DIRECTOR: Quark Henares CAST: Derek Ramsay, IzaCalzado, Shaina Magdayao,
Nico Antonio, Ketchup PRODUCER: Joji Alonso SCREENPLAY: Chris Costello, Mikael de Lara Co
CINEMATOGRAPHER: Ma.
Solita Garcia CREATIVE PRODUCER: Dan Villegas PRODUCTION COMPANIES: Quantum Films, MJM Productions, Tuko Film Productions at Butchi
Boy Films DISTRIBUTORS: Quantum Films LOCATION: Philippines GENRE: Romantic Comedy DURATION: 105 mins.
Technical assessment: 3
Moral assessment: 3
CINEMA rating: V13
Nais mag-level
up sa kanyang political career
ang kasalukuyang Congressman na si
Sonny Suarez (Derek Ramsey). Mula sa pagiging kinatawan ng distrito ay tatakbo
siya sa national position bilang
senador. Galing sa kilalang angkan ng mga politiko si Sonny. Maayos ang kanyang
records at educational credentials. Subalit iba ang usapan kapag national level ang labanan, kailangan ni
Sonny ng ibayong karisma upang makilala at mapalapit sa tao. Kinontrata ng team
ni Sonny ang serbisyo ng communication
expert na si Billie Pono (Shaina Magdayao) upang bigyan ng make-over sa pakikisalamuha ang
Congressman. Sa kabila ng natural na pagkailang sa tao ay nagiging epektibo ang
mga pointers na binibigay ni Billie
kay Sonny. Lalong iigting ang kooperasyon sa pagsasanay sa pagsulpot ng tila
magiging mahigpit na katunggali ni Sonny sa katauhan ng kanyang dating
kasintahan na si Vera Chavez (Iza Calzado). Apektado si Sonny sa pagtakbo ni
Vera dahil nga hinaluan ng isyung politika ang kanilang nakaraan na labis
niyang dinamdam. Subalit ang mas higit palang maapektuhan ay ang communication trainer na si Billie at
ang napipinto nilang pagkahulog sa isa’t isa.
Katulad ng sinasaad ng titulo, napapanahon
ang pelikulang My Candidate. Pinalabas ito sa mga sinehan dalawang araw
matapos ang pambansang halalan. Tumalakay ng mga isyung personal sa mga
kandidato na pumapalaot sa pulitika. Nakasentro ang kwento sa karakter ni
Sonny, sa kanyang political dreams,
at sa mga relasyon na masisira at mabubuo dahil sa pulitika. Mahusay ang trato
ng direktor sa pinaghalong satire,
romance, at comedy. Di tulad ng
ibang may katulad na tema, ang My Candidate ay nakaaaliw at magaan panoorin, Maganda ang
mga communication pointers na
makakatulong sa pakikisalamuha ng tao kahit wala sa pulitika. Maganda ang cinematography, makakatotohanan ang mga
kuha, at malinis ang editing.
Pinalutang ng mga ito ang magandang disenyo ng produksyon. Akma ang mga
inilapat na tunog, ilaw at musika. Mahusay ang mga pagganap ng mga
pangunahing tauhan lalo na sina Ramsey at Calzado, may pagka OA naman ang
dating ng acting ni Magdayao sa ilang
mga eksena ng training nya kay Sonny.
Sa kabuuan ay maganda ang teknikal na aspeto ng pelikula.
Higit sa
pagiging politiko na itinataas palagi ang sarili sa panahon ng kampanya at
kadalasan ay may mga pansariling interes, paglilingkod ang pangunahin para sa
sinumang nagnanais na maging isang public
servant. Ito ang isa sa mga naging mensahe ng pelikulang My Candidate. Gayunpaman, ang pag-aaral
at pagpapalago ng kasanayan at kaalaman ay panghabang buhay kahit sa anong
larangan—tulad ng pulitika at sa pakikipagrelasyon. Binigyan-diin sa pelikula
ang kahalagahan ng communication sa
pakikisalamuha at pagtulong sa kapwa. Makakatulong sa mga manonood ang mga
puntos na itinuro ni Billie kay Sonny para mas maging mabisa ang kanilang
pakikipag-ugnayan. Ipinakita din sa pelikula na pwedeng maging
instrumento ang isang tao upang lalong lumago at magtagumpay ang kapwa. Sa mga
ganitong pagkakataon ay tiyak din ang pakikinabang sa sariling paglago katulad
ng nangyari kay Billie, na sa pagtulong kay Sonny ay marami ding natutunan para
sa kanyang sariling paglago.