Friday, December 31, 2010

Tanging Ina Mo Rin (Last na 'to)


Lead Actors: Ai Ai delas Alas, Eugene Domingo, Marvin Agustin, Shaina Magdayao, Nikki, Carlo Aquino Musical Director: Jesse Loseten Editor: Maya Ignacio Story and Screenplay: Mel Del Rosario Director: Wenn V Deramas Producer: Charo Concio and Malou Santos Distributor: Star Cinema Genre: Drama/Comedy Location: Manila Running Time: 110 minutes

Technical Assessment: 3
Moral Assessment: 3
CINEMA Rating: PG 13


Masaya naman sana sa buhay ang tanging ina na si Ina a.k.a. Madam (Ai Ai de las Alas) sa kabila ng pangungulila sa ibang anak na hindi na niya kapiling. Subalit napuno siya ng agam-agam matapos ma-diagnose ang di-matiyak na karamdaman na pinangangambahang malubha at maaring bilang na araw ng kanyang buhay. Sumailalim sa iba’t ibang pagsusuri si Ina at habang hinihintay ang resulta ay namayani sa kanya ang takot dahil sa tingin niya ay hindi siya handang iwan ang kanyang mga anak. Ipinasya ni Ina na ilihim sa kanyang mga anak ang kanyang kalagayan. May kani-kaniyang masalimuot na sitwasyon ang magkakapatid at ayaw niyang makadagdag pa sa kanilang alalahanin. Dahil sa mga problema ay madalas na namamagitan si Ina sa mga pagtatalo sa loob ng bahay. Sa mga panahon ng ganitong ligalig ay di naman siya iniwan ng matalik niyan kaibigan na si Rowena (Eugene Domingo). Di sang-ayon si Rowena sa paglilihim ni Ina sa mga anak pero iginalang at sinuportahan niya ang pasya ng kaibigan. Kahit mabigat sa loob ay sinamahan niya si Ina sa mga paghahanda sa kanyang pagpanaw. Inayos niya ang paghahati-hati ng ari-arian sa bangko para mailipat sa mga anak at walang pataw na magmahalan, magkaisa at magkasundo ang magkakapatid. Isang kahilingan ni Ina na bago siya pumanaw ay makapiling niya ang lahat ng kanyang mga anak.

Pagpapatuloy sa pagwawakas ng unang dalawang kuwento ang Tanging Ina mo rin (last na ‘to). Uminog ito sa tema ng pagkakaroon ng malubhang karamdaman ng bida at ang pagdadala nito bilang ina. Maganda ang naging takbo at pagbibigay saysay sa pagwawakas ng kwento ng tanging Ina. Mahusay ang pagkakadirehe ng pelikula. Matagumpay na nailabas ang mga kinakailangan emosyon sa mga eksenang drama at patawa. Magaling ang mga nagsiganap sa paghahatid ng mga karakter na kanilang ginampanan. Hindi nabigo ang pelikula sa mga datihan at baguhang artista. Bawa’t isa ay may mga tampok na eksena at naging markadong pagganap mapa-drama o komedya. Maayos ang mga kuha ng kamera. Hindi masyadong gumamit ng effects dahil di naman kailangan. Maganda ang disenyo ng produksyon, gayundin ang make-up. May konting sablay sa editing sa mga pagpapalit ng eksena pero halos di nahalata. Akma ang inilapat na musika lalo na sa mga sundot ng eksena ng pagtutog ng piyano at trumpeta ng kasambahay sa pelikula. Sa kabuuan ay maganda ang teknikal na aspeto at makikitaan ang mga nasa likod nito ng pagsisikap na makagawa ng makabuluhang panoorin.

Muling ipinakita sa pelikulang Tanging Ina mo rin (last na ‘to) ang kadakilaan ng isang ina na walang hinahangad kundi ang malagay sa ayos ang mga anak. Sa mga panahon ng pagsubok ay nagpapakatatag ang isang ina at humuhugot ng lakas sa pananalangin sa Diyos, sa pagmamahal ng mga anak at suporta ng matapat na kaibigan. Malinaw ang hatid na aral ng pelikula lalo na sa mga anak na palaging magkasundo. Bagamat natural ang pagkakaroon ng alitan sa pagitan ng isa’t isa, lalo na sa mga praktikal na kadahilanan katulad ng pera o utang at palitan ng masasakit na salita ay di marapat na magkimkim ng galit at sama ng loob para manatili ang kapayapaan at pagmamahalan sa tahanan. Sa halip ay unawa at suporta ang dapat na pairalin upang maging maayos ang buhay. Para sa mga magulang, may hatid na kasiyahan ang makitang nagkakasundo ang mga anak na may kani-kaniya ng buhay. Gayundin naman mas mainam ang pagiging bukas sa bawat isa at huwag maliitin ang kakayahan ng mga anak na maunawaan ang mga seryosong kalagayan lalo na may kaugnayan sa buhay at kalusugan sa pamilya.

