Friday, August 7, 2009

Last Viewing

Cast: Janice de Belen, Maro Panganiban, Sherwin Ordonez, Angel Jacob, Tommy Abuel, Leandro Baldemor; Director: Ronaldo Bertubin; Producers: Ferdinand Lapuz, Antonio de Guzman, Olivia Madrigal; Screenwriter: Romualdo Avellanosa; Distributor: David Entertainment Productions; Location: Manila; Running Time: 120 min;

Technical Assessment: 2.5
Moral Assessment: 3
CINEMA Rating: For viewers age 13 and below with parental guidance

Si Laura ay isang crematorium supervisor na tulad ng mga bangkay na kanyang sineserbisyohan ay naging malamig na ang pakikitungo sa mga tao buhat nang itinakwil siya ng ama dahil ipinagbuntis niya sa pagkadalaga si Heidi (Maro Panganiban) na isang autistic. Bagama’t mailap sa lahat ng tao, si Laura ay naging mapagmahal na ina kay Heidi. Ipinasok ni Laura si Heidi sa isang day care center at isang araw bago ang graduation nito sa kinder ay ipinamili niya ito sa isang tiangge. Nalingat si Laura at hindi napansin na naglalakad na palang palayo ang anak at tuluyan na nga itong mawawala. Hahanapin ni Laura ang anak ngunit sadyang hindi na niya ito makita. May isang manghuhulang magsasabi na si Heidi ay nasa mabuting kamay ngunit nanganganib ang buhay. Mapapanatag ng kaunti si Laura sa kasiguruhang ito na buhay pa ang anak ngunit sadyang hindi pa rin niya ito makikita. Itutuloy ni Laura ang kanyang buhay sa gitna ng kalungkutan at makalipas ang apat na taon ay muli niyang makikita ang anak sa isang kakatwang sitwasyon.

Sa simula’y may kabagalan ang kuwento at tulad ng tema at karakter ng pangunahing tauhan sa pelikula, pawang napakalamig sa manonood ng palabas. Ngunit habang tumatagal ay umiigting ang kuwento at naipapamalas ang tunay na damdamin, diwa at lalim ng pelikula. Bagama’t walang masyadong gulat at malalaking eksena, lutang na lutang ang tamang timpla ng emosyon sa kabuuan nito. Hindi matatawaran ang pagganap ni Janice de Belen na nagampanan ng buong husay ang kanyang papel bilang walang emosyon na karakter. Ito ang naging tunay na yaman ng pelikula. Sa gitna ng mapanuksong histerya na karaniwang makikita sa ibang pelikulang melodrama, nagawang panghawakan at pigilan ni de Belen ang malabis na emosyon at bugso ng damdamin. Maging ang mga pangalawang tauhan ay pawang mahuhusay din liban na lang sa ilan na pawang karikatura ang labas. Mahusay sana ang direksiyon kung naiayos lamang ang daloy at napalalim pa ang karakterisasyon. Sayang din at hindi gaanong lumutang ang kalugaran at konsepto ng pelikula na may patungkol sa mga taong “naghahanap-patay.” Ang mga kuha ng kamera ay pawang madidilim at kung minsan nama’y kakatwa ang anggulo. Pero ito marahil ang nais ipahiwatig ng Last Viewing sa kabuuan: ang dilim at gulo ng buhay at kamatayan at ang liwanag nito sa pagitan.

Maliwanag ang mensahe ng pelikula ukol sa pagmamahal, pagpaparaya at pagpapatawad. Si Laura ay halimbawa ng isang taong nawalan na ng tiwala sa lahat dahil sa kanyang naranasang pagtatakwil ng ama. Anumang pilit niyang punan ang lahat ng kakulangan sa kanyang buhay sa pamamagitan ng pagmamahal sa kanyang anak ay hindi pa rin maging sapat sapagkat napuno na ng galit ang kanyang puso. Sa kabila ng ipinapakitang panlabas na lakas ni Laura ay kitang marami rin itong kahinaan. At kahit pa akalain ng lahat na siya ay “walang puso,” busilak ang kalooban ni Laura na pawang kabutihan ang nais para sa kanyang anak at mga mahal sa buhay. Sa paghahanap niya sa kanyang anak ay kasabay niyang hinahanap ang mga sagot sa maraming katanungan – tulad ng kung paano patatawarin ang amang minsang nagtakwil sa kanya. Hangga’t hindi niya magagawang magparaya at magpatawad ng buong puso ay hindi rin niya maibibigay ang kanyang sarili kahit pa bilang ina sa kanyang anak. Sayang nga lang at pawang walang naging papel ang Diyos sa buhay ni Laura. Hindi rin siya nakita man lang na nagdasal kahit pa sa gitna ng maraming kagipitan at kadiliman sa kanyang buhay. Ngunit ang pinakamahalaga ay ang mensahe ng Last Viewing na ang lahat ng nangyayari sa ating buhay ay may mas malawak na dahilan at ang mapagmahal na Diyos ay hindi kailanman magpapabaya dahil nananatili Siyang tapat sa sinumang may malinis na hangarin. Ang kailangan lang ay maging handa rin tayong maging bukas at handa sa pagmamahal na ito.

