DIRECTOR: Ivan
Andrew Payawal LEAD CAST: Sam Milby, Yassi
Pressman, Sam Pinto, Candy Pangilinan, Al Tantay STORY and SCREENWRITER: Ivan Andrew Payawal PRODUCER: Vic Del Rosario, Jr. CINEMATOGRAPHY:
Cesca Lee MUSICAL
DIRECTOR: Jessie Lasaten EDITING: Carlo
Francisco Manatad GENRE: Romantic Comedy DISTRIBUTOR: Viva Films LOCATION: Manila RUNNING TIME: 97 minutes
Technical assessment:
3
Moral assessment:
3
CINEMA rating:
V13 (Ages 13 and below with parental guidance)
MTRCB rating: PG
Ilang
beses nang nasaktan si Trina (Yassi Pressman) sa larangan ng pag-ibig. Ngayong lampas-trenta anyos na siya, medyo suko
na siya sa pagiging “unlucky in love” at kontento nang maging single hangga’t
hindi dumarating ang iginuhit ng tadhana para sa kanya. Pasok si Neo (Sam Milby) na sa tingin ni Trina’y
kaganapan ng pangarap niya, pasado sa sukatan niya, at puwede niyang maging
salbabida sa pag-ibig. Kaya lang, tatay
na pala si lalaki—may anak na lalaking 8-years
old na isinama ng ina nito sa Canada at ngayo’y nagbalik-Pinas ang mag-ina. Bumabawi si Neo sa panahong hindi nakita ang
anak, pero mahal niya si Trina. Magsusumamo
si Neo kay Trina na mahalin din ang bata at isama ito sa relasyon nila;
susubukan naman ni Trina. Pero babalik
ng Canada ang mag-ina, at susundan sila ni Neo na magsa-“sakripisyo” alang-alang
sa bata. Paano na, feeling third wheel na naman ba si Trina?
Pasable
si Pressman sa mga eksenang komedya at drama.
Si Milby naman ay nagpasilip ng maturity
sa pagganap, pero hindi pa rin sapat para sa hinihingi ng papel niya. Sa ganitong genre ng pelikula napakahalagang malakas ang chemistry ng dalawang bida—pero hindi ganon ang nangyari kay Milby
at Pressman, kaya galingan man nila ang pag-arte ay lalabas pa ring pilit ang
emosyon, hindi kapani-paniwala ang kanilang pag-uugnayan. Sinikap ni Payawal na maiba ang kanyang rom-com sa karaniwan, sa pamamagitan ng
pagsaling sa ilang isyu sa mga relasyon.
May mga bagong konsepto siyang ipinasok pero sana’y ipinakita na lang sa
halip na isalaysay lamang ang mga ito, total, may mga eksena ring hindi naman
kailangan sa daloy ng kuwento, saying ang footage.
Sa likuan
ng love story ni Trina at Neo ay ang isang mahapding katotohanang nagsusumigaw
na pakinggan: sa paghihiwalay ng mag-asawa, ang pinakamalalim na sugat na
ibinubunga ay ang sa puso at katauhan mga anak.
Katulad ng anak ni Neo, si Trina man ay biktima ng paghihiwalay ng mga
magulang. Sa hindi pagkakasundo ng mga
magulang, napipilitang pumili ang anak kung kanino siya magiging malapit. May mga magulang na buong-tapang na susuungin
ang single parenthood, ngunit gaano
man nila kahusam gampanan ang pagiging kapwa ina at ama sa kanilang mga anak,
hindi pa rin ito kailanman magiging sapat o wasto—mayroon pa ring “kulang”. Punto ng pelikula ay—magtiis ka lamang at
maghintay at darating din sa iyo ang taong para sa iyo. Bagama’t nagbibigay pag-asa ito sa marami
(para huwag mag-apura sa pag-big), hindi rin lubos na tama ang pahiwatig nito
na ang isang taoĆ½ liligaya lamang kung mayroon siyang partner. Hindi naman
pag-aasawa lamang ang bokasyon ng isang tao; may ilan ding may “tawag” sa isang
higit na nakatataas na pag-ibig, kung kaya’t wala silang mapusuang nilalang
para gawing life-partner. Palawigin natin ang ating pananaw upang hindi
natin sabihing “malas” ang isang tao dahil lamang lagi siyang sawi sa pag-ibig.