Sagana sa positibong mensahe ang pelikula bagama’t nabahiran ito ng salungat na parating: sa kagustuhan marahil na magpatawa ng pelikula, naging paulit-ulit ang pamimintas at panlalait ng ina sa panlabas na anyo ng mapapangasawa ng kanyang magandang anak. Binalewala ng pelikula ang gintong kawikaan na di dapat husgahan ang tao sa panlabas na anyo kundi sa nilalaman ng puso at sa pag-uugali nito. –By Imelda Benitez

Dalaw


Cast: Kris Aquino, Diether Ocampo, Maliksi Morales, Susan Africa, Gina Parreno, Karylle, Alessandra de Rossi; Director: Dondon Santos; Screenplay: Joel Mercado; Producer/ Distributor: Star Cinema; Running Time:100 minutes; Location: Manila; Genre: Horror

Technical Assessment: 2
Moral Assessment: 2
Rating: For Viewers 14 years old and above


Ang biyudang si Stella (Kris Aquino) ay nakatakdang ikasal sa kanyang dating kasintahan at tunay na mahal na si Anton (Diether Ocampo). Ngunit tila tutol dito ang kululuwa ng kanyang namayapa nang asawa niyang si Danilo dahil sa madalas nitong pagpaparamdam sa kanya. Sa araw ng kanilang kasal, inatake ang ina ni Anton na pinaghihinalaang pinagmultuhan ni Danilo. Kinailangang alagaan ang ina ni Anton kung kaya’t napilitan si ang mag-asawang Stella at Anton na lumipat at manirahan sa lumang bahay nito kasama ang anak ni Stella kay Danilo na si Paolo (Maliksi Morales). Ngunit tila sumusunod pa rin ang kaluluwa ni Danilo sa kanila dahil sa maraming kababalaghang nangyayari sa kanilang pamilya. Subalit balot ng hiwaga ang mga dalaw kay Stella, at sa pamamagitan ng katulong nilang si Olga (Gina Pareno), malalaman din ni Stella kung ano ang multong sumusunod sa kanya at ginugulo ang buhay niya.

Sa mga taong sadyang matatakutin at mapaniwalain sa multo at pamahiin, maaaring makagulat pa ang Dalaw, tulad ng napansin naming ilan sa mga nanunuod na napapatili pa sa mga panggulat na eksena. Ngunit sa pihikan at masusing manunood na may alam sa mga aspetong teknikal ng paggawa ng pelikula, naging katawa-tawa lang ito. Nagsubok maghain ang Dalaw ng kakaibang kuwentong katatakutan sa pagpupuno ng maraming komplikasyon sa kuwento. Ngunit sa halip na maging kakaiba ay naging kakatwa ang kinalabasan nito. Sa pagsasama-sama ng maraming elemento, naging mas magulo ang pelikula sa kabuuan. Maraming dapat sana’y mga nakakagulat na eksena ay nagiging katawa-tawa na lamang; ang ilan nama’y parang nakaka-insulto lang ng katalinuhan.

