Wednesday, October 19, 2016

The Third Party

-->
DIRECTOR: Jason Paul Laxamana  CAST:  Angel Locsin, Sam Milby, Zanjoe Marudo, Matet De Leon,  Cherry Pie Picache  WRITER: Charlene Sawit-Esguerra & Patrick John Valencia  STORY:  Enrico Santos  CINEMATOGRAPHY: Dexter Dela Pena  EDITOR: Noah Tonga  MUSIC: Jesse Lasatin  PRODUCER:  ABS CBN  DISTRIBUTOR:  Star Cinema  GENRE:  Romance Dramedy  LOCATION : Philippines  LANGUAGE:  Filipino
RUNNING TIME: 119 mins.
Technical assessment:  3
Moral assessment:  2
CINEMA rating:  V18
MTRCB rating:  R13
Sabay na magtatapos sa kolehiyo na puno ng pangarap ang magkaklase at magkasintahan na sina Andy (Angel Locsin) at Max (Sam Milby). Subalit lingid sa kaalaman ni Andy ay nakapasa pala sa scholarship sa ibang bansa si Max at doon magpapatuloy ng kursong medisina. Hindi ito matatanggap ni Andy at magpapasya itong mag-break na lamang sila bago umalis ni Max. Kapwa sila masasaktan sa pasyang ito, pero hindi ito magiging hadlang para magpatuloy sila sa kani-kanilang buhay. Makalipas ang ilang taon ay magbabalik si Max sa bansa at kokontakin si Andy. Masaya si Andy sa balita at may pananabik na makikipagkita nga siya sa dating nobyo, subalit ang pananabik ay mapapalitan ng pagkabigla at dismaya dahil malalaman niya na bakla na si Max at kasama ang karelasyon niyang si Christian (Zanjoe Marudo) na ipapakilala pa sa kanya. Kaalinsabay nito ay iba pang tila kamalasang darating sa buhay ni Andy—iiwan siyang buntis ng boyfriend at business partner at tatangayin pa nito ang opisyal na pondo ng opisina para sa event project nila.  Masisisante siya sa trabaho, palalayasin siya sa inuupahang apartment dahil di siya makakabayad—nangangailangan pa naman siya ng malaking halaga para sa placement fee niya pagpunta sa Australia. Sa kagipitan tatakbo siya kay Max para humingi ng tulong na di naman siya mabibigo dahil mismong si Christian ang umakong sasagutin ang lahat ng pangangailangan niya sa pera sa kondisyong ipapaampon ni Andy sa kanila ang ipinagbubuntis nito.

Maayos ang build-up ng mga tauhan sa kwento ng Third Party. Hindi tipikal na love triangle  ang pelikula katulad ng karaniwang ipinapakahulagan sa cliché na “third party.”  Bagamat magiging predictable ang wakas, kaabang-abang pa din ang naging trato ng direktor sa mga eksena. Mahusay ang mga pagganap ng halos lahat ng pangunahin at katulong na artista. Lutang na lutang sa pagganap ni Locsin ang background ng karakter ni Andy. At natural na lumabas ang pagkaasiwa niya sa mga eksena ng relasyon ng dalawang bakla.  Nakakaaliw ang disensyo ng produksyon gayundin ang make-up at costume.  Mahusay ang mga kuha sa loob o labas ng bahay at sa mga detalye dito, sa mga clothing designs, at mga pagpapakita ng emosyon na masaya, masakit, malungkot, pagkabigla, pagkainis, pagsisisi, atbp.  Tama lamang ang mga pag-iilaw pati mga tunog na nilapat. Sa kabuuan ay maayos ang teknikal na aspeto ng pelikula, maliban lamang sa labis na mahahabang eksena ng pag-uusap sa isang banda, at sa kabila nama’y kulang na pagpapalalim ng usapan o pagpapaliwanag sa mga desisyon, tulad ng napakabilis na reconciliation ng mag-ina.  Madalas sa pelikula ang paggamit ng luha (ng babae man o bakla) upang isaad ang nararamdaman—sa ganang CINEMA, hindi bale sanang mababaw ang luha basta’t malalim ang pinanggagalingan.  Hindi namin nakita ang lalim na iyon, pagka’t parang minamadali ang mga eksenang magbibigay-katarungan sa bumabahang luha.

