Friday, June 18, 2010

Letter to Juliet

ASSESSMENT ONLY
Cast: Amanda Seyfried, Vanessa Redgrave, Chris Egan, Gael Garcia Bernal; Director: Gary Winick; Producers: Mark Canton, Caroline Kaplan, Ellen Barkin; Screenwriters: Jose Rivera, Tim Sullivan; Music: Andrea Guerra; Editor: Bill Pankow; Genre: Romance, Drama, Comedy; Cinematography: Marco Pontecorvo; Distributor: Summit Entertainment; Location: New York/ Italy; Running Time: 105 min.;

Technical Assessment: 3.5
Moral Assessment: 3
CINEMA Rating: For viewers 14 and above

BRIEF FILM SYNOPSIS

When a young American travels to the city of Verona, home of the star-crossed lover Juliet Capulet of Romeo and Juliet fame, she joins a group of volunteers who respond to letters to Juliet seeking advice about love. After answering one letter dated 1951, she inspires its author to travel in search of her long-lost love and sets off a chain of events that will bring into both their lives unlike anything they ever imagined.

Sophie (Seyfried), a current fact-checker and aspiring writer is spending a bleak pre-honeymoon with her workaholic-chef fiancĂ©, Victor (Bernal) in Tuscany. While he parages himself throughout Italy’s finest eateries in search of authenticity, Sophie stays in Verona where she visits “Juliet’s” charmed abode. There, she discovers dozens of letters hidden within the courtyard walls from love-struck women all over the world, and is so taken by one from Claire (Redgrave), dated back to 1957, that she responds to it. Recognizing a story opportunity, Sophie meets Claire. The two, along with Claire’s painfully uptight grandson Christopher, emback on a quest to find out which of the 74 Lorenzo Bartolinis in Tuscany is the long lost subject of Claire’s letter.

ADDITIONAL REMARKS: It’s a clean movie but subject matter is not for children.

I'll Be There

Cast: Gabby Concepcion, KC Concepcion, Jericho Rosales; Director: Maryo J. De Los Reyes; Producers: Charo Santos-Concio, Malou N. Santos; Screenwriters: Athena Aringo, Melissa Mae Chua, Anjeli Pessumal; Music: Jesse Lucas; Editor: Tara Illenberger; Genre: Drama: Cinematography: Gary Gardoce; Distributor: Star Cinema Productions; Location: Philippines;

Technical Assessment: 3
Moral Assessment: 3
CINEMA Rating: For viewers 14 and above

Ulila sa ina si Maximina Dela Cerna (KC Concepcion), baguhang New York-based fashion designer, at lumaking di kapiling ang ama dahil iniwan sila nito sa Amerika at hindi na tinupad ang pangakong babalikan sila. Nang mabulilyaso ang inutang niya capital para sa pagsisimula ng career sa fashion ay biglaan siyang umuwi sa Pilipinas at kinontak ang nawalay niyang ama na si Pocholo Dela Cerna (Gabby) upang kunin ang parte ng mana niya sa naiwang conjugal property ng ina. Pawang galak at kasabikan sa anak ang naramdaman ni Poch samantalang galit at hinanakit ang namamayani naman kay Maxi (a.k.a Mina). Saglit na ipinagdamdam ni Poch nang hayagang sabihin ni Maxi na pera ang dahilan ng pakikipagkita niya sa ama, subalit nangingibabaw ang pagnanais niyang makabawi sa nawalay na anak at mapagbigyan ang nais nito. Naisip ni Poch na ipagbili ang lupain sa mga interasadong banyagang investor subalit kailangang bigyan ng panahon ang pagsasaayos ng mga papeles. Dahil dito ay napilitan si Maxi na mamalagi sa poder ng ama habang hinihintay ang kailangang halaga. Sa pamamalagi ni Maxi sa ama ay nakilala niya ang binatang ama na si Tommy (Jericho Rosales). Dahil sa mapapait na karanasan sa mga taong nang-iwan sa kanya ay tinagurian siyang “angry lady” at di man lang siya naging magiliw sa kanyang pakikitungo. Ano ang kahihitnan ng muling pagsasama ng estrangherong mag-ama? Ano ang magiging kaugnayan ni Tommy sa buhay nilang mag-ama?

