Saturday, January 2, 2010

Nobody, Nobody but Juan

Cast: Dolphy, Eric Quizon, Eddie Garcia, Pokwang, Heart Evangelista, Jeffrey Quizon, Eugene Domingo, Vandolf, G Tongie; Director: Eric Quizon; Producer: Rodolfo Quizon; Screenwriters: Eric Quizon and Bibeth Orteza; Music: ; Editor: ; Genre: Comedy/ Light Drama; Location: Philippines and US; Running Time: 100 mins;

Technical Assessment: 2.5
Moral Assessment: 3
CINEMA Rating: For viewers age 13 and below with parental guidance

Residente si Juan Dela Cruz (Dolphy/Jeffrey Quizon) sa isang "home for the elderly" sa America. Bagamat pag-aari ng sarili niyang anak na si Mario (Eric) at ng asawa nitong si Alana (G Tongie) ang institusyon ay hindi masaya si Juan sa pananatili niya dito dahil si siya sang-ayon sa pagbabawal sa kanilang mga matatanda na makapanood ng paborito nilang programa sa telebisyon na tangi nilang libangan. Naiibsan nito ang pangungulila ni Juan sa Pilipinas at mga alaala ng pagkakaibigan nila ng mga nakasama niya sa entablado noong panahon ng hapon na sina Toribio a.k.a Tu (Eddie Garcia/Vandolf), Lolay (Pokwang) at unang niyang pag-ibig na si Aida (Gloria Romero/Heart). Nang nagkaroon ng matinding alitan ang mag-asawang Mario at Alana ay lumipat muna si Juan sa isa niyang anak sa America na si John. Dito magkakaroon siya ng pagkakataon na mahawakan ang passport at makapag-withdraw ng pera sa bangko upang makabalik sa Pilipinas. Ano ang naghihintay kay Juan sa kanyang pagbabalik sa sariling bayan?

Sa kabila ng masalimuot na takbo ng istorya ay nai-sentro naman sa karakter na si Juan ang pelikula. Nakatulong dito ang pagtagni-tagni ng mga flashback scenes. Pero tila mas lumutang ang promosyon ng programang "Wowowie" at cable channel na TFC. Nakitaan din ang director ng pagsisikap na mailabas kahit papaano ang sentimyento ng mga matatanda subalit hilaw naman ang intensyon nito na makapagpatawa, mabuti na lamang at may mga likas na talento sa patawa ang mga nagsiganap. Maingay at parang nagtatalo ang tunog at linya ng mga artista. Akma lamang ang ilaw, make up at disenyo ng produksyon. Subalit tila limitado ang mga kuha ng background scenes sa mga light rail trains. At walang kaugnayan ang sikat na awiting "Nobody Nobody.." sa pelikula. Sa kabuan ay walang masyadong naihain ang teknikal na aspeto.

Isang maipagmamalaking kultura sa Pilipinas ang pagkalinga sa mga nakatatanda lalo na sa pamilya. Madalas ay nagiging susi ang mataas respeto sa kanila upang magkaisa ang pamilya o matapos ang anumang alitan. Subalit dahil sa kaibahan ng istilo ng pamumuhay sa banyagang bansa ng Amerika ay muntik ng mabalewala ang pagpapahalagang ito ng pamilya ni Juan Dela Cruz. Mabuti na lamang at hindi naging huli ang lahat at napagtanto na bawat isa ang kanilang mga pagkukulang, kahinaan at kalakasan upang muling magbuklod bilang pamilya at maging masaya ang matanda sa pamilya. Binigyan-diin din sa pelikula ang kahalagahan ng tapat na pagkakaibigan, pagsasakripisyo, pagtanggap at pagpapatawad. May aral ang pelikula subalit dahil sa mga eksena na nagpapakita ng magaspang na trato sa matatanda ay dapat gabayan ang mga batang manonood.