Sa kagustuhan ng Dalaw na piliting maniwala ang manunood sa multo, pinagpatung-patong nito ang mga eksena ng pananakot hanggang maisip mo nang, “Sobra namang kulit ng multong iyan!” lalo pa’t gasgas na ang mga panggulat na iyon sa laksa-laksang horror movies na naipalabas na. Sa kabuuan ay hindi napalabas ng pelikula na ang isang multo ay may mga kakayahang tulad ng kanilang ipinakita, pagka’t tila pinakyaw na ng isang multong ito sa Dalaw ang lahat ng kapangyarihan ng lahat ng mga multo sa buong kasaysayan ng pinilakang tabing. May multo ba talagang makapagkakalat ng putik saan man siya pumunta? Nahahawakan na ba talaga ang multo ngayon at maari nang makipagbuno sa kanila? At ang katawa-tawa pa, bakit nang makipagbuno ang multo sa tao ay nabura ang putik sa braso nito at lumitaw ang tunay niyang balat? (Ay, taong putik lang pala!). Sa maraming eksena ay nakakasapaw ang tunog at kakatwang musika na lalong nagpa-korni sa pelikula. Kakatwa din ang pag-arte ng mga tauhan na tila hindi nagtutugma-tugma. Nasayang ang kani-kanilang galing. Si Aquino ay pasado na sana ngunit lumalabas pa rin siyang nakakatawa kapag mataas na ang eksena dahil kulang sa damdamin. Si Ocampo ay wala pa rin gaanong ibubuga. Nakakahinayang ang husay nila Pareno, Africa, de Rossi at Karylle subalit gawa ng mataimtim nilang pagganap ay—sige na nga!—nagkaroon ng kaunting kabuluhan ang pelikula bilang isang sining.

Gaano nga ba kalakas ang ang kapangyarihan ng isang kaluluwa o ng multo ng yumaong hindi matahimik? Ito ang isang malaking katanungan sa Dalaw. Oo nga’t may pinanggagalingang negatibong emosyon ang isang kaluluwa kung kaya’t hindi ito matahimik, pero anong klaseng kapangyarihan ang naidudulot nito upang makagambala nang ganoong katindi? Kung ito man ay kapangyarihang itim, hindi ba dapat na nilabanan agad ito ng kapangyarihan ng kabutihan at dasal? Sa halip, mas naging mapaniwalain si Stella sa kapangyarihan ng kababalaghan imbes na manalangin sa pagtataboy ng masamang espiritu. Naganap man ito sa bandang huli—sa bendisyon na isinagawa ng isang pari—hindi naman naging malinaw kung ito nga ba ay ipinalalabas nilang nakatulong o nakapagpalala pa sa situasyon. May mga kasalanang pinagsisihan sa bandang huli ngunit kailangan pa bang takutin at pagmultuhan ang isang tao para mabagabag ang budhi niya? Hindi rin nilinaw kung ano ang naging plano ng isang lalaki sa magiging anak nito sa kanyang kasintahan at palabasing tama ang kanyang desisyong magpakasal sa iba habang mayroon pala itong sinasaktan at pinapabayaan.

Sa kabuuan ay malabo rin ang mensaheng nais ipahiwatig ng Dalaw. Ninais lamang ba nitong kilitiin ang mga manonood sa pagbibigay ng kuwentong katatakutan? Gusto lamang ba nitong bigyang babala ang mga lalaking nang-iiwan sa kanilang mga binubuntis? Ang pinakamalaking pagkakamali ng Dalaw ay hindi ang maging katawa-tawa sa kaniyang pananakot, kungdi ang hayaang apihin ng paghihiganti ng isang multo ang tao. Bakit ni hindi naisip ninuman sa kanila ang tumakbo sa Diyos, manalangin at humingi ng tulong gayong nginig na nginig na sila sa takot? May imahen mang sagrado kang masisilip sa ilang mga eksena, ito’y nagsisilbing dekorasyon lang sa dingding o sa altar. Wala silang pinagtitiwalaan kungdi ang sarili nilang lakas—tuloy nawika ng isang matabil naming katabi sa sinehan, “Alam mo nang hindi mo kaya, hindi ka pa magdasal, buti nga sa iyo!” At hindi pa tapos yan: sa dulo ng pelikula, ipinahiwatig pa na hindi pa nasisiyahan ang multo sa dami ng pinatay nitong mga tao sa kanyang paghihiganti. May isa pa siyang pinupuntirya—isang walang sala. At doon nagwakas ang pelikula.