Nothing But The Truth

Cast: Kate Beckinsale, Matt Dillon, Alan Alda, Vera Farmiga, David Schwimmer, Angela Basset, Noah Wyle; Director: Rod Lurie; Producers: Marc Frydman, Rod Lurie, Bob Yari; Screenwriter: Rod Lurie; Music: Larry Groupe; Editor: Sarah Boyd; Genre: Suspense/ Drama; Cinematography: Alik Sakharov; Distributor: Cinestar; Location: USA; Running Time: 108 min.;

Technical Assessment: 3
Moral Assessment: 2.5
CINEMA Rating: For viewers 14 and above

Rachel Armstrong (Kate Beckinsale) is a passionate Washington DC investigative reporter on the rise. But her dreams plummet hard when she incurs the wrath of the White House after exposing CIA secret operative Erica Van Doren (Vera Farmiga) and then later refusing to reveal her source. Rachel is put behind bars and sent to trial with government prosecutor Patton Dubois (Matt Dillon) ruthlessly drilling hard on her. But she remains steadfast and refuses to name her source even at the expense of her freedom, her safety and her relationship with her son. As we follow the suffering Rachel experiences behind bars and the legal struggle of her lawyer, Albert Burnside (Alan Alda), as he pleads her case on First Amendment grounds, we also see Erica Van Doren fighting hard to protect her reputation in the CIA and the sanctity of her other life as a loving mother.

The movie is based on the exposition of Valerie Plame, an undercover CIA agent, and the subsequent incarceration of Judith Miller, a New York Times reporter, in 2005. Writer and director Rod Lurie delivers a powerful moral drama told from a feminine point of view. Although Beckinsdale’s performance is at times overtaken by her co-actors, she still manages to shine during the dramatic highlights and bring Rachel to life. The film is provokingly well made, drawing the audience into the struggle of the protagonists and teaching them to realize the evil of public apathy.

Nothing But the Truth raises several questions. How does a person choose during tough times? Does she value her self and her family more over truth and her principles? Does she succumb to pressure to ensure her safety and freedom? The film shows us how the line is drawn when we are asked to choose between one’s moral aptitudes versus self-preservation. At times, we have to uphold truth, justice and integrity at the expense of our personal happiness.

Our duty to our country, to the truth and to the common good should surpass our desire to protect our selves. This proves to be a painful and difficult choice, especially in times when people have become too self-centered and self absorbed. Nonetheless, it is the choice made by heroes and saints at heart.

Themes and situations in the movie will be more appreciated by mature adult viewers. The movie contains a mild sexual scene, violence and inappropriate language. Thus, parents are strongly cautioned against allowing their young and impressionable children to watch the movie.

Monday, August 3, 2009

It's Alive

ASSESSMENT ONLY
Cast: Sharon Farrell, Andrew Duggan, Michael Ansara, Guy Stockwel, John Ryan, James Dixon, Daniel Holzman, Shamus Locke, William Wellman Jr.; Director: Larry Cohen; Producer: Larry Cohen; Screenwriter: Larry Cohen; Music: Bernard Herrmann; Editor: Peter Hones; Genre: Horror/ Suspense; Cinematography: Fenton Hamilton; Distributor: Warner Bros. Pictures; Location: USA; Running Time: 91 min.;

Technical Assessment: 3
Moral Assessment: 1
CINEMA Rating: For viewers 14 and above

BRIEF FILM SYNOPSIS

It's about an ordinary couple who become the parents of a bouncing baby boy. Unfortunately, the infant is a grotesque monster who embarks upon a grisly killing spree throughout Los Angeles! The cops attempt to track down the blood-thirsty babe, as the parents (who have no idea how or why this happened) try to cope with this unusual ordeal.

OUTSTANDING FEATURES OF THE FILM: The film does not show the cause that made the newly born baby a monster, engaged in killing spree of doctors and nurses on the time of his birth. However, the plot tells the audience that would be mother tried to abort the fetus but failed. Is the baby possessed by evil spirit that will lead him to murder people?

