Friday, September 30, 2016

The Magnificent Seven


Direction: Antoine Fuqua; Cast: Denzel Washington, Chris Pratt, Ethan Hawke, Vincent D’Onofrio, Byung-hun Lee, Manuel Garcia Rulfo, Martin Sensmeier, Haley Bennett, Peter Sarsgaard; Screenplay: Niz Pizzolatto, Richard Wenk Based on Seven Samurai by Akira Kurusawa; Editing: John Refoua; Producer: Roger Bimbaum, Todd Black; Music: James Horner; Genre: Action; Distributor: MGM Columbia Pictures; Location: Old West  Running Time: 133 minutes;
Technical assessment: 3
Moral assessment: 2.5
CINEMA rating: V14
Magnificent Seven is a remake of John Sturges 1960 Western film and a take-off from Akria Kurusawa’s legendary Seven Samurai. In this version, Emma Cullen (Bennett) hires a mercenary named Chisholm (Washington) to defend her town from corrupt baron, Bartholomew Bogue (Peter Sarsgaard), who besieged and murdered a group of local miners, including Emma’s husband. Chisholm recruits six more rogue gunslingers with different skills and personalities. They befriend and train the town locals as they prepare to fight Bogue’s men. A fight between the Chisolm group and Bogue’s army ensues with heavy casualties from both side. In the end, the town is saved, the fallen gunmen buried as heroes and the surviving honored as legends.
The main strength of this film is the simple straightforward storytelling that allows it to grow in its audience. It never tries to be smart or complicated, avoids sudden twists and surprises and is comfortably familiar and predictable in a good way. These elements make the narrative timeless but then again we cannot entirely credit the creators of the 2016 Magnificent Seven because it is heavily based on Kurusawa’s film. However, this version lacks the texture and passion of its source material in terms of visual poetry, richness of themes and contrasting tension. The only contribution this version compares is the diversity of personalities in the casting. There are good solid performances and delightful lines here and there but overall it is far from being great.
Taking the film as it is, two main themes surface. One, the real honor is in coming and working together to empower the defenseless. Even with diverse goals in the beginning, the seven rogues and the entire Rose Creek community realize that the real strength is in the combined courage and integrity. Humanity invites us to take a firm stand against the threats against life. Further, when we truly open ourselves to others, we realize our shared humanity and common values. Two, the film asks us to reexamine if winning a violent battle at the price of lost lives is a real victory—more so if revenge is an objective. This is a question which begs a moral astuteness. Revenge is not the same as social justice. Vindictiveness does not bring restitution. When man can finally outgrow the “eye for an eye” principle, only then can real humanity prevail.

