Thursday, October 19, 2017

Geostorm

DIRECTOR:  Dean Devlin  LEAD CAST:  Gerard Butler, Jim Sturgess, Abbie Cornish, Ed Harris, Andy Garcia  SCREENWRITER:  Dean Devlin, Paul Guyot  PRODUCERS:  David Ellison, Dean Devlin, Dana Goldberg  EDITOR:  Ron Rosen, Chris Lebenzon, John Refoua  MUSICAL DIRECTOR:  Lorne Balfe, Steffen Thum  GENRE:  Science Fiction, Fantasy  CINEMATOGRAPHER:  Roberto Schaefer  DISTRIBUTOR:  Warner Bros. Pictures  LOCATION:  New Orleans, Dubai, Hongkong  RUNNING TIME:  109 minutes
Technical assessment: 2.5
Moral assessment: 3
CINEMA rating: V13
US space scientist Jake Lawson (Gerald Butler) leads an international crew that builds Dutch Boy, a space station that controls satellites designed to counteract the effects of climate change. But Jake antagonizes the political bureaucracy and loses his post. His brother Max (Jim Sturgess) in the State Department is put in charge of Dutch Boy, causing a rift between the brothers. Dutch Boy malfunctions and causes extreme weather events in various countries two weeks before US President Palma (Andy Garcia) is to turn over Dutch Boy to an international team. Max’s boss Dekkom (Ed Harris) orders Max to bring in Jake to fix the problem. A series of accidents convinces Max and Jake that a key government official is causing Dutch Boy to fail. Max seeks the help of his girlfriend Sarah (Abbie Cornish) of the Secret Service to find who the culprit is.
Geostorm has the perfect material to build a monumental doomsday film comparable to director Devlin’s Independence Day, his previous work of the same genre. The love and allegiance between brothers complicated by rivalry unravels in a backdrop of political ambition and the overriding call for international cooperation to mitigate the impact of global warming. But the film disappoints. The characters are off. Max is anything but a disciplined State Department insider as he gets agitated at the slightest provocation. Jake’s teenage daughter seems to have skipped adolescence and throws lines and actuations typical of an adult. And most confusing of all is Sarah who values her Secret Service duty so much yet readily agrees to give away classified information.  Humor and drama, banter and romance are introduced with such bad timing. Dutch Boy lacks the sophistication of a futuristic space station. Weather events that turn people to ice are executed so gawkily they look absurd.
Like any doomsday movie, expect action, destruction and violence—all within the context of the story. Never mind that once again, America emerges as savior. The key messages underpinning the messianic plot are more important: that of love of country, and the use of technology to contain the destruction caused by man on the very same planet where he lives. The film, too, is replete with family values. There’s a good angle about the effect of adult behavior (in this case, brothers Jake and Max) on the emotional state of a child (Jake’s daughter). However, overall, despite positive values, the film fails to communicate its messages well because of poor technical execution. 