Walang bago sa kwento ng pelikula, lalo na at di maiwasan na masalamin dito ang totoong buhay ng mga pangunahing tauhan bilang nagkawalay na mag-ama. Subalit may diin ang mga linya at kahit papaano ay naipakita ang emosyon ng galit at hinanakit lalo na sa parte ni Maxi, samantala emosyon ng pananabik ang lumutang sa parte ni Poch. Mahusay ang trato ng Direktor sa magkahalong komiko at drama. Markado rin ang kaswal na karakter ni Tommy. Maganda ang disenyo ng produksyon na tila hinahatid ang manonood sa mapayapang pagtatapos ng kwento kahit na sa mga madamdaming tagpo. Nakakaaliw ang sinematograpiya kung saan pinapakita ang yaman ng kalikasan at detalye ng paggawa ng tuba. Panalo ang inilapat na musika sa pagpapalabas ng damdamin. Akma lamang ang ilaw at di kinailangan ang maraming effects. Sa kabuuan ay maayos ang teknikal na aspeto ng pelikula at nakatulong sa pagbibigay ng saysay sa gasgas na kwento, bagama’t ang ilang bahagi nito ay nakakaantok sa bagal ng pag-usad ng mga eksena.

Nagiging ganap na malaya ang tao kung wala siyang kinikimkim na anuman nakapagpapabigat sa kanyang kalooban katulad ng galit, sakit, o panghihinayang. Ang mga ito ay dapat na hinaharap ng may pagtanggap, pagpapakumbaba, pagpapatawad at tapang na magpatuloy sa buhay na taglay ang pag-asa hatid ng bukas sa kabila ng lahat. Responsibilidad ng ama bilang magulang na suportahan, alagaan at gabayan sa paglaki ang anak hanggang sa kaya na niyang dalhin ang kanyang sarili. Kung magkaroon man ng problema ay dapat hinaharap at di tinatakasan. At kung may pangako ay dapat tuparin. Sa mga aspetong ito ay naging duwag ang ama sa kwento, at naging makasarili nang bawiin ang pangako na gawan ng paraan ang kailangang halaga ng anak. Sa kabila ng lahat ay di maikakaila ang lukso ng dugo. May punto ang pelikula na ang unang hakbang ng pagkakasundo ng mag-ama ay ang sama-sama nilang pagsimba at bigyan-diin ang parte ng pagbati ng kapayapaan sa isa’t isa. Sa bandang huli, ang anak na nangulila sa kalinga ng ama at ama na nais bumawi sa nawalang panahon ay nakita ang mga sarili na magkaugnay habang buhay.

Friday, June 11, 2010

Emir

ASSESSMENT ONLY
Cast: Frencheska Farr, Sid Lucero, Julia Clarete, Jhong Hilario, Dulce, Bayang Barrios, Bodjie Pascua, Gigi Escalante, Beverly Salviejo, Liesi Batucan, Melanie Dujunco, Kalila Aguilos; Director: Chito S. Rono; Producer: Film Development Council of the Philippines (FDCP) & Cultural Center of the Philippines (CCP); Screenwriter: Jerry Gracio; Music: Chino Toledo; Genre: Musical/ Drama; Location: Philippines and Middle East; Running Time: 145 mins;

Technical Assessment: 3.5
Moral Assessment: 3
CINEMA Rating: For viewers 14 and above

BRIEF FILM SYNOPSIS

EMIR tells the story of Amelia, a Filipina, who decides to work abroad to help her family. She is the nanny of the Sheik’s newly born son, Ahmed. Amelia sees Ahmed growing up, introduces him to the culture, values and language of the Philippines. She acts as surrogate mother to the young prince and will sacrifice everything to protect him.

ADDITIONAL REMARKS: The positive and negative elements faced by overseas Filipino workers (OFW): exposure to other cultures abroad while supporting one’s family in the Philippines, but there is risk to life and family.