Friday, July 31, 2009

Orphan

Cast: Vera Farmiga, Peter Sarsgaard, Isabelle Fuhrman, CCH Pounder, Jimmy Bennett; Director: Jaume Collet-Sera; Producers: Leonardo DiCaprio, Susan Downey, Jennifer Davisson Killoran, Joel Silver; Screenwriters: David Johnson, Alex Mace; Music: John Ottman; Editor: Timothy Alverson; Genre: Drama/ Horror/ Mystery/ Thriller; Cinematography: Jeff Cutter; Distributor: Warner Bros. Pictures; Location: Toronto, Canada; Running Time: 123 min.;

Technical Assessment: 3
Moral Assessment: 2.5
CINEMA Rating: For mature viewers 18 and above

Following a miscarriage, Kate and John Coleman (Vera Farmiga and Peter Sarsgaard) decide to expand their family by adopting 9-year-old Esther (Isabelle Fuhrman) to add to their own, 12-year old Danny (Jimmy Bennett) and 5-year old deaf-mute Max (Aryana Engineer). In a refuge run by Catholic nuns, the couple is charmed by the artistically-inclined Esther, a prim and proper 9-year-old orphan of Russian descent. Max and Esther click right away, with Esther easily learning sign language. Danny, however, begins to feel frustrated, thinking the new girl is getting too much attention from everybody, particularly his dad. Esther’s serious mien and taste for “Little Bo-Peep” clothes alienate her from other children in school, and make Danny the butt of jokes among his peers. When Kate catches Esther playing with Max on the frozen pond—a forbidden area—she becomes sensitive to Esther’s certain actuations, although she is ready to dismiss them as childish quirks. When the orphanage administrator Sr. Abigail (CCH Pounder) visits the Coleman home to check on the adopted child’s progress, Kate discovers that hardly anything is documented about Esther’s past. The nun also informs Kate that while Esther herself does not get into trouble, trouble “comes to her”, citing the recorded disasters that took place when she was around. The nun doesn’t return home; days later she is found dead in the wood. Kate’s hunches become stronger but John shrugs these off as the fears of a recovering alcoholic.

An engaging story combines with great acting to put this thriller several notches above the ordinary evil-child movie. With her seemingly innate ability to unsettle audiences, Farmiga delivers an intense and sensitive performance, portraying a conflicted character most credibly. She and Saarsgard display a full-bodied chemistry that makes marriage appear to be such an appealing option. There is also electrifying interaction between Farmiga and Fuhrman—keeping the viewer in suspense about what could go on between a vulnerable foster mother and a secretive, precocious adopted child. Crisp editing and camera work add to the realism that would keep the audience at the edge of their seats for 123 minutes.

For a sweet and well-mannered 9-year-old girl to be so vile, one could only guess she’s the devil incarnate. Rosemary’s Baby, The Omen, The Demon Seed—they all belong to a league in which Orphan could be the anointed princess. There are many lessons to be learned from this masterpiece of a thriller: don’t laugh at other people’s weird fashion taste; don’t leave an unconscious hospital patient unattended; nuns shouldn’t be out driving alone; don’t trust a child simply because she is a child; and lastly, investigate an orphan’s past before adopting. But maybe you wouldn’t want to adopt anymore after watching this film. The few minutes towards the end explain it all, and logically weave together into one cohesive and credible story all that wickedness and depravity in one who has lived for nine short years. The movie is about children, but it’s definitely not for children. CINEMA would allow it for viewers 18 and above, for its delicate theme and content.

Oh My Girl!

Cast: Judy Ann Santos, Ogie Alcasid, Roderick Paulate, Carmi Martin, Manilyn Reynes, Nova Villa, John Prats, Jon Avila; Director: Dante Nico Garcia; Producer: Lily Monteverde; Screenwriters: Tanya Bautista, Dante Nico Garcia, Jose Garlitos, Raymond Lee; Music: Von de Guzman; Editor: Danny Anonuevo; Cinematography: Odyssey Flores; Distributor: Regal Films; Location: Philippines; Running Time: 105 min.;

Technical Assessment: 2.5
Moral Assessment: 2.5
CINEMA Rating: For viewers 14 and above