Tuesday, October 17, 2017

Blade Runner 2049

DIRECTOR: Denis Villeneuve  CAST: Ryan Gosling, Harrison Ford, Ana de Armas, Sylvia Hoeks, Robin Wright, Mackenzie Davis, Carla Juri, Lennie James, Dave Bautista, Jared Leto  SCREENPLAY: Hampton Fancher, Michael Green  STORY BY: Hampton Fancher  BASED ON: Characters from Do Androids Dream of Electric Sheep? by Philip K. Dick  PRODUCERS: Hans Zimmer, Benjamin Wallfisch   GENRE: Science Fiction, Drama, Action  EDITED BY: Joe Walker  CINEMATOGRAPHY: Roger Deakins  PRODUCTION COMPANY: Alcon Entertainment, Columbia Pictures, Scott Free Productions,Torridon Films, 16:14 Entertainment, Thunderbird Entertainment Inc.  DISTRIBUTED BY: Warner Bros. Pictures  COUNTRY: United States  LANGUAGE: English  RUNNING TIME: 2 hours 43 minutes
Technical assessment:  3.5
Moral assessment:  2.5
CINEMA rating:  V18
Thirty years after Blade Runner, we are shown the future by Blade Runner 2049, a dystopian Earth where cars can fly and humans and androids co-exist.  In this world Officer K (Ryan Gosling), a new blade runner of post-apocalyptic Los Angeles Police Department, is tasked with hunting down the remaining replicants—synthetic humans who had staged a rebellion before in much the same way slaves would.  His job is to put the rebellious replicants out of commission and retrieve their eyeballs which bear identity—their serial numbers.  On the job, Office K gets to meet blade-runner-in-hiding Rick Deckard (Harrison Ford), the hero of Bladed Runnerwho has settled in his comfortable lair where he enjoys holograms of Elvis Presley and Frank Sinatra plus all the booze to last him three lifetimes.  Officer K will soon discover a secret that will break his heart.
Blade Runner 2049 succeeds in portraying a gloomy future for humanity through stunning visuals enhancing the murder-mystery plot.  For one, the thick yellow fog shrouding Los Angeles circa 2049 seems to forebode death-by-pollution for homo sapiens 30 years or so from now.  Holding the attention and interest of the viewer is the question of who in the movie is a replicant and who is not, since one can hardly tell between a real human being and a man-made android that looks and acts like a real person.   For example, the viewer is deceived by appearances until he sees beyond doubt that Officer K’s companion, Joi (Ana de Armas) is but a holograph he had purchased as he would a computer app.  The “cyber puzzle” is a cinematic device cleverly woven into a story that’s meant to eventually lead the viewer to mull the moral or ethical consequences of such technological advances.

Blade Runner 2049 asks us to examine how mankind regards technology, and how we who have a soul relate spiritually with one another.  The provocative plot begins with the discovery of the boxed remains of a female replicant who it turned out—upon examination of her “bones”— had given birth.  Here lies the crux of the matter: if replicants (which are a collection of artificial intelligence) can reproduce, are human emotions like love and desire involved?  If these entities can multiply as humans do, it is not impossible that they can also decide their population growth, even their destinies.  If they decide to reproduce while humans continue to prevent conception and abort fetuses to cut down their population growth, would a probable interspecies war decimate humankind?  Of course, these are mere hypotheses budding out from interesting fiction.  What merits a closer look in Blade Runner 2049 is the film’s treatment of women, which implies that despite all the advances in science, women will hardly move up from being the sex objects that they may be now—at least in the eyes of those who produced this movie.  Imagine, 2049 Los Angeles, flying cars and all—its boulevards illuminated by gigantic advertisements of seductive or nearly nude women, in 3D to boot!  Gentlemen, what’s the point?