Saturday, December 26, 2009

Panday

Cast: Ramon Revilla Jr., Philip Salvador, Iza Calzado, Rhian Ramos, Robert Villar; Direction: Mac Alejandre; Director: Rico Gutierrez; Producers: Annette Gozon-Abrogar, Jose Mari Abacan, Ramon Revilla, Jr; Music: Von de Guzman; Editor: Augusto Salvador; Genre: Fantasy/ Adventure; Cinematography: Regiben Romana; Distributor: GMA Films; Location: Pulang Lupa;

Technical Assessment: 3.5
Moral Assessment: 3
CINEMA Rating: For viewers of all ages

Hango sa nobela ni Carlo Caparas, Jr at isang remake ng pelikula ni Fernando Poe, Jr. nuong 1981, muling masusundan ang pinagmulan at pakikipagsapalaran ni Flavio bilang tagapagligtas ng mundo. Nang sakupin ni Lizardo (Philip Salvador) at ng kanyang mga kampon ang mundo, kumapit na lamang ang mga tao sa pag-asang darating ang isang binata na magliligtas sa kanila at magpapabalik sa paghahari ng kabutihan. Sa Pulang Lupa, si Flavio (Bong Revilla) ay isang masigasig at matapat na panday na kasalukuyang nakatira kina Lolo Isko (Jonee Gamboa) at Bugoy (Robert Villar). Bagamat atubii, tinanggap ni Flavio na siya ng manlilgtas nang makita niyang nagiging espada ang punyal na gawa mula sa bumagsak na bulalakaw mula sa langit. Dali-dali niyang tinahak ang landas papunta sa kuta ni Lizardo upang mailagtas ang kanyang minamahal na si Maria (Iza Calzado). Lingid sa kanya ay sinundad siya nina Bugoy at Estelita (Rhian Ramos) na kapwa may maghanga at pagmamahal sa kanya. Samantala, ihinasik ni Lizardo ang kanyang mga kampon upang hadlangan ang pagdating ng panday at matuloy ang kasal niya kay Maria.

Sa larangang ng visual effects at CGIs, napakalaki ng ikinahusay ng pelikulang ito at talaga namang maipagmamalaki na ang kanilang pagsusumikap na pagandahin ang aspetong teknikal upang makipagsabayan sa mga gawang Hollywood. Buong buo ang konsepto ng mga disenyo ng kasuotan, ng make-up at ng set at props ng Ang Panday. Para kang dinala sa ibang dimension kung saan ang mga tao ay nasa gitna ng makaluma at mahikal na panahon at hindi mukhang palabas sa entablado o pipitsugin palabas sa telebisyon. Nadala ni Revilla ang katauhan ng isang maginoo, mabuti at matapang na mandirigmang mortal at nakakasulasok ang kasamaan ni Lizardo sa pagganap ni Salvador. Nagawa ni Calzado na paghaluin ang misteryo at bighani sa katauhan ni Maria at nakakahawa ang kulit ni Bugoy at ng nagdadalagang si Estelita. Maaliwalas at nakakaigaya ang mga panoramic at panning shots na nagpakita ng ganda ng mga tanawin. Dahil sa mga dahilang ito, tama nga na mabigyang gantimpala ang pelikula. Kaya nga lamang, may tatlong kakulangan ang produksyon. Unang-una na ang higpit ng pagsasalaysay ng kwento. Maraming eksena at tauhan ang tila ba isiningit lamang at hindi naipaliwanag mabuti. Dagdag pa ang editing na parang nagtagpi-tagpi lamang ng mga di magkakaugnay na eksena. Ikalawa ang kakatwang pagganap ni Salvador bilang Lizardo na magkahalong Joker ng The Dark Knight at Uncle Fester ng Addams Family. Sana ay gumawa na lamang siya ng sarili niyang tauhan sa halip na manggaya ng iba. Nakakatawa rin na pagkatapos ng bawat laban ay gagawin na ni Revilla ang “panday pose” ng ilang segundo. At ikatlo, sapagkat pinagbuhusan ng panahon at ginastusan ng malaki ang mga special effects, tiniyak ng direktor na makikitang mabuti ang mga ito. Ang resulta, mabagal na aksyon, nakasasawang eksena at mga indulgent special effects.