Hindi maiaalis na maghihinakit ang anak sa magulang na nag-abandon sa kanya.  Sa Third Party, tila pinalalabas na ito ang isang dahilan kung bakit tinatanggihan ni Andy ang pagbubuntis niya.  Bagama’t ito may may base sa mga totoong nangyayari, hindi ito ang dapat gawing “excuse” sa pagbubuntis nang wala sa panahon, sa pag-ulit ng kuwento ng pagkakamali ng magulang sa anak, sa pagtigas ng puso sa inang nagsusumamo.  Si Andy, kung hindi pa nabuntis, minalas-malas at nagipit, ay hindi lalapit sa ina. Isa pang mensahe ng The Third Party ay: katanggap-tanggap  ang relasyon ng dalawang kapwa lalaki at mag-asam na umampon ng sanggol upang makabuo ng pamilya.  Maaari nilang samantalahin ang sitwasyon ng isang taong nangangailangan upang matugunan ang pag-aasam na ito.
Napakabilis din ng pakikipagpalagayang-loob ni Andy kay Max na first love at first heartache pa man din niya, matapos siyang gulantangin nito sa balitang siya’y isa nang bakla.  Mahalaga sa mga Pilipino ang delikadesa, ngunit ang pagsunggab ni Andy sa alok na set-up ni Christian ay hindi nagpapakita ng delikadesa—sagot ninyo lahat ng gastos at luho ko, sige, inyo na baby ko.  Para bang “if the price is right, go!”  Halata na wala sa bokabularyo ng pelikulang ito ang delikadesa dahil nakatutok ito sa mensahe ng acceptance kaya pinalalabas na normal na sitwasyong ito.  Turo ng ating Simbahan ang pagtanggap sa kapwa anuman ang pagkatao o sexual orientation, pero hindi ibig sabihin ay katanggap-tanggap na din ang mga gawaing taliwas sa karapat-dapat.  Sensitibo ang mga temang tinalakay sa pelikula—teenage marriage, premarital sex, abortion, same sex relationship at adoption—at dahil idinaan sa komedya ang mga maseselang bahagi ng pelikula, maaring makalito ito sa mga murang isipan.  Nang manood ang CINEMA, napuna naming magkahalo ang reaksiyon ng mga tao sa paghahalikan ng dalawang lalaki—may tumitili, may nagsasabi ng “Kadiri!”  Ngunit sa parteng nadatnan ni Andy sa nakaka-kompromisong posisyon sa kama, nagtawanan lamang ang audience sa inarteng reakisyon ni Locsin.  Maging pamanuring manonood tayo.  Hindi lahat ng nakakatawa ay katawa-tawa.

The Girl on the Train

Direction: Tate Taylor; Cast: Emily Blunt, Rebecca Ferguson, Haley Bennett, Justin Theroux, Luke Evans; Story based on the novel by Paula Hawkins with the same title; Screenplay: Erin Cressida Wilson; Cinematography: Charlotte Christensen; Editing: Michael McCusker, Andrew Buckland; Music: Danny Elfman; Producers: Marc Platt; Genre: Mystery;  Location: New York; Distributed :Universal Pictures  Running Time: 112 minutes;  
Technical assessment: 3.5 
Moral assessment: 2  
CINEMA rating: V18 
MTRCB rating: R16 
Rachel (Blunt) has turned to alcohol after she learns she is sterile. She has frequent blackout which, according to her husband Tom (Theroux), brings out a destructive monster in her. She believes that these caused Tom to cheat on her with his real estate agent Anna Boyd (Ferguson) and eventually divorce her. Rachel aimlessly spends her day riding a train that passes by their old house. As she looks through the train window, she fantasizes of a perfect marriage represented by Tom’s neighbor Megan (Bennett) and Scott (Evans). Her illusion is shattered when she witnesses what seems to be a betrayal of Megan and ultimately leads her to confront her own pain. In reality however, Scott is aggressive and controlling while Megan is detached and unfaithful. But the bigger secret is revealed when Megan mysteriously disappears and Rachel struggles to find out the truth behind the crime and about her marriage. 
The Girl on the Train is an adaptation of Paula Hawkin’s book with the same title.  While movie’s narrative explores the struggles of motherhood and a scorn woman’s pain, it remains hollow and stereotyped. Weaving through time achieves a sense of mystery as realities unfold, the shallowness of characters make it quite predictable. Theroux’s Tom was a giveaway and Bennett’s Megan was too well polished to be relatable. However, Blunt pulls through and delivers a profoundly multi-faceted performance. Editing is well paced and pieces a seamless storyline told from three perspectives in distorted timelines. Production design and other artistic components are well placed, neither takes away or adds any other value other than being part of the narrative’s text. While director Tate Taylor constantly fills the screen with close ups and tight shots, the claustrophobia does not deliver enough mystery or tension. The film’s first half is a bit too confusing and the second half a bit too obvious for it to rank among the must-see book-turned-film genre. 