Thursday, October 12, 2017

New Generation Heroes

DIRECTOR:  Anthony Hernandez  LEAD CAST:  Aiko Melendez, Anita Linda, Jao Mapa & Joyce Peña   PRODUCER: Rea Flores  EDITOR: Mark Jazon Sucgang  MUSICAL DIRECTOR: Alfredo Ongleo  GENRE: Drama  CINEMATOGRAPHER:  Arvin Viola  DISTRIBUTOR: Golden Tiger Films  LOCATION: Philippines  RUNNING TIME: 112 minutes
Technical assessment: 2
Moral assessment: 4
CINEMA rating: PG13
MTRCB rating: GP
Ito’y tatlong kuwento ng mga bayani ng bagong henerasyon.   Una, si Gener (Jao Mapa), isang may-ari ng junkshop na nangangalap ng mga lumang aklat para turuan ang mga batang walang kakayanang pumasok sa paaralan sa kanilang lugar bunga ng kahirapan at maagang pagsabak sa paghahanapbuhay.  Pangalawa, si Lolita (Joyce Penas), isang gurong balo na gagawin ang lahat para maitaguyod ang dalawang anak kung saan ang isa rito ay may cerebral palsy. Pinagsasabay ni Lolita ang pagtuturo at pagtitinda ng kung anu-anong bagay at pagkain sa kanyang mga kapwa guro. Pangatlo naman si Cora (Aiko Melendez) na isang OFW sa Korea at nagtuturo ng English sa mga Koreano. Lingid sa kanyang kaalaman, napapariwara na ang kanyang panganay na anak na lalaki pati na rin ang kanyang asawa.
Malaki ang problema ng New Generation Heroes kung paglalalahad ng interesanteng kuwento ang pag-uusapan. Nariyan ang laylay na editing na lubos na nakababad sa mga eksenang walang katuturan sa kuwento. Kulang na kulang sa sukat ang mga eksena na karamihan ay mahahaba at walang tamang hagod. Hindi rin agad makita kung ano ang dapat sundan sa kuwento—walang problemang dapat pag-tuunan ng pansin, walang malinaw na layunin ang mga bida, at wala ring matatawag na totoong kuwento ang pelikula.  Malabis ang pagkukulang ng direktor at manunulat sa aspetong “kuwento”. Ang mga karakter na binuo ay hindi gaanong hinubog at pinagtuunan ng pansin. Sa pagdudumali ng pelikula sa pagsusubo ng nais nitong iparating na mensahe, nalimutan nitong alalahanin kung magkakaroon ba ng pakialam ang manonood o kung may manonood ba hanggang dulo.  Malinis ang kuha ng kamera at maayos ang tunog ngunit ang musika ay tila naging malabis sa pagdidikta ng emosyon sa manonood sa halip na pang-tulong lamang sa pagpapalawig ng tamang timpla ng mga eksena.  Maging ang mga nagsiganap ay tila asiwa sa kanilang mga linya at eksena. Marahil mas nakabuti pa kung naging dokumentaryo ang naging estilo ng pelikula upang naging mas makatotohanan. Sa kabuuan ay isang malaking kasayangan ang pelikula lalo pa’t marami sana itong makabuluhang isyu at tema na nais talakayin.  

Pagdating sa mensahe, kita naman na busilak ang pelikula sa paglalahad ng kabutihan ng mga guro—m ang kanilang  mga sakrispisyo—maitawid lamang ang isang klase at makapag-hubog ng mga kabataan. Isa sa madalas makalimutan ng mga guro ay kanilang mga sarili—hindi na sila nakakapag-asawa sa sobrang pagka-abala sa mga estudyante. Nariyan din ang pagsakripisyo ng sariling pamilya tulad ni Cora. Si Gener naman, sadyang kinalimutan na ang sariling ambisyon alang-alang sa mga batang lansangan. Si Lolita nama’y nanatiling malakas at matatag sa gitna ng kanyang mga pagsubok dahil sa mga anak. Nariyan din ang pagpapatawad at pagtanggap sa bawat ka-pamilya anuman ang mga naging kasalanan at kahinaan ng mga ito. Kahanga-hanga ang pelikula sa katapangan nitong magpakita naman ng kabutihan at lahat ng mabubuti sa gitna ng maraming kasamaan na nangyayari sa lipunan. Dalisay ang layunin ng pelikula, walang duda, lalo na kung patungkol sa kahalagahan ng edukasyon at pamilya ang pag-uusapan. kung kaya’t minamarapat ng CINEMA na gawaran ito ng PG 13 rating—kinakailangan lang gabayan ng magulang ang mga bata dahil sa ilang isyung pinag-usapan tulad ng droga, krimen. at maging sekswalidad.  