Isang aspeto ng pagkatao ang sinikap na talakayin subalit hindi maayos na nagawa. Ito ang eksena kung saan binigyan ng pangaral ng Diwata ang bulag na si Flavio. Aniya, ang paggawa ng kabutihan, paglilingkod sa kapwa at pakikipagtunggali sa kasamaan ay isang gawaing nangangailangan ng patuloy na pag-aalay ng sarili. Hindi batayan ang ilang tagumpay, bagkus kailangang paulit-ulit na makipaglaban, masaktan, mag-alay hanggang hindi naghahari ang kabutihan. Bilang manliligtas at Christ-figure, inaasahang maraming pagsubok at paghihirap at pagdaraanan. Ang kanyang pagsuko at pagkawala ng pag-asa ay tanda ng kahinaan ng loob at pananalig sa biyaya ng Diyos. Si Hesus ay nagdaan din sa katakut-takot na pagsubok at paghihirap subalit ni minsan ay hindi siya sumuko at nawalan ng pag-asa. Gayundin, isa itong paanyaya sa bawat isa sapagkat sa mga mumunting paraan, tayo ay nagiging mga “manliligtas” na susugpo sa mga maling gawain at magpapaibayo sa kabutihan. At sa tungkuling ito, kailangan ng palagian tatag ng loob at pananalig na may isang Diyos na magbubuhos ng biyaya at paggabay.

I Love You Goodbye

Cast: Angelica Panganiban, Gabby Concepcion, Kim Chiu, Derek Ramsay, Matet de Leon, Liza Lorena, Arlene Muhlach, Ketchup Eusebio ; Director: Laurice Guillen; Screenplay: Mark Meily; Producer/ Distributor: Star Cinema; Location: Manila; Genre: Drama; Running Time: 110 mins

Technical Assessment: 3.5
Moral Assessment: 2.5
CINEMA Rating: For viewers 18 and above

Magka-live-in sina Lizelle (Angelica Panganiban) at Adrian (Gabby Concepcion) na malaki ang agwat ng edad at estado. Ang 25 anyos na si Lizelle ay isang ulilang lubos na nagta-trabaho bilang serbedora sa coffee shop nang makilala ni Adrian, mahigit 40 anyos at may mataas na katungkulan bilang doktor sa isang malaking ospital. Maraming tutol sa kanilang relasyon lalo na ang anak ni Adrian na si Ysa (Kim Chiu) na halos kasing-edad ni Lizelle. Magugulat sina Lizelle at Adrian sa pagpapakilala ng bagong manliligaw ni Ysa na si Gary (Derek Ramsay). Sa simula pa lang ay halata ang pagkadismaya ni Adrian kay Gary, habang si Lizelle naman ay hindi mapakali. Malalaman na ito palang si Gary ay dating kasintahan ni Lizelle na iniwan siya nang walang paalam dalawang taon na ang nakararaan upang magtrabaho sa barko. Si Adrian ang siyang sumalo sa kalungkutan ni Lizelle. Ngayon si Gary ay nagbabalik sa buhay ni Lizelle upang buhayin ang dati nilang pag-ibig at si Ysa ang kanyang gagamitin upang makalapit siya dito.

Maayos ang pagkakagawa ng pelikula. Mahusay ang pagkakadirehe ni Guillen na hindi matatawaran ang galing sa paghahagod ng tamang emosyon sa bawat eksena. Maging ang pinaka-simpleng eksena ay nagniningning dahil sa hitik at lalim nang pinaghuhugutang emosyon ng mga karakter. Hindi naging melodramatiko ang pelikula. Walang katakot-takot na sampalan, walang gaanong histerya. Sumunod lamang ito sa natural na daloy ng mga pangyayari at sa mga nararapat na reaksiyon ng mga tauhan. Naging mas makapangyarihan ang pelikula sa mga sandali ng katahimikan nito kung saan madarama ng manonood ang pinagdadaanang pighati ng mga tauhan. Pawang mahuhusay lahat ng nagsiganap at bumagay sa kanila ang kani-kaniyang papel. Lumutang nang husto ang galing ni Panganiban sa pag-arte sa pelikulang ito. Kuha niya ang nararapat na komplikasyon ng tauhan na kanyang ginampanan. May ilan nga lang problema sa editing ang pelikula dala siguro marahil ng pagmamadali, pero maari na rin itong palagpasin dahil di naman gaanong nakaapekto sa kabuuang daloy. Sayang nga lang dahil kung mas napagtuunan pa ito ng pansin at napaglaanan ng panahon, magiging mas maayos pa sana ang pelikula.

