Cast: Dingdong Dantes, Lovi Poe, Joey Marquez, Janice
de Belen, Roi Vinzon; Direction: Erick Matti; Story and
Screenplay: Erick Matti; Producer:
Ronald Stephen Monteverde, Jose Dantes III, Annette Gozon-Abrogar; Cinematography:
Francis Rocardo Buhay III; Music: Von
de Guzman; Editing: Jay Halili ; Genre: Horror-Fantasy; Distributor: Reality
Entertainment; Location: Philippines; Running Time: 105 minutes
Technical Assessment: 3
Moral Assessment: 2.5
CINEMA Rating: V14
Technical
Assessment :
3
Moral
Assessment :
2.5
Rating :
V14
Si Makoy (Dantes), isang barumbadong astig, ay nagpunta sa
kasuluk-sulukan ng isang lalawigan upang amuin at sunduin ang nagtatampong
kasintahang si Sonia (Poe). Kaya
nga lamang ay galit na galit sa kanya kapwa si Sonia at ang ina nitong si Fely
(de Belen). Mabuti na lamang at tutulungan siya ni Nestor (Marquez), ang
sunod-sunurang asawa ni Fely. Para
makatulong sa panunuyo, mag-aambag si Makoy ng lilitsuning baboy para sa
darating na kaarawan ni Sonia at posibleng pagsilang ng kanilang panganay. Malas nga lamang na ang babuyan ay kuta
ng mga Tiktik—ang mga aswang na mahilig kumain ng sanggol. Sa kadaldalan ni
Nestor ay mababanggit niya na pinaghahandaan nila ang kaarawan ng kanyang buntis
na anak. Dito magsisimulang umamba ang panganib kay Sonia at sa buong pamilya
na pag-iinteresang kainin ng mga batang Tiktik. Dito rin masusubok ang pagmamahal at tapang ni Makoy nang kakailanganin
niyang ipagtanggol ang kanyang mag-ina at ang pamilya nito.
Hindi man bago ay maganda naman sana ang konsepto ng kwento, Mahigpit ang
daloy at malinaw naman ang gusto nitong patunguhan. Ginamitan din ito ng mas
mala-MTV na istilo ng pag-eedit at multi-scree effects upang maging mabilis ang daloy ng kwento. Nakabibilib
din ang ibinuhos na pagod sa pagbuo ng mga computer
generated images (CGI) at ang busisi sa disenyo ng produksyon. Ito ang kauna-unahang pelikulang
ginamitan ng green screen sa halip na tunay na lokasyon.
Kaya nga lamang, kahit maganda ito, medyo hindi tugma ang mismong kwento
sa napiling istilong teknikal. Masasabi nga na ang pelikula ay mayabang at
nalilito dahil sa totoo lang, hindi naman kinailangan ng green screen ang lokasyon sapagkat masyado itong naka-aagaw ng
pansin. Kung manunuod ka ng pelikulang banyagang gumagamit din ng ganitong
teknolohiya, bagamat alam mo na CGI ang ilang element, hindi naman ito nagsusumigaw
dahil mahigpit itong nakapaloob sa eksena. Sa Tiktik, ramdam mo na
nakalutang ang mga special effects at
kahit hindi kailangan o hindi naman makapagpapausad ng istorya ay
gagawin—atulad ng pag-iiba-iba pa ng anyo ng mga aswang o ang maraming time remapping (pagpapabagal at
pagpapabilis sa aksyon).
Bagamat maganda ang konsepto ng pelikula, naligaw na ito at nalito na kung
gusto ba nitong maging horror, comedy,
action o fantasy. Kaya para madali, sinakop nito ang lahat—pananakot, pagpapatawa,
pagpapahanga. Sinubukan, pero hindi nagtagumpay dahil ang lahat ay nakatuon
lamang sa panggulat ng CGI.
May mga nakababagabag na punto ang Tiktik. Una, hindi ganoon kahalaga ang
kasal. Bagamat inaya ni Makoy si Sonia na magpakasal dahil seryoso na silang
magsasama, isa pa rin itong “after thought” matapos nilang mag-live in at
magsiping. Pangalawa, kinilala ng simbahan ang presensya ng mga masasamang ispiritu
at nirerespeto ang lokal na kultura pero sa pelikula hindi man lamang binanggit
na hindi nakasalalay sa kakayahan ng tao ang paggapi sa mga ito.
Sa kabilang dako, kahanga-hanga na kayang ipain ni Makoy ang sarili at
ang buhay para lamang ipagtanggol ang kanyang mag-ina at ang pamilya nito.
Para sa CINEMA, sayang ang pelikula dahil kaya pa sana itong pagandahin
at gawing mas buo kung hindi puro sa panggulat na CGI ang pinagbuhusan ng pagod
at isip.