Title: Caregiver Cast: Sharon Cuneta, John Estrada, John Manalo, Makisig Morales, Boots Anson-Roa, Jhong Hilario, Rica Peralejo, Mickey Ferriols, Lotlot de Leon, Monique Wilson, Anita Linda Director: Chito Roño Producer: Star Cinema Screenwriter: Chris Martinez Genre: Drama Distributor: Star Cinema Location: London, England Running Time: 110 min.
Technical Assessment: 3.5
Moral Assessment: 3
CINEMA Rating: For viewers age 13 and below with parental guidance
Tinalikuran ni Sarah (Sharon Cuneta) ang pagiging guro upang makasunod sa asawang si Teddy (John Estrada) sa
Bagama’t hindi maikakailang formula at de-kahon ang Caregiver, nakapagbigay pa rin ito ng bagong pananaw ukol sa kalagayan ng mga kababayan nating Overseas Filipino Worker (OFW) sa
Ipinakikita ng Caregiver ang napakaraming sakripisyong pinagdaraanan ang mga nakikipagsapalaran sa ibang bansa kapalit ng pangakong higit na magandang buhay. Hindi nga lahat ng umaalis at nangingibang-bayan ay nagiging matagumpay. Hindi lahat ng pangarap ay natutupad at nasasagot ng paga-abroad. Sa katunayan, karamihan sa mga tunay na problema ay hindi nag-uugat sa pera kundi sa kaibuturan ng pagkatao na nananatili saan mang lugar mapunta, kumita man ng malaking halaga. Kapuri-puri ang katauhan ni Sarah na naging matapang sa gitna ng maraming pagsubok. Naging masunurin sa asawa si Sarah hanggang sa mamulat sa katotohanang may sarili siyang pag-iisip na dapat ding igalang. Isa rin siyang mapagmahal na ina na pinagsusumikapang ipaliwanag at ipadama sa anak ang kahalagahan ng pagtitiis at pagtupad sa pangako. Hindi rin matatawaran ang pagbibigay ng pelikula ng dignidad sa isang trabahong madalas ay minamaliit at pinandidirihan: ang pagiging caregiver. Gaano man kaliit o kababa ang isang hanapbuhay, nagiging mataas ito at kapuri-puri kapag binigyang dignidad at halaga mismo ng mga taong nasa trabahong ito. Ang taong nagmamalasakit sa trabaho ay nagmamalasakit sa kapwa. Nakakabahala lamang ang mensahe ng pelikulang walang asenso sa Pilipinas kung kaya’t mas pinipili ng mga Pilipinong magpakababa sa ibang bayan upang guminhawa lamang sa buhay. Bagama’t may bahid ito ng katotohanan, hindi ito ang ganap na katotohanan, at dapat pa ring malaman, unawain at maramdaman ng mga kabataan na ang sariling bayan ang siyang dapat unang paglingkuran.