CAST: Maja Salvador (Thelma), John Arcilla (Thelma’s father), Tetsie Agbayani (Thelma’s mother), Eliza Pineda (Hannah, Thelma’s sister), Alma Muros (Thelma’s trainer), Jason Abalos (Thelma’s boyfriend);DIRECTOR:Paul Soriano
PRODUCER: Time Horizon, Abracadabra and Underground Logic;GENRE:Drama
DISTRIBUTOR:Star Cinema;LOCATION:Philippines;RUNNING TIME: 100 minutes
Technical Assessment: 4
Moral Assessment: 4
Cinema Rating: For viewers Age 13 and below with parental guidance
Inspirado ng totoong buhay ng isang sikat na mananakbo ang kwento ng pelikulang "Thelma". Malikhain ang paglalagay ng cinematic effect na sa bandang huli ay magkakaroon ng sariling pagkakakilanlan ang kuwento at masasabing hindi simpleng paghalaw sa tunay na buhay ng isang sikat na tao. Magaling and direksyon sa paghahatid ng pagiging natural ng lahat. May epektong 3D dating na tila nakamasid ang manonood sa aktuwal na kaganapan ng buhay. Malinaw ang paghahatid ng teknik sa pagsasanay ng pagtakbo at paghahanda sa paligsahan. Epektibo ang pagganap ni Maja Salvador bilang pangunahing tauhan gayundin ang lahat ng kasamahang aktor. Mahusay na nai-transform ni Salvador ang iba't ibang yugto sa buhay ng karakter ni Thelma Molino. Nakakaaliw pakinggan ang palitan ng dialect na ilocano. Naipakita ng sinematograpiya ang magandang angulo ng lugar lalo na ang mga windmills kung saan kilala ang lalawigan ng Ilocos. Akma ang mga inilapat na musika at tunog sa mga emosyon na nais ipakita sa bawat eksena. Sa kabuuan ay kahanga-hanga ang aspetong teknikal ng pelikula.
Ang lahat ng tao ay may pangarap at ang lahat ng pangarap ay dapat pagsikapang abutin at pagtagumpayan. Hindi dapat maging hadlang ang kahirapan ng buhay at ibang pang uri ng balakid upang maabot ang inaasam na pangarap sa buhay. Gayundin ang lahat ng tao ay may taglay na kakayahan na dapat pagyamanin sa sarili upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan ng bansa at maipagmamalaking miyembro ng pamilya. Hindi sapat ang pisikal na kakayanan, kailangan magtiyaga sa pagsasanay upang mai-kondisyon ang isipan at damdam sa pagtahak sa napiling larangan ng may disiplina. Binigyan-diin ng pelikula ang kahalagahan ng pagsisikap at katatagan. Ang paghugot ng inspirasyon sa pamilya at mga kaibigan na nagtitiwala sa kakayahan ay mahalaga upang makapag-patuloy sa kabila ng hirap. Itinampok sa pelikula ang pamilyang may pagmamahalan at paggalang -- mga magulang na masikap at kumakastigo sa pagkakamali ng anak, mga anak na magalang at nagbibigayan. Ang mga kaibigan ay naghihikayat sa mabuting landas at totoong masaya sa tagumpay ng kapwa. Puno ng magagandang pagpapahalaga at aral ang pelikulang Thelma. Mainam na mapanood ng lahat, subalit dahil sa eksena ng pang-uumit at pamamalo bilang paraan ng pagdisiplina at mga eksena ng pangungulila sa pamilya, ang mga batang edad 13 pababa ay kailangan ng paggabay ng nakatatanda.
Masayang namumuhay sa probinsya ang pamilya ni Thelma Molino (Maja Salvador). Kahit papaano ay nairaraos ng kanyang mga magulang mula sa paghahabi at pagsasaka ang simpleng buhay at pagpapalaki sa kanilang dalawang magkapatid. Sa edad nya na dalagita ay may mga tipikal na ugaling kapilyahan si Thelma katulad ng pang-uumit ng paborito nilang miryenda na empanada kung saan kapansin-pansin ang kang bilis sa pagtakbo kasama ng kapatid kapag hinahabol sila ng mga pulis. Hindi masigasig sa pag-aaral si Thelma subalit mayroon din siyang pangarap na umasenso. Matiwasay naman sana ang kanilang buhay hanggang sa dumating ang dagok ng maaksidente ang nakababata niyang kapatid at tuluyang di makalakad dahil wala silang pera upang mai-byahe at maipagamot sa Maynila. Kiinailangan tumigil ni Thelma sa pag-aaral upang alalayan ang kapatid tumulong sa gawaing bahay upang matutukan ng ina ang paghahabi. Dahil sa awa sa kapatid ay hinangad ni Thelma na maibsan ang hirap nito kahit papaano kaya ng malaman niya na may marathon sa kabilang bayan ay di siya nagdalawang-isip na sumali dahil mabilis siyang tumakbo. Nagwagi nga si Thelma sa marathon at nakamit ang perang papremyo na agad niyang pinambili ng second-hand na wheelchair upang magamit ng kapatid. Suportado naman ng kanyang mga magulang ang kanyang ginawa lalo pa't dati rin palang miyembro ng track and field team ang ina na nahinto ang karera sa pagtakbo ng maagang makapag-asawa. Ang unang panalo ni Thelma ay naging daan upang mapansin ang taglay niyang kakayahan sa pagtakbo. Dahil dito ay nakabalik siya sa pag-aaral bilang iskolar at patuloy na nagwagi sa iba't ibang antas ng paligsahan.