Ang MTRCB rating sa Dalaw ay PG 13. Ibig sabihin nito, puwede itong panoorin ng mga batang wala pang 13-taong gulang, basta’t magagabayan ng mga magulang. Kung sa murang edad pa lamang ay tinuturuan na natin ang mga bata sa pamamagitan ng pelikula na higit pang makapangyarihan ang multo kaysa tao—at walang Diyos na maaaring tumulong sa tao—ano na ang mangyayari sa kinabukasan ng ating magulo nang lipunan?--By Rizalino Pinlac

Super Inday and the Golden Bibe



Cast: Marian Rivera, John Lapuz, Mylene Dizon, Jake Cuenca, Pokwang; Direction: Michael Tuviera; Story and Screenplay: Aloy Adlawan; Cinematography: ; Editing: Jay Halili; Music: Aldred Ongleo ; Producers: Roselle Monteverde, Lily Monteverde; Genre: Fantasy/Comedy; Running Time:2 hours 6 minutes; Location: Manila; Distributor: Regal Films

Technical Assessment : 2.5
Moral Assessment : 3.5
Rating : PG 13


Ibinagsak sa lupa ang anghel na si Goldie (John Lapuz) upang maghanap ng panibagong superhero bago siya muling makabalik sa langit. Kasama ang isang tyanak na namatay bilang sanggol ay pupuntiryahin nila si Inday (Marian Rivera) upang bigyan ng mga pagsubok bago ipagkaloob ang buong kapangyarihan ng isang superhero. Si Inday ay isang simpleng probinsyana na nagpunta sa Maynila upang hanapin ang kanyang tunay na ina. Mamamasukan siya sa dating pinagtratrabahuhan ng ina bilang katulong. Bagamat malupit ang mayordomang si Kokay (Pokwang) at ang bagong asawang si Ingrid (Mylene Dizon) ay mapapalapit naman si Inday sa dalawang anak ni Danilo (Jestoni Alarcon). Samantala, pilit na inaalam ni Super J (Jake Cuenca) ang utak ng mga halimaw na dumurukot sa mga bata. Sa kanyang paghahanap ay mapapadpad siya sa pagawaan ng mga laruan na pag-aari ni Danilo at Ingrid. Dito magkakatagpo-tagpo ang kanilang mga landas para sa maaksyong katatawanan.

Unang ipinalabas ang Super Inday and the Golden Bibe nuong 1988 sa pangunguna ni Maricel Soriano. Kaya naman hindi maiiwasan ang paghahambing sa dalawang pelikula. Di hamak na mas malinaw ang daloy ng kwento ng naunang bersyon. Sa dami ng sub-plots ng bersyon ni Tuviera ay hilaw at malabnaw ang pagbuo nito. Mababaw din ang mga diyalogo at may kakornihan pati ang komedya nito. Nasa Super Inday and the Golden Bibe ang laging sakit ng pelikulang Pinoy: ang umaalingawngaw na eksena at katauhang kinopya buhat sa ibang pelikulang banyaga (si Batman at mga alagad ni Joker sa The Dark Knight), ang napakadaling hulaan na daloy ng kwento at ang pag-uulit ng katatapos na biro o eksena para siguradong naiintindihan ng manunuod. At dahil pantasya ang pelikula ay bibigyang bigat ang husay ng mga special effects, na sa lawak ng kakayahan ng post production sa panahon ngayon ay pipitsugin pa rin ang ipinakikita sa pelikula. Unang-unang kapintasan ay pagka halata ang pagkakapatong ng mga kuha sa chroma at ang madalas na paggamit ng slow motion tuwing eksena ng aksyon. Madalian ang pagkakagawa ng ibang special effects. Halimbawa ay sumobra sa motion blur at color correction ang eksena ng paglipad nina Super J at Super Inday. Maraming elemento ng produksyon ang hindi rin masyadong napag-isipan. Tulad ng pagkakaroon lamang ng iisang katulong sa napakalaking bahay na pinaglilingkuran ni Inday o ang kakatwang itsura ng mga laruang binuhay ni Ingrid na mukhang mga mascot sa isang walang kwentang children’s party. Isa pa’y ang hindi-kapani-paniwalang itsura ni Irma Adlawan bilang inang may sakit ni Inday—masyado siyang makinis, hindi mukhang kawawa o may sakit; tinipid lang ba sa make-up o talagang nakaligtaan? Maging ang musika at tunog ay hindi na rin masyadong binusisi. Sayang ang husay sa pag-ganap nina Rivera, Dizon at Pokwang na natabunan lamang ng mababaw na katatawanan. Sa kabuuan, nakakaaliw ang Super Inday and the Golden Bibe, pero maraming maipipintas dito ang mga manunuod na mahilig mamburirit ng aspetong teknikal sa pelikula.

