CAST: Judy Ann Santos (Mia), Ryan Agoncillo ( Rod), Eugene Domingo (Aida);
DIRECTOR: Jose Javier Reyes; SCREENWRITER: Jose Javier Reyes & Mel del Rosario; PRODUCER: OctoArts; EDITOR: MUSICAL DIRECTOR; GENRE: Drama & Comedy;
CINEMATOGRAPHER DISTRIBUTOR; LOCATION: Philippines;
RUNNING TIME: 110 minutes
Technical Assessment: 3.5
Moral Assessment: 3.5
Cinema Rating: For viewers 13 years old and below with parental guidance
Komportableng namumuhay ang pamilya ng mag-asawang Rod (Ryan Agoncillo) at Mia (Judy Ann Santos) kasama ng dalawa nilang anak sa isang middle class subdivision. Isang matagumpay na Branch Manager ng bangko si Rod at parttime insurance agent ang fulltime na maybahay at ina na si Mia. Sa kabila ng maayos na pagdadala ng pamilya ay nakakatanggap pa rin ng pagmamaliit si Rod mula sa pamilya ni Mia. Kaya naman gayon na lamang ang pagsisikap niya na patunayan ang kakayanan sa pagdadala ng pamilya ng hindi kinakailangan magfulltime work ang asawang si Mia. Subalit ng biglaang mawalan ng trabaho si Rod ay nagbago ang takbo ng lahat. Sandaling umiral ang pride at paglilihim na halos ikasira ng pagsasama ng mag-asawa. Ang pinakamalaking epekto ng pangyayari ay kung papaano nila maitatawid ang mga gastusin ng pamilya habang naghihintay ng magandang job offer si Rod. Nagkataon rin na nagkaroon ng emergency sa probinsya nag kasambahay ng pamilya at napilitan si Rod na gampanan pansamantala ang mga gawaing bahay at pag-aalaga sa mga bata na dating fulltime na ginagawa ni Mia. Sa pananatili sa bahay ay naging malapit na kaibigan niya ang kapitbahay na si Aida (Eugene Domingo). Magiging instrumento si Aida sa pagproseso ni Rod ng pride nya para maayos ang problema ng mag-asawa. Samantalang sa magandang performance ni Mia sa partime insurance agent work ay nagkaroon ito ng standing offer na fulltime job, pero ayaw ni Rod na magfulltime work siya dahil masasagasaan ang pride niya.
Maayos ang daloy ng kuwento ng "Househusband". Magaan nitong tinalakay ang tipikal na isyu ng isang middle class couple. Napanatili ang pagiging wholesome ng pelikula dahil sa maingat na trato na may halong patawa ang isyu ng adultery. Naipakita ng makabuluhang kwento sa kabila ng limitadong setting at matipid na produksyon. Mainam ang mga kuha ng kamera at pagdedetalye ng mga gawaing bahay na ginampanan ni Ryan. Dahil magaan ang pelikula ay walang mabigat na mga eksenang kinailangan ang malalalim na paghugot ng emosyon sa pag-arte. Natural ang lahat sa pag-arte at kahit na sa mga hirit ng linya na patawa.
Sagana sa positibong mensahe ang pelikula na kapupulutuan ng aral ng bawat miyembro ng pamilya at kaibigan. Isang magandang material sa pagmumulat ng pantay na kalagayan panlipunan ng lalaki at babae ang pelikulang "Househusband". Madalas na naipagkakamali ng mga kalalakihan ang pagmamalaki o pride sa prinsipyo. Kapag nasa sitwasyon na matatapakan ang pride ay pilit nila itong poproteksyunan ng hindi isinasaalang-alang ang epekto sa pamilya na madalas ay napapasama dahil sa nawawalang oportunidad. Bagamat middle class couple ang itinampok sa pelikula ay pareho rin ng isyu sa mas mahirap o mas mayaman mag-asawa. Sa mga panahon na may krisis ang pamilya partikular sa pagitan ng mag-asawa ay mahalaga ang suporta ng mga pamilya ng partido at kaibigan.