Killers

Cast: Ashton Kutcher, Katherine Heighl, Tom Selleck, Catherine O’Hara, Katherine Winnick, Kevin Sussman; Director: Robert Luketic; Producers: Scott Aversano, Jason Goldberg, Mike Karz, Ashton Kutcher, Chad Marting, Christopher S. Pratt, Josie Rosen; Screenwriter: Bob de la Rosa, Ted Griffin; Music: Rolfe Kent; Editor: Richard Francis-Bruce, Mary Jo Markey; Genre: Comedy/ Action/ Drama: Cinematography: Russell Carpenter; Distributor: Lionsgate; Location: USA; Running Time: 99 mins;

Technical Assessment: 2.5
Moral Assessment: 2.5
CINEMA Rating: For viewers 14 and above

Nursing a broken heart after a recent failed relationship, Jen (Katherine Heigl) vacations in Nice, France with her protective parents Mr. and Mrs. Kornfeldt (Tom Selleck and Catherine O’Hara). Jen convinces them to let her be more independent with a different schedule or agenda. She meets a handsome hunk Spencer Ames (Ashton Kutcher) who says he is some kind of consultant. They fall in love and marry. They live a bland, contented suburban life, with Spencer getting along well with his in-laws and friends in the community. Unknown to Jen, Spencer lives a secret life as a superagent-spy-hitman who takes orders from a mysterious boss who pays well and gives complicated instructions through a cellphone or other unconventional ways. After three years of living a placid existence, Spencer is viciously attacked on various occasions by close friends and neighbors for no apparent reason. He suspects a price has been put on his head after he had lain low for sometime from his secret job. Jen demands to be enlightened about this turn of events, wanting to know who her husband really is and what he does. But Spencer can tell her only so much because, he said, of a possible risk to her life if she knows more. While having doubts about Spencer, Jen helps him in the deadly fights and even saves his life though she is frightened of guns. Both now try to figure out these mysterious attack and threats to life. Will they succeed?

The opening scenes of Killers immediately spark the viewer’s interest because of the breathtaking lovely scenes of Nice effectively shown to advantage as the panning camera also tracks a running red car. But this so-called comedy falls flat on its face, so to speak, in the first hour or so when nothing happens, no excitement, no witticism, no laughs. When the fighting erupts, it is so vicious and violent, it seems like we have an action picture. Then the film ends just as placidly as it began. This non-sensical movie puts to waste the talents and acting expertise of its actors. Take for example, Tom Selleck. Here, sort of a gruff but charming doting Daddy. Well, he is underutilized. So with our female lead, beautiful Katherine Heighl who had successfully performed other substantial roles before. Ashton Kutcher, as expected has looks and charm but he kills instead and doesn’t have a chance to do any comedy. Not much to commend in this forgettable picture.

In a way, Killers reflects the present times when quite a member of people opt to kill for a living. Ashton Kutcher, in this movie may be a cut about the usual guns for hire as he is employed in an agency (perhaps the CIA?) that gives him “jobs” to do a la 007 James Bond. But killing is wrong per se, no matter how legitimate or worthy is the motive, unless it is done in self defense. Speaking of killers for hire in our midst, it is said, they will kill even for a measly P5, 000. (That’s how cheap human life has become). After all, with the use of masks and unplated get away motorcycles, they are hardly caught and made to answer for their crime. This is a crime that cries to Heaven for justice and perhaps government as well as well meaning citizens should get together to find a solution to this problem that is getting to be more serious and pervasive. Aside from the over-the-top violence for this kind of picture, there is sensuality though there are no explicit sexual scenes.

Saturday, June 5, 2010

Noy

Cast: Coco Martin, Joem Bascon, Baron Geisler, Cherrie Pie Picache, Erich Gonzales, Vice Ganda; Director: Dondon Santos; Producers: Arnel Nacario, Katherine Catalan; Screenwriter: Francis Pasion; Genre: Drama/ Docu: Distributor: Star Cinema; Location: Manila; Running Time: 100 mins;

Technical Assessment: 2.5
Moral Assessment: 2.5
CINEMA Rating: For viewers 14 and above