Tinalakay ng pelikula ang isang sensitibong paksa ng pakikiapid. Makikita sa pelikula ang hirap na pinagdadaanan ng isang taong nasa masalimuot na relasyon. Nariyang hindi siya tanggapin ng mga kaanak at harap-harapang kutyain dahil hindi siya tunay na kapamilya. Sinundan pa ito ng mas maraming komplikasyon nang magbalik ang dating pag-ibig. Nakaugat naman ang lahat sa lalim ng emosyon at hindi lang sa tawag ng laman kung kaya't hindi mahirap unawain ang pinagdaanan ng mga tauhan. Sadyang may mga sandali na hindi mapipigil ng tao ang bugso ng kanyang damdamin. Nakakabahala ang ipinakikitang pagtatalik sa labas ng kasal. Hindi man sinabi ng pelikula na ito'y tama, hindi pa rin ito magandang halimbawa. Marahil ang mga eksenang ganito ay kailangan upang ipakita ang lalim ng relasyon ng mga tauhan, ngunit ang ganitong dahilan ay mauunawan lamang ng mga manonood na may hinog na kaisipan at nasa wastong gulang. Hindi nararapat ang ng ito sa mga manonood na wala pang 18 taong gulang.

Ang Darling Kong Aswang


Cast: Vic Sotto, Christine Reyes, Jean Garcia, Richie D Horsey; Direction: Tony Reyes; Location: Metro Manila; Genre: Comedy; Distributor: MZet Productions

Technical Assessment : 2.5
Moral Assessment : 2.5
Rating : For viewers of all ages

Ang mag-inang sina Ida (Agot Isidro) at Eliza (Christine Reyes) ay mga aswang na mababait. Sa halip na tao ay mga hayop lamang ang kanilang pinapatay at kinakain. Subalit kinailangan nilang lumikas at lumipat ng tirahan nang makarating ito sa pinuno ng kanilang sektang si Barang (Jean Garcia). Nakituloy sila sa isang kamag-anak sa baranggay kung saan naninirahan din ang biyudong si Victor (Vic Sotto). Mabait at ulirang anak at ama si Victor. Handa siyang isakripisyo ang pag-ibig kung ito ang magiging kagustuhan ng kanyang dalawang anak. Mabuti na lamang at nakasundo ng kanyang mga anak si Eliza kaya’t natuloy ang kasal ni Victor sa dalaga. Ang tanong, matatagalan ba ni Victor ang pagbabagong-anyo ng kabiyak? Gaano katagal maitatago ni Eliza ang pagiging aswang sa bago niyang pamilya? At papaano na kapag natagpuan sila ng kampon ni Barang?

Nakakaaliw ang pelikula at wala pa ring kupas si Vic Sotto sa pagbitaw ng linya. At nakakabilib din ang husay ng mga CGIs at special effects na ginamit dito. Malayo na ang ikinagaling nito kumpara sa mga naunang pelikula. Bukod rito, wala ka nang makikitang dahilan upang panuorin ito. Maraming elemento ang hindi malinaw dahil hindi man lamang ito pinagka-abalahang busisiin. Ang daloy ng kwento at ang mga eksenang ginamit para umusad ang pelikula ay para bang hindi na pinag-isipan. Bago umabot sa sentro ng kwento ay katakut-takot na mga pasakalye at walang saysay na eksena ang ipinakikita. Halos ikatlo ng palabas bago pa magkita at magkatuluyan sina Victor at Eliza. Ubod tuloy ng bagal ang pag-usad ng pelikula. Kulang din ang aspetong malikhain ang pelikula. Una, walang kabuhay-buhay gumanap si Reyes. Kulang ang alindog niya bilang kaakit-akit na dalaga at napakalamya naman niya bilang mabangis na aswang. Bukod pa rito, nakakailang na halatang-halata ang kapal ng make-up ni Reyes bilang isang probinsyanang aswang. Ni hindi man lamang pinag-aksayahan ng panahon turuan ang mga babaeng aswang ng tamang tindig at porma sa pakikipaglaban. Bagamat mahusay magpatawa, mababaw ang pagkakabuo sa katauhan ni Sotto. Siya pa rin ang Sottong napanuod sa Okay Ka Fairy Ko hanggang Iskul Bukol noong nakaraang taon. Sayang lamang ang busisi sa aspetong teknikal dahil napakababaw ng pagkakabuo sa pelikula.