Tuesday, October 3, 2017

Last Night

Direction: Joyce Bernal; Lead Cast: Piolo Pascual, Toni Gonzaga;  Story/Screenplay; Bella Padilla;  Editing: Marya Ignacio; Cinematography: Boy Yñiguez; Producer: Neil Arce; Location: Manila; Genre: Romantic Comedy; Distributor: Star Cinema
Technical assessment: 2.5
Moral assessment: 3
CINEMA rating: V14
Wala nang makitang dahilan si Mark (Pascual) para mabuhay. Napalayas siya sa kanyang bahay, hiniwalayan ng asawa, idinemenda ng mga kaibigan dahil sa perang nadispalko ng kanyang nanay na ngayon ay hindi na niya mahanap. Nang tatalon na sana si Mark sa Jones Bridge ay siya namang sisigaw at hihingi ng tulong si Carmina (Gonzaga) mula sa pagkakasabit sa gilid ng tulay. Ililigtas siya ni Mark at sandaling maantala ang pagpapakamatay ng dalawa. Magkakasundo sila na sabay magpapakamatay na mauuwi pagkahulog nila sa isa’t isa. Kaya lamang, nang magdesisyon na si Mark na huwag nang ituloy ang pagpapakamatay upang mabuo ang relasyon nila ay mawawala naman si Carmina. Sa gitna nang paghahanap, matutuklasan ni Mark ang katauhan ni Carmina na maaring tuluyang dumurog sa kanyang pagkatao.
Sa simula ay simpleng “romcom” ang takbo ng naratibo sa nakasanayang magaslaw na komedya ni Gonzaga at mapagnilay na atake ni Pascual. Pormula. Mabenta. Nahuhulaan na ang wakas. Tama? Mali—dahil sa isang iglap, biglang-biglang babalikwas ang salaysayin. Ramdam na ramdam namin ang pagtahimik ng mga kinikilig na manunuod sa sinehan nang magkahugis ang  kwento sa likod ng katauhan ni Carmina. Masasabi namang malinis ang pagkakagawa at mahigpit ang pagkakahabi. Dahil sa loob ng ilang minutong si Gonzaga at Pascual lamang ang sinusundan ay hindi naman naging kabagot-bagot ang panunuod. Kung minsan nga lamang ay nakakasuya ang kagaslawan ni Gonzaga dahil medyo hindi na kapani-paniwala. May kaguluhan din ang punto de bistang pinili ni Bernal. Sa isang banda, mas tama sanang kay Mark lamang ito dahil siya lamang dapat ang nakakikita kay Carmina. Pero sa kagustuhang ibenta ang pelikula bilang romcom ay ginawang punto de bista ng manunuod na hindi na naging lohikal nang mabuo ang istorya. Ang pinakamalaking problema ng pelikula ay ang kawalan ng kakayahang tuldukan ang mga pangyayari. Kuha na, pinipilit pa. Naging kalabisan ang mga huling eksena matapos malinawan ang pakay ng Carmina. Sa halip na mahulog ang loob mo at madama ang sakit ng paghihiwalay ay gustong-gusto mo nang matapos ang iyakan nilang dalawa. Nauwi rin sa pormula. Sayang, naging mababaw tuloy ang kabuuan nito.
Ang pagkitil sa buhay ay hindi katanggap-tanggap na alternatibo. Una, napakahina ng pagkatao mo na hindi mo kayang lagpasan ang kasalukuyang dagok o sakit upang makita ang pag-asa ng bukas. Ikalawa, napakamakasarili mo dahil nalulugmok ka lamang sa sariling sakit nang walang pagtimbang sa masasaktan mo. Ikatlo, napakahina ng pananampalataya mo dahil nakalimutan mong hindi ka naman binibitawan ng Diyos.

Sa simula ay tila ginawang katatawanan ang pagkitil sa buhay pero kung susuriin, sinagot ng pelikula ang tatlong isyung nabanggit. Ipinakita na kung papaanong ang kakayahang tanawin ang sinag ng pag-asa sa hinaharap ay magbibigay liwanag kahit gaano man kadilim ang pinagdaraanan. Nang sa bingit ng pagpapakamatay ay tulungan ni Mark ang matandang hinimatay, gumaan ang kanyang kalooban at nakita ang halaga ng sarili.  Nang pinili ni Mark na patawarin ang sarili, nakapaglingkod muli siya sa mga bata at nagkaroon ng determinasyong hanapin ang ina. Ipinakita rin ni Carmina ang hapding idinudulot ng mga luha ng mga naulila ng mga nagpatiwakal. Ang pagpigil (ni Carmina) sa mga nais magpakamatay bilang pagtubos sa sarili ay pagkilala sa kamalian niya. Kapwa rin nila sinabi na para magkita sila sa langit ay kailangang pagsumikapang magkaroon ng mabuting buhay. Maraming aral ang pwedeng mapulot mula sa kwento, kaya nga lamang ay pinilit itong ihain bilang isang ordinaryong kwento ng pag-ibig.