The Girl on the Train paints a portrait of broken marriages, domestic abuse, promiscuity, deception, substance abuse, and violence. Even for the more mature viewer, this might not be the best choice for a weekend entertainment because while it poses to explore the struggles of wives who are abused physically and emotionally, it negates to make a stand against the abusive husbands and stereotyping of society. It justifies alcoholism and promiscuity with marital and motherhood issues. The final act moves from self defense to vengeance yet is presented in a manner that satiates one's lust for violence as manifested by the low chuckles as the reaction of majority of the viewers. This final scene makes an immoral statement, and confuses with justified self defense, making it more dangerous. A certain degree of maturity and grounding in morality is needed to be able process the theme, particularly the way by which the conflict is resolved.

Thursday, October 13, 2016

Inferno

DIRECTOR: Ron Howard  LEAD CAST: Tom Hanks, Felicity Jones, Irrfan Khan, Ben Foster, Sidse Babett Knudsen  SCREENWRITER: David Koepp  PRODUCER:  Brian Grazer, Ron Howard  EDITOR:  Tom Elkins, Daniel P. Hanley  MUSICAL DIRECTOR:  Hans Zimmer  GENRE: Mystery and Suspense  CINEMATOGRAPHER:  Salvatore Totino  DISTRIBUTOR: Sony Pictures  LOCATION:  Turkey (Istanbul); Italy (Florence, Tuscany, Venice, Veneto); Hungary (Budapest)  RUNNING TIME:   122  minutes
Technical assessment: 3.5
Moral assessment: 2.5 
CINEMA rating:  V14
MTRCB rating:  PG
Geneticist billionaire Bertrand Zobrist (Ben Foster) in his well-attended lectures blames the evils in the world to overpopulation.  Subscribing to the idea that the Black Plague that thinned out the world’s population eventually opened the way to the Renaissance, he creates a poison-bomb that will kill half the world’s population in order to save the other half.  Instead of detonating it to release the virus, Zobrist hides the virus, embeds a trail of clues in Sandro Boticelli’s painting of La Mappa dell’inferno, then kills himself.  The bomb’s location is what symbologist Dr. Robert Langdon (Tom Hanks) and Dr. Sienna Brooks (Felicity Jones) are out to find despite threats to life and limb from other entities in pursuit of the bomb.  Just who the bad guys are, you’ll know towards the end.
Based on Dan Brown’s novel “Inferno”, the movie does not purport to be a faithful copy of the book.  It’s the third of Brown’s Robert Langdon series (Da Vinci Code and Angels and Demons), and because the novelty is wearing off, a fourth just might strike viewers as an Easter egg hunt for adults.  This is not to say there’s nothing interesting in Inferno.  Actors did their parts well, notably Khan; Hanks is true to character and arouses sympathy, while the women are convincing in their toughie roles. Production design is excellent; lighting, sound and music enhance the emotional quality of the scenes; good editing pulls the movie into a coherent whole.  It’s obvious that Brown has a penchant for puzzles but screenwriter David Koepp and director Ron Howard must have deemed it smarter to give Inferno their own twist by liberally changing some vital elements in the story.  Also, they may have avoided offending a chunk of the market by totally cutting off the book’s reference to Manila as “the gates of hell.”
Inferno is another good-vs-evil movie that shows how good humans can be at being bad.  The theory that over-population is the sole cause of human misery is championed by a scientist with questionable ethics.  (In real life, scientists with questionable ethics are joined by misguided legislators who push a misleading “reproductive health” agenda on behalf of big pharmaceutical companies. It’s complicated.)  In this movie, the issue becomes almost simplistic: there is an extended confrontation between two lead characters wherein one says that saving the lives of some cannot be justified by extinguishing the lives of many.  That might pass for being Inferno’s statement but it leaves to older viewers the responsibility of explaining it to younger ones.  Not such an odious job, considering that watching Inferno means a trip pass to the interiors of museums and churches in the gorgeous cities of Venice, Florence, and Budapest. 