Tuesday, September 27, 2016

Hermano Puli

DIRECTOR: Gil Portes  LEAD CAST:  Aljur Abrenica, Louise de los Reyes, Markki Stroem, Aben Estanislao, Allen Abrenica, Vin Abrenica, Archie Adamos, Menggie Cobarrubias  SCREENWRITER: Eric Ramos  CINEMATOGRAPHER: Albert Banzon MUSIC: Francis de Veyra  FILM EDITOR:  George Jarlego  PRODUCER: Rex Tiri  GENRE:  History, bio epic  FILMING LOCATION: Lucban, Quezon  RUNNING TIME:  108 minutes
Technical assessment:  2.5
Moral assessment:  2.5
CINEMA rating:  V18
MTRCB rating:  PG
Musmos  pa lamang si Apolinario de la Cruz (Aljur Abrenica) ay nais na nitong magpari.  Datapwa’t nang dumating ang araw na lumapit siya sa mga Dominikano upang pumasok sa pagpapari, nabigo siya pagkat noong mga panahong iyon, hindi tumatanggap ng “indio” ang Simbahang Katolika.  Sa masidhing pagnanasang mapalapit sa Diyos, nagpatuloy siya sa pananalangin at pag-aaral ng bibliya habang siya’y naglilingkod bilang isang “donato” sa ospital ng San Juan de Dios, at kabilang sa Cofradia de San Juan.  Di maglalaon, ibabahagi niya ang kanyang kaalaman at karanasan sa ilang kababayan, at magtatayo siya ng sariling Cofradia de San Jose, isang kapatirang nagpapalaganap ng debosyon kay San Jose, esposo ni Maria, at tatagurian siyang “Hermano Puli”.  Maraming maaakit si Hermano Puli na sumanib sa Confradia, ngunit hindi magtatagumpay ang hangarin ni Puli na kilalanin ng Simbahan ang kapatirang itinatag niya.  Sa halip, dulot na rin ng hindi pagkakaunawaan ng mga nasasangkot, pagbibintangan pa sila na nagsisimula ng himagsikan laban sa gobyerno.
Base sa tunay na buhay ni Apolinario de la Cruz ang Hermano Puli, bagama’t mahirap sabihin kung gaano ito katapat sa mga tunay na pangyayari, pagkat hindi ganoong karami ang sinasaad ng kasaysayan tungkol kay de la Cruz.  Lutang ang katapatan ng hangarin ni Portes na ilahad ang katotohanan ayon sa kanyang pang-unawa, bagay na nakatagpo ng katapat sa marubdob na pagganap ni Abrenica bilang Puli at ng iba pang nagsiganap.  Nakadagdag sa damdamin ang maayos na sinematrograpiya, ngunit maaaring hanggang dito na lamang ang mapupuri ng CINEMA sa teknikal na aspeto ng pelikula.  Hindi sapat ang mga katangiang ito na bigyang-katarungan ang matayog na layunin ng direktor.  Sayang.  Minsan, nagmimistula pa ngang komedya ito gawa ng isang karakter na hindi magkandatuto kung gaanong karaming hangin ang ipalalabas sa ngala-ngala niya upang magtunog-kastilaloy ang pananalita niya.  Nakakadiskaril sa kuwento.
Ayon sa mga press releases at ilang mga manunulat, si Hermano Puli ay isang bayaning nauna pa ng mga dalawang-daang taon kaysa kina Rizal at Bonfacio sa paghihimagsik laban sa mapang-aping dayuhan.  Hindi ganito ang “dating” ng Hermano Puli sa CINEMA.  Bagama’t tapat sa pagnanasa niyang maglingkod sa Diyos sa abot ng kanyang makakaya, si Puli ay pinagdamutan ng panahon na tumugon sa tawag sa kanya ng Diyos sa tamang paraan.  Sa kawalan ng wastong gabay, ng taong magmamalasakit upang akayin siya sa tumpak na daan, walang maasahan si Puli kundi ang sarili niyang pang-unawa, sa bibliya man o sa turo ng Simbahan.  Ang dami ng bilang ng mga kaanib niyang umaasa at halos ay sumasamba sa kanya ay lalo lamang nagsilbing panggatong sa kanyang pananaw na salat naman sa liwanag.   At gawa na rin ng poot sa puso nilang may masasaklap na karanasan sa kamay ng mga prayle, nagkaroon ng kulay-himagsikan ang simpleng layunin ni Puli na kilalanin ng Simbahan ang samahan niya.  Nagka-suson-suson na ang mga pangyayari ng di-pagkakaunawaan, dumanak ang dugo, at nalagasan ng maraming buhay ang dalawang pwersang nagsagupaan

Pagka’t maselan ang tema ng Hermano Puli, ipinapaalala ng CINEMA na maging masusi tayo sa panonood nito.   Halimbawa, pansinin nawa natin ang isang eksenang nagpapakita na naliligaw na ng landas si Puli: binabasbasan niya ang mga anting-anting at tinitiyak sa mga pinagbibigyan niya na dahil dito, hindi sila tatablan ng bala man o patalim sa kanilang pakikipaglaban—ngunit lumisan ang kasama nilang pari bilang pagtanggi sa alok na anting-anting. Nang sa kalagitnaan ng mga bangkay ng kanyang mga kasamahan, si Puli ay napaluhod at luhaang napasigaw sa langit, ipinagpapalagay ng CINEMA na napaglimi na ng binata na siya’y nagkamali sa kanyang pananalig, at ito’y kanyang pinagsisisihan na.  Ito kaya ang ginustong ipakita ng direktor?  Ito din kaya ang nakikita ng manonood?  Ang nangyari ay nangyari na, bahagi na ng kasaysayan.  Si Hermano Puli ba ay bayani o baliw, santo o sano?  Diyos lamang ang makapaghahatol.  Ang mahalaga para sa mga saling-lahi ay ang limiin ang katotohanan at makinabang sa mga aral na napapaloob sa kasaysayan.