Kingsman: The Golden Circle

DIRECTOR:  Matthew Vaughn   LEAD CAST:  Colin Firth, Taron Egerton, Julianne Moore, Mark Strong, Halle Berry, Jeff Bridges, Pedro Pascal  SCREENWRITER:  Jane Goldman, Matthew Vaughn  PRODUCER:  Adam Bohling, David Reid, Matthew Vaughn  EDITOR:  Eddie Hamilton  MUSICAL DIRECTOR:  Henry Jackman, Matthew Margeson  GENRE:  Action-Adventure, Comedy  CINEMATOGRAPHER:  George Richmond  DISTRIBUTOR:  Warners Bros.  LOCATION:  England, Wales, Italy  RUNNING TIME:  141 minutes
Technical assessment: 4
Moral assessment: 2.5
CINEMA rating: V18
MTRCB rating:  R13
Kingsman, a British secret intelligence service, is wiped out—its headquarters blown up and its agents killed, save for two.  Eggsy (Taron Egerton) and Merlin (Mark Strong) find a clue from the rubbles that leads them to their counterpart US spy organization called Statesman. Kingsman and Statesman track The Golden Circle, the group that sought to destroy Kingsman.  Headed by drug lord Poppy Adams (Julianne Moore), the group puts toxins in recreational drugs, threatening to kill millions.  Poppy offers to release an antidote if the US stops its war on drugs.  Meanwhile, agent Harry Hart (Colin Firth) survives the gunshot in the first Kingsman movie (The Secret Service), but suffers from amnesia.  He regains his memory and joins Eggsy in the mission.
Kingsman animates the screen with a powerful cast. Firth’s Harry, despite the eye patch, makes a dramatic switch from a mousy scholar to the resolute agent that he really is. Moore’s Poppy and her quirks are so over-the-top funny and ridiculous.  Strong’s Merlin breaks our heart when he gives up his life for the mission while singing Take Me Home, Country Roads.  Egerton’s Eggsy is perfect as an ever-so-grateful agent looking to Harry for affirmation.  Bruce Greenwood as the US President is a parody of the real life leader, and he does it so well. Kingsman floods us with meticulously choreographed fight scenes in a dainty 1950s diner, with graceful executions of punches and kicks, guns, explosions, and CGI, made more exciting with riveting music and sound effects. Death, goofiness, violence, and drama are weaved so well into the story that we find ourselves relishing them in equal measure.
Therein lies the danger in Kingsman.  For young audiences especially.  It makes the wrong delightful, fun and guilt-free.  With drugs as driver of conflict in the story, Kingsman can add noise to the real life division caused by the Philippines’ war on drugs and its associated extra-judicial killings.  Kingsman has all the elements of extreme and excessive violence strapped into its storyline: guns, explosions, drugs, alcohol, punching, cuss words, even a macabre meat-grinding of live, fully-clad humans to turn them into burger patties. Women are portrayed at their worst: whimsical, capricious, with one so gullible and vulnerable she doesn’t even notice a tracking device has been inserted into her private parts. And so, although the heroes win over the villains in the end, Kingsman is an egregious route to impart its lessons (yes, we didn’t miss them): drug abuse is dangerous; relationships matter; loyalty, friendship, brotherhood, and sacrifice for the common good. 