Isang malalim na pagkakaibigan ang nabuo sa mga ulilang sina Biboy (Ogie Alcacid) at Opao (Judy Ann Santos) noong sila ay magkasama sa bahay ampunan. Nang ampunin ng isang palaos nang artista (Carmi Martin) si Opao, ay hindi na ito muling nakita ni Biboy. Lilipas ang maraming taon pero hindi pa rin makalimutan ni Biboy si Opao. Buong buhay niya’y wala siyang ginawa kundi isipin si Opao at hanapin kung nasaan ito. Sa wakas ay kanyang matatanto na si Opao ay si Darling na ngayon – ang pinakasikat na artista ng kasalukuyang henerasyon. Palibhasa’y walang yaman o kasikatan na maipagmamalaki, mahihirapan si Biboy na magpakilala o makalapit man lang kay Darling. Minsang sinundan ni Biboy ang shooting ng ginagawang patalastas ni Darling ay nangailangan ng ekstra makakasama ni Darling. Ngunit ang hinahanap na ekstra ay dapat isang matandang babae. Sa tulong ni Bob (John Pratts), magbibihis at mag-aayos si Biboy na parang isang matandang babae. Makukuha si Biboy na ekstra sa patalastas ni Darling at magsisimula na siyang makalapit dito. Mas lalo pa siyang mapapalapit kay Darling nang mangailangan ito ng personal na alalay. Subalit gustuhin man ni Biboy na magpakilala kay Darling ay mahihirapan siya sapagkat ang pakikilala niya dito ay isa siyang babae. Magkaroon pa kaya siya ng lakas ng loob na aminin kay Opao/ Darling na siya si Biboy?

Sa biglang tingin ay aakalain na isang matinong katatawanan ang Oh My Girl dahil sa mga bigatin nitong mga artista at de-kalibreng mga manunulat at direktor na kinikilalang magagaling sa industriya. Ngunit isang malaking kabiguan ang pelikula. Nabigo itong magbigay ng bagong bihis sa isang lumang kuwento ng pagkakaibigan at pag-ibig. Bigo itong magbigay ng kilig dahil walang dating ang tambalan ng dalawang pangunahing tauhan. Lalo pa itong nabigong patawahin ang manonood dahil lumabas na pilit ang pagpapatawa at hilaw ang mga ginamit nitong pangkiliti. Sayang kahit pawang ginaya sa pelikulang banyaga ang konsepto ng Oh My Girl, ay mukhang maganda naman ang intensiyon nitong bigyan ng panibagong putahe ang Pinoy comedy ngunit ang kinalabasan ay parang minadali na lamang nila ang pelikula at hindi na gaanong pinagtuunan ng pansin ang kaledad. At higit na nasayang ang galing ng mga artistang nagsiganap. Anumang talino nila sa pag-arte ay hindi nagsagip sa malabis na kakulangan sa kuwento ng pelikula.

Isang kuwento ng wagas na pag-ibig ang Oh My Girl. Isang pag-iibigang nakaugat sa pagkakaibigan at hindi nagbago sa paglipas ng panahon. Maganda ang mensaheng ito ng pelikula ngunit dapat pagtunuunan ng pansin ang ilang naging paraan ng pangunahing tauhan na si Biboy upang makalapit kay Opao. Nagbihis at nagpanggap siyang babae para lamang mapalapit sa isang dating kababata. Nakakabahala ang ganitong pamamaraan ng pakikipaglaban alang-alang sa pag-ibig dahil bali-baligtaran man, isang matinding panloloko ito at pananamantala sa pagtitiwala ng isang tao. Naging malabis din ang isteryotipikal na paglalarawan sa mga matatanda, pangit, bakla, tomboy, mga alalay, starlets at bisaya. Sa mga aspetong ito, dapat gabayan ang mga batang manonood sapagkat maari nilang tularan ang kanilang mapapanood at maari nilang isiping ito ang tamang pagtrato sa mga taong pawang saliwa ang pagtingin ng lipunan. Nakakabahala rin na tila hindi man lamang nagkaron ng utang na loob ang dalawang pangunahing tauhan sa mga institusyong kumupkop at kumalinga sa kanila. Pinalalabas ba ng pelikula na ang mga bahay-ampunan sa halip na maging bahay-kalinga ay nagiging kulungan kung saan ang mga naririto'y walang ibang kaligtasan kundi ang pagtakas? Ipinakita pa naman nilang isa sa mga bahay-ampunan na ito ay pagmamay-ari ng isang relihiyosong kongregasyon. Masamang larawan ito para sa Simbahan na nagnanais lamang makagawa ng kabutihan sa lipunang labis ang kahirapan. Sa halip rin na pasasalamat ang isukli ni Opao/ Darling sa pagkupkop sa kanya, panay sama ng loob pa ang ibinubulalas nito sa tuwing mauungkat ang kanyang buhay.