Friday, September 23, 2016

Barcelona: A Love Untold

DIRECTOR:  Olivia Lamasan  LEAD CAST:  Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Aiko Melendez, Maria Isabel Lopez, Joey Marquez, Ricky Davao  SCREENPLAY: Olivia Lamasan, Carmi Raymundo  PRODUCER:  Charo Santos-Concio, Malou Santos  EDITOR:  Marya Ignacio  MUSICAL DIRECTOR:  Cesar Francis Concio  GENRE:  Drama, Romance  CINEMATOGRAPHER: Hermann Claravall  DISTRIBUTOR:  Star Cinema  LOCATION:  Spain, Philippines  RUNNING TIME: 125 minutes
Technical Assessment: 3
Moral Assessment: 3
Cinema Rating: PG 13
MTRCB Rating: PG
     Si Ely (Daniel Padilla) ay nasa Barcelona, nagpapakadalubhasa sa Arkitektura, at kumakayod bilang waiter, tour guide at assistant photographer, habang pilit na hinihilom ang pusong sawi sa pag-ibig. Makikilala niya rito  si Mia (Kathryn Bernardo) na malaki ang pagkakahawig sa babaeng dahilan ng kanyang kasawian. Baguhan si Mia sa Barcelona, magkakaroon ito ng matinding problema at mangangailangan ng trabaho. Tutulungan siya ni Ely subalit lagi siyang pumapalpak at nagkaka-problema sa mga pinapasukan. Palibhasa pala’ý anak-mayaman si Mia na tumatakas lamang sa galit ng ama kung kaya’t nagpakalayo-layo sa Barcelona. Unti-unting mapapalagay ang loob ni Ely kay Mia ngunit hindi nito tiyak kung handa na siyang magmahal muli. May puwang ba ang kanilang pag-iibigan sa buhay na pilit nilang tinatakasan?
Maraming sanga-sangang masasalimuot na kwento sa loob ng Barcelona: A Love Untold.     
Nakapaligid sa kwento nina Ely at Mia ay ang kanya-kanyang kwentong-pamilya sampu ng kanilang ilang mga kaibigan at kaanak. Pagkat sa Barcelona ang setting ng kuwento, hindi rin maiiwasan na masaling ang mga isyung kinakaharap ng mga kababayan nating Overseas Filipino Workers (OFW) na sa paghahanap ng magandang kapalaran sa ibang bansa ay namumamulat sa katotohanan na hindi pala ito magiging madali. Marahil sa sobrang dami ng kuwento nakapaloob sa isang makulay na lugar at makulay nating kasaysayan bilang isang lahi na halos nararating ang lahat ng sulok ng mundo, hindi rin napigilan ng pelikula na magtambak ng napakaraming problema, kuwento at alalahanin sa mga bida nito. Bagama’t nagkaron naman ng resolusyon ang lahat, sayang pa rin sapagkat mas napagyabong pa sana ang bawat isa sa mga kuwentong ito kung hinayaan na lamang na bumida pansamantala ang kuwentong pag-ibig nina Ely at Mia. Kung tutuusin kasi, ang totoong mabigat na kwento ay yung mga sugat ni Ely na hindi pa naghihilom, hindi ang papausbong pa lamang nilang romansa ni Mia. Maging ang problema ni Mia ay nag-anyong mababaw din sa gitna ng lawak ng sakop ng suliranin ng mga OFWs. Mahuhusay naman lahat ng nagsiganap. Ang tambalang Kath-Niel ay unti-unti nang umuusbong bilang mga seryosong aktor ng kanilang henerasyon. Ngunit sadyang hindi maitatangging musmos pa rin silang tingnan sa kabila ng lalim ng kanilang hugot sa emosyon—kaya’t tila sila ipinilit na maging mature agad sa pelikulang ito.  Pero sa kabuuan, hindi hindi naman ganoong kasama ang pelikula kung usaping teknikal ang pag-uusapan. Maganda ang napiling lugar na Barcelona, bago at interesante sa paningin ng manonood.
     Sinasabi ng Barcelona: A Love Untold na hindi kailanman maaaring matakasan kung anong hapis ang nasa puso ng isang tao, saan man siya magpunta ay mumultuhin siya nito kung kaya’t nararapat niya itong harapin at bigyan ng kaukulang pansin. Pagmamahal na hindi nadama, hindi naihayag at hindi naranasan mula sa kanyang ina ang naging ugat ng malalim na sugat ni Ely. Pinaigting pa ito ng kanyang kabiguan sa isang pag-ibig na natapos sa panahong di niya inaasahan at sa pagkakataong babagabag sa kanyang kalooban. Kung kaya’t hindi magiging madali sa kanya ang magbukas ng sarili at magmahal ng buo dahil sa pakiwari niyaý hindi siya karapat-dapat. Malalim ang pinaghuhugutan nito sapagkat naka-sentro ito sa pamilya na dapat ay laging sama-sama sa hirap at ginhawa ngunit pinaglalayo ng pagkakataon at kahirapan ng buhay. Isa itong matinding usapin na kinakaharap ng mga pamilya ng OFW. Sayang at pahapyaw lang ang pagtalakay sa aspetong ito ng kwento sa loob ng pelikula. Si Mia naman ay ganun din, pamilya pa rin ang naging ugat ng marami niyang hugot sa buhay. Sa kadulu-duluhan, sa pamilya pa rin magmumula at magbabalik ng paulit-ulit ang pagmamahal kaya dapat itoý pinagtitibay. Bagama’t walang eksenang nakababahala, liban sa pagdadampi ng labi ng dalawang bida, kailangan pa ring patnubayan ng mga magulang ang mga batang manonood sapagkat may kabigatan ang kabuuan ng kuwento at may ilang mga eksena pa ring marahas at maselan.