DIRECTOR: Perci Intalan LEAD
CAST: Martin del Rosario, Paolo Ballesteros, Lou
Veloso SCREENWRITER: Jun Lana, Rody Vera PRODUCER: Jane Basas, Perci Intalan EDITOR: Maynard Pattaui MUSICAL DIRECTOR:
Emeron Texon GENRE: Horror Thriller
CINEMATOGRAPHER: Tey Clamor LOCATION: Philippines RUNNING
TIME: 108 mins.
Technical assessment : 2.5
Moral assessment: 2
MTRCB rating: R16
CINEMA rating: V16
May pinagdaraanan si Barbs (del Rosario). Una, namatay ang kanyang pinakamatalik na kaibigang si Trish
(Ballesteros) sa naunang pelikula. Sumunod ay tinamaan at sinunog ng kidlat ang isang pang baklang kaibigan. At ngayon ay napagitna siya sa dalawang lalaki nag-aagawan sa kanyang pagmamahal. Dahil dito ay inisip niyang nagdudulot ng kamalasan ang kanyang pagiging bakla. Pagpapasyahan niyang mamuhay bilang isang lalaki sa pamamagitan ng “conversion theraphy session”, subalit lalo lamang itong magpapagulo sa kanyang buhay. Mabuti na lamang at ang espiritu ni Trisha ay laging handang magbigay ng payo kapag kailangan na niya.
Katulad ng naunang pelikulang Die Beauiful, pinilit na siyasatin ni Intalan ang masalimuot na pinagdaraanan ng isang transgender sa kasalukuyang panahon. May kurot ang bawat tawa, may sugat ang bawat salita. Kahit sa makabagong pananaw ngayon, mahirap pa rin ang pinagdaraanan ng mga taong hindi nakaayon ang mga pagpili sa idinidiktang pamantayan ng lipunan. Kaya sa mga naglalakas loob na tumaliwas, kailagang pagtibayin ang loob at patigasin ang puso. May malalim sanang mensahe ang naratibo kung naging maayos lamang ang pagkakatahi ng mga eksena at pagbuo sa katauhan at mga motibo ni Barbs.Sa halip ay itinuon ito sa katatawanan at nagmistulang sala-salabat na sitcom lamang ang mga tagpo. Nakatatawa, oo.
Pero pagkainom mo ng tubig ay sabay na ring mahuhugasan kung ano mang kwento o
kwenta ang meron dito.
Kung
ang layunin ng mga gumawa ng Born
Beautiful ay palawigin ang pagkakaunawa sa mga isyu ng
LGBT o bigyan sila ng karampatang panahon para hindi lamang maging pangbasag sa seryosong mga eksena—hindi nila ito nabigyang katarungan. Katulad ng nabanggit,
mas malakas ang direksyon na ibenta ang komedya at hatakin ang mga manunuod sa magaspang na katatawanan. Maraming kabastusan na hindi naman talagang kailangan.
Kahit na nasa hustong gulang at pag-iisip ang manunuod ay mahihirapan pa
ring himayin ang
mas makabuluhang pangyayari na maaring pagsimulan sana ng
mas matalinong pag-uusap ukol sa LGBT.--PMF