Wednesday, October 5, 2016

Ang Babaeng Humayo

DIRECTOR: Lav Diaz  LEAD CAST: Charo Santos-Concio, John Lloyd Cruz, Michael De Mesa  WRITERS: Lav Diaz (screenplay), PRODUCERS: Lav Diaz, Ronald Arguelles  EXECUTIVE PRODUCER: Ronald Arguelles  FILM EDITOR: Lav Diaz  GENRE: Drama  CINEMATOGRAPHY: Lav Diaz  PRODUCTION DESIGN: Popo Diaz  COSTUME DESIGNERS: Kim Perez, Kyla Domingo  SOUND DESIGNERS: Che Villanueva, Corinne de San Jose  PRODUCTON COMPANY: Cinema One Originals, Sine Olivia Pilipinas  DISTRIBUTED BY: Star Cinema  LOCATION: Mindoro, Philippines  COUNTRY: Philippines  LANGUAGE: Filipino, English  RUNNING TIME: 226 minutes
Technical assessment:  3
Moral assessment:  2.5
MTRCB rating:  R16
CINEMA rating:  V18
Taon 1997, sa ika-30 taon ng pagkakakulong ng gurong si Horacia Somorostro (Charo Santos), matatanggap niya ang balita ng pagpapawalang sala sa kanya at ng kanyang ganap na paglaya. Pagbabasehan ng utos na ito ang pag-amin ng tunay na salarin, si Petra (Shamaine Buencamino) na pinakamalapit niyang kaibigan sa correctional. Mapapag-alaman ni Horacia na ang utak ng kanyang pagkakasakdal ay ang dati niyang kasintahang si Rodrigo Trinidad (Michael De Mesa), ang maimpluwensya at mayaman sa kanilang lugar, na gusto siyang paghigantihan dahil sa pagpapakasal niya sa iba. Sa kanyang paglaya ay babalikan ni Horacia ang kanilang bahay sa Bataan.  Makikipagkita siya sa anak na si Minerva at malalaman niyang pumanaw na ang kanyang asawa, at nawawala naman ang panganay niyang anak, isang lalaki. Tatanggihan ni Horacia ang hiling ni Minerva na magkasama na sila pagkat balak niyang hanapin ang nawawalang anak at maghiganti  kay Rodrigo.  Sa pamumuhay mag-isa ni Horacia ay may mga taong kapus-palad na gagawan niya ng kabutihan tulad ng baklang may epilepsya na si Hollanda (John Lloyd Cruz), ang muret na Mameng (Judith Javier), ang magbabalot na si Kuba (Nonie Buencamino), at ang may karinderia na si Nena (Maven Estanero).
Nanalo ng pangunahing gantimpala na Golden Lion Award sa 2016 Venice Film Festival ang pelikulang ito na binigyang inspirasyon ng “God Sees the Truth But Waits” isang maikling kuwento ni Leo Tolstoy. Madaling sundan ang kwento ng Ang Babaeng Humayo.  Malinaw na maipapakita sa pamamagitan ng voice over ang mga kaganapan sa malawak na lipunan noong 1997, kasabay ng mga kaganapan sa buhay ni Horacia—isang papel na buong husay na ginampanan ni Santos.  Naging epektibo ang paggamit ng black and white sa pagsasalamin ng mga nakalulungkot na realidad ng kalagayang sosyo-politikal ng lipunan.  Mahaba sa karaniwan ang pelikula, halos apat na oras na walang makikitang kulay; halatang sadyang hinabaan ng direktor ang mga kuha ng kamera upang bigyan-diin ang mga mensahe na nais nyang ipahatid. Dalawang bagay ang maaaring maging resulta nito sa manonood—makapag-nilaynilay sa isinasaad na mensahe, o kaya ay mainip at tuluyang makatulog. Sa kabila ng kawalan ng kulay ay mahusay ang mga komposisyon. Long shots at madidilim ang karamihan sa mga ito pero dama ang emosyon. May hatid na suspense ang mga kilos ni Horacia para makapaghiganti at kaabang-abang kung maisasakatuparan niya ito kaalinsabay ng mga kabutihang loob niya sa mga kapus-palad. Nakaaaliw ang mga inilapat na tunog na natural ang mga dating tulad ng mga motor, huni ng ibon, paglalaba, paghahalungkat, mga daing at pighati. Ang lalong panalo ay ang lighting o pag-iilaw lalo na ang mga eksena na kailangang magpakita ng literal na ilaw o bombilya. Sa isang black and white na pelikula ay sa lighting talaga maaaring maglaro ang direktor at epektibong nagawa ito ni Diaz.

