga gawing pinahahalagahan ng kulturang Pilipino bilang isang Kristyanong bansa. 

Thursday, October 25, 2012

Frankenweenie

LEAD CAST: Charlie Tahan (Victor), Catherine O’Hara (Victor’s mother), Martin Short (Victor’s father), Martin Landau (Victor’s science teacher), Wynona Ryder (Victor’s kind neighbor Elsa), Atticus Shaffer (Victor’s classmate Edgar) DIRECTOR: Tim Burton SCREENWRITER: Tim Burton, John August GENRE: Stop-Motion Animation, Family DISTRIBUTOR: Walt Disney Pictures LOCATION: USA RUNNING TIME: 100 minutes

Technical: 4
Moral: 3.5
CINEMA rating: R 13 (For viewers 13 years old and above)

From creative genius Tim Burton comes Disney's Frankenweenie, a heartwarming tale about a boy and his dog. After unexpectedly losing his beloved dog Sparky, young Victor harnesses the power of science to bring his best friend back to life-with just a few minor adjustments. He tries to hide his home-sewn creation, but when Sparky gets out, Victor's fellow students, teachers and the entire town all learn that getting a new "leash on life" can be monstrous.

Tiktik: the Aswang Chronicles


Cast: Dingdong Dantes, Lovi Poe, Joey Marquez, Janice de Belen, Roi Vinzon;   Direction: Erick Matti; Story and Screenplay: Erick Matti;  Producer: Ronald Stephen Monteverde, Jose Dantes III, Annette Gozon-Abrogar; Cinematography: Francis Rocardo Buhay III; Music:  Von de Guzman;    Editing: Jay Halili  ; Genre: Horror-Fantasy; Distributor: Reality Entertainment; Location: Philippines; Running Time:  105 minutes
Technical Assessment:   3   
Moral Assessment:   2.5
CINEMA Rating:  V14

Technical Assessment            : 3   
Moral Assessment            : 2.5
Rating                                    : V14

Si Makoy (Dantes), isang barumbadong astig, ay nagpunta sa kasuluk-sulukan ng isang lalawigan upang amuin at sunduin ang nagtatampong kasintahang si Sonia (Poe).  Kaya nga lamang ay galit na galit sa kanya kapwa si Sonia at ang ina nitong si Fely (de Belen). Mabuti na lamang at tutulungan siya ni Nestor (Marquez), ang sunod-sunurang asawa ni Fely.  Para makatulong sa panunuyo, mag-aambag si Makoy ng lilitsuning baboy para sa darating na kaarawan ni Sonia at posibleng pagsilang ng kanilang panganay.  Malas nga lamang na ang babuyan ay kuta ng mga Tiktik—ang mga aswang na mahilig kumain ng sanggol. Sa kadaldalan ni Nestor ay mababanggit niya na pinaghahandaan nila ang kaarawan ng kanyang buntis na anak. Dito magsisimulang umamba ang panganib kay Sonia at sa buong pamilya na pag-iinteresang kainin ng mga batang Tiktik.  Dito rin masusubok ang pagmamahal at tapang ni Makoy nang kakailanganin niyang ipagtanggol ang kanyang mag-ina at ang pamilya nito.

Hindi man bago ay maganda naman sana ang konsepto ng kwento, Mahigpit ang daloy at malinaw naman ang gusto nitong patunguhan. Ginamitan din ito ng mas mala-MTV na istilo ng pag-eedit at multi-scree  effects upang maging mabilis ang daloy ng kwento. Nakabibilib din ang ibinuhos na pagod sa pagbuo ng mga computer generated images (CGI) at ang busisi sa disenyo ng produksyon.  Ito ang kauna-unahang pelikulang ginamitan ng  green screen sa halip na tunay na lokasyon.

Kaya nga lamang, kahit maganda ito, medyo hindi tugma ang mismong kwento sa napiling istilong teknikal. Masasabi nga na ang pelikula ay mayabang at nalilito dahil sa totoo lang, hindi naman kinailangan ng green screen ang lokasyon sapagkat masyado itong naka-aagaw ng pansin. Kung manunuod ka ng pelikulang banyagang gumagamit din ng ganitong teknolohiya, bagamat alam mo na CGI ang ilang element, hindi naman ito nagsusumigaw dahil mahigpit itong nakapaloob sa eksena. Sa Tiktik, ramdam mo na nakalutang ang mga special effects at kahit hindi kailangan o hindi naman makapagpapausad ng istorya ay gagawin—atulad ng pag-iiba-iba pa ng anyo ng mga aswang o ang maraming time remapping (pagpapabagal at pagpapabilis sa aksyon).