Monday, October 2, 2017

Respeto

Director: Alberto Monteras II  Cast: Abra, Dido de la Paz, Loonie, Kate Alejandrino, Chai Fonacier, Ybes Bagadiong, Brian Arda, Thea Yrastorza, Nor Domingo  Writers: Njel de Mesa and Alberto Monteras II  Producer: Monster Jimenez  Executive Producers: Thenielle Monteras, Alberto Monteras II, Jet & Mae Cornejo  Line Producer: Kristine Kintana  Assistant Director: Timmy Harn  Cinematographer: Ike Avellana  Editor: Lawrence Ang  Production Designer: Popo Diaz  Sound Designer: Corinne De San Jose  Music: Jay Oliver Durias  Running Time:  90 minutes
Technical  assessment: 3.5
Moral assessment: 2.5
CINEMA rating:  V14
MTRCB rating:  R13
Kasama ng kanyang barkada ay sasabak sa pustahan ng hip-hop music sa kalye ng Pandacan ang ulilang si Hendrix (Abra), subalit matatalo sya. Sa susunod na pagsali niya ay mapapahiya pa sya dahil magba-viral sa Youtube ang pagkakaihi niya sa pantalon dahil matatalo sya ng kalabang babae sa pagra-rap.  Gayunpaman ay muli at muli nyang paghahandaan ang mga susunod na pustahang sasalihan niya sapagkat hilig nya talaga ito. Samantala utusan sya ng kinasama ng ate nya na isang drug pusher  sa paghahatid ng droga sa mga suki at naabutan sya ng konting panggastos kapag nagagawa nya ang utos nito.  Subalit nang minsang pangahasan nya ang kita ng bayaw at ipatalo sa hip-hop ay nabugbog sya at pilit na pinalalabas ang pera. Dahil dito ay yayayain niya ang mga kaibigan tatangkain looban ang bookstore na pagmamay-ari ni  Doc (Dido Dela Paz), isang matandang manunulat at makata na may di magandang karanasan sa panahon ng Martial Law.  Mahuhuli sila sa akto ng pagnanakaw at madadala sa presinto.  Sa kabutihang-palad ay di na sila sasampahan ng kaso sa halip ay papatawarin sila at bibigyan ng pagkakataon na ayusin ang mga nasira sa tindahan.  
Makatotohanan  ang paglalahad ng kuwento ni  Hendrix na isang kabataang may talento at pangarap,  dumadanas ng kahirapan, at kabilang sa lipunan na nahaharap sa krimen ng droga, korupsyon, abuso sa kababaihan at karahasan.  Makahulugan ang pinagsama-samang kathang tula, saliw ng musikang hip-hop at palitan ng mga linya kasama na ang pagmumura sa paghahatid ng mensahe, pagninilay at pagbibigay ng aliw sa manonood.  Mahusay ang pagkakadirehe dahil naidirekta nya ang mga teknikal na aspeto ng pelikula sa sa pagpapakahulugan sa salitang “respeto” na syang pamagat ng pelilkula. Hindi mga tanyag na artista ang mga gumanap pero markado ang mga karakter na binigyan buhay nila. Natural at may sinseridad ang mga kuha ng camera na lalong pinatingkad ng kaakmaan ng pag-iilaw at inilapat ng mga tunog at musika.
Maaring akalain ng manonood na tungkol sa napakagandang ugali na “respeto” o paggalang ang mensahe ng pelikulang Respeto. Bahagya naman itong naipakita ng pelikula subalit para sa CINEMA ay  mas malalim na mensahe ang pelikula bilang hugot sa literal na kahulugan ng salitang “respeto”. Ang totoo, sa mas malaking bahagi, ay puro kawalan na ng respeto ang pinakita. Ang isang kabataang may pangarap ay inuutusan magdeliver ng ipinagbabawal na droga at binubusog sa mura at mapang-insultong salita. Ang isang tahimik na matanda na naghahanapbuhay ay pagtatangkaang pagnakawan. Ang mga babae ay binabastos at ginagahasa. Ang hip-hop na genre ng musika ay ginagawang daan upang makapang-insulto ng kapwa, makapagsugal at makipag-away,  Ang pulis na dapat nagsisilbi ay siyang sangkot sa krimen. Ang ultimong kawalang respeto ay ang mismong pagpatay sa buhay at kawalan ng proseso ng hustisya. Bagamat may bahagyang pagtalakay ng pagtitiwala at pagkikila, katulad ng ginawa ng karakter ni Doc sa tropa nina Hendrix. Gayundin naman kahit saang anggulo tingnan ay walang hatid na kabutihan ang paghihiganti, kadalasan ay nadadamay at mas napapahamak pa ang mga walang kinalaman. Ang Respeto ay isang napapanahong pelikula na maaring maghatid ng aral at punto ng pagninilay sa sarili at sa mga nangyayari sa lipunan upang huwag na maulit ang madilm na nakaraan ng kasaysayan.  