Ang pinakamalaking problema ng pelikulang Pinoy ay ang pagkakatuon lamang nito sa kikitain. Basta’t may sikat na artistang bida at medyo ikakapit at pamagat o istilo ng kwento sa sikat na awitin o naunang palabas, pwede na. Hindi man lamang pagsumikapang tiyakin na malinis, hindi lamang ang teknikal na kalidad, kundi ang pinakamahalagang sangkap ng pelikula—ang takbo ng istorya at paghubog ng mga tauhan.

Sinikap ng Ang Darling Kong Aswang na sundan ang nakakikilig na dalisay na pag-iibigan sa Twilight at New Moon. Magkaibang lahing may iisang tibok ng puso. Sinuong lahat ng panganib at hadlang alang-alang sa pag-ibig. Mainam sana ang mensahe nito, kaya nga lamang, natabunan lamang ito ng mga eksenang patawa at tauhang pang comic relief. May aspetong ispiritwal din sana, kung saan ipinakitang mas mataas ang pananalig sa Diyos kaysa sa anu pa mang makalupang kapangyarihan o lakas. Kaya nga lamang, ewan kung maalala pa ito ng nanuod dahil tila ba paningit na lamang ito ng direktor sa dulong bahagi ng pelikula.

Bagamat maaring panuorin ang pelikula kahit ng mga bata, mas mabuting gabayan sila ng isang responsable at marunong na nakatatandang kasama sa panonood.

Friday, December 18, 2009

Avatar

Cast: Sam Worthington, Zoe Saldana, Stephen Lang, Michelle Rodriguez; Director: James Cameron; Producers: Cameron, Jon Landau; Screenwriter: James Cameron; Music: James Homer; Editor: James Cameron, John Refoua, Stephen E. Rivkin; Genre: Sci-Fi Adventure; Distributor: 20th Century Fox; Running Time: 123 mins;

Technical Assessment: 4
Moral Assessment: 2.5
CINEMA Rating: For viewers 14 and above

Pandora is one of the smaller planets some 4.3 light years from Earth. It is a luscious and unspoiled home to the 10 foot tall blue skinned Na’vi. The humans of the Earth has encroached deep into Pandora’s forest in search for valuable minerals but are held back by the planet’s atmosphere which is deadly to them. Meanwhile, Jake Sully (Sam Worthington), a former US Marine now paralyzed from waist down is selected to participate in the Avatar program, wherein genetically-bred human Na’vi hybrids are created to adapt to Pandora’s atmosphere. In exchange for the ability to move and walk again, Jake must serve as a scout for the human soldiers who follow him in Pandora’s jungles. However, when Jake learns of the Na’vi culture and falls in love with Princess Neytiri (Zoe Saldana), his loyalty becomes torn between his obligation as a spy and his new found love.

AVATAR is a visual feast that tells an entertainingly tight story. Director James Cameron manages to recreate a world so charming and dreamy with its sharp CGIs and brilliant attention to technical detail. The story’s development and screenplay falls a little short as it tries hard to be relevant. Over-all the creative lapses are overtaken by the superb visuals.

At the core of a person is his loyalty to what is right and what is good. At some point, a person might be influenced by power or authority or persuaded by debt of gratitude but almost always, there will be that small voice whispering to choose love, unity, peace and brotherhood. The film illustrates a person’s hierarchy of needs and desires. It seems that man wants most what he has lost or is incapable of. He thinks he will sell even his soul just to get back what he has lost. However, at the end of the day, what will truly make one happy and content is not merely fulfilling those needs and desires but following what is true and good as dictated by the soul and heart.

The movie contains several intense war-related violence, some profanity and crude language. The film is inappropriate for very young children. Parents are strongly advised to guide their children who would like to watch the film.