Sa kabila ng kapintasang teknikal sa Super Inday and the Golden Bibe, mairerekomenda pa rin ng CINEMA ang pelikula kahit sa mga bata, pagkat bukod sa wala itong mahahalay na eksena, maraming aral na laman ito. Hindi lamang mga itlog ng bibe ang ginintuan sa pelikula kundi ang mga maraming aral din. Halimbawa, malinaw na isinasaad nito kung ano ang bumubuo sa isang superhero. Hindi basta’t super powers kundi ang kabusilakan at kabutihan ng pagkatao. Ito ang isa sa mga magagandang aral ng pelikula. Hindi lamang basta magaling sa suntukan o may pambihirang kapangyarihan ang mga katangian ng isang bayani. Higit sa panlabas na kakayahan ay ang ganda ng kalooban ang kailangan. Ang pagiging bayani ay hindi isang pamana o suwerte kundi pinaghihirapan dahil hinihingi nito ang kabaitan, pagiging mapagpatawad, katapangan at ang pagkahandang isakripisyo ang sarili para sa kapakananan ng iba. Magandang halimbawa, lalo sa mga kabataan, ang katauhan ni Inday na kinailangang dumaan sa maraming pagsubok bago ginawaran ng kapangyarihan. Isa sa mga pagsubok ay ang buong pusong pagtanggap sa pananagutang kaakibat ng kapangyarihan. Mainam na binigyang-diin ang aspetong ito lalo na sa panahon ngayon kung kailan tila mas ginugusto pa ng taong maging malaya mula sa tungkulin o obligasyon sa kanyang kapwa kaysa maging tagapaglingkod ng kabutihan. Kapansin-pansin din na bilang isang ganap na superhero, walang high tech gadgets si Inday; bagkus ay Pilipino pa rin ang mga sandata niya: batya’t palu-palo. --By Josephine Fenomeno

Thursday, December 23, 2010

Secretariat


CAST: Diane Lane, John Malkovich, Dylan Walsh, James Cromwell, Kevin Connolly, Nelsan Ellis, Dylan Baker, Margo Martindale, Otto Thorwarth, Fred Thompson; DIRECTOR: Randall Wallace; WRITER: Mike Rich; GENRE: Drama; RUNNING TIME: 123 min.

Technical: 3.5
Moral: 3
R 14 (For viewers aged 14 and up)


Penny Chenery (Diane Lane) refuses to sell the horse farm that her ailing father (Scott Glenn) had built from scratch. Partly because she wants to honor her father’s efforts while trusting her hunches, she decides to keep it despite pressure from her family who need the money badly, and from her husband Jack Tweedy (Dylan Walsh) and her children who she frequently leaves behind in Colorado in order to visit the farm in Virginia. She fires a disloyal farm manager and hires a retired trainer Lucien Laurin (John Malkovich), resolved to put the farm back on its feet. To raise funds she decides to sell one of their two best horses. In a ritual familiar to horse breeders, she flips a coin with a millionaire Ogden Phipps (James Cromwell) who gets the horse he wants—which is fortunate for Penny because what she really wants is the other horse, a pregnant mare. Together with her young son and the trainer Lucien, Penny is present when the mare gives birth to a male foal that stands up as soon as he is out of the mare’s womb. The groom, Eddie Sweat (Nelsan Ellis), says he has never seen a horse rise on its legs that soon after birth. In due time they name him “Secretariat”.

Secretariat is the name of a true-to-life race horse whose record, set in 1973—as the first Triple Crown champion in 25 years—still stands today, after 37 years. The movie boasts of a no-nonsense script by Mike Rich which does justice to the book on which the film is based, “Secretariat” by William Nack. If the movie feels authentic, it is because Nack (who was a reporter at Newsday) followed the horse all throughout its life, practically becoming its biographer for 20 years. Also, every actor in the film couldn’t have been more perfectly cast, delivering performances that make no room for frills or unnecessary soap. Lane and Malkovich are at their top form, creating vivid characters able to elicit sympathy from viewers. (Too bad they do not disclose the identity of the horse that played Secretariat; while he is no actor, he definitely gets as much camera time as any human on the scene). Crisp editing and spot-on cinematography work hand in hand to enhance capable direction by Randall Wallace.