Saturday, September 30, 2017

Logan Lucky

Direction: Steven Soderbergh; Cast: Channing Tatum, Daniel Craig, Adam Driver, Seth MacFarlene, Riley Keough, Katie Holmes;  Screenplay: Rebecca Blunt; Editing: Mary Ann Bernard; Cinematography: Peter Andrews; Producer: Gregory Jacobs, Mark Johnson, Channing Tatum Music: David HolmesrGenre: Action-Comedy; Distributor: Fingerprint Releasing; Location: USA  Running Time: 119 minutes; 
Technical assessment: 3.5  
Moral assessment: 2 
CINEMA rating: V16 
Logan brothers are unlucky. Clyde loses his arm in Iraq and is now a bartender while Jimmy (Channing Tatum) is fired and is about to lose his time with his daughter. Jimmy convinces Clyde to rob Speedway’s biggest race of the year to rewrite their family history. They enlist the help of a local prison inmate and bomb expert Joe Bang (Daniel Craig) and stage and prison break to free him. They are joined by Joe’s siblings and prepare to put the plan into action. However, the construction work finishes ahead of schedule and forces them to hold the heist earlier on a busier Coca-cola 600 race on a Memorial weekend celebration. Despite several near misses, the heist is successfully carried out but Jimmy leaves part of the money behind and alerts the police so they can retrieve it. After six months, the investigation is closed, Joe is released from prison and finds part of the money purposely sent to him and Jimmy moves in to a new home to be near his daughter. Unknown to them FBI agent Sarah Grayson (Hilary Swank), continued her investigation undercover. 
Soderberg’s direction never fails to bring home the bacon. He cleverly delivers sophisticated hilarity at a pitch perfect timing. There isn’t much uniqueness in the storyline but the storytelling is crisp and distinct. It is an easy read without being too predictable. The movie’s hidden gem is Craig and his totally convincing portrayal of comical bad guy. Chemistry of the main actors are also commendable. However, the cleverness of the narrative was not sustained till the end as the intensity of the pace did not allow for whatever surprise twists needed to be brewed to achieve a more powerful ending. But the movie is undeniably enjoyable and worth one’s time. 
The value of family loyalty is emphasized in the film. It demonstrates that they are the people one can rely come good or bad times, they are the reason why we are willing to go through hell and high water, and they are the rainbow hope after a cruel storm. Cliché as all these may sound, they are true and real for most people. The question is—another cliché—does the end justify the means? The movie, no matter how noble its intentions and objective, used robbery (and a successful one).  It becomes more dangerous as the characters are lovable and sympathy for them is easily won. It is a bit disturbing because, not only did they not get caught, but also they were rewarded for being successful thieves—now what does it connote when put beside the issue of corruption? There are too many disvalues intertwined in the plot that it makes it unsuitable for young audiences. 