Nakababahala ang kawalan ng katarungan katulad ng nangyari kay Horacia, na biktima ng saliwang hustisya, bagama’t pinakita sa pelikula na naging mabuting preso siya dahil ipinagpatuloy niya sa loob ng piitan ang kanyang propesyon sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga kapwa preso. Nakababahala rin na inabot ng 30 taon bago makonsyensya at umamin si Petra, at sa halip na humingi ng tawad sa matalik na kaibigan ay minabuti pa nitong magpakamatay. Higit pang nakababahala na sa kanyang paglaya at pagharap sa bagong buhay, ay mas pinili pa ni Horacia na maghiganti kay Rodrigo. Bagamat tila likas ang kabutihan sa kanya at naipakita yon sa mga kawanggawa niya sa mga kapus-palad na nakilala niya at naging kaibigan sa kanyang paglaya, ay di maiwasang lumutang din ang angulo na pakana lamang ni Horacia ang mga iyon para makakuha ng impormasyon tungkol kay Rodrigo at lalong makadiskarte kung paano niya mapapatay ito. Sa bandang huli ay naitulak pa niya ang walang kinalaman na si Hollanda na isakatuparan ang balak niya at maging dahilan upang tuluyang mawalan ng tirahan ang mga mahihirap. Nagpakita ba naman ng ispiritualidad ang pelikula? Mula sa mga presong sama-samang nagdarasal, maraming eksena sa simbahan, pagsisikap ng kontrabida na magtapat sa pari, at mga pagbabahagi ng magbabalot tungkol sa kanyang pananampalataya—sa mga ito’y pinahiwatig ng pelikula na mayroong Diyos. Subalit sa kabila nito, walang ipinakitang transformation sa lipunan man o sa mga tauhan sa pelikul, bagkus puro paghihiganti lamang ang hangad—si Rodrigo na masayang umamin na di siya nagsisisi sa ginawa niya kay Horacia, si Horacia na mangdadawit pa ng iba makaganti lamang kay Rodrigo, at ang magbabalot na sumumpang maghiganti sa mga pumatay sa ama niya.  Sa pagtatapos, nauwi pa ang pelikula sa isa pang murder, sa pagkakadakip sa isang taong pumatay sa biktimang wala namang kasalanan sa kanya.  Pagka’t patay na si Rodrigo, humayo na si Horacia, malaya, hinahanap naman ang nawawalang anak.  Nakakahinayang na gugulin ang mahabang oras at dobleng halaga ng tiket sa temang ito ng pelikula.