Dala ng matinding kahirapan, si Noy (Coco Martin) ay mamamasukan sa isang malaking TV station bilang isang journalist gamit ang pekeng diploma at ipinagawa sa ibang demo reel. Agad bibilib sa kanya ang producer (Vice Ganda) at ibibigay sa kanya ang isang napakahalagang proyekto- ang dokumentaryo ukol sa kampanya ni Senador Noynoy Aquino. Susundan niya at kakapanayamin ang senador sa pangangampanya nito sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas. Sa simula ng kanyang trabaho’y katakot-takot na pang-iinsulto ang matataggap niya sa producer pagkat pawang hindi niya alam ang trabaho ng isang mamamahayag. Ngunit kalaunan ay magagamay na rin niya ito. Ang paggawa niya ng dokumentaryo ukol kay Senador Noynoy ay magbubukas sa kanya ng marami pang oportunidad at unti-unti’y matutulungan na niya ang kanyang pamilyang nakalubog ang bahay sa tubig baha dala ng bagyong Ondoy. Ngunit habang naaabot na niya ang pangarap na makaahon sa hirap, saka naman magdadagsa ang kanyang problema sa pamilya at pag-ibig. Dagdag pa dito, ang peligro na maaari siyang mabuko sa mga pineke niyang dokumento at maalis sa trabaho.

Isang malaking pagsasayang ang pelikula. Sayang sapagkat kitang pinagbuhusan ng maraming talino ang pagbuo nito. Maraming ninais gawin at ipahiwatig ang Noy ngunit pawang sumabog ito sa kabuuan at hindi naipahatid ang kaukulang mensahe sa mga manonood. Sa umpisa’y kaiga-igayang panoorin ang mga palitan ng eksenesang drama at dokumentaryo. Kahanga-hangang nagawa ng pelikulang pasukin ang mundo sa likod ng mga kampanya ng mga kandidato para sa eleksyon. Ngunit hindi nito naipahiwatig ang nais nitong ipakahulugan. Pawang mahuhusay lahat ng nagsiganap. Yun nga lang, mas magiging epektibo siguro ang pelikula kung hindi mga artista ang ginamit na karakter kundi mga totoong tao na may totoong kuwento. Sadyang mahirap lang papaniwalain ang manonood sa mga bahaging dokumentaryo ng pelikula kapag ipinapalabas na ang kathang-isip na kuwento na ginagampanan ng mga artista. Naging pawang melodramtiko rin ang dating ng maraming eskena na taliwas sa dapat sana’y dokumentaryo nitong pamamaraan ng pagkukuwento. Ang naging resulta tuloy sa bandang dulo’y pagkalito sa kung ano ba talaga ang gustong palabasin ni Noy. Isa ba itong propaganda para sa papasok na pangulo ng bansa? O isa ba itong kuwentong melodramatiko na nagnanais kurutin ang puso ng manonood?

Bagama’t pawang isang malaking propaganda ang pelikula, marami itong ninais ipahiwatig ukol sa pagmamahal sa pamilya at sa bayan. Kahanga-hanga ang karakter ni Noy na handang gawin at isakripisyo lahat alang-alang sa pamilya. Yun nga lang, naging kabaha-bahala pa rin ang kanyang naging pamamaraan. Pinagdusahan man niya ito sa bandang huli’y hindi naging malinaw kung pinagsisihan niya ba ito o hindi. Bagama’t nabanggit din niya’t aminado siya na siya’y kumapit sa kasinungalingan upang maitaguyod ang pamilya, isang malaking katanungan pa rin kung itinuring din ba siyang bayani sa kuwento o hindi. Nariyan din ang maraming isyung pumapalibot sa kahirapan tulad ng droga at krimen. Nakababahalang hindi napaparusahan ang mga tunay na salot ng lipunan. Marahil paraan din ito ng pelikula na ipaabot sa darating na pangulo ng bansa na heto ang kalagayan ng marami sa ating mga kababayan at nararapat lamang na pagtuunan ng pansin. Isang pinaka-nakababahala sa pelikula ay ang pagtatalik sa labas ng kasal na bagama’t nagiging palasak na sa mga kabataan ay talagang nakababala pa rin. Sa bandang huli’y nagsubok ang Noy na magbigay ng pag-asa sa gitna ng kawalang pag-asa. Yun nga lang, sana’y naging mas malinaw pa ang ninais nitong sabihin at hindi nanatili lamang sa idelohikal at astetikong antas na tanging ang mga gumawa lamang ng pelikula ang nakakaintindi at nakakaarok. Dahil sa mabigat nitong tema, minarapat ng CINEMA na angkop lamang ang Noy sa mga manonood na may gulang 14 pataas.