Bagamat maganda ang konsepto ng pelikula, naligaw na ito at nalito na kung gusto ba nitong maging horror, comedy, action o fantasy. Kaya para madali, sinakop nito ang lahat—pananakot, pagpapatawa, pagpapahanga. Sinubukan, pero hindi nagtagumpay dahil ang lahat ay nakatuon lamang sa panggulat ng CGI.

May mga nakababagabag na punto ang Tiktik. Una, hindi ganoon kahalaga ang kasal. Bagamat inaya ni Makoy si Sonia na magpakasal dahil seryoso na silang magsasama, isa pa rin itong “after thought” matapos nilang mag-live in at magsiping. Pangalawa, kinilala ng simbahan ang presensya ng mga masasamang ispiritu at nirerespeto ang lokal na kultura pero sa pelikula hindi man lamang binanggit na hindi nakasalalay sa kakayahan ng tao ang paggapi sa mga ito.

Sa kabilang dako, kahanga-hanga na kayang ipain ni Makoy ang sarili at ang buhay para lamang ipagtanggol ang kanyang mag-ina at ang pamilya nito.

Para sa CINEMA, sayang ang pelikula dahil kaya pa sana itong pagandahin at gawing mas buo kung hindi puro sa panggulat na CGI ang pinagbuhusan ng pagod at isip.

Taken 2

LEAD CAST: Liam Neeson, Famke Janssen, Maggie Grace, Rade Sherbedgia, Luke Grames DIRECTOR: Olivier Megaton SCREENWRITER: Luc Besson, Robert Mark Kamen PRODUCER: Luc Besson EDITOR: Camille Delamarre, Vincent Tabaillon MUSICAL DIRECTOR: Nathaniel Mechaly GENRE: Action Thriller CINEMATOGRAPHER: Romain Lacourbas RUNNING TIME: 90 minutes LOCATION: Los Angeles, Albania DISTRIBUTOR: 20th Century Fox

Technical assessment: 3.5
Moral assessment: 2.5
CINEMA rating: V 18

In this sequel to the successful Taken where Bryan Mills (Liam Neeson) rescues his kidnapped teen daughter from white slavery, Brian is shown contented with running his own security firm and with his relationship with his daughter Kim (Maggie Grace) and his ex-wife Lenore (Famke Janssen). When he comes to learn about the emotionally harrowing ordeal Lenore is going through with her new man, Brian invites mother-and-daughter to come along with him to Istanbul where they can have a holiday while he attends to business. However, Murad Krasniqi (Rade Serbedzija), father of the man Brian had killed in rescuing his daughter from abductors, has traced Brian’s tracks. Mad for revenge for the death of his son, Murad summons a slew of Albanian thugs to hunt down Brian. Only this time, it will not be Kim’s life alone that’s endangered. The avengers want to kill Brian as well, but not before he witnesses the torture of his wife and his daughter.

Fast paced and tightly edited, Taken 2 will make you hold your breath from beginning to end. Some viewers may find it too violent, others may like how the movie pumps up the adrenals—whichever way you view it, it will not put you to sleep. It might even make you question its morality or it might even leave you gaping at the presence of mind and extra-extraordinary skills Brian displays (in that scene where he dictates to Kim what to do in order to find him).

Neeson is perfectly cast as a devoted father, and in the flow of events that allude to a reconciliation between him and Lenore, the viewer may forget about the price of such paternal devotion. It’s only a movie, of course, and it does give a clue as to the kind of life spies could lead unknown to their families, so let us not forget that in Taken 2, so much blood was shed, so many skulls smashed, necks broken, bodies thrashed about, and lives snuffed in the name of paternal devotion. At the bottom line, Taken 2 is about two fathers, each claiming love for his child. The question to discuss (perhaps with your children) is: how far should a father go to save his child?

