DIRECTOR: Veronica Velasco LEAD CAST: SUPPORTING
CAST: Carla Martinez, Bodjie Pascua,
Anna Luna, Paul Salas, Elaine Ochoa SCREENWRITERS: Veronica Velasco, Jinky Laurel PRODUCERS:
Charo
Santos-Concio, Malou Santos GENRE: Romantic Comedy PRODUCTION COMPANY: ABS-CBN Film Productions, Inc. DISTRIBUTED
BY: Star Cinema COUNTRY: Philippines LANGUAGE: Tagalog RUNNING TIME: 1hr 48 minutes
Technical assessment:
3
Moral assessment:
CINEMA rating:
V14
Isang debotong anak si Becky
(Jodi Sta. Maria), kung ang pag-uusapan din lang ay ang pagmamahal sa mga
magulang at kapatid na pinatutunayan ng dalaga sa pamamagitan ng materyal na
suporta sa pamilya. Matalino at bibong career girl si Becky kung kaya’t sa
kabila ng mga gastusin sa pamilya ay nagagawa pa niyang mag-ipon ng pera sa
pag-asang darating ang araw na papalarin siyang mag-adventure sa pamamasyal sa ibang bansa. Gawa ng isang di-inaasahang pangyayari, masisisante
si Becky sa trabaho, na siya namang magiging daan upang sa wakas ay
makapag-pasiya na siyang iwanan muna ang mga pananagutan. Sa Thailand, makikilala niya Henry (Xian
Lim), at magsimula na nga and kanyang pagiging adbenturera.
May
“gimmick” ang paglalahad ng kuwento ng Dear
Other Self: sa pamamagitan ng mahusay na editing ay maayos nitong napagsalit-salit ang mga eksena ng
dalawang posibilidad sa buhay ni Becky—kung mananatili siya sa Pilipinas, ay ganito
ang maaaring mangyari sa kanya; at kung makikipagsapalaran
siya sa ibang bansa, ay ganoon naman ang maaaring sapitin niya. Hindi gasinong pinalalim ng pelikula ang
kuwento—masyadong sinikap nito na maging masaya at nakakakiliti ang aspetong
romansa—ito ba’y dahil sa isang rom-com
(romantic comedy) lamang ang pelikula?
Akma ang pagganap ng mga artista sa kani-kaniyang mga papel—lalo na si
Sta. Maria na kinayang tumambal sa dalawang karomansa sa iisang
pelikula—bagama’t may mga eksenang (close up) nakakabagot dahil pinahaba nang
walang katuturan. Nagdagdag ng kulay sa Dear Other Self ang mga eksenang kuha
sa Thailand, at kapani-paniwala din ang mga artistang Thai sa husay nilang
gumanap.
May
isang kaugaliang Pilipinong napapaloob sa
Dear Other Self ang maaaring talakayin sa pag-uusap-usap ng pamilya o mga
kaeskuwela: ang pagsasakripisyo alang-alang sa pamilya, tulad ng ginawa ni
Becky—bukas palad na pagpapautang sa ama kahit binabalaan na ng ina na sa bisyo
lamang gagamitin ang pera; patuloy na pagpapaaral sa kapatid na inuuna pa ang
kalaguyo kesa pag-aaral. Paano ito
nakabubuti? Hanggang saan dapat
magsaskripisyo nang ganito, at kailan at paano itong nakakasama sa kabila ng
ating mga magagandang intensiyon?
Pansinin din natin ang di-kanais-nais na gawi ng dalawang estudyante na
pinasok ang pre-marital sex sa kabila
ng pagtutol ng magulang. Sa bandang
huli, diumano’y “tumino” ang estudyanteng kapatid nang lumayo si Becky—ano ang
sinasabi ng pelikula sa pangyayaring ito?