LEAD CAST: Karla Estrada,
Jobert Austria, Kaira Balinger, Marco Gallo, Xia Vigor, Chantal Vidella &
Shane Weinberg, Awra Briguela,
Heaven Peralejo
DIRECTOR: Jerry Lopez Sineneng
SCREENWRITER: Mel del Rosario
PRODUCER: Doc Denis Aguirre
EDITOR: Marya Ignacio
MUSICAL DIRECTOR:
GENRE: Family Comedy
CINEMATOGRAPHER:
DISTRIBUTOR: Sine Screen
LOCATION: Bulacan, Philippines
RUNNING TIME: 106 minutes
Technical
asssesment: 3.5
Moral
assessment: 3.5
CINEMA rating:
PG13
Susuwayin at iiwan ni Cindy (Karla
Estrada) ang pamilya sa probinsya upang magpakasal sa sundalong boyfriend sa America kung saan magkakaanak
siya nang tatlo na pawang mga blonde—sina John Jr. (Marco
Gallo), Jenny (Kaira Balinger) at Jill (Xia Vigor). Sa kasamaang-palad ay
maagang mababalo Cindy at maiiwanan ng napakalaking utang. Dahil sa kamalasang
ito ay uuwi na lamang sila ng Pilipinas kahit labag sa kalooban ng mga anak.
Katulad ng inaasahan, masasakit na salita ng paninisi at panunumbat ang
sasalubong sa mag-iina. Titiisin lahat ito ni Cindy at sa halip ay itutuon ang
isip at panahon sa paghahanap ng iba’t ibang pagkakakitaan upang maitaguyod ang
tatlong anak na dumadaan din sa hirap ng biglaang pagbabago sa kanilang buhay. Makikilala ni Cindy ang biyudong si
Tony Boy (Jobert Austria) na namatay ang asawang British sa isang plane crash. Aalukin ni Tony Boy si
Cindy na maging yaya ng dalawa niyang mga
anak, na mga din. Tatanggapin naman agad ito ni Cindy dahil sanay naman siyang
mag-alaga ng mga batang may lahi katulad ng kanyang mga anak. Sa
kalaunan ay magkakamabutihan at tuluyang mahuhulog ng loob nina Cindy at Tony
Boy sa isa’t isa. Magkakasama-sama sila bilang isang pamilya na
pawang may lahing banyaga ang mga anak.
Mahusay ang paghahatid ng pinaghalong pormula ng romance, family-oriented at intercultural comedy sa Familia Blondina. Malinis ang daloy ng kwento at malikhain ang konsepto ng mix-marriages. Malinaw mula sa simula ng pelikula ang magiging estado ng karakter ni Cindy. At bagamat sa pagpasok ng karakter ni Tony Boy ay naghudyat ng predictable na wakas ay naging kaabang-abang pa din ang mga eksena at palitan ng mga linya lalo na pagitan ng mga bata. Natural ang mga pagganap, komportable ang lahat at nabigyan ng akmang pagpapakilala ang mga tauhan na kani-kanilang ginampanan. Nakatulong ang mga kuha ng kamera sa pagbibigay-diin sa mga eksena na sadyang may hatid na mensahe. Tama lamang ang disensyo ng produksyon, nakakatuwang tingnan ang mga blonde na hitsura ng mga bata, at akma ang mga nilapat na tunog at ilaw lalo na sa mga eksena sa loob ng bahay. Sa kabuuan ng Familya Blondina, ang comedy ay naghatid ng makabuluhang mensahe at aliw sa manonood.

Isang malaking hamon sa babae man o lalaki
ang mag-isang magtaguyod ng pamilya, lalo na sa sitwasyon na kailangang harapin
ang mga pagbabago mula sa nakasanayang buhay at kulturang banyaga na
kinasasangkutan ng mga anak na menor de edad. Gayunpaman, nagampanan at naharap
ang hamong ito ng pangunahing tauhan na si Cindy dahil sa paninindigan niyang panghawakan
ang mga values o pinahahalagahan sa buhay na matiyaga niyang
ibinahagi at itinuro sa mga anak na may lahing dayuhan. Kapag matatag ang isang
tao sa kanyang personal values, mas
madaling makapagdesisyon na may pagsasa-alang alang ng tama at mali. Ilan sa
mga pinakita sa Familia Blondina ang pagiging mapagmahal sa
pamilya, matiyaga, mapagpasensya, mapagpakumbaba, mapagbigay, mapagpalaya at
palakaibigan. Kahit nagsimulang magtaguyod ng mga anak sa America ay di nya
kinalimutan ang mga magagandang kaugaliang Filipino katulad ng pagiging
magalang sa kapwa. Gayundin kinilala ni Cindy ang kultura ng lahing banyaga ng
kanyang anak na pagbibigay-kalayaan at respeto sa pagiging responsible sa
sariling desisyon katulad ng magpasya ang anak na bumalik ng America. Pinakita
din sa puntong ito ang selfless love
ni Cindy bilang ina. Samantala, kaakibat sa mga hamon ng buhay ang
di maiwasan makaharap at makasalamuha ang mga taong mapagnibugho, mapanghusga
at mapanumbat, na nagbibitiw ng masasakit na salita nang di man lamang
inaawat ng kanilang mga magulang na dapat sana ay mamagitan. Maaring natural
lamang na maghayag ng galit at sama ng loob sa kapwa lalo na kung nasaktan
naman talaga subalit ang maganda rin paalalahan ang sarili na kilalanin at
tanggapin din ang matapat na pagbabalik-loob at pagsusumikap ng kapwa na
harapin ang naging bunga ng mga ginawang desisyon sa buhay. Sa kabuuan ay
mayaman sa positibong mensahe ang pelikulang Familia Blondina at
isang magandang panooring pampamilya. Subalit dahil sa masalimuot na tema ng intercultural marriage ay kailangan ng
mga batang manonood ng gabay ng nakatatanda.--IBD