Saturday, October 6, 2012

Ruby Sparks



LEAD CAST:  Paul Dano, Zoe Kazan, Cris Messina, Antonio Banderas, Annette Bening, Elliotte Gould  DIRECTOR: Jonathan Dayton, Valerie Faris  SCREENWRITER:  Zoe Kazan  PRODUCER:  Albert Berger, Bart Lipton, Ron Yerxa  EDITOR:  Pamela Martin  MUSICAL DIRECTOR:  Nick Urata  GENRE:  Romantic Comedy-Drama  CINEMATOGRAPHER:  Matthew Libatique   RUNNING TIME:  104 minutes  DISTRIBUTOR:  Fox Searchlight Pictures  LOCATION:  USA

Technical:  3.5
Moral:  2.5
CINEMA rating:  For viewers 14 years old and above

Literary prodigy Calvin Weir-Fields (Paul Dano) achieves early acclaim but is still smarting from a break up from a long-term relationship, which could be one reason he is experiencing writer’s block.  One day at the park with his dog, Calvin “meets” and “befriends” red-head Ruby Sparks (Zoe Kazan), something he immediately reports to his psychiatrist, Dr. Rosenthal (Eliott Gould).  On the doctor’s suggestion, he makes the envisioned redhead an ideal woman, a female character for another novel, and as a kind of therapy for Calvin.  The neurotic writer seems happy in that world he shares with his imagined lover, a “painter from Dayton, Ohio”, until his older brother Harry (Chris Messina) stumbles upon scanty female lingerie in Calvin’s bachelor’s pad.  Worse, Calvin wakes up one morning and finds the character in his book, Ruby, making breakfast in his kitchen.  He thinks he is hallucinating, but other people can see Ruby, too. So where is the line between imagination and reality?
Actress-writer Zoe Kazan (granddaughter of  director Elia Kazan) brings to cinema a romance with a new formula.  But it’s nothing new really in classical mythology; remember the sculptor Pygmalion who fell in love with the statue he created and which came to life?  Kazan must have been inspired by such imaginings.  Part of the effectiveness of Ruby Sparks lies in the good acting, though it may have been more heartfelt for the lead couple since they are real life sweethearts.  The bigger stars in the cast—Bening, Banderas, Gould—did a great job of bringing life to their roles without upstaging the relative newbies.  The plot is good, and the pacing just right.  Earlier on the movie is lighthearted, apparently leading to the familiar romantic comedy situation but soon enough descends into darker realms as Calvin realizes the different—and dangerous—kind of power that his writing possesses.  There is that tense moment—running to a few minutes—prior to the resolution of the story that is really gripping in so far as it awakens the viewer to the delicate aspect of power and control between lovers.
Ruby Sparks presents an interesting study for students of philosophy, theology or ethics.  Some questions young people would do good to explore are:  If you were in Calvin’s place, how would you regard Ruby?  Is she your creation or God’s?  Would you reveal to her your magical power to (secretly) control her emotions and moods as you please?  Would you say then that you truly love her when you treat her like a puppet?  What kind of satisfaction or fulfillment is there in having a lover like Ruby?  While CINEMA allows 14-year-olds to see this movie, it reminds viewers that it reflects the values of a more permissive culture.  Filipinos still caution their children to avoid premarital or extramarital sex, both of which are presented as “normal” and even attractive in this movie.




Thursday, September 20, 2012

The Mistress

CAST: John Lloyd Cruz (JD), Bea Alonso (Sari), Hilda Coronel (Regina), Ronaldo Valdez (Rico), Anita Linda, Carmi Martin, Tony Mabesa, K Brosas, Gabe Mercado, Minnie Aguilar, Nor Domindo, Clarence Delgado  DIRECTOR: Olivia M. Lamasan  PRODUCER:  ABS CBN  GENRE:  Romantic melodrama RUNNING TIME:  125 minutes DISTRIBUTOR:  Star Cinema  LOCATION:  Philippines