Viewers need not be racetrack enthusiasts to stay awake through 116 minutes this movie. Secretariat may be a great race horse’s name but the film is not just about horses or racing. It’s a fascinating story about that mysterious connection between humans and animals. While it is a rich source of information about horse breeding and consequently horse-racing, it focuses on what people do on a daily basis—the farm owners, the trainer, the groom, the jockeys, the breeders—and how their decisions affect their lives.

Here’s a piece of information that points to the invisible in the story: author Nack said that in real life the people around Secretariat (at Meadow Farm in Virginia) believed the horse was blessed. What was it about Secretariat that emboldened Penny Chenery to refuse to sell the farm despite an impending bankruptcy, to choose to keep her untested horse over a purchase offer of $7 million (the exact amount that would have saved the family from a total wipeout), to hold on to Secretariat when its chances at winning seemed slim? Secretariat’s record-setting performances saved Penny’s family from insolvency—it did more, much more. Could the horse really be “blessed”? By the time of its death at the ripe old age of 19 years, Secretariat had sired 600 foals; the autopsy also revealed that Secretariat’s heart was two and a half times the size of the average horse’s heart. CINEMA gives Secretariat a good rating but this in no way encourages viewers to bet at the races or endanger family ties on the strength of a hunch. Let’s just say that some people are either lucky or have a lot of horse sense. –By Teresa R. Tunay, OCDS

Tuesday, December 14, 2010

Skyline


CAST: Donald Faison, Eric Balfour, David Zayas, Scottie Thompson, Brittany Daniel, Crystal Reed, Neil Hopkins; DIRECTOR: Colin Strause, Greg Strause ; SCREENPLAY: Joshua Cordes; DISTRIBUTOR: Universal Studios; RUNNING TIME: 90 minutes; LOCATION: US; GENRE: Suspense-Sci-Fi.

Technical Assessment: 1.5
Moral Assessment: 2
CINEMA Rating: For viewers 14 and above


Jarod (Eric Balfour) and his girlfriend, Elaine (Scottie Thompson) fly to Los Angeles to attend a birthday bash of his longtime friend Terry (Donald Faison). After a wild night of partying, strange beams of eerie blue-ray lights awaken Elaine and Jarod and the rest of the guests. Later on they discover these lights are actually emitted by alien spacecrafts that lure humans in, mutate them and then warp them onto the mother ship that eats human brains. Jarod, who just discovered that Elaine is pregnant, decides that his family, along with their friends, will survive the alien invasion.

There is nothing much to say about the film for it has no legitimate plot to speak of in the first place. Much of the movie is devoted to aliens chasing human beings, and nothing more; the supposed plot points are just incidental to the alien invasion. The story confines itself to the interior of the building, and the audience is not really brought outside to the milieu where the more interesting events could be happening. The special effects could have worked better if the movie had a compelling story or at least decent acting to showcase. Editing is just as bad and everything seems to happen irrationally. In the end, Skyline could simply be one of those forgetable if not disgusting doomsday/alien invasion sci-fi flicks.

The film, as what all sci-fi would always present, puts premium on the value of the preservation of human life. Although such value is presented in a form of “suvival of the fittest”, still, it is apparent how a man would do everything to protect his family. However, such attempts appear to be futile on the humans’ end because apparently, the strange creature is much more powerful, armed, equipped and determined to destroy the planet and all surviving humans. The reason for such is not explained in the movie. At some point, the movie might be trying very hard to equate the story with that of Sodom and Gomorrah with its insinuations of sexual excess, but even those are never really resolved. The movie only presents infidelity, fornication and other vices like drug and alcohol abuse but does not really make a moral stand on these. This makes the film even more disturbing. In the battle between humans and extra-terrestial beings, the latter is seen to be at the winning end. The humans, with all their mortality, weaknesses and limitations shall never win over this war for they are portrayed as powerless, most especially that the characters are portrayed to have no faith in the Divine nor any spirituality to speak of. They rely only on their survival instincts and so they get what they deserve—their brains become snacks for the aliens. The ambiguous ending seems to say that despite everything, the human brain prevails over the monster, and that tenderness and love will assure the safety of the unborn, but then again, nothing in the movie prepares the audience for this conclusion. When all this time you show humans being outsmarted and captured by aliens that look like giant and stylized cephalopods and crustaceans equipped with far superior war craft, how can you create a last-minute hero and be credible?—By Rizalino Pinlac, Jr.