Title: Manay Po 2! Overload
Running Time: 110 min.
Cast: Cherry Pie Picache, Ruffa Mae Quinto, Marco Alcaraz, Polo Ravales, Sid Lucero, John Pratts, Jiro Manio, Christian Vasquez
Director: Joel Lamangan
Producer: Lily Y. Monteverde
Screenwriter: Dinno Erece
Music: Jesse Lucas
Genre: Comedy
Distributor: Regal Entertainment
Location: Philippines
Technical Assessment: * * *
Moral Assessment: ● ●
CINEMA Rating: For mature viewers 18 and above

Nais nang bumuo ng pamilya nina Oscar (Polo Ravales) at Adrian (Sid Lucero) ngunit dahil sa parehas ang kanilang kasarian ay inisip nilang kumuha ng isang baby maker. Bagama't ayaw ito ni Luz (Cherrie Pie Picache) ay kinailangan niyang tanggapin tulad ng pagtanggap niya sa pagiging bading ng kanyang mga anak na sina Oscar, Orson (John Prats) at Orwell (Jiro Manio). Isa pa ay nais na rin ni Luz na magkaroon ng baby sa kanilang bahay at alam din niyang hindi na niya mabibigyan ng anak ang asawang si Gerry (Christian Vasquez). Matapos ang pangingilatis nina Oscar, Adrian at Luz ng mga aplikante ay tinanggap nila si Betty (Ruffa Mae Quinto) bilang baby maker. Lingid sa kanilang kaalaman, pinasok ni Betty ang ganitong trabaho sa pag-uudyok ng kanyang asawa (Marco Alcaraz). Hindi rin magiging madali kina Oscar at Adrian ang sitwasyon sa pagpasok ng isang babae sa kanilang buhay. Ito rin ang magiging hudyat ng marami pang gulo sa buhay ng mga “manay”.
Isang nakakaaliw na pelikula ang Manay Po 2 Overload. Maraming bagong pakuela at pakulo sa pagpasok ng panibagong tauhan na si Ruffa Mae Quinto. Bagama't sanga-sanga ang kuwento ay napanatili nitong suwabe ang hagod ng bawat eksena patungo sa kabuuang direksiyon. Habang humagalpak sa kakatawa ang mga manonood ay namumulat ang kanilang sensibilidad sa isang mundong bihirang nabibigyang pansin. Pawang mahuhusay ang mga nagsiganap lalo na si Cherry Pie Picache at ang mga lalaking gumanap na bading. Yun nga lang, hindi pa rin maiiwasan ang pagiging isteryotipikal ng ilang tauhan. Maaari naman itong patawarin sapagkat katatawanan naman ang pelikula. Ang mahalaga, maraming bagong elemento ng komedya at naipakikilala sa Manay Po 2 Overload. Hindi na mga lumang patawa at nakakaumay na islapstik.
Bagama’t wagas ang pagnanais ng Manay Po 2 na maisalarawan ang mundo ng mga bakla, ay nananatili pa ring nakababahala ang maraming mensahe nito. Pinakahigit dito ay ang pagnanais nilang magkaroon ng pamilya bagama't alam naman nila ang kakulangan ng kanilang relasyong pinapasok. Dahil tuloy dito ay naiisip nilang magkasya na lamang sa ibang paraan ng pagkakaroon ng anak na karaniwan ay kaduda-duda pa sa usaping moral tulad ng artificial insemination at pagkuha ng baby maker. Hindi pa rin ito ang paraang naaayon at itinakda ng batas ng kalikasan. Ito na rin ang isa sa mga dahilan kung kaya't kailanman ay hindi magiging katanggap-tanggap sa simbahan ang relasyong sekswal ng dalawang magkaparehas ang kasarian. Bunga na rin ito marahil ng maraming suliranin ng lipunan. Sa kagustuhan nilang sila ay unawain, ang nagiging resulta ay mas matindi pang komplikasyon. Sinasabi ng pelikula na walang masama sa pagiging bakla. Maaring tama sapagkat ang pagtanggap ang unang hakbang upang mahalin ang sarili at ang ibang tao. Ngunit kung ang pagiging bakla ang mag-uudyok sa kanila sa kasalanan, ito ang masama. At ang isiping walang masama dito ay mas higit na masama. Bagama't katatawanan, ang mga usaping sekswal at moral na inihahain ng Manay Po 2 Overload ay hindi angkop sa murang kaisipan.