Technical:  3.5
Moral:    2.5
CINEMA rating:  V 18

Si Sari (Bea Alonso), isang master cutter sa isang tailoring shop sa Maynila, ay “querida” ni Rico, isang mayamang negosyanteng asawa ni Regina (Hilda Koronel) at ama ni JD (John Lloyd Cruz).  Hindi batid ni JD na kerida ng ama niya si Sari, at wala ring kamalay-malay si Sari na ama pala ni JD si Rico.  Mabibighani si JD at liligawan nito si Sari.  Masugid mangligaw si JD, at bagama’t tapat si Sari kay Rico, kalauna’y makakagaangan na niya ng loob si JD, at sa katunayan ay ipagtatapat niya dito ang kanyang kalagayan bilang isang kerida.  Napakalaki na diumano ang naitulong ni Rico kay Sari at sa kanyang pamilya na sa kanya lamang umaasa sa ikabubuhay at ipangtutustos sa pag-aaral, kaya’t tanggap na niya ang ganoong buhay.  Ngunit matindi ang panunuyo ni JD kay Sari, lalo na’t nang malaman nito na ang tinutukoy na kalaguyo ni Sari pala ay walang iba kundi ang kinamumuhian niyang ama.
Una, sa magagaling na bahagi ng pelikula:  mahusay ang pagganap ng mga pangunahing artista.  Naging kapani-paniwala ang mga tauhang ginampanan nila, lalo na ni Alonso.  Matagumpay ang pagpapakita ng sipag ni Sari sa kanyang piniling gawain, sa pamamagitan ng maraming eksenang kinunan sa tailoring shop at yaong mga kasama ang kanyang inaarugang pamilya.  Dahil sa kagustuhan mong sundan ang takbo ng mga pangyayari, maipipikit mo na lamang ang isa mong mata sa ilang malubak na bahagi ng editing, sa di pantay-pantay na lakas ng mga tunog, o sa ilang malalabong bahagi ng characterization at daloy ng istorya na nakakabawas sa pagmakatotoo ng pelikula.  Tulad halimbawa ng tila deus ex machina na atake sa pusosa bandang dulo.  Biglang-bigla, kaya’t para lamang ipinasok sa kuwento at madali nang matapos.  Sana man lamang ay ipinahiwatig ito nang maaga-aga pa sa pelikula, halimbawa, ipinakita sanang umiinom siya ng mga maintenance medicines niya pagkakain.  (O baka naman meron noon at nakalampas dahil nakatulog kami gawa ng kabagalan ng takbo ng ilang eksena?  Patawarin po.)    
Ang The Mistress ay tungkol sa tinatawag nating “kabit” o “kerida”—si Sari ang “bida” sa dramang ito.  Tila walang maitim na buto, ika nga, sa katawan ni Sari.  Bukod sa ganda niyang pang-beauty queen, siya ay mabait pa, may mabuting asal, magalang, masunurin, mapagmahal sa pamilya, kagalang-galang—aba, ay nasa kanya nang lahat!  Ito ang peligroso sa ganitong uri ng kuwento.  Hindi namin sinasabing imposibleng magkaroon sa tunay na buhay ng ganoong kabuting-tao na “kabit”, ngunit ipinapaalala lamang ng CINEMA na ang kuwentong ito ay kathang-isip lamang—pati na ang mga tauhan, siyempre, kaya “de kahon” ang mga ito, stereotyped.  Ang kabit ay mabait, ang asawa ay mataray, ang nakikiapid na matanda ay tipong asendero, atbp.  Sa The Mistress, kampante ang mga tao sa takbo ng kanilang buhay; parang itinutulak lamang sila ng tadhana.  Kung ano man sila ngayon, iyon ay dahil sa mga pangyayari, sa ibang mga tao, at hindi dahil sa isang matalino at masusing pagbabalik-tanaw o pagsisiyasat sa kanilang mga pinapahalagahang kabuluhan. 
Ngunit bahagi na rin marahil ng mabuting hangarin ng pelikula, idiniin nito ang pagsisisi at paghingi ng tawad sa bandang huli.  Hindi kailanman matatakasan ang pighating dulot ng bawal na pag-ibig—ito ang pahatid ng The Mistress.  At para din marahil pasayahin ang karaniwang manonood na Pilipino na ang hanap ay laging “happy ending”, tinapos ang pelikula ng isang pangakong napapaloob sa pinagtiyap na pangitain.  Maaaring pangitain pa lang, pero “heppy” pa rin.