Loving in Tandem

DIRECTOR: Giselle Andres  LEAD CAST: Maymay Entrata, Edward Barber, Kisses Delavin, Marco Gallo  SCREENWRITER:  Kristine S. Gabriel, Anj HawPRODUCER:  Charo Santos-Concio, Malou Santos  PRODUCTION CO:  ABS CBN Film Productions, Inc.  SOUNDTRACK:  Michael Pangilinan; Marion Aunor  GENRE: Filipino romantic comedy DISTRIBUTOR:  Star Cinema  LOCATION:  Philippines  RUNNING TIME:   2 hours
Technical assessment: 3
Moral assessment: 3
CINEMA rating: V 13 (for Viewers aged 13 and below with parental guidance)
MTRCB Rating: PG
Si Shine (Maymay Entrata) ay isang mapagbigay at mapagmahal na kapatid at tiyahin na handang gawin ang lahat para sa kapakanan ng mga mahal niya—maging ang makiparte sa krimen tulad ng padurukot.  Sa insidenteng ito magiging biktima si Luke (Edward Barber),  laking-Amerika at may dugong Amerikano na first time umuwi sa Pilipinas. Sa kalagitnaan ng matinding pagsisisi ni Shine sa nagawa nito kay Luke ay magku-krus ang kanilang landas pagkat nakatira pala ang pamilya ni Luke sa katapat niyang bahay. Dito malalaman ni Shine na ang perang ninakaw ng kanilang grupo kay Luke ay pamasahe nito pabalik ng Amerika sapagkat wala siyang balak magtagal sa bansa; malaki ang galit niya sa kanyang ina (Carmi Martin) at napauwi lamang siya upang magpa-pirma ng ilang papeles. Dahil naging maliit na ang mundo nina Shine at Luke, malalaman din ni Luke ang katotohanan—at sa pagmamakaawa ni Shine, papayag si Luke na bayaran nito ang ninakaw sa kanya sa pamamagitan ng pagpasok sa lahat ng trabahong ipapagawa ni Luke. Hanggang kailang magiging alipin si Shine ni Luke? Maging alipin din kaya sila ng kanilang mga puso sakaling mahulog ang loob nila sa isa’t-isa?
Kung sa pagpapatawa ang pag-uusapan, naging matagumpay ang Loving in Tandem. Maraming nakakatawa at nakakatuwang eksena na talaga namang hahagalpak sa tawa ang manonood,  May mga ilang iyakan din na nakakaantig ng damdamin. Ngunit kung kilig ang titingnan—tila yata marami pang kulang. Bagama’t maituturing nang mahusay ang baguhang tambalang Maymay Entrata at Edward Barber—nagkulang pa rin ang pelikula sa pagpapalawig ng pagmamahalan ng dalawang pusong magkaiba ang pinanggalingan at magkaiba sa lahat ng bagay. Nagkulang sa hagod ang kuwento kung patungkol sa mga karakter nila Shine at Luke ang pag-uusapan. Tila baga lagi na lang si Shine ang panalo kahit pa gawin siyang alipin dahil sadyang napaka-guwapo para sa kanya ni Luke. Hindi patas ang turing at laging may paga-alinlangan—pag-ibig nga ba ito? Masyado ring maraming sanga-sanga ang kuwento at di malaman kung ano ba talaga ang pinaka-sentro nito at nais sabihin sa kabuuan.
Maraming mensahe ang Loving in Tandem patungkol sa pamilya. Nariyan ang pagpapatawad at pagmamahalang wagas na makikita lamang sa loob ng pamilya. Nariyan din ang matinding pagsasakrispisyo ng isang kapamilya alang-alang sa kinabukasan ng mga mahal sa buhay. Angat ang karakter ni Shine bilang mapagbigay at matiising kapatid at tiyahin—at sumunod ay bilang kaibigan at nobya. Isang magandang huwaran siya para sa mga kabataan. May aral din ang pelikula ukol sa pagmamahal sa sarili. Lubos namang nakababahala ang tila mababaw na pagtanaw nito sa kriminalidad—at ginawa pa sa loob ng isang kilalang simbahan. Nakababahala na nagbibigay ang pelikula ng imahe na tila  walang ginagawang aksiyon ang simbahan man o awtoridad upang masugpo ang krimen. Iniwan lamang sa ere ang usaping ito na para bang kaswal na gawain o problema lamang. Ang pagturing sa mga kababayan nating Pilipina na “panalo” kapag nagustuhan o kinasintahan ng isang banyaga ay tila nakababahala din…nariyang sabihin ng pabiro—“isang kababayan na naman natin ang  nakaahon sa lusak”—isang birong tila hindi nakakatuwa. Sana lang ay maging mas sensitibo pa ang mga pelikula sa ganitong mensahe. Ngunit wagas naman at dalisay ang ipinakitang pagmamahalan ng dalawang bida at sa bandang huli ay lumutang ang kahalagahan ng pamilya kung kaya’t maituturing na katanggap-tanggap naman ang Loving in Tandem sa kabuuan—dapat lamang gabayan ang mga batang manonood at kailangang maging mapanuri sa mga nakatagong mensahe.