Title: Ikaw Pa Rin Cast: Ai-Ai Delas Alas, Robin Padilla, Eugene Domingo, Riza Santos, Deejay Durano, Nanette Inventor Director: Wenn Deramas Producer: Vic del RosarioScreenwriter: Mel Mendoza-del Rosario Genre: Comedy Distributor: Viva Films Location: Philippines Running Time: 110 min.
Technical Assessment: 3
Moral Assessment: 2 ½
CINEMA Rating: For viewers 14 and above
Si Boy (Robin Padilla) ay isang matapat na bumbero na parating inaasahan sa kanilang lugar dahil sa kanyang pagiging bayani sa oras ng pangangailangan. Sa kabila nito, si Boy ay iniwan ng kanyang nobya matapos siyang bigyan ng isang anak. Nag-aalala si Boy na ang kanyang anak (Rhap Salazar) sa kawalan ng ina ay pawang nagiging alanganin ang kasarian. Si Baby (Ai-Ai delas Alas) naman ay isang beterenaryo na malas sa pag-ibig hindi pa nakakaranas na seryosohin ng mga lalaki, subalit mayisang inaasam: ang maging ina. Magku-krus ang landas ni Boy at Baby kung saan ililigtas ni Baby ang buhay ni Boy. Dahit sa laki ng kanyang pasasalamat sa doktora, nagbitiw si Boy ng salita sa publiko, na anuman ang hilingin nito ay ibibigay niya. Sinagot ito ni Baby na ang hiling niya'y si Boy ang maging ama ng kanyang anak. Napasubo si Boy at dahil nakataya ang kanyang salita, ngayon siya’y naguguluhan kung paano niyang tutuparin ang kanyang pangako kay Baby sa kabila ng pagtutol ng lahat.
Bago ang tambalang Ai-Ai delas Alas at Robin Padilla. Ngunit hindi bago ang klase ng komedya na ipinakita ng pelikula. Gasgas at pawang hindi nakakaaliw ang karamihan sa eksena. Salamat na lamang at may Eugene Domingo na patok pa rin sa pagpapatawa. Predictable din ang kuwento at walang gaanong surpresa sa mga manonood. Maraming eksena ang hindi epektibo at pawang hindi kailangan sa pagpapausad ng istorya. Sa kabila nito, maayos naman ang pagganap ng mga artista kahit pa pawang karikatura ang kanilang mga tauhang ginampanan.
Umikot ang kuwento ng Ikaw Pa Rin sa pagnanais ni Baby na magkaron ng anak sa kahit paanong paraan. Hindi ito magandang mensahe at halimbawa para sa mga kababaihan na pawang ibinababa ang kanilang pamantayan para lamang matupad ang kanilang inaasam-asam. Bagama’t may pambawi naman ang pelikula nang sina Baby at Boy ay dumaan sa normal na proseso ng ligawan, hindi pa rin maiaalis sa kuwento na ang dalawa ay nagtalik na nang hindi pa sila naikakasal. Pinalabas din ng pelikula na tama at dapat ipagdiwang ang pagbubuntis sa labas ng kasal na pawang nakakabahala. Ang tanging magandang aral sa Ikaw Pa Rin ay ang pagpapakabayani at pagmamahal nang wagas na hindi tumitingin sa panlabas na kaanyuan. Nararapat pa ring gabayan ang mga batang manonood upang hindi maging taliwas ang kanilang pagpapahalaga sa kababaihan at pagpapamilya.